Advertisement

Sunday, April 27, 2008

TIERRA MARIA UK SCAM HOAX-ANO BA YAN

Dear insansapinas,

Nabalitaan mo na ba itong latest scandal na tinaguriang TIERRA MARIA UK- SCAM na ang sabi ng marami, kasama ang HOSPITAl SCAMS SA PHILIPINES. Hanubayan.

Sus MARIA CAPRA nagbakasyon sa Ameria at naligaw sa UK. ehek. TIERRA MARIA ESTATES ba kamo? Lakasan mo bingi kasi ako ngayon. Hindi ko suot ang salamin ko. Sinong nagsabi?
Si Rey NaLinga? Ehek. Reyna ILING na? AH, Reyna Elena? Sino ba yon? Yong ma koronang tansan? MAYEN ba noon? Eheste mayroon ba noon ? wAHAhaha.

Ano kamo binugbog ni Reyna Elena yong lalaking matanda na taga UK na sinasabing naloko siya ng mga Pinoy?

Kung binugbog yon, di ganito ang mukha noong pobreng matanda?

pinay-sa-uk

Baka naman kinurot nang marami? Aba eh kahit sino siguro, bugbugin din siya sa mga pinagtitsismis niya sa web. Hindi naman siya babae, pero dalahira siguro.

Ano kamo ang dalahira. Eh di yong dala-dala ang hira. Ay sus naman ginawa mo pa akong diksyunaryo. Lapit ka nga rito at matampal kita ng mag-asawang sampal na nagkakagalit.



Saan ka naman kasi nakakita nang pagkatapos pakainin ng pinaupong manok, naghahanap pa siya ng tumatakbo? Ahahay?

Saan ka naman nga nakakita ng tao na pati yong mga may sari-sari store, pinagbintangan pa na mga shoplifters. Naku sa kapitbahay ko yan, kukulamin yan para lumaki ang kaniyang …ilong at paa. Sandali malaki na nga raw ang paa niya. May alipunga pa yata.

Saka insan sabi niya ang tingin daw sa kanya ng mga tao, gansa. Anong gansa? Eh di yong lalangoy-langoy na pinsan ng itik na mas mahaba ang leeg. Kaya lang siya raw ang gansang umiipot ng ginto. Matuk mo yo? Ginto.

May sira ba? Yong sabi nila.

At sa atin lang ito insan. May asawa yong tao at tumakas lang siya sa asawa para makirendesbus sa isang Pinay na iniwanan niya pagkatapos majuntis. huwag mong ipagsasabi at baka malaman ng asawa, palayasin sa bahay niya. Ahahay.

Que barbaridad.

Makapaggantsilyo na nga.


pinaysaamerika

Related Links:

Tierra Maria UK Scam by Reyna Elena
Ang Tierra Maria estates Scam at Hospital Scam din sa Pilipinas by Kengkay

Tierra Maria Estates Scam-apology Letter
Tierra Maria Estates Exam is a Hoax by Nina
Tierra Maria Estates Scam Hoax by Kengkay
Tierra Maria UK Scam Hoax by Pinaysaamerika
Tierra Maria Scam is one big hoax by Chuvaness
I am a barrio girl by daragang magayon
Tierra mariauK scam, hospital scam by Kablog
Tierra Maria Estates Scam Hoax by Diwa
Tierra Maria Estates Scam Hoax by diwa
Tierra maria estates scam and golden goose HOAX by Beng
18 signs the philippine hospital can be real by Don

6 comments:

raqgold said...

hahahaha - que barbaridad.

kengkay here

cathy said...

hi,
kengkay.

Equa said...
This comment has been removed by a blog administrator.
reyna elena said...

NGAYON KO LANG NABASA TO! TAWA AKO NANG TAWA! AT ME BINUGBUG PALA AKO! HAHAAH!!!

Pero eto: if you search Google in the following countries:

google.de (germany)
google.it (italy)
google.fr (france)
google.sp (spain tama ba?)
googNGAYON KO LANG NABASA TO! TAWA AKO NANG TAWA! AT ME BINUGBUG PALA AKO! HAHAAH!!!

Pero eto: if you search Google in the following countries:

google.de (germany)
google.it (italy)
google.fr (france)
google.sp (spain tama ba?)
google.co (colombia)
google.cl (chile)

his entries are gone! hahaha! he got inundated and to think that we are just on the 1st round, we have not even started the 2nd round!

HALLER!!!! CONGRATULATIONS ON A JOB WELL DONE!!!!le.co (colombia)
google.cl (chile)

his entries are gone! hahaha! he got inundated and to think that we are just on the 1st round, we have not even started the 2nd round!

HALLER!!!! CONGRATULATIONS ON A JOB WELL DONE!!!!

ellumbra said...

Despite all that has happened I am still enchanted by the endearing culture and people of the Philippines.
I am indeed saddened that the action I have taken to warn others of how deep, cunning but subtle methods of deception by a small minority, are being twisted and exaggerated (by that same minority, I can only presume) to appear like a racist attack.
This is so far from my original hopes and dreams which still lie dormant within me, it is painful to an extreme.
I can only pray that astute people, sensitive people,
human beings all, who are unafraid
to admit to themselves that this sort of activity - and supporting this sort of activity - conspiring to bury the truth - will understand that in the long term,
it is damaging to the country concerned.
I have explored enough online to show me that the Philippines possesses some extraordinarily talented and creative thinkers and artists.
But it is also apparent that there are those who's sole motivation is self-aggrandizement - who have fallen for the illusory lure of materialism - with inflated, biased and unbalanced opinions,
corruptly influenced of thought and manner.
The philippines has a glowing humanitarian soul - I know it - I feel it - I see it in the faces.
My writings are exclusively discussing the experience that I encountered - and the people I have been dealing with - and the way they have been responding.
I hope that this is clear - maybe, some day, I will have experiences that allow me to write in great depth about the positive, the true beauty that I know is there.
God bless you.

Raincloud06 said...

wahahahahaha! oo na masyadong delayed ang reaksyon eh sa now ko lang nabasa 'tong Tierra Maria ek ek na 'to! ay sus, sobrang naluha-luha ako sa kakatawa dito sa post na 'to! pero kakatuwa at prawd na prawd ako na ka-tribu, ka-baryo at kabisyo ako ng mga Noypi!!!