Advertisement

Saturday, September 18, 2004

BLT Sandwich-Burger/Longanisa/Tosino ?

Dear insansapinas,

Lumipad kami sa LA, nang Lunes. Napakaliit
na erpleyn ang sinakyan namin. Parang
yong mga domestic flight na sinasakyan ko
papuntang Bicol, Bisayas at Mindanao.

Hindi ko pa dala yong aking bagahe. Overnight
bag lang ang dala ko.

Sa Burbank kami lumanding at sinalubong ng
mga LA office staff. Ang nagdrive ay si N
na kakukuha pa lang ng driver’s license kaya
sa mga side streets lang ang daan namin.
Dapat nga siguro dahil kahit hindi kami
nagfreeeway, panay ang sumalosep ng bossing
ko. Hindi naman siya ang nagdadrive, panay
ang brake niya. Napapasunod din ako. Kaya
lang may kasamang clutch yong akin.

Tuloy ulit kami sa Denny’s para sa almusal.
Husme, iinterrogate-in na naman ako ng waiter,
kung ano ang gusto ko. Pahirap na almusal ito.
Kulang na lang ang lie detector para malaman
nila na nagsasabi ka ng totoo na ayaw mo ng
tomato saiyong BLT sangwich.Eh gusto ko lang B.
Burger. Yong Longanisa at Tosino, sa tanghalian na.

Usap-usap. Introdyus, introdyus. Kain, kain.

Biglang nagkagulo. May isang taong nakalupasay
sa lapag. Walang lumalapit.Bumubula ang bibig.
Natakot ako. May lason kayang nakain ?

Mamaya ay may wang wang na dumating. 911 raw.
Nagguwantes yong Puti bago
hinawakan yong mamang nakahandusay. Epileptic daw.
Dinala nila sa ambulansiya.

Nawalan ako ng ganang kumain. Pinabalot ko
ang tira ko. Sabi noong isang kakilala ko,
okay daw yon, dahil baka raw ang susunod na
kain namin ay hapunan na. Anoh ?

Tumuloy na kami sa opisina. May mga staff pa
doon. Photo-op, photo-op muna bago
dinala ako sa isang opisina na maraming
telepono. Ano ako gagawing nilang operator?

Pinatawagan sa akin ang SF Office. Panay
wrong number. Chineck ko ang number, tama
naman. Kulang na lang sugurin ako noong
sumasagot sa kabilang linya dahil sa paulit-ulit
kong pagdayal. Di huwag kang sumagot, sabi ko
sa Tagalog nang sabihin ulit na you got the
wrong number. Tang.@#$.

Buti na lang dumating si T. Hindi ko pala
dinadayal ang area code kasi. Saka puwede
ko ring gamitin yong speed dialer. Malay ko
ba. Hindi ba nila alam ang salitang orientation?

Masyadong busy ang mga tao. Siyempre dahil
nandoon si Bossing. Hindi kami nagtanghalian.
Di kagaya sa Pinas na inaabangan na lang ay
ang alas dose. Pumasok ako
sa isang kuwarto kung saan may iniinterview
para sa warehouse. Latino siya. Hindi
siya marunong ng English. Tinanong ko yong
nag-iinterview kung paano sila nagkakaunawaan.
Sabi niya muwestra lang. Parang mime artist.
Hiningan siya ng photo id. Inilabas niya
ang isang driver’s license.

Pinakita sa akin nang nag-iinterview.Sabi niya,
yon ang nabibili sa tabi-tabi
sa halagang $ 50, depende kung saan binili.
Pag sa middlemen,umaabot ito
ng $150. Oo,Birhinya, maraming peke dito.
Kung sisipatin mo ay parang genuine.
Pag sinuswerte ka, buy one take 2, may
kasamang SSS Id. Siyempre peke ano.
At pag ikaw ay pinagtiwalaan nila, kahit
green card makakabili ka.


Kaya ang ginawa ng DMV,lately ay lagyan
ng isa pang retrato
ang license. Isangmalakiatisangmaliit.
Akala ko noong una, retrato ng anak yon.
hahaha. Ang green card ay
nilagyan ng magnetic field na pag swipe
sa machine ay makikita ang kuwento ng buhay mo.

Ang peke ay hindi. Pero marami pa ring bumibili
nito dahil hindi naman lahat ng
employers ay may kapabilidad magverify.
Isa pa kung temporary lang naman ang
trabaho at kailangan lang nilang may
taong gagawa. Who cares?

Itutuloy

Pinaysaamerika

No comments: