Advertisement

Friday, August 29, 2008

Radiology Appointment

Dear insansapinas,
Appointment ko sa Radiology department ngayon na walang radio. eheh. Dala ko ang aking bagong camera.

Pagkatapos ng routine, yong pipirmahan mo ang mga forms, bibigyan ka ng bracelet an hindi naman gold perong iyo-iyo kasi may pangalan mo at saka date of birth mo, tapos isasalang sa malaking aparatus...punta ako sa lobby ng hospital para hintayin ang aking sundo.

Ito ang isang lugar na hintayan. ganda noh, para kang nasa hotel lobby.



Meron siyang mga recliner chairs at free coffee sa sulok. Ayaw kung maupo doon, baka ako makatulog.

So lakad ako. Ito hindi coffeeshop. Pero pwede kang uminom ng kape habang naghihintay ng iyong sakay. Glass ang wall kaya kita mo ang dumarating at pumaparadang sasakyan sa harap.



Wala pa rin ang sundo kaya lumabas ako. Picture pa rin.



Ito upuan sa labas, pero basa kasi tikatik ang ulan.



Madilim ang langit. Umaambon pero sige pa rin ang kuha ko ng picture.



Pati itong punong may bulaklak pinagtiyagaan.



Ito maganda pero naalala kong pumunta sa bathroom.




Paglabas ko nadaanan ko pa ito. click ulit. Nakita ko na yong sundo ko.

pinaysapinas

No comments: