Advertisement

Friday, August 29, 2008

Bomba Raw

Dear insansapinas,



Pagkagaling sa ospital, gusto kong pumunta sa pinakamalapit na shopping center. Bibili ako ng money order. Kailangan para sa mga hospital records ko na hinihingi para sa reference.

Ito ang mga araw na naglalaban ang aking kunsensiya o kaya ng aking mga anghel dela guwardiya, sa kaliwa at sa kanan. Sabi noong isa, Sige humayo ka. Sabi naman ng isa, huwag matulog ka na lang.

Masakit pa ang aking paa. Hindi naman arthritis. Iika-ika ako pag lumakad. Kaya lang kailangang naihulog kaagad ang money order para marelease ang mga records ko.

Kaya kahit ako iikaika, lakad pa rin ako.

Sampung minuto lang naman ang layo ng shopping center sa amin.

Nagtataka ako, parang walang tao. Bukas naman ang mga ilaw ng nadaanan kong mga tindahan, pero wala akong makitang tao. Suddenly para akong nag-iisa na biglang nawala lahat ang mga tao.

May nakita akong maraming pulis sa harapan ng grocery at bangko. May yellow police tape. Para akong nanonood ng CSI. Tnginingngining.

Usisa, tanong, tsismis. Sabi noong una. may robbery raw. Imagine ko kaagad mga taong may takip sa mukha, may hawak na mga baril at may dalang mga bag ng peraseses. Pero juice ko naman, ang taas pa ng araw. Katapang naman nila.

Nakapasok ako sa pharmacy na siya lang bukas. Kasi siguro pag may nasaktan, may kukunang gamot. Sabi noong manager, bomb threat daw. Bigla akong nginig.

Nakalimutan ko ang sakit ng paa ko. Madali akong uwi. Kaya pala tamad akong lumakad eh.

Pagdating ko sa bahay,hingal.

Pinaysaamerika

No comments: