Advertisement
Showing posts with label Pinay Teleserye 4. Show all posts

Thursday, September 09, 2010
Till we Meet Again - Mananahi ka lang -The End
Dear insansapinas,
photocredit: MSNBC
'Till we Meet Again - Mananahi ka lang -The End
Pagkatapos ng aking high school graduation, hindi na ako nagtrabaho sa shop ng fashion designer. May mga issue kami ng mother ko noon. Nasasaktan ang pride niya na bata pa ako ay atat na atat na akong magtrabaho. Para sa kaniya, ito ay sampal sa kakayahan niyang magbuhay ng pamilya bilang isang biyuda.Gusto niya mag-aral muna kami. Dahil may scholarship ako, ahem, kailangan full time akong student.
Sa College naman ay nagkaroon na ako ng barkada na kasing eedad ko. Hindi na mga matatanda sa akin. Hindi na kami nagkita ni Florencia. Hindi ko alam kung napawalang bisa ang kasal nila.
Bumalik lang sa alaala ko ang pagpapawalang bisa ng kasal noong ako ay naging isang sutil nas anak na sa maagang edad ay nag-asawa rin. Banta ng mother ko na puwede niyang ipawalang bisa yon dahil nga ako ay menor. yuk yuk yuk.
Minsan ay naglalakad kami sa T.M. Kalaw ng aking kaibigang abugada. Ang opisina kasi niya ay malapit doon at nakapark ang kotse namin malapit sa library.
Si Florencia ang nakita ko. May kasama siyang batang babae. Marami na siyang puting buhok at pileges sa mukha. Hindi na ako ang kaibigan niyang naka medyas ng puti.Ang medyas ko ay yong hindi mo lang makanti ay tumatakbo na. Imbes na plastic bag ay portfolio ang hawak ko. Naghiwalay na kami noong kaibigan kong lawyer. Sumakay siya sa kotse niya at ako naman ay sa aking kotse. Hindi na ako sumasabit sa jeep para pumunta ng Divisoria.
Inimbitahan ko sina Florenciang sumakay. Kakain kami at magkukwentuhan,
Yong bata pala ay ang inaanak ko sa binyag. Nag-aaral na. Sabi ni Florencia, ako raw ang ginawa niyang role model. (Sa isip ko sana hindi. ohohoy). Tapos ang dami kong utang na Pasko. hehehe
Napawalang bisa raw ang kasal nila ng kaniyang pinsan. Hindi na siya nag-asawa. Inampon na lang niya ang kaniyang pamangkin na pinag-aaral niya.
Nananahi pa rin siya, kung kanikaninong mga couturier. Hindi siya nagtayo ng dress shop. Mahina raw ang kita nito lalo marami ng mga baklang may mga sarili ng label na dinadala ng mga department stores.
Tama raw yong nagpursigi akong nakatapos. Hindi kagaya niya na sa pag-ibig ibinuhos lahat. Wala pang kakuwenta-kuwentang lalaki, Hindi na rin raw siya umuwi ng probinsiya nila.
Malaki na raw ang bahay ng pamilya ng lalaki, Naalala niya noon na sa gulang na labinlimang taon ay lumabas siya ng Maynila. Naging katulong siya, naging serbidora hanggang mag-aral siyang manahi sa isang iskwela sa Quiapo. Una raw ay naglilip lang siya. Nang marami ng tanggap na mga orders ang couturier sa mga artistang kliyente nito, pinilit siyang manahi. Malaki ang kita ng mananahi kasi piraso ang bigay sa kanila. Kung gusto naman nila ay arawan.

Monday, September 06, 2010
The In-laws- Mananahi ka Lang Part 6
Dear insansapinas,
The In-laws- Mananahi ka Lang Part 6
Tuwang-tuwa ako nang malaman kong nakapasa ako sa UPCAT-Diliman. Pumunta ako kay Florencia para naman ako ang magtreat sa kanya.
May bisita siya sa kuwarto. Pinapasok ako ng kaniyang landlady at pinaupo sa sala. Malakas ang hiyawan sa loob. Bukod sa biyenan niya ang babae ay tiya pa niya dahil nga magpinsan sila ng kaniyang pinakasalan.
MANANAHI KA LANG. ABOGADO NA ANG AKING ANAK, ANG LAYO NINYONG DALAWA.KAHIT NA BA IKAW ANG NAGPAARAL, KAYA NAMAN NAMIN SIYANG PAG-ARALIN.
Ano ba ang naririnig ko? Para yatang sa pelikula.
KUNG HINDI MO SIYA DINEMONYO AT NIYAYANG MAGTANAN, HINDI NIYA KAMI IIWANAN. WALANG BISA ANG KASAL NINYO. WALA PA SIYA SA EDAD nang MAGAPAKASAL SIYA SAIYO. WALA KAMING KONSENTE. WALA KANG HIYA. BLAH BLAH
Parang gusto kong sugurin siya sa loob at sabihing mali ang script na binabasa mo. Pareho lang sila ng anak niya. Walang utang na loob. Kahit hindi pa abugado ay mayroon na siyang kinakaruray. (ano ang ibig sabihin nito? ewan ko).
HINDI KA NA MAKAKABALIK SA PROBINSIYA. ITINAKWIL KA NA RIN NG MGA MAGULANG MO. KALAT SA BUONG BAYAN ANG IYONG PAGSASAMANTALA SA AKING ANAK.
Ano raw? Sinong pinagsamantalahan? Eh lalaki yong sa kanila. Nasaan na nga ba yon? BakiT hindi na nagpakita kay Florencia.
Ayon sa kaniyang landlady, mas matanda raw si Florencia sa kaniyang pinsan na pinakasalan niya.
KUNG AKALA MO AY BABALIKAN KA PA NG ANAK KO. NAGKAKAMALI KA. ABUGADA RIN ANG KANIYANG MAPAPANGASAWA. PAWAWALAN NIYA NG BISA ANG KASAL NINYO.

Wednesday, September 01, 2010
The Review - Mananahi ka lang Part 5
Dear insansapinas,
The Review - Mananahi ka lang Part 5
Malapit na ang graduation ko noon sa high school. Busy na ako sa mga admission tests sa iba't ibang university, Nandoon din ang mga finals at mga project na kailangang tapusin.
Halos hindi na ako sumipot noon sa trabaho ko sa fashion designer hanggang kailangan ko nang magpatahi ng aking gagamiting graduation dress. Noong elementary ako, yong pinsan ko ring nagtatrabaho sa fashion designer ang nagtahi ng aking graduation dress. Regalo niya sa akin kasi may medalyang itutusok sa akin. Ang yabang ko noon sa stage. Akala mo model akong naglalakad. Bansot naman. Buti walang tumapilok sa akin.
High school, meron na akong tela. Binili ko sa Divisoria. Kailangan ko na lang ang mananahi, Kahiya naman sa aking pinsan.Matanda na siya at marami ang tanggap na tahiin. Teka, bakit ba istorya ko na naman ang isiningit ko. Break.
Si Florencia na lang ang pag-asa ko. Wala siya sa shop. Hindi raw pumasok. Naguilty naman ako. Hindi ko na nga siya nakukumusta, Pumunta ako sa bahay nila.
Sinalubong ako ng kaniyang landlady. Hindi nagsasalita. Panay lang muwestra sa akin...iyak daw ng iyak. Bulong ko naman, bakit. Lumayas na raw. Sino ang lumayas? Yong asawa niya.
Sinong asawa niya. Lito naman ako. Yong may damit sa kuwarto niya. Bakit lumayas?

Monday, August 23, 2010
The Graduate- Mananahi Ka Lang Part 3
Dear insansapinas,
The Graduate- Mananahi Ka Lang Part 3
Isang araw ay masayang masaya si Florencia. Maghahalf-day daw siya at inimbita rin ako sa bahay nila. May celebration. Tinanong ko kung sino ay may birthday. Sabi niya surprise. Oke.
Bakasyon ang iskuwela kaya pumunta naman ako. Wala namang tao kung hindi siya, at mag-inang kasama niya sa bahay. may pancit, may litson, may fried chicken at may cake na may congratulations. Baka hindi pa lang dumarating ang mga bisita.
Pero walang bisitang dumating.
Binigyan niya ako ng pinggan at inumin.
Sandali ko lang naubos ang litson na nakuha ko lamesa. Sinunod ko naman ang fried chicken. Huli ang pancit dahil long life daw yon kahit na pinaputol-putol.
Masama ang tingin ko sa cake. Intense. Kulang na lang na malusaw ang icing. Kung may kandila yon, baka nagsindi.

Thursday, August 19, 2010
The Veil- Mananahi ka lang Part 2
Dear insansapinas,
The Veil - Mananahi ka lang Part 2
photocredit
Nang medyo huminto ang ulan, naglakad kami ni Florencia patungong jeepney stop. Iba ang sasakyan ko at iba naman ang sa kaniya. Bago ako sumakay, nakita ko na basa ang mata niya. Hindi ko alam kung sa ulan o sa luha,
Kinabukasan, halos sumara ang mata niya sa pamamaga. Ang kaniyang eye bags ay pwedeng paglambitinan sa kakapalan. Matutuwa si Belo kung gagamitin niyang endorser Before and After.
Tinanong ko yong landlady niya kung bakit para siyang si Sharon Cuneta sa pelikulang Pasan ko ang Mundo?
Hindi niya ako sinagot. Hindi siya puwedeng maging movie writer, marunong siyang magsikreto. ahahay
Pinatakbo ako ng aking boss na baklita sa Divisoria. Sumakay naman ako ng jeep anoh. Alangan namang tumakbo ako kasabay noong jeep. May wedding gown order kami at kailangan ng tulle para sa belo.
Nang bumalik ako sa galing sa Divi (tawag ko noon sa Divisoria. Hindi pa ganoon kasikip sa D at katrapik kaya madali lang ako nakabalik.
Nakita ko si Florencia na hinagod-hagod yong tulle na gagawin naming napakahabang belo. Ilang yarda ba naman ang binili ko. Buti na lang magaan lang.
Naisip ko marahil, gusto rin niyang makasal. Sa panahong yon, pag sobra ka na liyebo tres, matandang dalaga ka na pag wala ka pang nahuhuling magdadala saiyo sa altar o sa city hall na kung saan ang magkakasal sainyo ay mga Ministro ng Non-Existent Church at may ready na marriage license kung saan di kailangang maghintay kahit wala ka pa sa edad.
Lunch break, hindi sumabay si Florencia sa pagkain sa kusina. Umakyat ako doon sa kuwarto ng mga mananahi at inabutan ko siyang pumuputol ng kalahating yarda doon sa gagawing belo.
Akala ko ay isa yon sa mga kailangang gawin para sa belo. Pero tinalian niya ito at pinormang parang sumbrero at isinukat sa harap ng aming malaking salamin. Pagkatapos ay tinupi niya ito ng napakaliit, nilagyan ng pin at inilagay sa kaniyang bag na lagi niyang dala-dala.
Pagnanakaw ba yon o gusto lang niyang matikman ang magsuot ng belo? Hindi ko naman siya maisumbong. Naawa ako.
Oras na pagpasok ko sa school kaya iniwanan ko na siya. Hindi kami masyadong nag-usap ng araw na iyon. Marahil nahihiya siya sa ayos niya at ayaw niyang mag-esplika sa akin.
Marahil may kinalaman ang lalaking nakita naming nakapayong sa ulan.
Itutuloy
Pinaysaamerika

Tuesday, August 17, 2010
The Seamstress - Mananahi ka lang Part 1
Dear insansapinas,
Karaniwan sa ikinuwento ko sainyo ay nangyari sa States. Ang istoryang ito ay sa Pilipinas naman nangyari. Tamang-tama sa mga kasal na null and void.
photocredit
Mananahi ka lang Part 1
High school ako noong makilala ko siya. Sumasama ako sa aking pinsang pumunta sa isang fashion designer kung saan may mga mananahi, naglilip, naglalagay ng mga disenyo sa gown at mga kung anu-ano pa. Kinuha ako noong vaklush para magtrabaho ng part time sa kaniya. Marami kasing order at mayroon pa siyang feshyun show.
Mananahi siya roon. Sabi niya sa akin ay trenta lang siya pero sa dami ng kahig na manok sa gilid na kaniyang mata, ang tantiya ko ay hindi lang tumalon na siya sa kalendaryo, matagal na siyang nahulog at marami ng manok ang kumahig.
Ako naman ay bata pa at saling pusa lang sa fashion house ng baklitang magaling magdisenyo ng mga damit. Hindi naman ako pwedeng maging model. Bukod sa plantsahan ang harapan ko, pati likod ko ay plantsahan din.
Tagalinis ako ng mga gown na tapos na. Pag nilinis mo ang ibig sabihin noon ay puputulin mo ang mga sinulid na di kailangan (Minsan naputol ko yong sinulid na kakabit pa lang lahat yong mga beads na nakadekorasyon, ahahay, muntik na akong sipain, naghulugan ang mga beads). Kasi naman nagmamadali ako at may pasok pa ako sa school. (high school pa ako noon at hapon ang pasok ko). O diva, vata pa ako, nagtatrabaho na ako. Chinicheck ko rin kung may mga pins na nakakabit pa sa damit. Baka pagsuot ng bride, matusok. Noong lumaon, ako na ang nagdedesign. Sey. (igkas ng eyebrow). ahem
Ang mga mananahi doon ay karaniwan hindi nagbabaon. Bumibili lang ng luto ng pagkain sa malapit na restaurant pag tanghalian . Dahil ako ang pinakabata, ako ang gofer nila. Tagabili, tagatakbo, minsan tagagapang. Gumapagapang ako para kunin ang mga nahulog na mga beads, pins, needles, threads sa ilalim ng lamesa o makina. O di may allowance na ako sa school at pambili ng gusto kong sapatos.
Karamihan sa mga mananahi ay matanda na. Kung hindi matandang dalaga ay masusungit na mga hiwalay sa asawa.
Si Florencia ang mananahing naging kaibigan ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)