Saturday, July 31, 2010

Dancing Heroes

Dear insansapinas,
Pupungas-pungas pa ako. Timpla ng kape, timpla ng sambong tea, basa ng e-mail, basa ng blog.
Bwwwrrrrrrrrrssss. Muntik na akong masamid. Ang halakhak ko ng malakas. Di bale, tulog pa ang kapatid ko. 
Pero dinig din siguro ako. Sabi siguro, may kausap na naman akong invisible friend.


Pero ito ang aking pinagtawanan. Tackiness Festival.
Huwag ninyong panoorin kung may iniinom kayo. Yong mga Pinoy movie, habulan muna ang bida at konrabida tapos siyempre dating ang mga pulis bandang huli tapos ang ending ay sayawan sa beach. Ahahahahaha.

Pinaysaamerika

Friday, July 30, 2010

Si Pete

Dear insansapinas,


Nakita rin naman sa wakas ang bahay sa baryong yaon. May bakod at maraming puno.  Marami ring tanim sa balkonahe kaya hindi mo kaagad makita ang tao sa loob.


Sumigaw kami ng TAO PO.


Tanong: SINO KA?

ME: Si Cathy po.



Tanong: Saan ka nakatira?


ME: Sa Memila po.


Tanong: SINO KA?


ME: Si Cathy po.


Tanong: Saan ka nakatira? 


ME: Sa Menila po.


Tanong: SINO KA? 


ME: Sinabi ng si Cathy po. (may pagkabingi siguro kausap niya).


Tanong: Saan ka nakatira? 


Isip ko, recording. Pero ano naman ang gagawin ng recording sa baryo.


Tapos may sumigaw ng MAGNANAKAW, MAGNANANAKAW. 


Mga tahol ng aso ang narinig namin at NGIYAW.


NGIYAW? 

Double Wedding

 Dear insansapinas,
photocredit:MSNBC

Kung Kailangan Mo Ako Part 10

Mga Tauhan

Nova: Isang babae raw (hehehe)

Manny: Isang lalaki (doble hehehe)

Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo

Del: Isang babaeng may-asawa raw

Tes: Isang babae, may asawa rin

Dino: Isang lalaki, under ng asawa

Unang nagpakasal ay si Tommy. Isang Pinay na matandang dalaga ang niligawan niya at sa loob lamang ng isang buwan ay nagpakasal na sila. Inayos nila ang papel para makapirmi na si Tommy sa US legally.

Nagdadalawang isip man ay nagpakasal na rin si Nova sa isang Pinoy na ipinanganak na sa US. Nag-iisang anak ito kaya sila ay nakatira sa bahay ng mga magulang.

Thursday, July 29, 2010

Mga Samu't samot

Dear insansapinas,

Gasgas ang utak ko pagkatapos kong magbasa ng 4 na nobelang sunod-sunod. Pinipilit ko kasing hulaan ang mga criminal among the usual suspects. Paano mo mahuhulaan, kung yong asawa pala ng detective ang mismong serial killer o ang kaniyang chief ang mismong kontrabida at isang matandang lalaki na hindi mo aakalaing makakapatay pa. Whew. zzzzzzzz Pero nakapagbasa pa rin ako ng mga balita. 

Balita 1
Mabuti naman at madidisqualify si Mikey Arroyo sa pagrepresenta ng mga tricyle drivers. Ano naman kasi ang karapatan niyang maging representative nila sa Congress? Nakasakay na ba siya ng tricycle? 


Bakit kasi may mga party list, party list pa? Ewan ko Birhinya, pero di ko talaga maintindihan kung bakit eh di ba ang mga congressmen dapat ay nireprepresent ang isang lugar, maging bakla ka man, tricycle driver, at kung anu-ano pa. Paki-esplika nga bakit kailangan bigyan ng pork barrel ang mga ito? Pakipulot nga ang aking IQ, Nahulog eh.


Balita 2
Suspendido ang mga COMELEC OFFICIALS  na nalink sa contract  ng  ballot secrecy folder . MAbuti naman. Isa sa mga kinainisan kong tingnan ay yong pinapakita ang mga botante na  nagsusulat ng iboboto nila  habang maraming nakatingin. Ang binoto nga ni Erap naretrato pa ng isang photographer. DUH. 


Sana naman hindi lang ito hanggang publicitiy.


Balita 3
Bumalik na ang presidential sister. Kaya may bagong gimmick na inilabas ang kaniyang media relations. Siya ay buntis DAW. *heh*
Pasensiya kayo walang link. Magdusa kayong maghanap dahil hindi na kailangang hanapin. Nasa lahat ng diyaryo. 


Balita 4


Humingi ng payo si Venus Raj kay Manny Pacquiao kung paano manalo sa international competition. Akala ko sasabihin ni Manny. ganito, yon, left hook, right hook at saka kumanta ka sa karaoke. Ahohoho


Pinaysaamerika

Wednesday, July 28, 2010

TNT

 Dear insansapinas,
photocredit: MSNBC
Marahil nagtataka kayo bakit matagal bago masundan ang kabanata ng teleserye 3. Frankly, pag ibinibalik ko ang gunita ko sa istoryang ito, napapaiyak ako. Mapapansin ninyo na ang una ay may mga sense of humor akong ininject sa kuwento pero habang nalalaunan ay hindi ko magawa. Malalaman ninyo sa mga susunod na kabanata bakit.

Kung Kailangan Mo Ako Part 9

Mga Tauhan

Nova: Isang babae raw (hehehe)

Manny: Isang lalaki (doble hehehe)

Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo

Del: Isang babaeng may-asawa raw

Tes: Isang babae, may asawa rin

Dino: Isang lalaki, under ng asawa

Ang pagiging kaibigan ay nauwi sa pag-iibigan. Walang pakialam si Nova kung may asawa si Tommy. 

Huling pagkikita nila ni Manny ang pamamaalam nito kung hindi siya iiwas kay Tommy para hindi masira ang buhay niya.


Wala na silang tuksuhan. Pinagtapat ni Manny na noong una ay relasyon lang ang habol niya sa girl friend niya. Walang commitment. Walang pangakong kasal. Pero nagdesisyon na siya na pakasal.


Nagtungo na si Manny sa Estados Unidos at bumalik lamang para pakasalan ang girl friend. Bago siya umalis, ibinigay niya ang kaniyang address at sinabi kay Nova na kung kailangan niya ang tulong, huwag siyang mag-atubiling tumawag o sumulat.


Patuloy pa rin ang illicit relationship ni Tommy at ni Nova na hindi pinasusuko ng pag-iiskandalo ng asawa ng lalaki. Naroong siya ay sugurin sa opisina...tawagan sa telepono at pagbagsakan sa telepono at tawagan ang kaniyang mga kamag-anak.


Kaya siya ay nagplano. Ipadadala si Tommy sa isang conference sa US. Pinilit din ni Nova na makakuha ng visa para sumama. 


Pagdating sa US, tinakot niyang magpapakamatay siya pag bumalik pa si Tommy sa Pinas. Gusto niyang mag TNT na sila at doon na manirahan.


Dahil na rin sa panggugulo ng asawa ni Tommy, napilitan na rin ang huli na pagbigyan si Nova.


Hindi na sila bumalik sa Pilipinas.

U VISA

Dear insansapinas,

This is an excerpt of the article of Lourdes Tancinco, Esq.
Protection to victims
On 15 July 2010, the US Citizenship and Immigration Services (USCIS) announced that the agency approved 10,000 “U” visas. According to a USCIS statement, the move aimed at giving immigration protection to victims of crimes. The USCIS also said it would start issuing new U visas again beginning October 2010.
The U visa was created with the enactment of the Victims of Trafficking and Violence Protection Act. The “U” nonimmigrant status provides immigration protection to victims who have suffered substantial mental or physical abuse as a result of a crime. The U visa allows victims to remain in the US and assist law enforcement authorities in the investigation or prosecution of the criminal activity.
Marahil kung ito ay alam ng kakilala ko, hindi siya naghirap masyado. At hindi siya namatay.

Tuesday, July 27, 2010

I Have Mellowed

Dear insansapinas,
 photocredit: MSNBC

Mabait ako ngayon, insan. Pwede akong sabitan ng medalyang Good Behavior. Sa kabaitan ko ang balak kong bilhing ice cream ay di ko nabili. 

Dati-rati, didiretso ako sa manager para magreklamo kapag ako ay naharassed. Minsan noon nagreklamo ako sa Better Business  Bureau noong hindi ako pinansin ng store manager sa reklamo ko.


Lumabas ako ngayon at pumunta sa store. Oo Birhinya. Hinarassed ako ng isang Itim na cashier sa grocery. Ganito yon.


Ang saya-saya ko pa. Aside from the groceries, bumili ako ng bulaklak. Lanta na yong huli kong nabili. Yan lang naman ang bisyo ko, Ate Charo. Hindi naman ako naninigarilyo, hindi ako umiinom ng alak at hindi ako nanonood ng sine. Hinihintay ko sa DVD.


Sabi ko doon sa cashier, gagamitin ko ang aking debit card pero hindi sa bulaklak. Babayaran ko ng cash. Marami kasing nakakalat na barya sa aking bulsa. Ayaw namang tanggapin ng PAGCOR para pang-abuno. Hindi raw ako si Matutina.

Monday, July 26, 2010

The Beginning

Dear insansapinas,
 

Kung Kailangan Mo Ako Part 8


Mga Tauhan

Nova: Isang babae raw (hehehe)

Manny: Isang lalaki (doble hehehe)

Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo

Del: Isang babaeng may-asawa raw

Tes: Isang babae, may asawa rin

Dino: Isang lalaki, under ng asawa


Tahimik na sumunod si Nova kay Tommy sa kotse ng huli. Kinakabahan siya. At last, makakasama niya si Tommy. Eh ano kung nagkaroon ng kaugnayan siya kay Del. Wala na si Del. Marahil siya na ang mapapansin. Muntik namg  sampalin ng kaliwang kamay niya ang kaniyang pisngi. Buti nahawakan ng kaniyang kanang kamay. Naloloka na siya pakiwari niya,


Bago pinatakbo ni Tommy ang pinto, may isang babae ang nagbukas ng pinto sa likod ng kotse. Sumakay itong bigla. Wala man lang sigaw na para, sasakay ako. Parang ginawang taxi ang kotse.


Tommy: Sandali, saan ka nanggaling. Tanong nito sa babae na marahil ay walang beinte anyos.


Hinintay daw niya si Tommy dahil kakausapin niya.

Magkakilala pala sila. 

Nova: Kung may pag-uusapan kayo, bababa na lang ako. 


Tommy: Hindi, ihahatid kita. Pangako ko kay Manny.

Nova: Huwag mo nang pansinin ang pangakong yon.

Tommy: Please, ihahatid lang natin siya sa bahay. Samahan mo na lang ako.


Sa isip ni Nova, ginawa pa siyang bodyguard. Di siya makatanggi. Walang usapan sa kanilang paglalakbay. Para silang piping tatlo. Kulang na lang na lagyan na PIPI PO KAMI  signs at tumingkayad sa Quiapo para magpalimos.


Nakarating sila sa bahay ng babae. Inihatid ni Tommy hanggang pintuan ang babae at parang silent movie na nagsabing mag-usap sila bukas sa telepono. 


Bumalik si Tommy sa kotse. Hiyang-hiya siya pero napilitan siyang magpaliwanag.


Isa raw sa mga empleyada sa opisina niya. Naka one-night stand niya at ngayon ay sinasabing buntis siya. At si Tommy ang ama.


Pakiramdam ni Nova, biglang naging Dear Abby siya o Charo Santos.

REACTION SA UNANG SONA NG PANGULONG BENIGNO AQUINO III

Dear insansapinas,

(Para sa reaction sa ikalawang SONA ng Pangulong Bengno Aquino III ngayong 2011, pumunta DITO.)

For a more serious reaction on the SONA of President Benigno  Aquino III, go to this article. 

Reaksiyon sa unang SONA ni Pangulong Benigno Aquino III. 

Bulagain ninyo ako para naman mashock ako. SANA. SONA, SODA.


Frankly, hindi ako nashock. Hindi siya Shocking. Bakit kanyo, tanungin ninyo ako. Dali, Birhinya. Kasi isang Linggo bago ang pinakakahintay na SONA, nabasa ko na ito sa mga diyaryo. Para bang pinalutang na nila para malaman ang reaction ng mga tao. Yong medyo, may "Violent reaction" inalis nila katulad ng paghabol sa mga sari-sari store owners, market vendors at mga pedicab operators para makakolekta ng maraming taxes.


Okay isa-isahin natin:


1. Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.

Di ba mismo si Cesar Purisima pa ang nag-explain kung bakit nagkaroon ng mga budget overruns. Kaya nga panay ang balita na hindi naman pinapansin ng mga tao na kailangang mangutang ang Pilipinas by floating bonds na isa sa mga paraan para matakpan ang gap.

As Purisima has explained:
“Spending for maintenance, operating and other expenses or MOOE was higher by P22.0 billion or by 30.8 percent due to the release of funds for the El NiƱo mitigation activities; for the financial subsidy to LGUs; for the activities of the Philippine National Police to sustain peace and order; and the frontloading of funds for the 2010 Census of Population and Housing," Purisima said, citing the major expenditures government made to incur a budget shortfall of P196.7 billion.
At sabi pa nga ni Cesar Purisima:
Asked whether the numbers would be a cause for concern, Purisima said the Aquino administration is trying to "look forward.


"We believe that what's past is past and we cannot do anything about it, so what's important to us is what we will do over the next six months which we have declared, and what we'll do over the next six years," said Purisima.
Natural dahil mas malaki ang budget na ipopropose nila.

Bakit hindi yata nabanggit yong inilabas nilang balita na funding galing sa isang bansa para sa climate change. Kasi inamin noong bansa na okay lang sa kanila ang gamitin yon para budget deficit. 

Hindi yong parang kapitbahay ko na makakita ka lang sakay ng isang bagong sasakyan, sasabihin kaagad na ninakaw mo ang sasakyan kahit na yon ay pinagpatuluan mo ng luha at nagtiis kang kumain at mapurga ng instant noodle ng limang taon  para mainstallment. DUH.



Pakiramdam ba ng tao ay pag nakasilip sila ay AHA, tapos takbo kaagad sa Media Bureau para mapublish kahit wala pang sapat na ebidensiya at ang kanilang hinala ay mga hinala lang. Trial by publicity?

Kung ang ibig niyang ipahiwatig ay magbabalanse siya ng budget, nangagarap nga siya o kaya ay siya pa lamang ang pangulong makakagawa niyan. Sabihin kay Keynes na scrap na ang budget deficit as a means to stimulate economic activity. 


Parang budget sa bahay, dahil hindi kasya ang kinikita, hahayaan na lang ang bubong na tumulo, ang damit ng mga bata ay gula-gulanit at ang mga kinakain ay hindi sapat dahil ayaw maghanap ng paraan para kumita o makahiram ng pera panustos sa mga kailangan na maaring panggalingan ng kikitain. Hindi lahat ng utang ay masama, you know. Ang masama ay yong ibibili mo ng diyamante habang kumakain ka ng kamote. aray.

Sunday, July 25, 2010

The Wife and the Girl Friend

Dear insansapinas,
 
Kung Kailangan Mo Ako Part7


Mga Tauhan

Nova: Isang babae raw (hehehe)

Manny: Isang lalaki (doble hehehe)

Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo

Del: Isang babaeng may-asawa raw

Tes: Isang babae, may asawa rin

Dino: Isang lalaki, under ng asawa


Dumating nga si Nova sa meeting. Merong kasamang lalaki na puno ng ginto sa katawan na siguro pag tinapat mo sa malaking magnet siya ay didikit  kaagad.

Saturday, July 24, 2010

Shocking?

 Dear insansapinas,
 Shocking 1


I am reading a novel about a woman whose husband-firefighter was a survivor in the 9/11. She thinks that it would have been better if he perished as well with his fellow firefighters instead of living that kind of zombie life. No communication, no will to live and is always afraid of airplane flying overhead. I was shocked to know from an e-mail from a friend that 5,000 troops lost their lives in that disaster. And lives of thousands were destroyed due to physical and mental illnesses.
And someone said that military troops are only meant to suppress? No Virginia, they also come to save lives and help during calamity and impending chaos. 


Shocking 2 


The news said that the SONA will be shocking. This news has been headlining the broadsheet for days now. Just to remind you. Thank the 4 new appointees with cabinet rank in the Communications Group  aka former office of the Press.


Aquino  claimed the Arroyo administration had left only a little over P500 billion, of which some P300 billion has already been earmarked for automatic appropriations.

"The [budget] was not actually left for disposal. It was left with commitments" Mr. Aquino said.

If you know how budget works, a big bulk of it is already appropriated because the system would like to see to it that the money appropriated for  operations and projects of the government are not diverted to other purposes. Kaya nga ba there is a question of diversion of fertilizer fund.

What is shocking about it?

As Purisima has explained:
“Spending for maintenance, operating and other expenses or MOOE was higher by P22.0 billion or by 30.8 percent due to the release of funds for the El NiƱo mitigation activities; for the financial subsidy to LGUs; for the activities of the Philippine National Police to sustain peace and order; and the frontloading of funds for the 2010 Census of Population and Housing," Purisima said, citing the major expenditures government made to incur a budget shortfall of P196.7 billion.

Friday, July 23, 2010

Think Big, Think of Billions

Dear insansapinas,
 photocredit:MSNBC
Habang binabalak ng BIR na habulin ang maliliit na negosyante, dapat huwag tantanan nito ang kaso ng Makati noong kapanahunan ng Bise Presidente--ang hindi pagbayad ng taxes.


Ang masama nito ay WITHHOLDING TAXES ito ng mga empleyado na hindi iniremit sa BIR kasama ang VAT na kinokolekta rin ng local government.
The BIR had assessed that Makati City owes the national government P1.2 billion in withholding and value added taxes that the local government failed to remit from 1999 to 2004.



Ano ba ang WITHHOLDING TAXES? Yon yong kinakaltas sa mga sweldo ng tao na taxes sa kanilang kinita. 
Buwan-buwan ay binabawasan ang mga tao ng halaga na  buwis para sa kanilang kinita kaya nga walang ligtas ang mga empleyado. Mas malaki ang kita, mas malaki ang taxes na binabawas.


Tapos at the end of the year, binibigyan ng W-2 ang empleyado na nagpapatunay na kinaltasan na siya ng buwis para pag nagfile sila ng ITR, either magkaroon siya ng refund o wala na siyang babayaran ng taxes.


Ang batas ay nagsasaad na dapat maibayad ang kinolektang withholding taxes sa BIR sa susunod na buwan o kaya ay pagkatapos ng quarter kung ilang lang naman ang empleyado.


Ang ginawa ng Makati ay binawas lang ito pero hindi ibinayad. O sey mo.

Thursday, July 22, 2010

Walang crisis, tubig

 Dear insansapinas,
After I posted the news article about the Marines, there is an update from the Palace. Here it is:
Update:  
MANILA, Philippines – President Benigno Aquino III has denied that military and police troops would be deployed to respond to the water crisis.
Reacting to the report of the Philippine Daily Inquirer, Aquino said that he was not informed of the troop deployment, adding, “You only bring out troops to suppress.”

During a press conference Friday, Aquino revealed that although there has been a request to utilize troops to assist in the water crisis, the request has been withdrawn even before it could be discussed.


photocredit
Water is one crisis that you can deny while directing  the  people 's attention to the incoming SONA and to the sins and offenses of the past administration. 

Literally, you can not cover the stink with essences. Pag may BO ang tao may BO. Kahit magspray pa yan ng pabango dahil walang tubig na pampaligo, aamoy pa rin yan.


The admin has been denying that there is no water crisis. Bakit tinawag na ang mga Marines?


It’s time to call in the Marines.
While claiming that the worst is over, MalacaƱang is deploying soldiers and civilian personnel to restore order and avert any riot in at least 177 barangays (villages) in Metro Manila now grappling with water shortage, officials said Thursday.
At least four battalions or roughly 2,000 soldiers from the National Capital Region Command will be tapped for the task as soon as the Department of Public Works and Highways gave the go-signal, the Armed Forces of the Philippines said.

Honestly, ngayon lang ako nakabasa ng ganito. TOINK. Achoo.
Hindi lahat ng tao kagaya ng controversial celebrity who is known for her honesty  na bottled water yata ang pinampapaligo.

Pinaysaamerika

The Sleeping Pills

Dear insansapinas,
 
Kung Kailangan Mo Ako Part 6



Mga Tauhan

Nova: Isang babae raw (hehehe)

Manny: Isang lalaki (doble hehehe)

Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo

Del: Isang babaeng may-asawa raw

Tes: Isang babae, may asawa rin

Dino: Isang lalaki, under ng asawa


May message siya. Nasa ospital si Nova.
Pumasok siya sa kuwarto. Nakapikit si Nova pero dumilat ito nang marinig ang kaniyang sapatos.


Manny: Pasensiya ka na kung late akong dumating. Nagdedecide kasi ako kung korona ng patay ang dadalhin ko o ordinary flower arrangement. May dala rin akong kandila at tape measure para malaman ko ang size mo.


Ngumiti si Nova.


Manny: Anong gusto mo whole body yong salamin o kalahati lang?  Anong gusto mong kulay ng kahoy, puti o natural?


Nova: Gusto mo na ba akong mamatay?


Manny: Aba, eh sino ba ang nasa ospital? Sino ba ang nag-overdose ng sleeping pills. 


Nova: Aksidente lang yon. Kasi gusto kong makatulog. Mula nang sinimulan natin ang project, nasira ang sleeping pattern ko.


Manny: Alam mo Pinocchio, habang nagsasalita ka, hindi ilong mo ang humahaba. Yong dila mo. Hintuan mo na yang kasinungalingan mo baka sa haba ng dila mo ay malunok mo ako kagaya ng palaka.
Siyanga pala, balak dumalaw dito ang grupo. Gusto mo ba?


Nova: Bakit ko naman pipigilan?


Manny: Naku baka pag may nakita ka, hindi lang isang boteng sleeping pills ang inumin, baka isang galon. Hindi kita bibigyan ng tubig.

Nangiti si Nova.

Nova: Salamat Manny ha.

Manny: Alam mo naman ako kung may kailangan ka sabihin mo lang. 

Dumating si Dino kasama ang asawa. Dumating din si Tess, kasama ang anak, Dumating si Tommy, kasama si  Del.

Inobserbahan ni Manny si Nova. Nakita niyang pilit ang pagngiti nito sa dalawa. Halos magkadikit ang dalawa sa pagkakatayo sa sa loob ng kuwarto ng ospital.

Manny: Okay visiting hour is over. Thank you people. 

Tess: Bakit ikaw ba ang nurse ni Nova?

Manny: Naku hindi kahit bayaran mo ako ng time and a half  hindi ako papayag kahit orderly niya.


Dino: Sige iwanan na natin si Nova, para makapahinga siya. Marami pa rin tayong gagawin. Siyanga pala Nova, gusto mo bang tulungan ka namin sa project mo?


Nova: thank you Dino pero baka bukas lang naman uuwi na ako. 


Tess: Kailangang sumali ka ulit sa amin. Ang tahimik ng grupo pag wala ka. Sa bahay nina Dino ang aming tagpuan ngayon. Magluluto ang asawa niya. 


Ngumiti ang asawa ni Dino. Isa siyang teacher. 


Nova: Sige. Subukan ko.


Tess: Sunduin mo siya Manny. 


Manny: Ano ang gagamitin ko, kalesa, lincoln o yong aking mustang.


Tess: Yong si Batman ang gamitin mo.


Manny: Oy vintage car ko yon. Doon ako nag-aral magdrive. kahit na naibabangga ko hindi nagagalit ang erpats ko.


Dino: hindi naman kaya matetano si Nova?


Manny: Hayaan ninyo at paiinjectionan ko ng anti tetanus si Nova.


Pagkaalis ng grupo. Tinanong ulit ni Manny kung gusto niyang sumali ulit. 


Tumango si Nova.


Manny: Okay. Pero tandaan mo walang emo-emo ha. Malayo pa ang Famas.


Pinaysaamerika

Think Small, Think Sari-sari stores

Dear insansapinas,
 photo from internet
Bakit ba ang mga target ngayon ng BIR ay ang mga sari-sari stores, ang mga pedicab at mga market vendors.


Sari-sari stores, market vendors next to be taxed.


Alam ba nila kung magkano kinikita ng sari-sari stores, isang araw? Two thousand to Three thousand a day. OO Birhinya. Alam ko kasi ang kaibigan ko na ang asawa ay kareretire lang ay nagtayo ng sari-sari store. Yong ginastusan niyang landscaping ay sinira niya para maitayo ang  maliit na tindahan na yon. May  kinukunan siyang wholesale at yong iba sa grocery niya kinukuha. Pero ang thousand sales na yan ay GROSS. Hindi net, dahil ang kinikita nila ay mga 10 to 15 per cent lang ng gross so kung two thousand, yan ay mga 300 pesoses o 450 pag three thousand. Kulang pang minimum wage. HELLO. Tapos ang laki pa ng inventory nila. Ohoy.


Usually ang sari-sari stores ay single proprietorship so dapat ang tax na babayaran niya ay sa income tax at ito ay ang net na kinita niya sa sari-sari stores. Kung susuwelduhan niya ang sarili o sino mang nagbabantay, baka lugi pa. Pag inaudit ito, sayang lang ang oras ng auditor na pwedeng i-assign sa mga malalaking negosyo. Isa-isahin ang mga kiniclaim nilang deductions.


Wednesday, July 21, 2010

The Secret

 Dear insansapinas,

Kung Kailangan Mo Ako Part 5

Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa

Manny: Saan ka pupunta. tanong niya kay Nova na lumakad nang palabas pagkatapos makuha ang kaniyang bag.

Nova: Uuwi. Magsisimba rin.


Manny: Naku baka umulan ng apoy at kidlat pag nagsimba ka.


Hindi sumagot si Nova.


Manny: Paano pagbalik nina Tommy at Del. Marami pa tayong gagawin.


Nova: Hindi na ako babalik. Matutulog na ako.


Manny: Matindi talaga ang tumama saiyo ano. Ako ba ang dahilan? Naiinis ka na ba sa pagbibiro ko? promise hindi na kita bibiruin, aasarin na lang kita. Alam  mo namang magkakadiarrhea ako pag hindi kita nabuska sa isang araw.

Special Day

Dear insansapinas,

photocredit

When I was still a corporate slave, this was the day when I called in sick, unplugged the phone and stayed in bed. My me-moment. Just one day in a year when I can enjoy blissful sleep without thinking of responsibilities, deadlines and appointments.


Funny but when I have more time to spare, I rarely go into heavy reading. Masyadong mabigat. Ayaw ng utak ko. Anyway I do not have to prove na meron akong utak. Marami nang nang-utak sa akin.  mwehehe. The last book that I read was In FED WE TRUST and I haven't finished the book of Greenspan.


I prefer spy books, the old genre where the gadgets are not are what are important but it is the resourcefulness of the character that matters. I also read mystery and suspense novels chronologically i.e.
reading the books of a particular author according to the order they had been written. Many of these authors use the same characters and I would like to know the progress they made in the passage of time. 


So now I am eating no sugar chocolate, no  sugar ice cream and drinking Coke. ulk.

Thanks to the blogkaderds /guys for reminding me that I have grown a year older. bohooo.

Pinaysaamerika

Si Matutina

Dear insansapinas,

Last Saturday, pumunta kami sa POPEYE. Paborito ko kasi sa SF yong catfish and chicken nila.Dito iba ang lasa. Ang tigas ng batter. parang bat ng baseball. mwehehe


Ayoko naman sa McDonald's. Yong burger nila paliit ng paliit kaya baka dumating ang araw kailangan ko na ang magnifier para makita sila.


Kaya noong mabasa ko ang burger scandal ng McDo, tinanong ko sarili ko, baka naman kasi ang liliit ng sandwich o servings kaya kailangan tig-dadalawa ang mga pulis para mabusog. Twenty four thousand daw ang inorder, 15,000 lang ang pulis.


Legitimate naman daw ang order.


Pero ang 21 million ay inabunuhan ng isang tao.


"Ang nakaka-alarma kasi e ang laki ng halaga, na allegedly ay inabonohan ng isang tao, at ngayon ay babayaran na ng PAGCOR," Santiago said.

Tinalo si Matutina. Hindi ninyo kilala si Matutina (Evelyn Bontogon) ? Siya ang dakilang alalay noon ni Donya Delilah (Dely Atayatayan (RIP)   na supposed to be MIL ni John Porontong sa John and Marsha. Palagi siyang nakikipagunahan sa pag-abono  kaysa magwalis siya sa ilalim ng kama para pambayad.

Pinaysaamerika

Tuesday, July 20, 2010

The Mystery

 Dear insansapinas,


Kung Kailangan Mo Ako Part 4

Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa

Nagtakbuhan lahat sa lugar ni Nova ang mga kasamahan niya. Pati si Tess na nasa bahay nila ay dumating dahil sa ingay na narinig.

Tess: Anong nangyari, Nova? Bakit ka sumigaw?

Nova: May humawak sa paa ko. Hindi ako nakagalaw.

Manny: Naku ha, hindi ako, kasalukuyan kong pinapantasya si Julia Roberts. Sasagot na sana ng oo, istorbo sigaw mo. nagising tuloy ako.

Tess: Nakita mo ba ang humawak saiyo?
Nova: Hindi, anino lang. Tapos ang lamig ng kamay na humawak sa binti ko.

Manny: anong mukha ng anino.

Dino: May mukha ba ang anino?

Manny: Ibig kong sabihin , shape. Lalaki ba, babae, bakla, tomboy, matanda, bata?

Nova: Mukhang lalaki. 

Dino: Nakasarado naman ang mga pinto. Walang makakapasok at makakalabas nang hindi natin makikita.

Tommy: Ang problema, lahat tayo, nakatulog.

Manny: Ikaw magsabi nga ng totoo Nova, talaga bang may humawak saiyo o baka naman pinsan ni Mickey Mouse ang tumakbo sa binti mo. 

Charice at ang Botox

Dear insansapinas,


photocredit: Pep via Professional Heckler

Popular na talaga si Charice. Hindi na maabot. Pati si Vicki Belo, nakikisakay. HAllllllllllllllllllllllllllllllllllller.
Tuloy lang kung anong ginagawa ninyo. Huwag ninyo akong pansinin. Nagngingitngit lang ako.


Nasa CNN Entertainment ang balita.

Why teen singer Charice got botox 

Ang sumulat Filipino entertainment writer kung saan inexplain na kailangan ang botox para maganda si Charice paglabas sa Glee ayon kay controversial cosmetic surgeon na si Belo. toink crash, splank,

Sabi niya habang  binobotox niya si Charice:

"It's like a ball, so we are going to Botox that in order to get it flat so she will have a cuter face ... we want to give you the apple cheek look because it's cute, right?"

Biglang damage control ang publicist ni  Charice at sinabi na   hindi for cosmetic surgery ang botox kung hindi dahil sa PAIN.

Liz Rosenberg, said in an e-mail Monday the Botox was "absolutely not cosmetic," and added said the treatment was for muscle pain in her jaw.

O di va parang napunit na tela yong balita tapos biglang sinulsihan pero nandoon na yong damage.  Kasi naman sa Hollywood ang nagpapabotox ay yong mga matatanda ng artista na gusto pang maging young looking. 

18 lang si Charice, nagpapabotox na paano na lang pag -umabot siya ng 21. Marami ring ginagawang cosmetic ek ek ang mga bagong celebrities pero hindi nila sinasabi sa madlang people. Let them guess, did she or did she not. Nakita mo nga yong isang babaeng artista, talagan namang nagkakawingi-wingi na ang mukha, ayaw pa ring aminin na siya ay nagpafacelift. Mabuhay si Joan Rivers. At least honest siya.

Kita mo naman yong huklubang matron dito sa atin,   nakaisang million na yatang magpaopera ng kaniyang mukha pero sinasabi niyang maalaga lang siya sa mukha niya talaga pag sinasabing you have not aged a bit in all these years...swak. 

Ang masama nito nasa Huffington Post pa. 





Monday, July 19, 2010

Love

 Dear insansapinas,


Kung Kailangan Mo Ako Part 3

Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa

Sabado habang hinihintay nina Nova at Manny ang iba nilang kasama sa opisina ni Tess.

Nova:" Naiinlove yata ako."
Manny: "Kung sa akin, huwag ka nang umasa."
Nova: "Tseh, hindi saiyo."
Manny:" Kanino, eh wala namang magtiyagang manligaw saiyo. Ang suplada mo kasi."
Nova: "Hindi totoo, naiinlove talaga ako."
Manny: "Kung pinagseselos mo lang ako, huminto ka. Wiwisikan kita ng holy water para mawala ang pagkapossessed mo."
Nova: "Ewan ko saiyo basta ako in love. Napakathoughtful niya kasi. Gentleman pa."


Manny: "Sige na nga, sinuman yong walang suerteng lalaking yon."

Sunday, July 18, 2010

The Family that budgets together must be in the government

Dear insansapinas,

Panahon ni Arroyo, hinanap ko lahat ng mga congressmen at ang kanilang mga chiefs of staff. Marami sa kanila ay kamag-anak ang chief of staff nila kung hindi asawa na walang trabaho o may negosyo at sideline lang ang pagiging empleyado sa opisina ng congressman ay anak, kapatid o pinsan. Government is one big employment agency for politicians' relatives. Hanep talaga.


Kamakailan, nagkaroon ng away sina Lacierda at Juana Change dahil sa dalawang ABAD sa gobyerno ni Aquino, si Butch Abad na budget secretary at ang kaniyang anak na si Julie Abad na PMS boss at siyang may hawak sa pork barrel ni Noynoy Aquino.


Nakalimutan nila na mayroon pang dalawang Abad, ang asawa ni Butch na si Henedina Abad na balitang magiging vice-chair ng appropriations committee ng House of Representatives at ang chief of staff naman niya, ang isa pa niyang  anak.

Paliwanag  naman ng mga Abads (balanced news aka balitang tinitimbang) bago ako sumabad. (it rhymes, Virginia).

The Father:
Abad said all three appointees were practically casuals who may be removed anytime just for loss of confidence by their principals.
“The only real power is the representative, but she owes that to her constituents and is accountable to them,” Abad said.
The Daughter
Julia defended her family. “For now, I think our qualifications
will have to speak for themselves. We will leave it to the public to judge us by our performance in government later on,” she said.
His father must be jack of all trades that he was appointed Agriculture Secretary and then DepEd Secretary in the previous administration.


The justification mentioned for her appointment was because she was the chief of staff of Noynoy Aquino--when he produced only a few bills?

The Assignments

Dear insansapinas,  

 photocredit:MSNBC

Kung Kailangan Mo Ako Part 2 

Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa




Tommy: "O ano ba  mga pare." Bati ng bagong dating na para bang pupunta lang sa beach ang suot.


Manny: (tingin kay Nova) "o pare ka raw."
Nova: "Tumahimik ka. Kung hindi ipapaskel ko sa board na nawawalan ka ng bikini. (sabay kagat ng fried chicken). "Oh yum yum yum."


Tommy: "Guys, ginawa ko na ang schedules ng meeting natin at ang mga assignments for the week. Next week, overnight tayo ng  Saturday, uwi tayo ng Sunday ng hapon. Huwag naman dito kina Manny. Naubos na yata natin yong laman ng pridyeder nila."

Manny: "Okay lang yon. Nakangiti pa naman si Ermats. Feeling niya may soup kitchen siya. Tayo ay mga homeless na pinapakain niya. yuk. yuk yuk. Di ba Mamsie? Ilang kilong vetsin ang nilagay mo dito ngayon?"


Tawa ang mother ni Manny. Talagang may pangarap maging komedyante ang anak niya.


Tess: "Doon naman sa lugar ko. Doon sa opisina. Maliit kasi ang bahay namin pero alam ninyo naman na nasa compound din ang opisina ng aming Church. May mga gamit pa tayo."


Tommy:" That's good. Bibili na lang tayo ng pagkain. Sagot ko na. Siyanga pala by this time, kilala na siguro ninyo si Del, kahit di natin katropa."

Del: "Hindi ko kailangan ang katropa. kaya ko na ang ang aking project." sagot ni Del na ni hindi man lang tumingin sa kausap.


Nova: (bumaling kay Manny at bumulong ). "Read my lips. Ay mataray ang  Bruja. The Nerve. The arrogance."

Manny: "Selos ka lang. hehehe", bulong din ni Manny. 


Tommy: Kaya nga pasalamat ako at pinaunlakan mo ako eh.
Nova: (bumaling ulit kay Manny at padisamulang nagrolleyes) "Kunin mo ang checkbook ko para mabayaran ang utang. Witch."

Manny: Inggit lang yan, ipaligo mo ng gatas...ng kalabaw. Amoy kalabaw ka pa."

Utang na Loob

Dear insansapinas,

Para bang utang na loob niya kay Ex-President Erap ang pagkakatanggap niya ng position sa Aquino administration. Kung binabasa ni VP Binay ang history ng Pilipinas, kung hindi niya tatanggapin ang pwesto, siya lang talaga ang VP except Diosdado Macapagal  na walang gagawin kung hindi ang maghintay na maincapacitated o mamatay ang presidente mula pa nang pagkatapos ng Second World War.

Sa bagong Constitution 1987, nakasaad:

The Vice-President may be appointed as a Member of the Cabinet. Such appointment requires no confirmation.

New appointments bared; Binay takes housing post

at wala rin siyang karapatang magkaroon ng maraming empleyadong minana niya sa dating VP Noli de Castro kung wala siyang ibang position. 

 Ito ang mga Vice Presidents at ang kanilang mga ibinigay sa kanilang papel sa pamahalaan maliban sa pagiging Vice-President. 

Before Second World War

1.  Unang Republika ng Pilipinas  (1899-1901). 
  Vice President wasMariano Trias-appointed Minister of Finance

2.  Commonwealth of the Philippines (1935-1944) His vice President was Vice-President Sergio Osmena Sr. – No position because of the war
3. Japanese puppet government

Vice-presidents:
 Benigno Aquino Sr.-the father of Ninoy and grandfather of Noynoy Aquino and Ramon Avancena -no positions
 Ramon Avancena

After Second World War

4. Roxas Administration 
Vice-president  Elpidio Quirino- appointed Secretary of State

5. Quirino Administration - 1948-1953
Vice president was Vice-President Fernando Lopez-appointed as Secretary of Agriculture

6. Magsaysay Administration =1953-1957

 Vice-President was  Carlos P. Garcia -was appointed as Secretary of Foreign Affairs

Saturday, July 17, 2010

The Meeting

Dear insansapinas,


Dahil kinokopya ang aking mga walang kakwenta kwentang sinusulat, hindi ko na sasabihin kung ano ang relasyon ko sa mga tauhan ng aking Teleserye.

Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa



Kung Kailangan Mo Ako Part 1


Nova: "Darating kaya yon?"
Manny: "Oo naman, alam mo naman yong palaging late.Kahit sabitan mo pa ng alarm clock yon, di magigising ng maaga."


Nasa bahay ni Manny ang grupo . May meeting sila para sa isang group project. 


"Oy" sabi ng mother ni Manny. "Kumain na kayo. Huwag na ninyong hintayin yong si Tommy. Lalamig ang niluto ko. Ayaw ko naman na mapahiya ang aking anak sa kaniyang special someone." sabay kindat-kindat.


Pagkatalikod ng nanay ni Manny, siniko ni Nova ang katabi. 


Nova: " Special Someone? Ako ba ang tinutumbok ng mother mo?
Manny: "Bakit ikaw lang ba ang babae dito? "
Nova: "Hindi pero ako ang kausap mo at nakatingin siya sa akin habang  ang mata niya ay pakindat-kindat."
Manny: "Illusion mo lang yon. Ganiyan si mother, pag pagod, ang mata, kikirat-kirat."
Nova: "Niloloko mo ba ako. Eh kung pitserahan kita?"
Manny: "Hindi, alam naman niyang di kita papatulan."
Nova: "Bakit?"
Manny: "Anong bakit. Babae ka ba?" tukso ni Manny.
Nova: "Ano sa palagay mo?"
Manny: "Huminto ka na ng kailulusyon dahil di talaga kita papatulan.Pumuti man ang uwak. Tawagin ko si Del, si Tess at si Dino para makakain na tayo." halakhak pa niyang tayo.


Nova: "Ano ba ang papel ni Del sa project? Hindi naman natin siya katropa. "
Manny: "Ang alam ko siya bale ang mag-oorganize lahat ng write-ups at consultant din; si Dino ang editor at si Tess ang sa financials."
Nova: "Ako, anong papel ko?"


Manny: "papel de liha."

Nova: "Ikaw ano ang papel mo?"

Manny: "papel de hapon."

Siniko ulit ni Nova si Manny.

Manny: Ah, sumusobra ka na. Kabibili ko lang ng bra ko, dinibdiban mo na naman ako." 

Momo at Matabang Isda

Dear insansapinas,

Ay naku huwag ninyo muna akong kausapin, mainit pa ang ulo ko. May nakasalang na akong bagong teleserye pero mamaya na pagkapaligo ko at bumaba na ang aking temperatura. Rolleyes. Wala ako pakialam kung anong kulay mayroon kayo pero ako ngayon ang kulay ko ay pula as in galit. Grrrrr.


Kagigising ko pa lang ba naman ng makita ko ang balitang ito.
Aquino made the statement in the wake of the filing of charges against William Villarica, owner of five Villarica Pawnshop branches, after a Bureau of Internal Revenue investigation showed Villarica failed to file income tax returns for seven years and paid only P25,607.25 in taxes from 1998 to 2009.

Aquino said his administration may even file more than it initially promised, which was one case a week.

"Why will we limit it to one? Pwedeng more," President Aquino told reporters in Subic after he inaugurated new buildings for the Philippine National Police's school of values and leadership.
Tanong ninyo, anong pinagpuputok ng butse ko ? 


Alam ba ninyo ang momo sa Tagalog? hindi yon yong multo na pagnakita ng bata ay sisigaw ng momo. Arggggh  Ang MOMO ay yong nahuhulog na pagkain sa lamesa. Yong maliliit na isda, kanin o anupaman ang kinain ng tao na hindi nasalo ng kaniyang bunganga. In short, maliliit.


Eh anong relasyon nito sa balita. Abah eh ito lang ba ang kanilang nahuli? Momo lang? Sus Ginoo, year in year out na reklamong hindi na mameet ang tax collection target, isa lang ang ibibigay nila sa PERCEPTION MANAGEMENT  aka media relations/communication  group ng administration para sa press release ? Sana man lang dinagdagan nila ng high profile cases na talagang matatabang isda nga ang nahuhuli nila kagaya ng isinasaad nila sa balita. Sabi nila baka kumikita ito ng isa hanggang dalawang milyon sa isang taon, sabihin mo ng totoo, sa sampung taon ay magkano lang ang taxes na hindi nabayaran. Hindi mo malaman kung gross o net pero kahit na net yan ng expenses, at 30 per cent ang taxes, patuka pa rin sa manok ang makokolekta.


Bakit siya nakabili ng luxury car?  Malay ko. Eh ang daming nakakabili ngayon ng luxury cars sa mababang presyo dahil underdeclared  sa customs. At dahil mainit ngayon ang bagong mga nakaupo sa pwesto  kailan  lang yong balita na ipinuslit sa Subic ang ilang luxury cars?
 

Friday, July 16, 2010

Anak ng Siyokoy

Dear insansapinas,

Kahit na anong connect sa akin sa facebook ng aking mga co-bloggers/friends, di ako matinag. Ngayong hapon ay naggoogle ako ng pinaysaamerika, anak ng pating na apo ni Jaws, may facebook ang pinaysaamerika. Ang daming website na kinokopya ang aking mga entries. Mga magnanakaw. Kaya nga ba nawalan ako ng interest sa aking Now What, Cat dahil sa mga mangngopoyang yan. TSEH KAYO LAHAT.

Pinaysaamerika

He wrote his own obituary

 Dear insansapinas,
 
I was still a student when I came across his name in the letter to the editor column of a broadsheet. Every time, I read the newspaper I looked for his letter. He was Paul Mortel.  His last letter was published this early month of July. It was his own obituary. He died on July 5, 2010.

MANILA, Philippines – It came in a plain white envelope in his own handwriting.
Former advertising executive Paul R. Mortel had been sending letters to the editor for the last three decades but his last piece to the Philippine Daily Inquirer proved to be a shocker: It was his obituary.
Mortel, 67, died in his Marikina City home that he shared with his maid on Thursday night due to complications caused by diabetes, but not before he could send his own obituary to the newspaper.
He started writing letters to the editor in 1969, sharing his views on various issues, from the need to cut down on the number of holidays, help the endangered tamaraw, and to decongest Metro Manila.

What Earthquake?

 Dear insansapinas,

Pinakamalakas na palang earthquake yong nangyari dito sa DC Area. 3.6. Kaya naman pala di ko naramdaman. Gising na ako ng alas tres at nagbabasa ng balita at mga blogs. Nagbibreak ako pagbabasa ng nobela tungkol sa media at DC politics (very interesting kaya nga ba pag sinasabing walang mahirap pag walang corruption, hindi ako naniniwala). Past 5:30 na ng magawi ako sa CNN at nabasa ang balita about the earthquake. What earthquake? Hindi man lang nagalaw yong aking desk na may gulong. Hindi man lang nagshake yong aking iniinom na sambong tea. Siguro dahil sa Pilipinas noon, sanay na ako sa " makatalon-lakas-sa-ilalim-ng-mesa na earthquake at sa California naman ay talagang tumatakbo ako sa labas ng bahay kasi nasa nakatirik ito sa hill. So 3.6, parang inuugoy lang ako niya. Huwag sanang lumakas pa diyan.

WASHINGTON — The largest earthquake ever recorded near the capital rattled Washington, D.C., early Friday, waking many residents but causing no reported damage.

Thursday, July 15, 2010

The Children

Dear insansapinas,
Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Part 10.

Namaster  ko na yata yong " ano magsabi ka " look. Habang nilalantakan namin ang bulalo (hindi naman talaga siya bulalo, nagkukunyari lang) ay nagtapat sa akin si Gabby. Ay hindi yong ako niligawan, silly. Yong tungkol sa kaniyang girl friend na may-asawa.


Sinabihan na raw niya na sila ay wala na. NADA, NADA. Yon ang pangalan ng babae. Kaya simula kinabukasan ay hindi na siya magrereport. Inerekomenda niya doon sa isa niyang kaibigan na ang opisina ay tatawid pa ng ikapitong bundok.


Nagpapasalamat siya sa akin at nagising daw siya sa katotohanan. Charing pa ito. Mamaya ay dumilim ang resto except doon sa may parte ng maliit na stage. Pag gabi kasi ay nagiging entertainment center yon. May karaoke at may sayawan. Pinoy na pinoy. May tumabi sa amin. Si Dina at si Brad. Imbitado rin pala. Kumpleto ang musketeros. Si Gabby ay nawala sa upuan niya. Yon pala hawak na ang microphone. Doon siya nagpropose kay Angelina. Bigla kong nagamit yong table cloth pamahid ng luha. Naghati kami ni Dina. Ahoy, ahoy, ahoy. Tapos karaoke na. Buti na lang di bumagyo.