Advertisement

Showing posts with label Pinay Blogserye 1. Show all posts
Showing posts with label Pinay Blogserye 1. Show all posts

Monday, August 08, 2005

Si Pinay at si Mrs. R

(pagbabalik-gunita)

Maputi siya at balingkinitan ang katawan.

"Joys? eheste juice." alok ko.
"Are they going to be late? iwas niyng tanong.
Haay mamah, inenglish niya ako. Sandali, tingnan ko kung marami pa akong natirang
English sa aking bulsa.Hmm 2
Katulad ng isang may dugong pinoy na nanalaytay, ibig kong simulang ang aking
sagot ng AKhsually pero simpleng: Am sorry, i got no idea, would you care for tea or coffee?

"No thank you." siya naman ang matipid sa sagot.
Sinagot niya ang nasa isip ko kung paano siya nakarating sa aming lugar.

Tinawagan daw niya ang kapatid ni R(boypren ni kabalay) at hinanap dahil matagal nang walang communication. Nasa New Jersey siya nagtatrabaho, one year after makasal siya kay boypren ni kabalay.

Bakit naman hiwalay sila? Eh ano kung maurirat ako. Gusto ko lang malaman noh?

Hindi raw niya alam na marami raw bisyo si R. Ang bait daw nito noong nililigawan siya sa Pinas. Nakilala niya itong balikbayan at sinundan-sundan na siya, hanggang ipetition siya as fiancee visa. Titser pala siya sa kanilang probins.
Wala raw itong imik at hindi umiinom.Siguro ng hindi imported beer or wine. Drinking 6 Pack

Nang dumating daw siya rito sa US, ilang Linggo lang matino si R. Halos maloka siya
sa pag-iisa, depression na wala siyang trabaho at umaasa lang sa bigay ni R. Nakikisama siya sa nanay nito na masyadong inispoil ang anak.

May mga gabi raw na wala siyang kasama dahil hindi ito umuuwi.

Hanggang minsan isang gabi raw siyang nakatulog na umiiyak, nagising siyang may
nagtatawanan sa sala.

Lumabas siya na hindi binubuksan ang ilaw. Ang kaniyang asawa ay isang babae, magkatabi sa mahabang couch. (siguro nama hindi ko kailangang sabihin na hindi sila naglalaro ng bahay-bahayan ano?)
Bago ako nakapagtanong kung ano ang ginawa niya, malakas ang buzzer na narinig namin.

Killjoy talaga ito. Lumakad ako patungo sa pinto upang idiin ang switch na magbubukas ng main gate. Habang ako ay naglalakad, idinaan ko an aking mukha sa kurtina. Disamuladong pinahid ko ang luhang malapit ng pumatak. Lintek kasing mga kuwento ito ng buhay. Parang nobela.

Naunang pumasok si Kabalay. Tumingin siya sa aming panauhin. Ngumiti. Hindi niya kilala. Oras na para sila magkakilala.

Sumunod ang boypren. Nang makita niya ang babae, sinugod niya ito at inambaang bubuntalin. Sumigaw ko ng malakas.

HOY Kung magpapapatayan, huwag sa pamamahay ko. MARURUMIHAN ANG AKING CARPET. TSEE

Biglang napa-about face si kabalay. Tinitigan niya si boypren, tapos ang babae.

ITUTULOY. oh makapagmeryenda na nga. hehehe

Pinaysaamerika

Monday, July 18, 2005

Si Pinay at ang bagong kakilala

(Pagbabalik-gunita)
Sumandali nating iwanan ang aking balay. Kahit marami pang katarantaduhan akong ikukuwento tungkol sa bagong boypren.

Sa dami ng palapag ng gusaling aking pinapasukan, marami akong nakikilalang Pilipina na may mababait; may masusungit; may akala mo nabagsakan palagi ng bakal ang paa sa
tindi ng simangot sa mukha; may mga karinyosa na lahat na yata ng tao ang tawag ay darling at may mga supladita naman na bigla mong kukurutin ang sarili mo dahil parang hangin ka lang dumaan. Ang mga bruja, todo ignore sila saiyo. Sarap sympalin at tyapilukin.

May mga frwendly na panay ang muwah muwah ninyo pag nagkita sa hallway.

Karaniwan nagkikikita-kita kami sa canteen o kaya sa dining room na provided sa bawa't palapag. Pag nagkasama-sama ang mga baon, parang pot luck araw-araw. Kulang na lang ang karaoke, bigla siyang naging sing-along.

Dahil hindi ako nagluluto, sagot ko na lang palagi ang soda o kaya prutas.

May bagong dating. Mamah, kung bibilangin mo ang alahas sa katawan niya, puwede ka nang magtayo ng pawnshop. May pera. Pero bakit nagtatrabaho doon ng temp.

Mausisa nga. Siyempre, wala siyang kawala sa Reyna ng pinakatsismisera ng taon. Si Manang Rose Flowers. Oy di ko gawa gawa ang pangalan. Rose talaga ang pangalan niya. At siya ay Miss pa po. At hindi rin siya kalahating 'Merkano. Ang apelyido niya ay galing sa apelyido niyang Pinoy na Flores. Nang siya ay maging UScit, pinalitan niya ng Rose yong pangalan niyang Ignacia at Flowers yong Flores. Siya ang pinakasenior doon sa mga Pilipinang nagtatrabaho sa building.

Siya ang nagpakilala sa amin sa bagong dating. Siya si ano, limang taon na yan dito, ngiti si bagong kilala...siya si kuwan, sampung taon na siya dito, tango si bagong kilala..blahblah... Pagdating sa akin ay siya si ano mahigit pa lang isang taon...tanong kaagad siya. Legal ka ba ? Hanep na tanong yan.

Bigla akong buwelta. "Hindi, illegal ako, kaya pag may pumasok ditong INIS(immigration),pinapalitan ko ang aking mukha. May dala akong reserve sa aking bag. nyaahahaha."

Kung ako lang ay may buwanang dalaw ng araw na iyon, marahil, nahugot ko na ang aking
ID, hinawakan ko ang kaniyang leeg para hindi gumalaw at iwinagayway ko sa kaniyang mukha and ID. Pero ngumiti ako at tinanong kung bakit naman tinanong niya kung illegal ako o hindi.

"Balita raw niya kasi may nakakatrabaho doon kahit walang papel."

" Ow, (pabilog ang aking bibig) bakit may nakasulat ba sa aking mukha na ako ay illegal? "Malapit na akong mainis. Nanliliit na ang isa kong mata at mapula na ang aking isang taynga.

Kasi daw ako ang pinakamaiksi ang taon nang pamamalagi.

At sino naman ang titser niya sa Arithmetic na nagturo ng 1 plus 1 equals zero?
Aber, aber, aber.

Ngumiti ako. Ngiting matamis pero sa loob ay nagsasabi ng BOBA.

Sabi niya, mayaman daw siya sa Pilipinas. Ang kaniyang pamilya raw ay may-ari ng
Unibersidad.
Tinanong ko kung anong school.

Sinabi niya.

Sagot ko. Galeeng naman.

Tapos daw siya ng Accounting. CPA raw siya.

Sagot ko Galeeng naman. Tanong ko, di PICPAn ka pala.

Sagot niya HA ?

Natapos ang interogasyon.
Lahat sagot ko ay Galeeng naman.

Natapos na rin ang kainan. Nilapitan ako ng isang naiinis na kasamahan.
Bakit daw parang bilib na bilib ako sa mga sinasabi niya dahil panay daw ang sagot ko ng Galeeng naman.

Natawa ako.

Hindi mo naririnig ang karugtong noong sinasabi ko. ANG GALEENG mo namang magsingaling.

Tanong niya. "Bakit alam mong nagsisinungaling?"

Yong sinasabi niyang universidad, kilala ng aking pamilya ang may-ari. Kung totoo man na kamag-anak siya, marahil hindi mismo yong mag-anak dahil isa lang ang anak noon. Babae rin.

Sabi niya CPA siya. Nang tinanong ko kung PICPan siya, hindi niya alam kung ano yon.
Pag nakapasa ka sa CPA, magiging miyembro ka ng PICPA. (Phil.Institute of CPA).

"Bakit siya nagsisinungaling?"
"MAPA."
"Ano yon? " tanong ng kasama ko.

MALAY AT PAKI KO.
"Dapat Malaysia at Pakistan."

Oy vacla rin syha.

Saturday, July 09, 2005

Si Pinay at ang Pinsan ni Kabalay (Ulit)

Dear insansapinas,

Nagising akong mataas na ang araw. Napapaligiran ako ng mga balot ng
mga damit, aklat,sapatos at marami pang iba. Akala ko itinapon ako sa basurahan. Bumangon ako, tiningnan ko ang aking aayusin. Bagsak ako. Iniiisip ko pa lang ang gagawing pag-ayos, pagod kaagad ako.

Pero, maingay ang TV sa baba at tila may nagkakasayahan. Sumilip ako sa siwang ng hagdan. Wala akong makita. Marahil nasa dining room sila.

Bumaba ako kahit hindi pa ako nagshower. Hindi ko makita yong sabon ko eh.
Nasa mesa sila at nag-aalmusal. Dala raw ng kaibigan ni kabalay ang mesa at saka ang mahabang couch. Kumpleto na nga ang upuan sa sala. Aleluya, kami ay naging taguan ng mga lumang gamit ng kaibigan niya. Pag gsuto nilang bawiin, babawiin daw nila.

Pati ang TV niya nandoon na rin. Para bang ako ang umuupa lang sa kuwarto.

Nandoon din ang pinsan niya. ATTTTTTTTTTTTT pati retrato niya nakapatong sa side table.Nakangiti pa ang bruha. Sandali lokohan na ito.

Pinaalis ko muna ang mga bisita saka tinawag ko ang aking kabalay.

Sinampal ko kaagad siya ng TANONG. Akala ko ba aalis na ang pinsan mo?
Tatlong Linggo na raw. Kung pwedeng pagtiyagaan ko muna.
Binanggit ko yong pagsakop niya sa sala na halos wala na akong lugar sa aking mga gamit.

Pinsan daw niya kasi ang nag-ayos. Puwede ko raw pakialaman.

Dapat lang noh. Bisita lang siya. Gusto niyang maging interior decorator.

Hindi naman sa pagiging suplada pero dapat alam niya kung saan siya nakapuwesto.
Sa loob ng isang suitcase.


Para maalis ang aking inis, niyaya ako ni kabalay, pumunta sa Macy's. May sale daw ng mga beds. Less than 100 dollars yong day bed.

Wala pa akong credit card. Meron na siya.

Hige.

So pumili ako ng day bed. Kulay puti. Hindi pa pala jasama doon ang mattress. Mahigit isang daan.

Hige.

Yong daybed pala, di pa kasama doon ang spring board. Ngiiii

Noong sumahin total pati taxes, umabot ng mahigit 400 dollars. Wala pa diyan ang
comforter, unan at bedsheets. Taksiyapo.

Ganyan talaga pag bagong salta. Hindi pa alam ang legal na panloloko ng mga merchandiser. Kaya ulit-ulit na nakakta ako ng kotseng ipinagbibili ng 1,500 dollars, sabi ko lokohin nila lelang nila Tsee.

Pinaysaamerika

Friday, July 08, 2005

Pinay at ang Paglipat

Dear insansapinas,
Sabado,
Wala akong pasok. Nakalipat na lahat ang gamit ni Kabalay. Inarbor ko yong
trak ng kaibigan niya para magamit ko paglipat.

Ahem. Alam na ni French na lilipat na kami. Nagvolunteer tumulong pagiging kargador.
Ayaw ko na sana dahil minsan niyaya niya akong dalawin ang isang matandang babaeng kaibigan niya dahil Pilipina rin daw at napakabait sa kaniya. Yon pala pinakakaliskisan ako. Ano ko, manok? Tiktilaok...

Pero ang nagigipit daw, kumakapit kahit sa kutsilyong pampahid ng tinapay.

ahehehe

Hige.

Habang hakot nila sa bagong tirahan ang aking mga gamit, ako naman ay naiwan sa lumang bahay. Ako ang nag-iimpake at naglinis nang maiiwanan. Tapos na silang maghakot nang hinanap nila ako sa itaas. Kasi sabi ko hintayin na lang ako doon at ibibigay ko lang ang susi. Sa pagod ay nakatulog pala ako sa sahig. Parang yong bagong dating ako.
Naalimpungatan pa ako nang bumangon dahil sa katok sa kuwarto ko.

Nang tumingin ako sa paligid, muntik na akong magsisigaw...nang magnanakaw...nasaan na ang aking mga gamit...Nakalimutan ko pala na naglipat na kami. Woooo. iba talaga
ang biglang gising. Naiiwan pa ang kaluluwa sa higaan. Sandali magising din nga.

So, paalam, paalam...para bang ang layo-layo naman nang pupuntahan eh wala pang limang minuto pa nagdrive.

Hindi muna ako umakyat sa aking kuwarto. Nasa baba sa kabalay at naghanda ng
makakain para sa mga tumulong sa paglipat.

Nakaayos na rin siya sa salas. Nailagay na niya ang mga retrato sa dingding.
Mga retrato niya. Hindi nagtira ng espasyo para sa akin. Ako pa naman ang major tenant at sub-tenant ko lang siya.

Pagkatapos na umalis ang mga bisita, umakyat na ako sa kuwarto ko. Daming gamit na nakatambak. Hindi ko makita ang carpet. Doon pa naman ako matutulog ngayong gabi
dahil wala pa akong bed.

Kinuha ko ang dalawang balot ng damit, siya kong ginawang kutson.

Bago ako nakipagsabayan ng paghilik sa lakas ng TV ng aking kabalay sa
ibaba, parang may narinig akong dumating.

Pero pagod ako, antok pa, bukas ko na lang uuriratin.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

Pinaysaamerika

Tuesday, July 05, 2005

Si Pinay at ang Bagong Balay

Dear insansapinas,

Nakahanap na nga ng bagong bahay si Kabalay. Nakausap na niya ang may-ari. Pinatatawag siya pagkatapos ng tatlong araw. Tatawag pa yon sa kaniyang
employer. Titingnan kung sapat ang kaniyang kinikita para makabayad sa upa.

Naghanap din ako nang malilipatan. Pag umalis ang aking kabalay, wala na
akong matinog makakasama. Hindi na ako matino, mwhehehe.

Pagkatapos ng tatlong araw, tumawag ang may-ari ng bahay na gusto niyang
lipatan. Rejected siya dahil hindi sapat ang kaniyang kinikita. Maganda
ang lugar. Dalawang kuwarto, isang malaki at isang maliit. Isang
garahe at mayroon pang paradahan sa labas. Malayo sa main road kaya hindi
delikadong magparada ng kotse sa labas.

Tsssk tsssk sayang. Pero bigla siyang nag-isip. Bakit di ko kunin.
Tapos, uupa siya sa isang kuwarto. Tanong ko, paano ang pinsan mo?

Uuwi na raw sa Pilipinas yon. Magbabakasyon lang uli sa kaniya ng ilang
Linggo tapos uuwi na kasi mag-eexpire na ang visa niya na hindi narenew.

Hige.

Kaya takbo ang beauty ko sa landlord at landlady. Nars ang babae at
retired US navy si lalaki.

Approved ang aking application. Ako ang main tenant. Libre tubig,
garbage fee. Kuryente, cable, gas at telepono, amin ang bayad.

Hige.

Naunang maglipat si Kabalay kasi libre siya ng weekday. Ako
weekend pa at manghahalbot pa ako nang tutulong na magbibitbit
ng aking mga abubot.

Marami ang damit ko. Refrigerator na maliit, TV na maliit, radyo na maliit
pati couch ko maliit. Wala akong bed kasi provided kami ng bed sa lumang
balay at sangkatutak na libro. Sa isang taon kung pamamalagi dito, laman
ako ng library, second hand bookstore at raider ng mga garage sales
sa tabi-tabi. Karamihan, libro ang nabibili ko. Nagsubscribe pa ako
sa isang Daybook club.

Pag bago kang dating , amoy ka ng mga ganitong mga publisher na
papatol ka sa kanilang $ .99 per book, brand new para lang mag-apply
kang maging member. Ikaw naman na bagong salta't kalahati kaagad. Biruin mo
sina John Grisham, Mary Higgins Clark ay $.99 lang. Barat sale di ba.

Pero pagkatapos nang unang order mo, dating na ang mga sumunod na kopya.
Maibabato mo sa mahal. Ipadadala pa saiyo by mail at puwedeng ibalik pag
ayaw mo, provided, hindi mo binuksan ang package.

Dating na dating ang libro, panay naman ang balik ko sa Post Office hanggang
sabi ng Post Office, hindi na sila tumatanggap ng mga return na ganoon.
Kung gusto ko raw ay putulin ko ang subscription ko. Taksiyapo. Inistress
pa ako ng publishing companies na yon. Loko, putol ang subscription ko.
Bakit ako magbabayad ng cloth bound novel sa halagang 15 dollars na pwede ko namang bilhin sa paperback ng wala pang $3.

Ano sila sinuswerti. Hoyyyyy, babaeng barat ito.

Hmmm. mabalik sa paglipat. Kaya lang, buti yata bukas na.
Magluluto na ako ng hapunan. Lalagyan ko naman ng kamatis yong
sardinas ano.

I shall return. Pramis.

Pinaysaamerika

Saturday, June 25, 2005

Si Pinay at ang mga Kalapating Mababa ang Lipad

Dear insansapinas,

Umalis nga ang pinsan pero hinikayat niyang maghanap ng bahay ang
aking kabalay. Maitim talaga ang budhi. Sarap kuskusin ng ng steel wool.

Hanap naman ang kabalay ko. Tingin sa dyaryo, tawag, punta, tanong. Mahal. Di niya
kayang upahan mag-isa dahil ang pinsan ay wala pa namang trabaho.

Isang buwan na siyang naghahanap wala pa siyang makita para matirahan.
Kailangan kasi ang suweldo ay at least three times noong renta para maaprubahan.
Kung di lang ako pinalaki na masama ang maghangad ng hindi maganda sa kapwa tao
disin sana'y hinarap ko na siya at sinabing BUTI NGA.

Pero di ko sinabi yon kahit ang aking anghel sa kaliwa ay nagpupumiglas
upang siya ay pagsabihan.

Minsang nauwi ako ng gabi ay may mga nakasalubong akong mga lalaki na para
bang may hinihintay na lumabas sa aming bahay. Abaaaaa ang labindalawang taong
gulang batang nakatira sa ibaba namin at ang kapatid nitong labingwalo ay nakabihis ng magara at hitsura ni Madam Auring ang kapal ng mek-ap na kahit gabi ay kumikinang
ang mga glitters na inilagay sa may mata. Stariray.

Sumakay sila sa kotseng naghihintay na humarurot kaagad ng tila ba hindi
makapaghintay kung saan man sila pupunta.

Nakaupo sa balkonahe si Mang Tomas, isang beterano na ang trabaho ay magpalit ng
bumbilya, maglabas ng basura at maglinis ng bakuran.

"Ginabi ang mga kalapati." sabi niyang matalinghaga.
"Aling kalapati Mang Tomas?' nagmamamaangmangan kong tanong na wari ba ay nauna ang aking utak na nahiga sa aking kama.

"Yong magkapatid na call gerls.tsssk tsssk, kawawang mga bata."iiling-iling niyang
sabi.

Umiral ang pagka Cristy Fermin ko. Niyaya ko ang matanda sa loob at sabayan ako ng
hapunan. Wala pa ang kabalay ko.

"Nasaan ho ba ang kanilang ina?", tanong ko habang sinasandok ko ang sinigang na hito na hindi naman maitim. Pati catfish ay puti.Merkano rin.

" Nandito rin sa Estet. Siya nga ang kumuha sa kanila. Kaya lang talagang hindi sila mgkasundo ng asawa. Tamad kasi. Yon iniwan siya. Ayaw namang sumama ang mga bata kasi
may kinakasamang Puti. Nagbibigay naman ng suporta pero yon yata ang pinambabayad sa renta at sa kanilang pagkain at sa bisyo noong lalaki".

Sa isip ko sulit ang pinakain ko sa matanda. Marami akong nalalaman. Para siyang database. Mas magaling pa.

"Bakit hindi na lang maghanap ng trabaho yong mas matandang anak?", tanong ko habang
ginugutay-gutay ko ang ulo ng isda. Uhhhm sarap.

"Hindi puwede. Tumatanggap siya ng welfare, kasi single mother siya. Mawawala yon.
Kasi nag-aalaga siya sa umaga noong anak niya kaya sa gabi naman ang labas niya".sagot ng matanda na tumayo na para kumuha ng tubig na inumin. Ayaw niya ng malamig.

"Pero bakit naman pati yong bunsong kapatid, dala niya? "tanong ko ulit.

"Laging gutom yong batang yon. Walang mag-asikaso sa kaniya pagpasok niya sa iskuwela. Saka siguro sa mga barkada niya rin. Alam mo naman ang mga bata rito, ang
agang magboyfriend at alam mo na. Sa Pinas, nagpipiko pa yang mga yan noong
kapanahunan ko".

"Alam ba ni Ed (may-ari ng bahay) ang trabaho ng dalawang bata ?" tanong ko habang naghahanda na ang matandang umalis.

"Ay naku, yong lalaki namang yon aywalang pakialam. Basta nagbabayad, okay lang
sa kaniya."

Uhmm, naiwanan akong nag-iisip. Hindi maganda. Baka akalain ng mga kapitbahay, kasama rin kami sa mga ganoon.

Kailangan ko na ring maghanap nang malilipatan.

Dumating ang aking kabalay. May nakita na raw siyang matitirhan. Kakausapin na lang niya yong may-ari.

Pinaysaamerika

Saturday, June 18, 2005

Si Pinay at ang Bugbugan

Dear insansapinas,

Bigla ang pangyayari. May kumatok, binuksan ang pinto at
pumasok ang babaeng galit na galit.

"Walanghiya ka. Mang-aagaw ng asawa. Wala na bang ibang
lalaki sa mundo at pati ang asawa ko ay inaagaw mo.
Maharot, malandi...ma..."

Sa gulat ng nagbukas ng pinto, wala siyang nagawa nang
hablutin ng galit na babae ang kaniyang mahabang buhok
at pinagwasiwasan ang kaniyang ulo.

Inabot ang harapan ng suot- suot nitong bathrobe
at hinila itong palabas sa alkonahe kung saan ang
mga kapitbahay ay lumabas para makiusyuso.

Tumakbo ako sa refrigerator, kumuha ako ng
isang pirasong pizza. Bumalik ako, nakalimutan
ko ang coke.

Lumalaban na rin ang sinugod. Kontra sabunot din.
Sampal. Sampal din. Bigwas. Bigwas din. Sadsad
sa lapag. Tayo, sugod at hinawakan ang baywang.
Halos nakahubad na ang sinugod.

Nagpiyesta ang mga lalaking nanonood. Tinatakpan
ng mga nanay ang mata ng mga anak na kasamang
nakikiusisa.

Ang bilis namang maubos ng pizza ko. Balik
ulit ako sa refrigerator. Dalawang piraso na.
Medyo matatagalan pa ang palabas. Wala pang
umaawat.

Pareho na silang marumi. Pareho ng mukha silang bruha.

May nakita akong nagpupustahan. hehehe Pilipino
talaga mahilig sa sugal.

Dumating ang lalaking pinag-aawayan. Inawat ang
dalawang babaeng akala mo ay mga tandang na
naggigirian. Pinilit kinalmot ng isa yong kabit.
Ilag, tama ang kalmot sa lalaki. HAHAHA Tawa ako.
Pinilit bigwasan ni kabit ang asawa. Lagpas, tama
sa lalaki.

Hahaha Comedy.

Sa inis ng lalaki, binitbit ang asawa at ipinasok
sa kotse, habang sinisigawan ang kabit na pumasok
sa bahay.

Takbo ulit ako sa refrigerator para kumuha ng ice
cream naman. Kauupo ko lamang nang bumukas ang pinto.

Ang aking kabalay.

Tapos mo na ang tape ? Overdue na yan eh. Isosoli
ko para walang multa.

Ineject ko ang tape. Kainis di ko natapos panoorin ang pelikula.

Pinaysaamerika

Monday, June 13, 2005

Si Pinay at ang Love Story ng Pinsan 2

Dear insansapinas,

Pasensiya sa walang update, nabalaho sa tape scandal.

Pagtutuloy ng nakaraan.
Nagulo ang isip ni Pinsan.
Sino ang kaniyang pipiliin? Ang dating boypren na ipinagtirik niya
ng itim na kandila o ang kaniyang bagong boypren.

Nagkasugat-sugat ang kanyang tuhod sa pagdasal sa lahat ng simbahan
para ipagdasal siya na sana ay kunin na ang boypren ni LORD.

Nagsuot siya ng itim na damit upang iagluksa ang kaniyang namatay
na pag-ibig.(syado namang umibig ito).

Lumuha siya arawiaraw na kung inipon ay maari nang ipangpaligo
ng mga walang gripo sa buong taon.

Kumakain siya ng nakataob ang kaniyang pinggan at naisusuot niya ang
kaniyang blusa nang nakabaligtad.

Natuto rin siyang uminom, eheste lumaklak ng alak.

Kaya marahil kahit hindi kaguwapuhan ang kaniyang bagong boypren
ay kaniya ng tinaggap.

"Hoy mamah, pachoice ka na kung sino ang gusto mong
maging fafah."

Yong hindi na multiple choice, sa akez na lang.
Haaay, masahje galore siya araw-araw gabi-gabi.

Pero hindi naririnig ni pinsan ang bading. Lumilipad ang kaniyang
diwa. Pag ang dating boypren ang pinili niya, mapupunta siya sa
Disneyland, sa Universal Studios at sa Golden Gate.

Kung ang bagong boypren, hanggang doon lang siya sa nchanted
Kingdom.

Makakita na rin siya ng yelo at makakagawa siya ng maraming-
maraming maiz con hielo. Kaya lang kailangan niya naman ngayon
mais.

At higit sa lahat matuto na siyang mag-ingles.

Handa na niyang piliin ang dating boypren nang makita
niyang wala na ito at ang kaniyang dating boypren ay
nakahiga sa lupa. Tulog.

Hinampas-hampas siya ni bading.

Ikaw kasi mamah, tagal mo namang mag-isip, may I go
na yong isa mong mench.

Tigalgal si Pinsan ni kabalay. Gusto niyang lumipad
para habulin ang umalis na boypren pero wala yong
kaniyang uniporme ng Super Woman.(ooopsss erase, erase).

Nakasakay na ito sa kotse at nagpaharurot.

Kinabukasan, lumipad ang balita na nagpakasal ng
sikretong hindi naman talaga sikreto dahil alam
ng huwes,ng babae at ng lalaki at may dalawang
witnesses pa.

Gusto ng pinsan na ipaghamapasan ang kaniyang ulo
sa dingding nila kaya lang bagong pintura. Masisira
ang kaniyang bagong color na hair.

Kasi naman emote na emote.

Pinaysaamerika

Friday, June 10, 2005

Si Pinay ang Love Story ng Pinsan

Dear insansapinas,

Umalis na rin ang pinsan niya kinabukasan.
Hindi pa gising ang mga anghel nang siya ay umalis.
Yong anghel ko sa kaliwa ay naghihilik pa.

Gabi na nang magkita kami ni Kabalay. Malungkot siya
pero hindi naman siya galit sa akin. Hiya pa nga siya.

Magkakababata at magpinsan nang malayo ang pinsan
niya at ang dating nobyo nito. Sa kanila kasi, magpipinsan
nag-aasawahan.

Pero iba na ang mga pamilya ng lalaki. Kailangang
may pinag-aralan na ang babaeng pakakasalan nito
para hindi mahirapang maghanap ng trabaho pag
dinala na sa Estet. Sosyal.

Unang uwi ng lalaki ay di pinayagang makipagkita
sa pinsan niya. Sa halip ang pinadalaw ay ang isang
kababayan na katatapos lang ng kolehiyo.
Naging lima singko ang mga salitang, traidor.
taksil, mamatay ka na sana...Ganoon bang
mga ekspresyon ng galit. Siguro kung
mabubuhat lang ang buong bahay ay nabuhat
na at naibalibag sa poot. (Haaay nakakapagod
kahit isulat lang).

Nakaabot sa pagkaalam ng pinsan niya ang nangyari.
Pinilit niyang makausap ang lalaki pero talagang
parang sa teleserye na gumagawa lahat ng paraan
ang mga magulang para ang kanilang layon ay matupad.

Nagalit ang pinsan. Sumama nang makadate sa isa
pang manliligaw hanggang sila ay maging magkasintahan.
Hindi pa man siguro tinatanong ay sumagot na
ng sige na nga.

Ang lalaki ay pilit na umuwi sa pinas nang hindi
kasama ang magulang. Una niyang pinuntahan ay ang kaniyang
gerl pren. Hmmmm masigasig din.

Katok siya sa pinto ng bahay. Lalaki ang nagbukas,
"Nandiyaan ba si Lucrecia?", tanong nya.
" OO, sino ba sila ? balik tanong ng lalaking nagbukas
ng pinto pero kalahati lang.
"Si Onesto kamo",pakilala ng lalaki.
"Onesto? yong dati niyang boypren?" tanong ulit ng
lalaking nagbukas ng pinto pero kalahati lang at di parin
binubuksan ng buo.

"OO, ako nga, at ikaw? paninipat ng tanong ng lalaki.
"Ako si Cito, boypren niya ngayon." tugon ng
lalaking nagbukas ng pinto pero kalahati lang at di pa rin
binubuksan ng buo at tumayo sa gitna ng pinto.

"Tawagin mo siya, sabihin mong nandito si Onesto."
mariing binitiwang salita ng lalaki.

"Ayaw ka niyang makita." sigaw ng lalaking nagbukas
ng pinto pero kalahati lang at di pa rin
binubuksan ng buo at tumayo sa gitna ng pinto at
sinara ito.

Biglang dating ang gerl pren na may kasamang alalay
na gelay.

Hindi man dapat magsalpukan ang dalawang
mangingibig ay nag-iringan sila bago nag-
ala Robin Padilla at ang kalabang goon.

Sigaw na sigaw si bading.

"Ay mamah, akey ang kinikilig. Mayonga ang
beauty mo, dalawang jowas nagshushuntukan
para saiyo. Kabog talaga".

Panay siya klap na para bang nanonood ng
world werestling.

Ang gerl pren ay nakatingin lang, pero
may ngiti siya sa labi.

Ang ingay ng bading. Naroong hampasin
ang bagong boypren oops nagkamali pala
yong dating boypren at sabay hawak sa
ulong may kasamang roll eyes:
Ay nakakaloka talaga. Witsilya talaga
mag-papaawat ng shuntukan.

Natapos din ang pag-uumbagan nang gumitna
ang Pinsan ni Kabalay.

Pinamili si Pinsan ng kaniyang dating
boypren.

Itutuloy...(maghintay kayo).

Pinaysaamerika

Wednesday, June 01, 2005

Si Pinay at si Kabalay-Masinsinang Pag-uusap

Dear insansapinas,

Kung maari ayokong pinatatagal ang suliranin sa pamamagitan
ng hindi pagpansin. Kaya kung kailangang kausapin ang dapat
kausapin ay aking ginagawa. Tinatali ko muna yong aking anghel
sa kaliwa. Baka manapak.

Sa isang tasang kape at pandesal na ang palaman ay itlog
na nilagyan ng kamatis(nilagyan ko pa pala ng sibuyas, niluto
ko ng husto yong kamatis ha...sandali naging cooking class
tayo) kinausap ko si kabalay.

Alam ko kakong mainlab pero hindi inlab yong kaniya.
Libog yon.(Ay patawarin ako ni Santa Barbara, kailangang
getsing aki ng holy water at wisikwisikan ko ang
aking mata). Bakit ba ako nakikialam kong siya ay magtampisaw
sa burak habang kumakanta ng Sapagka't Kami ay Tao Lamang.
(sintunado nga lang). Kung hindi pa siya bihisan ng
blusang itim, hindi pa siya sigro gaganda. (sampal with
matching tsee).

Ang ayaw ko ang binababoy ang aking bahay ng isang
bisitang ang utak yata ay nasabit sa eruplano bago nakarating
sa bahay at akala niya ay bisita ang taong nakikitira ng libre,
kumakain ng libre sa matagal na panahon. I won't
mind mag-ampon ng taong pakakainin ko ng matagal dahil
wala pa siyang makuhang trabaho, pero yong
turista raw pero balak yatang magtago nang
magtago, ibang usapan yon.

Ang bisita ay yong alam niya kung kailan magpapaalam.
Cheber ko kung maging eternal tourist siya rito
but not at my expense. Cheap niya noh, ginawa niyang
hotel, motel at bar ang bahay.

Humingi ng pasensiya ang aking kabalay at sinabi
na lilipat na raw ang pinsan niya doon sa tatay nitong
beterano sa LA. Kung pwede lang daw hanggang Lunes dahil
Linggo ay bersdey nito at gusto namang maghanda.
'No birthday party?

Pakiramdam ko ay gusto kong magsabi ng hindi. Pero
okay lang. Mula ang mapunta ako sa Estet, naging
mabait yata ako ng isang tulog.

Sa ibaba ang party nila. Sa itaas ako nagtambay.
Ayoko ng usok. Hindi ako naninigarilyo. Hikain pa
ako. Hindi sila marunong magbasa. NO SMOKING.

Amoy ng kaldereta, pinapaetan at iba-iba pang
pulutan. Sa isip ko, saan ba nanggaling ang mga taong
yon. Ganoon pala silang magkakamag-anak.
Isang kaarawan, bayan ang iimbitahan.

Dinalhan ako ng pagkain ni kabalay. Salamat sabi ko.
Pinababa niya ako pero sinapo ko ulo ko at sabi
ko na parang may nagkakarpintero sa aking utak.
Panay ang martilyo. LAKAS KASI NG KARAOKE NILA.

Habang sila ay nagpapaligsahan nang pagkanta
ng MY WEE ni Frank Sinatra, sumalisi yata yong
dalawang magsinta sa silid ng aking kabalay.
Lintek na kama kasi niya ang laki. Gustong
gusto nilang gawing playground.

Hindi ko alam anoh. Hindi ako sumilip.
Nalaman ko nalang nang parang may rebolusyon
yata sa baba na isang Gabriela ang nagsisigaw.

"Lumabas kayo diyan mga walanghiya. Mga taksil,
mga traidor mga baboy."

Dagdag ko, mga hayok.

Asawa ni lalaki. Dumating. Ahaaaa magandang
panoorin. Tapat ng kuwarto ko ang kuwarto ni kabalay at
ang bintana niya ay nakaharap sa kalye, samantalang
ang bintana ko ang nakaharap sa likod bahay. Puwedeng
tumalon doon at lumabas sa kalye ng hindi na dadaan
sa pinto sa harap.

Pero ano siya sinuswerti. Nakapantalon na si lalaki.
Pumasok sa bathroom. Maliit ang bintana. Patuloy
ang talak ng asawa at pinipigilang umakyat ng
mga kamag-anak ng pinsan. Magkakilala naman sila.
Palagay ko nga isa sa mga ito ang nagbigay ng tip
sa asawa na hindi ito pupunta sa Monterrey tulad ng
paalam.

Hindi bumaba si babae. Bumaba lang si lalaki.
Kuwento ng aking kabalay, kalmot, sipa, suntok
daw ang inabot sa asawa. Buti wala ako sa ibaba
kung hindi, sana ay naiabot ko sa kaniya yong
tennis racket.

Isa-isang nag-uwian na ang mga bisita. Amoy
kambing, baboy at baka ang bahay.
Pagkatapos makapaglinis si kabalay, nagspray
ako ng lysol para pati yong amoy ng kataksilan
ay maalis.

Pinaysaamerika

Tuesday, May 31, 2005

Si Pinay at ang Pinsan ni Kabalay 3

Dear insansapinas,

Hitsurang pelikulang rated eks ang eksena. Hindi malaman ng lalaki kung
alin ang tatakpan niya, kung ang mukha niya o ang kaniyang harap. Nawala ang
aking lagnat. Nagkalat ang mga bote ng beer sa baba. Nakatingin sa akin yong
isang lalaking marahil kasama noong lalaking katalik ng Pinsan ni Kabalay.
Salubong ang kilay ko. Hindi sila nagkukumustahan. Sila ay nag-uumpugan.
Sabi nga ng mga capampangan, taksiyapo. Ginawa ninyong beerhouse ang bahay.
Mayamaya ay bumaba na ang lalaki at ang babae. Pareho silang mayroon ng
damit. Dapat lang. Nakatungo si lalaki habang si babae ay nakaingos.

Tuloy-tuloy sila sa pinto. Gusto kong sundan at sukatin ang kapal ng mukha nila.
Nang dumating si kabalay ay hiyang-hiya siya. Ang asawa raw noong lalaking dating
boypren ay kumare niya na nakatira sa Vallejo.

Dati raw magnobyo ang dalawa bago ipinitetion ang lalaki ng kaniyang mga magulang.
Nanag umuwi siya sa Pinas ay nahuli niyang may ibang kalaguyo ang pinsan ni kabalay.
Pinakasalan na lang niya yong pinagkasundo sa kaniya ng kaniyang mga magulang.
Dinala niya ang asawa sa Estet at hindi na umuwi sa Pinas. Ito ang muling pagkikita nila ng dating girl friend.

Parang gusto kong kumuha ng lapis at papel para isulat ang love story.
Bumalik din ang pinsan niya at iniwasan na lang niyang magtagpo kami. Madalas itong
nasa kuwarto at lalabas lang pag wala ako.

Minsan ay dumating kami ng napaaga ng aking kabalay. Minabuti naming magluto bago umakyat. Magsasalang muna ako ng kanin at salmon sa lata na lang ang aming palalanguyin sa sabaw na may sibuyas, itlog at kamatis.

Wala yong lutuan ng rice cooker. Wala rin yong maliit na kaserola. Hmmm. Hindi naman
kami napasok para yon lang ang nakawin anoh.

Umakyat sa kuwarto niya si Kabalay. Para yata akong may narining na malakas
na kalampag at sigaw ng O_i_a_o. Si dating boypren ay tuloy-tuloy na lumabas, bitbit
ang sapatos at pantalon.

Ginawang bahay kubo kahit munti yong kuwarto niya. May gulay na, may kanin pa.
Nagsagutan yata yong magpinsan. Kumuha ako ng popsicle at ako ay naupo.
Hmmmm mahabang gabi ito.

Pinyasaamerika

Monday, May 30, 2005

Si Pinay at ang Pinsan ni Kabalay 2

Dear insansapinas,

Mukhang nag-eenjoy ang pinsan ng aking kabalay sa pagbakasyon sa Estet. Wala yatang balak bumalik sa Pinas.

Pasalamat sana kami dahil may naiiwan sa bahay at kung maari lang ay may magsasalang
man lang ng kanin sa rice cooker, kahit walang ulam.

Darating kami ng alas onse ng gabi pero wala pang pagkain. Oke lang kung kami lang dalawa ng aking kabalay, dahil maari kaming tumawag ng pizza at magpahambalos
ng isang malaking may pineapple, pepperoni toppings.

Pero, mabait ang kabalay ko. Baka raw magutom ang kaniyang pinsan at sanay daw
sa kanin, kaya pagod man sa trabaho, ay magluluto pa rin ito at tatawagin ang pinsan
na babad sa TV maghapon, kuntodo nakarollers at bagong manicure ang mahahabang
kuko.

Dahil ang usapan namin ay isa magluluto, at isa ang maghuhugas ako ang tokang hugas.
Ahem, ako na may tatlong "katulong" sa pinas ay natutong maghugas at maglaba dahil
sa pangangailangan at pakikisama. Hindi sa hindi ako marunong maghugas ng pinggan subalit dahil sa marami akong trabaho sa pinas na pinagkakaabalahan, minabuting iwanan ko ang gawaing iyon sa mga batang maari kong paaralin para sa kanilang kinabukasan. Hindi dahil sila ay aliping sagigilid kung hindi upang pag-alis nila
sa aking poder ay may masasabing mayroong silang magandang kinahinatnan.

Ang aming mader ay tinuruan kaming maghugas. Una ay ang mga baso na kailangang sabunin upang pagbanlaw ay hindi malabo, ikalawa ang mga pinggan, habang ang kubyertos ay nakababad sa mga nakasingit-singit na kanin sa tinidor at panghuli ay ang mga kaserola at kawali na karaniwan ay maraming sebo.



Hindi pa kami tapos ay tumayo na si Pinsan ni K. Mamiss daw niya yong ending
ng pinapanood niya. Bakasyonista nga. Pinaglulutuan mo at pinaghuhugas pa.

Ganoon paulit-ulit yon. Minsan dinadala pa niya ang pagkain niya sa kanilang
kuwarto. Nanonood daw kasi siya at ayaw maabala. Tapos ilalagay niya sa hugasan
ang kaniyang pinagkainan.

Lampas ng isang buwan ang kaniyang pagtira sa amin. Marami na rin siyang kaibigan
na nayaya sa bahay. Minsan naglulutu-lutuan sila habang kami ay wala. Iniwan pa nila ang maruruming kubyerto ng pinaglutuan.

Kinausap ko ang aking kabalay. Ayaw ko kakong may pumupunta sa bahay ng kung sino-sino pag wala kami. Kung may gusto siyang imibitahin, kailangan, magpaalam sa amin at sabihin kung sino ang mga iyon.

Nahihiya raw siyang kausapin ang pinsan niya. Isa, mas matanda ito. Ikalawa, nirerespeto raw nila ito dahil siya lang may mataas na pinag-aralan sa kanila.Tapos ito ng secretarial, samantalang sila ay tapos lang nh high school at ang iba
ay elementarya lang. Kung hindi nga lang siya pinilit ng nanay niya na pakasal
sa matandang Puti, disin sana'y hindi siya nakarating dito sa Estet.

Sabi ko, hindi sa pinag-aralan ang ikakagalang ng isang tao kung hindi sa kanyang
mabuting pakikisama, mabuting pag-uugali at respeto rin sa kapwa tao.
Sa ginagawa niya ay wala siyang respeto sa kaniya, huwag na lang sa akin.

Kinabukasan ay di ko dinatnan ang kaniyang Pinsan. Kinausap na kaya niya at pinaalis
o kaya ay nagtampo at nag-alsa balutan.

Tahimik kaming kumain. Wala siyang kibo. Hindi rin ako kumibo.

Kinabukasan ulit wala pa rin ang kaniyang pinsan. Nalaman ko na hindi pa niya kinausap at hindi niya alam kong saan nagpunta. Puwede raw bang ireport sa Pulis.

Nakita ko ang kaniyang pagkatigatig. Niyaya ko siya sa Pulisya.
Pababa kami ng hagdan nang makasalubong namin siya. Masayang nakaabrisyete sa isang
lalaki. Dati raw niyang boyfriend sa pinas na ngayon ay may-asawa na rito sa Estet.
Napunta raw sila sa Nevada.

Gumalaw-galaw ang aking mata at kilay. Kung ako lang si Cherie Gil, nasampal ko na
siya at nasabing lumayas siya. Kung ako si Robin Padilla, nabugbog ko na ang lalaking
kasama niya. Pero wala kasi akong pangrap maging artista, kaya minabuti ko na lang ang umakyat ulit, sipain ang walang kamalay-malay na tsinelas, na sa isip ay habe nga
sa daan ko, at isinara ko ang pinto ng aking kuwarto ng napakalakas.

Olrayt ilang oras din akong di nakausap pero kagaya nang aking panununtunan
sa aking gawain, lay down your cards on the table...pag pusoy panalo ka. ekkk ano ba ang pinagsasabi ko. Bakit ko dadagdagan ng wrinkles ko sa inis?

Bago kami kumain ng hapunan, kinausap ko sila, rules of the house...
1. Pag-aalis o lalabas ang sinuman, kailangang mag-iwan kung saan pupunta kahit
sa isang pirasong papel. Kung walang papel, sasampalin ko sila ng isang ream
ng copy paper.

2. Kung nakalimutang mag-iwan ng mensahe, tumawag. pag walang sumagot, kausapin ang
answering machine.

3. Pag may darating na bisita, sabihin kaagad para hindi ako maabutang nakasuot ng disente lamang sa loob ng pamamhay.

But rules are meant to be broken.

Call in sick ako. May trangkaso. Minarapat kung mahiga sa aking kuwarto para di makahawa. Kumatok ang aking kabalay. Hindi ako sumagot. Antok ako. Lumayo siya
sa pag-aakalang pumasok na ako at di nagpaalam dahil tulog pa siya.

Parang may naririnig akong ingay sa baba pero balik ako sa pagtulog dahil sa
gamt kong ininom. Madilim na nang ako ay magising. Inot-inot akong tumayo upang
pumunta sa bathroom. Tatlo ang bathroom ng bahay. Dalawa sa ibaba at isa sa itaas. Madalas gamitin ko ang sa itaas kung hindi lang naman ako maliligo.

Binuksan ko ang pinto. Binuksan ko ang ilaw. Akkkkkkkkkkkkkkkkkkk may lalaking
nakabrief. Tinakpan ko ang isa kong mata. Kinuha ko ang isa kong payong at handa ko siyang saksakin kung siya ay lalapit sa akin. Tumakbo palapit ang Pinsan. Nakatapi lang ng tuwalya.

Yong dating boyfriend ng Pinsan ni Kabalay. Akala pala nila ay wala ako.
Nag-inuman sila sa ibaba at ewan ko kung ano pa ang ginawa. Pag nakabrief ang lalaki
at nakatapi lang si babae, palagay ko hindi sila naglalaro ng patintero.

Parang gusto kong magtalumpati.

Hindi mo lang ako hindi iginalang,
Binaboy mo pa ang aking tirahan.

Pinaysaamerika

Monday, May 23, 2005

Si Pinay at ang Dagang Prostitute

Dear insansapinas,

Pagbabalik-gunita lamang.

Ang bahay na tinirhan ko ay may in-law sa ibaba. Ito ang ilalim ng bahay na ginagawang kuwarto o kaya isang kumpletong tirahan na pinapaupahan ng may-ari ng bahay.

Dalawang kuwarto ang nasa ibaba. Isang beterano at ang kaniyang asawa at isang lalaki
na may dalawang anak na babae. Ang anak na mas matanda ay labingwalong taong gulang lamang nguni't mayroon na itong isang anak.

Ang bunso ay labindalawang taong gulang.

Ang kanilang bathroom ay sa ikalawang palapag. Sa aming likuran. Hindi kailangang pumasok sa loob ng kabahayan. Ang kanilang kitchen ay sa itaas din. Nakikiluto sila sa aming kitchen dahil bawal ang lutuan sa ibaba. Firehazard.

Dito ang paupahan ay mayroon ng cooking range at refrigerator.
Kahit dalawa lang kami ng kasama ko, malaki ang ref na ginagamit namin dahil
minsan-minsan lang kaming mamalengke.

Puno palagi ang aming ref lalo na ng ice cream, popsicle at iba pang frozen delights.
Hindi naman kami mahilig magluto dahil sa walang panahon at nagkakatamaran kaya lahat halos instant micro at junk foods.

Mahilig magluto yong asawa ng beterano. Binibigyan kami kaya bukas lang ang ref namin para makakakuha siya ng gusto niyang lutuin. Sahog kami.

Yong lalaki na may mga anak na babae ay hindi nagluluto. Parang lahat ng kinakain nila ay to-go. (bili sa restaurant).

Mainit ang panahon noon kaya bumaba ako sa kitchen. Nasa ikatlong palapag ang aking
silid. Ang pinto ng kitchen papunta sa likod ng bahay ay bukas. Ito ang daanan ng
mga nakatira sa in-law para pumasok sa kusina.

Kumuha ako ng popsicle. Uhmmm...halos paubos na. Tssk tsssk itong kasama ko
kakain lang, hindi pa itapon ang balat. Tinupi pa.

Kinabukasan nakita ko ang batang babae. Papasok siya sa iskwela. Gusot ang kaniyang
damit na tila ba gustong sumama ang plantsa sa kaniya.

Naghahanap siya ng pagkain sa mga kalderong nasa stove. Tumalikod siya nang makita
ako at tuluyan nang umalis. Nakita ko ang gutom sa mata niya.

Double shift ang kasama ko kaya maghapon siyang wala. Samantalang day off
ko pag Sabado at Lingo.

Gabi at mainit ulit. Kumuha ulit ako ng popsicle. Hmmm, bawas na naman at may
nakatuping balat ng popsickle. Hmmmm masama ito. May dagang may dalawang paa at
dalawang kamay na pumapasok sa ref. Sa freezer pa. Mahuli nga.

Umakyat ako sa itaas pero nakasilip ako sa may pinto galing sa ibaba.
Gusto ng magrebelde ng aking likod sa aking katawan dahil sa pagkakatagilid ko
sa pagsilip. Kulang na lang itong magdala ng placard para ipakita ang pagrerebelde.

Bumukas ang pinto. Dahan dahan. Alas diyes na ng gabi. Isang babaeng nakaitim ang pumasok. Nangingintab ang damit. Binuksan niya ang ref. Binuksan ang freezer. Kumuha ng popsicle, binalatan, sinuli ang balat at kinain ang popsicle.

Ang batang bunsong anak noong lalaki. Pero bakit ganoon ang suot niya. Baka
may party siyang dinaluhan. Marami pang make-up.

Kinabukasan habang nagluluto si Nanang (asawa ng beterano)nag-ala Cristy Fermin ako.
Tanong ,tanong, tawa, tawa.
Prostitute daw yong bata sa gabi. Lumalabas daw, kasama yong kapatid na babae.

Luwa ang mata ko. Labindalawang taong gulang ? Ano ang trabaho noong ama?
Wala raw. Addict pa raw. Kasi raw iniwanan ng asawa kaya sinisira ang buhay.

Uhmmmmm. Sabi ko tamad lang talaga.

Pinaysaamerika

Friday, May 20, 2005

Si Pinay at Pinsan ni Kabalay

Dear insansapinas,

Maghintay kayo sa susunod na kabanata ni James Bond.

Work to death ako. Five days a week nga pero 5:30 pa lang, alis na ako ng
bahay. Ang balik ko ay alas diyes.

Ang aking kasama naman ay pasok siya ng alas 2:30 ng hapon at ang
uwi rin niya ay alas 10. Sabay kaming kumakain ng hapunan. Hati kami
sa gastos.

Minsang umuwi ako ay may naabutan akong isang babae sa aming kusina. Kumakain.
Pinsan daw ni kabalay. Galing sa Pinas, turista.
HMMMMMMM
Sohgal na shogal ang dating niya, mamah. Nagkakadatikwas ang mga daliri niya sa paggamit ng kubyertos. Maliliit din ang subo niya. Malamya siya kung magsalita. Ang ulo niya ay gagalaw-galaw na Tila yong asong plastic na dinidsipley sa kotse, tatango-tango, iling-iling pag gumagalaw ang sasakyan.

Kung hindi lang sinabi siyang BABAE PO AKO, mukha siyang shukling. Laki ng Adam’s Apple. Parang gusto kong pangangahin at ipaluwa ang mansanas.


Cashier daw ito sa isang hotel.
HMMMMMMMMMMMMMMMM

Mukhang may kaya. KAYABANGAN.

Ikaw anong trabaho mo sa Pinas ? Pinipilit niyang kutsarain ang spaghetti.
Mangani-nganing agawin ko ang tinidor, paikutin ang spaghetti at sabihing
NGANGA. Pagkain ng spaghetti, tinidor ang ginagamit ano.

Hingang malalim, hingang mababaw. Bakit ba mainit ang dugo ko.
Antibiotic ang dating niya sa akin kaya lumabas na naman ang aking dugong
Berde.
Si Santa Inez kaya ay patrona ng mga naiinis na tao?

Ikaw anong trabaho sa Pilipinas? Tanong niya sa akin nang walang
Kagatol-gatol , walang preno, walang beep beep.

HMMMMMMMMMMMMMMMMM
Ayyy,Ginaya ko rin ang paggalaw ng kaniyang leeg . Pati pagtikwas ng daliri.
METRO AIDE.

Ay ganda mo namang METRO AIDE.

Kung hindi doon sa ganda, siguro kinurapan ko siya nang walang tigil at
Sabihin sa kaniyang GAGAH,naniwala ka naman. Kaya lang magmumukha naman
Akong ATE VI niyan.

Nananalo raw siya sa isang contest sa noontime show ng 300,000, kaya
Feeling siyang Nina Ricci siya..(rich). Tourist bigla drama. If I know,
gusto niyang puntahan ang kaniyang EX ditto. HHHHmm.

Natapos ang kainan. Hinugasan ko ang aking kubyertos. Siya iniwanan niya sa
sink.

Masama ang aking kutob. Tamalis ang babeng ito. Ano siya sininswerte? Sino ang
Chimiaa niya ?

Pinaysaamerika