Advertisement
Tuesday, September 28, 2004
Si Pinay at ang Maalala Mo Kaya
Shopping ang therapy ng bossing ko. Pag bukas pa lang ng Macy’s ay nandoon na kami.
Dala-dala niya ang maraming damit at outercoat na may tag pa. Sandali, nakita ko yong damit na suot niya sa Lake Tahoe. Hmmmm, isosoli niya ? Saka bakit may tag pa yon ?
Gawi pa la nang iba yon. Ang bumili at magsoli ng mga items basta nandoon pa rin
ang resibo o kaya maari pa nilang makita sa computer ang item.
Kung nahihimbing siguro ang bossing ko ay dalawang tunog lamang ang puwedeng
magpagising sa kaniya, ang tunog ng slot machines at ang tunog ng cash register sa check out counter ng department store.
Isa pa gusto niya akong makausap nang walang nakakarinig. Alam niyang hindi ko gusto ang ginawa niya kay S. Kahit magiging empleyado niya lang ako, ilag siya sa akin.
Siguro may personalidad ako na kinatatakutan nag ibang tao. Tahimik ako pero pag may
ayaw ako ay hindi ko pinalalagpas ang pagkakataon para sabihin o kaya iparamdam
ang hindi ko pagsang-ayon. Kung minsan siguro nasa body language ko ang aking pagkondena sa isang maling bagay.Ang aking personalidad nga raw ay Tea.(tingnan sa
blog ni Dr. Emer ang personality test na ito.)
Kagabi ay nagkakandatuwad sila ng salitan ng pagkuwento ng katatawanan.Maliban
sa pagtaas ng kilay, pagngiwi ng aking labi, wala silang narinig na halakhak sa akin.
Niyaya ako ni bossing kumain sa isang Filipino restaurant na tahimik. Naramdaman ko na gusto rin niyang buksan ang kaniyang dibdib. Susmaryakapra,feeling ko si Charo Santos ako. Sa Maalala mo kaya. Lahat ba sila magkukumpisal sa akin.
Masakit daw ang ginawa niya kay S. pero sukdol daw ang tampo niya rito. Isa siyang pinagkatiwalaan niya nang pagpapatakbosa negosyo at balita niya ay nililigawan ito ng kakumpetensiya niya para maging partner sa parehong negosyo.
Ahhh, sabay subo ko ng piraso ng kare-kare.
Anak daw si S ng isang matanda na kumupkop sa kaniya nang mabuntis siya at iwanan
Ng lalaking ng kaniyang dalagang anak niya ngayon.
Ahhh,yon pala eh…subo ako ng pirasong hipon.
Ginantihan naman daw niya iyon sa pagkupkop kay S nang dumating siya rito sa Estet.
Samantalang siya raw nang dumating dito ay walang kamag-anak.Hindi ko na kailangang ikuwento sainyo ang iba’t ibang pamamaraan upang makapunta rito.
Iba’t ibang pamamaraan upang manatili dito sa tulong ng mga ahas.
Oo Birhinya, ang ahas ay hindi lang sa gubat. Marami rin sa maga airconditioned na opisina.May itim, may puti, may kayumanggi ay may dilaw.
Nag-asawa siya ng Puti at nagtrabaho sa isang opisina na ang negosyo ay katulad nang
sa kaniya. Ang non-competition clause ay dapat may taning kagaya nang pagkatapos ng isa o dalawang taon, maari nang magtayo ang empleyadong umalis para magtayo ng kaparehong pinagkakakitaan.
Ikapito na ito na umalis sa kaniya. Nagtayo na ng sariling negosyo ang mga dating
empleyado.Kasama doon ay ang mga kliyente niya.
Ayaw na raw niyang idemanda. Masyadong magastos at sayang ang oras. Ito si S ang ginugulan niya ng oras para turuan dahil inako niyang parang kapatid.
Tanong niya sa akin kung masisisi ba siyang magtampo.
Ahhh ? Sandali,nalunok ko yong buong bokchoy. Parang ahas itong dumulas sa aking lalamunan.Ulkkk.
Medyo nabawasan ang inis ko sa kanya.Napag-isip-isip ko na kailangang marinig muna
talaga ang panig ng dalawang nag-aaway bago maghusga.
Naintinidihan ko siya sabi ko. (At masarap ang kinakain ko ). Ang buhay sabi ko parang kare-kare. Iba-iba ang sahog. May asin,may peanut, may bagoong at mainit na apoy ang iniluluto. Pero para kumain, kailangang palamigin. Kaya dapat palamigin niya ang kaniyang ulo.
Sabi ko, pirmahan niya ang papel. Whatever goes around, comes around. Yong nga lang iba natatagalan sa kanto. Siya nga nanggaya rin ng negosyo.Ganiyan lang ang buhay,minsan sandwich ang kinakain mo, minsan kare-kare. Sus ano ba ang pinagsasabi ko.
Napatunayan po ito sa aking kuwento sa aking kambal na blog.
Tinawagan ko si S. Pumunta siya sa opit. Hindi siya nilabas ni Bossing pero
Pinirmahan ang papel niya. Ang tingin ko sa kaniya berde na.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment