Friday, July 30, 2010

Double Wedding

 Dear insansapinas,
photocredit:MSNBC

Kung Kailangan Mo Ako Part 10

Mga Tauhan

Nova: Isang babae raw (hehehe)

Manny: Isang lalaki (doble hehehe)

Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo

Del: Isang babaeng may-asawa raw

Tes: Isang babae, may asawa rin

Dino: Isang lalaki, under ng asawa

Unang nagpakasal ay si Tommy. Isang Pinay na matandang dalaga ang niligawan niya at sa loob lamang ng isang buwan ay nagpakasal na sila. Inayos nila ang papel para makapirmi na si Tommy sa US legally.

Nagdadalawang isip man ay nagpakasal na rin si Nova sa isang Pinoy na ipinanganak na sa US. Nag-iisang anak ito kaya sila ay nakatira sa bahay ng mga magulang.


Inayos din ang papel niya at sa mga sitwasyong ito, isang taon ang pinalilipas para mabigyan ng condtional green card and asawa. Maghihintay ulit sila ng isa pang taon para mabigyan ng permanenteng green card. Pwedeng interviewhin ulit sila o ibibigay na lang ang green card kung may katunayan na nagsasama pa sila at sila ay kasal pa.

Natuklasan ni Nova na bukod sa drug addict ang kaniyang napangasawa, ito ay totally dependent sa mga magulang na kunsintidor din naman.


Nasa ikalimang buwan siya ng pagbubuntis nang una niyang matikman ang buntal at sipa nito nang ipakiusap niya na mamili na sila ng gagamitin para sa sanggol.


Sa mga sumunod na araw, dekorasyon niya na ang pasa sa kaniyang katawan. Hindi siya makapagsumbong sa pulisya dahil tinatakot siyang ipapadeport. Wala siyang mahingan ng tulong.


Minsan tumawag siya kay Tommy pero ang asawa nito ang nakasagot. Hindi nakarating ang mensahe.


Pag tawag niya ulit ay disconnected na ang telepono.


Nasa huling buwan na siya nang pagbubuntis ng bugbugin ulit siya ng kaniyang asawa. Nabagok ang ulo niya at kailangang dalhin sa ospital. Nireport lang na siya ay nadupilas. Nang araw ding yaon ay 
nagsilang na siya ng kaniyang anak.


Mali ang akala niya na magbabago ang kaniyang asawa. Wala itong ginawa kung hindi magdrug, matulog, mambugbog at magbarkada.


Minsan may naiwanang illegal na drugs ang asawa niya sa kanilang kuwarto. Sinubukan din niya. Nakalimutan niya ang kaniyang mga problema.

Dalawa na ang addict sa bahay. Walang pakialam ang kaniyang asawa kung siya ay nalulong na rin. 

Ang bata ay inaasikaso na lamang ng kaniyang biyenan na babae na hindi makuhang magalit sa anak pero sa kaniya ay napakasungit.


Marahil sa depression, nagsimula na ang pagsasalita sa sarili ni Nova. 


Unti-unti nang nawawala ang kaniyang kabaitan habang si Tommy ay nagdesisyon na maging tapat na sa kaniyang pangalawang asawa at wala nang balak na balikan pa si Nova.


Sa kabilang panig ng US, nag-iisip si Manny kung ano na ang nangyari kay Nova. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment