Saturday, July 17, 2010

Momo at Matabang Isda

Dear insansapinas,

Ay naku huwag ninyo muna akong kausapin, mainit pa ang ulo ko. May nakasalang na akong bagong teleserye pero mamaya na pagkapaligo ko at bumaba na ang aking temperatura. Rolleyes. Wala ako pakialam kung anong kulay mayroon kayo pero ako ngayon ang kulay ko ay pula as in galit. Grrrrr.


Kagigising ko pa lang ba naman ng makita ko ang balitang ito.
Aquino made the statement in the wake of the filing of charges against William Villarica, owner of five Villarica Pawnshop branches, after a Bureau of Internal Revenue investigation showed Villarica failed to file income tax returns for seven years and paid only P25,607.25 in taxes from 1998 to 2009.

Aquino said his administration may even file more than it initially promised, which was one case a week.

"Why will we limit it to one? Pwedeng more," President Aquino told reporters in Subic after he inaugurated new buildings for the Philippine National Police's school of values and leadership.
Tanong ninyo, anong pinagpuputok ng butse ko ? 


Alam ba ninyo ang momo sa Tagalog? hindi yon yong multo na pagnakita ng bata ay sisigaw ng momo. Arggggh  Ang MOMO ay yong nahuhulog na pagkain sa lamesa. Yong maliliit na isda, kanin o anupaman ang kinain ng tao na hindi nasalo ng kaniyang bunganga. In short, maliliit.


Eh anong relasyon nito sa balita. Abah eh ito lang ba ang kanilang nahuli? Momo lang? Sus Ginoo, year in year out na reklamong hindi na mameet ang tax collection target, isa lang ang ibibigay nila sa PERCEPTION MANAGEMENT  aka media relations/communication  group ng administration para sa press release ? Sana man lang dinagdagan nila ng high profile cases na talagang matatabang isda nga ang nahuhuli nila kagaya ng isinasaad nila sa balita. Sabi nila baka kumikita ito ng isa hanggang dalawang milyon sa isang taon, sabihin mo ng totoo, sa sampung taon ay magkano lang ang taxes na hindi nabayaran. Hindi mo malaman kung gross o net pero kahit na net yan ng expenses, at 30 per cent ang taxes, patuka pa rin sa manok ang makokolekta.


Bakit siya nakabili ng luxury car?  Malay ko. Eh ang daming nakakabili ngayon ng luxury cars sa mababang presyo dahil underdeclared  sa customs. At dahil mainit ngayon ang bagong mga nakaupo sa pwesto  kailan  lang yong balita na ipinuslit sa Subic ang ilang luxury cars?
 


Akala ba ninyo masosolve ang tax-evasion sa ganitong pamamaraan at pati ang paggamit ng facebook at twitter? Sus (palo ang forehead). Pinataas lang ninyo ang asking price ng mga tiwaling BIR Examiners. Dahil sa mahigpit ngayon, kailangan mas malaki ang isusuhol ng mga iniimbestigahan. Kaya nga ako umalis sa accounting firm noon nang sabihan ako ng Examiner na kakainin niya ang libro pag wala siyang nakitang mali dahil nanghihingi siya ng lagay na hindi na niya aauditin ang libro? 


Pag kinain niya ang libro, paano kung mabilaukan siya, di sagot ko pa. At that time, isa palang akong bagong salta sa larangan ng accounting.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment