Monday, July 26, 2010

REACTION SA UNANG SONA NG PANGULONG BENIGNO AQUINO III

Dear insansapinas,

(Para sa reaction sa ikalawang SONA ng Pangulong Bengno Aquino III ngayong 2011, pumunta DITO.)

For a more serious reaction on the SONA of President Benigno  Aquino III, go to this article. 

Reaksiyon sa unang SONA ni Pangulong Benigno Aquino III. 

Bulagain ninyo ako para naman mashock ako. SANA. SONA, SODA.


Frankly, hindi ako nashock. Hindi siya Shocking. Bakit kanyo, tanungin ninyo ako. Dali, Birhinya. Kasi isang Linggo bago ang pinakakahintay na SONA, nabasa ko na ito sa mga diyaryo. Para bang pinalutang na nila para malaman ang reaction ng mga tao. Yong medyo, may "Violent reaction" inalis nila katulad ng paghabol sa mga sari-sari store owners, market vendors at mga pedicab operators para makakolekta ng maraming taxes.


Okay isa-isahin natin:


1. Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.

Di ba mismo si Cesar Purisima pa ang nag-explain kung bakit nagkaroon ng mga budget overruns. Kaya nga panay ang balita na hindi naman pinapansin ng mga tao na kailangang mangutang ang Pilipinas by floating bonds na isa sa mga paraan para matakpan ang gap.

As Purisima has explained:
“Spending for maintenance, operating and other expenses or MOOE was higher by P22.0 billion or by 30.8 percent due to the release of funds for the El NiƱo mitigation activities; for the financial subsidy to LGUs; for the activities of the Philippine National Police to sustain peace and order; and the frontloading of funds for the 2010 Census of Population and Housing," Purisima said, citing the major expenditures government made to incur a budget shortfall of P196.7 billion.
At sabi pa nga ni Cesar Purisima:
Asked whether the numbers would be a cause for concern, Purisima said the Aquino administration is trying to "look forward.


"We believe that what's past is past and we cannot do anything about it, so what's important to us is what we will do over the next six months which we have declared, and what we'll do over the next six years," said Purisima.
Natural dahil mas malaki ang budget na ipopropose nila.

Bakit hindi yata nabanggit yong inilabas nilang balita na funding galing sa isang bansa para sa climate change. Kasi inamin noong bansa na okay lang sa kanila ang gamitin yon para budget deficit. 

Hindi yong parang kapitbahay ko na makakita ka lang sakay ng isang bagong sasakyan, sasabihin kaagad na ninakaw mo ang sasakyan kahit na yon ay pinagpatuluan mo ng luha at nagtiis kang kumain at mapurga ng instant noodle ng limang taon  para mainstallment. DUH.



Pakiramdam ba ng tao ay pag nakasilip sila ay AHA, tapos takbo kaagad sa Media Bureau para mapublish kahit wala pang sapat na ebidensiya at ang kanilang hinala ay mga hinala lang. Trial by publicity?

Kung ang ibig niyang ipahiwatig ay magbabalanse siya ng budget, nangagarap nga siya o kaya ay siya pa lamang ang pangulong makakagawa niyan. Sabihin kay Keynes na scrap na ang budget deficit as a means to stimulate economic activity. 


Parang budget sa bahay, dahil hindi kasya ang kinikita, hahayaan na lang ang bubong na tumulo, ang damit ng mga bata ay gula-gulanit at ang mga kinakain ay hindi sapat dahil ayaw maghanap ng paraan para kumita o makahiram ng pera panustos sa mga kailangan na maaring panggalingan ng kikitain. Hindi lahat ng utang ay masama, you know. Ang masama ay yong ibibili mo ng diyamante habang kumakain ka ng kamote. aray.



Kung may mga government officials na gumamit ng pondo, by all means, dalhin sa korte kahit pa si GMA yan.


2. Nandiyan po ang kaso ng isang may-ari ng sanglaan. Bumili siya ng sasakyang tinatayang nasa dalawampu’t anim na milyong piso ang halaga.
Kung kaya mong bumili ng Lamborghini, bakit hindi mo kayang magbayad ng buwis?
Nasampahan na po ito ng kaso. Sa pangunguna nina Finance Secretary Cesar Purisima, Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares at Customs Commissioner Lito Alvarez, bawat linggo po ay may bago tayong kasong isinasampa kontra sa mga smuggler at sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.


Ilang Linggo nang nakaraan ito. Ibig mong sabihin, it took three government officials para mahuli ang isang isda at dahil lang ito sa kotse. Isang BIR Examiner lang, huli na ito. Bakit ang mga cabinet secretaries and nabigyan ng credit.  Kung ang target nila ay isa sa isang Linggo, dapat ay dalawa na ito o kaya ay tatlo. Bakit hindi ako nashock? Kasi kung baga sa pagkain, stale na ang balita. Wala na ang element of surprise. Hello.

Ito ang isa sa mga mungkahi niya:

1. Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno.
Bakit wala siyang sinabi sa jueteng at ginawa niya itong low priority?

Bakit hindi niya inalis ang pork barrel? Dahil wala silang panghawak sa mga congressmen na marahil ngayon ay nalaman nila ang kahalagahan ng suporta? O kaya dahil congresswoman ang asawa ng isa niyang cabinet minister?


Bakit niya nirerekomenda ang partnership ng pribado at ng dayuhang negosyante para magtayo ng mga infrastructures kung ang pork barrel o Priority Development Assistance Fund ay para sa ganitong mga proyekto.
May mga nagpakita na po ng interes, gustong magtayo ng expressway na mula Maynila, tatahak ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, hanggang sa dulo ng Cagayan Valley nang hindi gugugol ang estado kahit na po piso.
2. Sa madali pong sabi: Makukuha natin ang kailangan natin, hindi tatayo gagastos, kikita pa tayo.
Marami na pong nag-alok at nagmungkahi sa atin, mula lokal hanggang dayuhang negosyante, na magpuno ng iba’t ibang pangangailangan.

Nothing is free on earth. Yon ang sabi ng aking lolo noong hinihingan siya ng betel nut noong kapitbahay namin. Ay oo, Englisero ang aking lolo dahil lumaki sila sa educational system na itinayo ng Kano. 


Ano kaya ang kapalit? 

3. Maipapatayo na po ang imprastrukturang kailangan natin para palaguin ang turismo.

Makakapagpatayo na kayo ng Disneyland ang Pilipinas. Too late, mayroon na ang HK at Japan.  Universal Studios kaya  kagaya ng Singapore


Hindi ba niya alam na marami ng hotels at mga vacation villas na hindi lang turista ang customer kung hindi mga balikbayan. 


Overall, wala akong makitang target. Hindi yong corned beef.


Sanay kasi akong magtanong, nandito tayo ngayon, saan natin gustong pumunta. Para bang yong bata...when I grow up...Di ba sabi nga niya we can continue dreaming and have hopes. Palagay ko courtesy yan ng Communications Group niya para naman huwag masabing ang SONA ay kailangan ng SODA para naman hindi malabnaw.



Pinaysaamerika

1 comment: