Advertisement

Thursday, December 25, 2008

Pasko Pa Rin



Dear insansapinas,

Padala sa akin ng isa kong reader si bayi. Ganda anoh? I tried to keep awake last night. Kaya alas siyete pa lang, nahiga na ako at naghilik. Hindi ako kumain. Masarap yong niluto ermm binili ko sa deli, spare ribs. yum yum. Tapos nagluto
bumili sa Boston Market din ang kapatid ko ng ham, mashed potato at coleslaw.

Nagising ako ng alas diyes. Hmmm, dalawang oras pa. Gutom na ako. Tikim ng ham, mashed potato at uminom ng Apple cider. Brrrk brrrrk. Takbo ako sa toilet. Wow, parang rapido. Anong nangyari? anong nakain ko.

Hanap ako ng immodium (anti-diarrheal pill. Wala. Hanap sa medicine cabinet. Hanap sa drawer. Hanap sa bag. Ahaa, naalala ko na meron ako sa bulsa ng aking pantalon dahil noong minsan sa takot kong abutin ako ng sakit na yon dahil kakain ako sa labas, nagbaon ako ng dalawa.

Pagkainom, nakatulog ako. Parang beybi. Gising ako. Alas kuwatro na. Waaah.

Pinaysaamerika

2 comments:

Twilight Zone said...

waaa buti kapa e ako paskong pasko hapit sa trabaho hehe

cathy said...

wala bang PAsko sainyo talaga kahit holiday man lang. di bale may holiday naman kayo na wala kami. hehehee