Advertisement

Friday, January 09, 2009

Procession ng Nazareno sa Quiapo

Dear insansapinas,


Kung buhay ang mother ko at umuwi ng Maynila, kasama siya sa mga debotong nanood ng prusisyon. Hindi siya sumasama sa prusisyon kasi para sa mga lalaki lang yon na nakapaa lahat dikit dikit ang katawan habang unti-unting umuusad palibot sa mga kalsada ng Quiapo.

Noong minsan inabot sila ng hatinggabi pag-uwi. Wala ng traysikel papunta sa village.
Tapos mayroon na lang traysikel na dumating. Sabi ng driver, natutulog na raw siya pero parang may gumising sa kanya para pumunta sa lugar na iyon dahil may naghihintay ng masasakyan.

Marami akong hiniling na ibinigay sa akin. At ako ay nagpapasalamat.

Viva Senor!!!

PinaysaAmerika

No comments: