Sunday, March 02, 2008
Bagyo, Baha, Banka
Salawikain for the day
Ang masamang wika, pagtama sa tao’y nagsisilbing pasa.
Salawikain tagpi-tagpi.
Ang masamang wika, pagtama sa tao’y nagsisilbing pasa.MAy KAsama PANG TUNOG NA *PAK*
*heh*
Dear insansapinas,
Bumabagyo dito sa iba't ibang sulok ng US of Ey. Yong iba talagang tambak na tambak na yelo. Maraming halo-halong magagawa. Tingnan ninyo ang retrato sa New England.
(kopya sa MSNBC)
Di ba katakot na ang bahay ninyo may sunong na daan daang snow cone?
Dito sa amin awa ng Diyos, pasulpot-sulpot ang snow. Minsan isang araw mag-iisnow, tapos mangangapitbahay siguro sa ibang States saka babalik.
Yan ang aking view from my window. ahem.
Ito naman ang bagyo sa Manila. Baha naman ang kalaban. Asensado na rin sila. Hindi na banca ang ginagamit o tulay. Tingnan ninyo ang retrato. Pag nakauwi ka naman ay safe na ang feeling mo. Kakain ng pritong tuyo at umuusok na kanin. Sarap ang tulog sa lakas ng tunog ng ulan.
Hindi kagaya sa ibang States ng US of Ey, takot mong bumagsak ang bubong.
Ito ang balita o.
People can't keep up with the snow. They think it's going to stop, but it's just not stopping," said Shawn Greenwood, owner of Greenwood Construction, in St. Johnsbury, Vt.
"I've been roofing for 20 years and this is the worst I've ever seen," he said. "I was shoveling a roof off one day two weeks ago and the house next door caved in."
salawikain,Pinay,snowstorm,Pinaysaamerika
Saturday, March 01, 2008
ISTATWA
Salawikain for the day
86. Ang taong marunong magtanong, mahirap mabalatong.
Salawikain tagpi-tagpi.
86. Ang taong marunong magtanong, mahirap mabalatong.ANG TINATAWAG NA MAKULIT.
*heh*
Dear insansapinas,
Noong bata pa ako, (bata pa rin ako hanggang ngayon, batang isip), may laro kaming istatwa. Yong pag na tag ka, huwag kang gagalaw. Pag gumalaw ka, taya kang bata ka. mwehehe.
Meron ding sayaw na istatwa. Sayaw-sayaw bata, pag hinto ng mooosik, hinto, kahit paghinga, paghatsing at pagkamot ng makating bahagi ng katawan.
Oras gumalaw, tanggal.
Itong istatwa sa San Francisco at sa ibang tourist destinations insan ay napakagaling talaga. Walang galaw, walang kurap at iba-ibang pintura ang ginagamit sa kanilang costume. Minsan silver, minsan gold, depende kung ano ang gusto nilang palabasin.
Kumikita sila ha. Dollar ang ibinabagsak sa kanilang lata o shoebox ng mga turista. YOng mga local, di na sila pansin syempre. Pag may photo-op, 5 dollars din yon.
Malaki kita nila pag maganda ang weather. Saka teritoryo, teritoryo din yan. MAgkamali kang magpose sa teritoryo ng iba, magiging istatwa kang permanente. Ngii.
salawikain,Pinay,computer,Pinaysaamerika