Sunday, July 18, 2010

The Assignments

Dear insansapinas,  

 photocredit:MSNBC

Kung Kailangan Mo Ako Part 2 

Mga Tauhan
Nova: Isang babae raw (hehehe)
Manny: Isang lalaki (doble hehehe)
Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo
Del: Isang babaeng may-asawa raw
Tes: Isang babae, may asawa rin
Dino: Isang lalaki, under ng asawa




Tommy: "O ano ba  mga pare." Bati ng bagong dating na para bang pupunta lang sa beach ang suot.


Manny: (tingin kay Nova) "o pare ka raw."
Nova: "Tumahimik ka. Kung hindi ipapaskel ko sa board na nawawalan ka ng bikini. (sabay kagat ng fried chicken). "Oh yum yum yum."


Tommy: "Guys, ginawa ko na ang schedules ng meeting natin at ang mga assignments for the week. Next week, overnight tayo ng  Saturday, uwi tayo ng Sunday ng hapon. Huwag naman dito kina Manny. Naubos na yata natin yong laman ng pridyeder nila."

Manny: "Okay lang yon. Nakangiti pa naman si Ermats. Feeling niya may soup kitchen siya. Tayo ay mga homeless na pinapakain niya. yuk. yuk yuk. Di ba Mamsie? Ilang kilong vetsin ang nilagay mo dito ngayon?"


Tawa ang mother ni Manny. Talagang may pangarap maging komedyante ang anak niya.


Tess: "Doon naman sa lugar ko. Doon sa opisina. Maliit kasi ang bahay namin pero alam ninyo naman na nasa compound din ang opisina ng aming Church. May mga gamit pa tayo."


Tommy:" That's good. Bibili na lang tayo ng pagkain. Sagot ko na. Siyanga pala by this time, kilala na siguro ninyo si Del, kahit di natin katropa."

Del: "Hindi ko kailangan ang katropa. kaya ko na ang ang aking project." sagot ni Del na ni hindi man lang tumingin sa kausap.


Nova: (bumaling kay Manny at bumulong ). "Read my lips. Ay mataray ang  Bruja. The Nerve. The arrogance."

Manny: "Selos ka lang. hehehe", bulong din ni Manny. 


Tommy: Kaya nga pasalamat ako at pinaunlakan mo ako eh.
Nova: (bumaling ulit kay Manny at padisamulang nagrolleyes) "Kunin mo ang checkbook ko para mabayaran ang utang. Witch."

Manny: Inggit lang yan, ipaligo mo ng gatas...ng kalabaw. Amoy kalabaw ka pa."



Tinapakan ni Nova ang paa ni Manny.


Manny: " Awwww."

Tommy:" Mukha yatang nagkakarinyuhan na naman kayong dalawa."

Manny: "Ah hindi. Siguro may dalaw na naman itong katabi ko. May baltik."


Nova: " Anong batik?"
Manny: "Wala. Maganda ka sana pero kailangang sumama ka sa parada."
Nova: "Anong parada?"
Manny: "Parada ng mga bingi."
Tommy: "O eto ang mga assignments natin. Kumuha ako ng bakasyon sa opisina at magreresearch tayo. Kasama ko si Nova at si Manny."
Nova: "Bakit siya kasama?", simangot na tanong ni Nova.
Tommy:" Kasi siya ang runner natin. Gusto mo ba ikaw ang tagatakbo pag may kailangan tayong ipacopy?
Ikaw ang magrerequest ng mga data. Magaling kang mambola."
Manny: "At kumiri...hehehe"


Pinandilatan ni Nova si Manny. 


Tommy: "At ako ang magiging driver. Sina Del, Tess at Dino ang mag-oorganize ng mga datang kinuha natin  pag nagkita-kita tayo ng Sabado. Pero pwede na tayong magstart anytime this week after office hours. Ang meeting place natin sa lugar ni Tess. "


Lunes.

Manny: "Naku Tommy, hindi mo ako pwedeng maisabay kay Nova. Itatawa kong kakilala ko yan."
Tommy: "Bakit?"
Manny: "Tingnan mo naman ang suot. "
Nova:" Bakit ano ang suot ko?"
Manny: "Eh para kang napitpit na kamatis niyang suot mo eh. Pulang pula ka. Nasaan ba ang baka at mapahabol kita."
Nova: "No ba problema mo sa kulay ng suot ko, eh gusto ko ng pula eh. "
Manny: "Ang problema po, eh pag tumabi ka kurtina ng  opisinang pupuntahan natin, yong ngipin mo lang ang makikita pag ngumiti ka."
Tommy:" O tama na yan. Palagay ko naman nagpalit na ng draperies doon sa opisinang pupuntahan natin." Baka mukha ng talong." 
Manny:" Ayos, para ng tortang talong na may kamatis. O talikod. (utos niya kay Nova)"
Nova: "Bakit? "
Manny: "Lalagyan kita ng sign sa likod na tao ka."
Toiinkk
Itutuloy



Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment