Advertisement

Tuesday, December 02, 2008

Christmas Parlor Games na hindi ko makakalimutan, BOW

Dear insansapinas,
Pag Pasko, natutuwa ako sa mga parlor games. Kasi nakaka-excite.

Istudyante ako noon sa MBA at kailangan naming umatend ng Christmas party na sponsored ng mga officers.

Ayaw kung sumali. bungisngis kasi ako eh. Minsan sumali ako sa kalamansi relay, yon bang calamansi ay "isasakay" mo sa kutsara na nakaipit saiyong ngipin. Talo. kasi habang tumatakbo ako panay hagikhik.

Tapos yong parlor game na may nilagang itlog. Ipapasok sa pantalon ng lalaki, pagugulungin hanggang sa baywang at doon kukunin. naintindihan ba ninyo?

Yong mga lalaking propesor ang mga kasali na siyang nakatayo at papasukan ng itlog sa pantalon. hehehe. Volunteer ako. Nandoon yong isang poging propesor.

Habang pinaakyat ko ang itlog sa loob ng kaniyang pantalon, napatigil ako. malapit na sa hita. Basag ang boiled egg. hmmm, buti na lang at lutong luto siya.

Sabi ko, Sir, basag ang itlog ninyo. hehehe.

Pinaysaamerika

2 comments:

Twilight Zone said...

wahahaha "sir, basag ang itlog nyo"

cathy said...

muntik na akong mabatukan.