Wednesday, July 28, 2010

U VISA

Dear insansapinas,

This is an excerpt of the article of Lourdes Tancinco, Esq.
Protection to victims
On 15 July 2010, the US Citizenship and Immigration Services (USCIS) announced that the agency approved 10,000 “U” visas. According to a USCIS statement, the move aimed at giving immigration protection to victims of crimes. The USCIS also said it would start issuing new U visas again beginning October 2010.
The U visa was created with the enactment of the Victims of Trafficking and Violence Protection Act. The “U” nonimmigrant status provides immigration protection to victims who have suffered substantial mental or physical abuse as a result of a crime. The U visa allows victims to remain in the US and assist law enforcement authorities in the investigation or prosecution of the criminal activity.
Marahil kung ito ay alam ng kakilala ko, hindi siya naghirap masyado. At hindi siya namatay.

TNT siya at nagpakasal sa isang Amerikano na masyadong seloso at mama's boy bukod sa tamad. Ang aking kakilala ang nagtatrabaho habang ang lalaki ay nagpapalaki ng kaniyang TI yan.


Kapag nagagalit siya ay binugbog niya ang Pinay. Nakahingi ng tulong ang ibang Pinoy at ipinakulong ang Amerikano. Pag laya nito ay nagsama sila ulit. Conditional pa ang status ng green card niya at tinatakot siyang babawiin nito ang sponsorship pag hindi siya tinanggap ulit.


Minsan sa sobrang pahirap sa kaniya ay tumalon siya ng bintana at tumakas. Pero bumalik ulit siya dahil sa takot na baka ipadeport siya.


Isang araw, hindi na lang siya pumasok. Sabi maysakit daw. Ang sumunod na balita ay namatay na siya. Walang mag-asikaso ng kaniyang bangkay. Kailangan pang kontakin ang malayo niyang kamag-anak sa States. Pagdating nila ay nakita nilang wala na ang mga alahas nito. Ang mga nakalap na donasyon sa Filipino community ay hindi sapat para siya ibalik sa Pinas--sa kaniyang kaisa-isang anak na gusto niyang kunin pag siya ay nagkapapel na.


Siningil pa sila ng asawa nitong Amerikano ng mga ginastos daw niya.


Ikalawang Pinay

Ito ay masusubaybayan ninyo sa teleserye 3 ko.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment