Advertisement

Friday, August 08, 2008

Hindi raw Kristiyano si Osteen

Dear insansapinas,



Siya`si Victoria Osteen ang asawa ng sikat na televangelist at manunulat na si Joel Osteen.

Dinemanda siya dahil itinulak at siniko daw niya ang isang flight stewardess ng Continental Airlines. Wow, suplada.

may dumi raw kasi sa upuan niyang first class sa eruplano at hindi nalinis ng flight stewardess. napagbayad nga siya ang airline ng tatlong libong dolyares dahil sa insidenteng ito. whoa.

Hindi naman siya inaasahang maging santa pero kapag sila ay nagsesermon ng kabutihan, dapat, iwasan nila ang pagiging maldita kahit na nga gusto nilang mampukpok ng ulo.

Tingnan mo sabi tuloy ng stewardess, nagkaroon siya ng hemorrhoids. BAKEEEEt.

At hininihingi niya ay 10 per cent ng ari-arian ng Osteen. Ano yan tithing? Pero maraming dolyar yon. Biruin mong libong tao ang pumpunta sa simbahan nila.

pakiwiikan nga akong holy water.

Pinaysaamerika

No comments: