photocredit:MSNBC
Habang binabalak ng BIR na habulin ang maliliit na negosyante, dapat huwag tantanan nito ang kaso ng Makati noong kapanahunan ng Bise Presidente--ang hindi pagbayad ng taxes.
Ang masama nito ay WITHHOLDING TAXES ito ng mga empleyado na hindi iniremit sa BIR kasama ang VAT na kinokolekta rin ng local government.
The BIR had assessed that Makati City owes the national government P1.2 billion in withholding and value added taxes that the local government failed to remit from 1999 to 2004.
Ano ba ang WITHHOLDING TAXES? Yon yong kinakaltas sa mga sweldo ng tao na taxes sa kanilang kinita.
Buwan-buwan ay binabawasan ang mga tao ng halaga na buwis para sa kanilang kinita kaya nga walang ligtas ang mga empleyado. Mas malaki ang kita, mas malaki ang taxes na binabawas.
Tapos at the end of the year, binibigyan ng W-2 ang empleyado na nagpapatunay na kinaltasan na siya ng buwis para pag nagfile sila ng ITR, either magkaroon siya ng refund o wala na siyang babayaran ng taxes.
Ang batas ay nagsasaad na dapat maibayad ang kinolektang withholding taxes sa BIR sa susunod na buwan o kaya ay pagkatapos ng quarter kung ilang lang naman ang empleyado.
Ang ginawa ng Makati ay binawas lang ito pero hindi ibinayad. O sey mo.
Tapos ngayon nakikiusap yata ang gobyerno na bayaran ng installment. Ang yaman ng siyudad ng Makati, walang pera? Saka dapat may pera doon dahil pag gumawa naman ng budget para sa sweldo ng isang tao ay gross ito at hindi net ng taxes.
Pinaysaamerika
sige cathy banatan mo yang mga yan! it's so misplaced tlg govt's strategy
ReplyDeletemasamang example sa mga private employers. sana man lang kung naghihirap ang makati city government. ganito sa makati (hindi nagbabayad ng taxes) kayo rin ba? mwheheh
ReplyDelete