Advertisement

Friday, January 26, 2007

Movies imitate movies, sitcom imitates life

Dear insansapinas,

Paborito ko ang Shawshank Redemption, ang pelikula kung saan si Andy Dufresne (Tim Robbins)ay tumakas sa preso sa pamamagitan ng paghukay nang mahigit na dalawampung taon sa pamamagitan ng maliit na martilyo. Pero napanood ko rin ang Great Escape, isang classic film, kung saan, tumakas din ang mga preso mula sa Nazi Camp sa pamamagitan ng paghukay ng tunnel sa ilalim. Hmmm medyo may pareho ang pagtapon nila ng lupa mula sa hukay--sa pamamagitan ng pagtago sa pantalon.

Pero hindi yan ang aking kuwento. O sige Birhinya sampalin mo na ako ng sampalin, libre pero limang minuto lang.

Ang aking kuwento ay tungkol sa isang episode ng Ugly Betty sitcom kung saan ang playboy na bida ay nawala at naging depressed. Karma siya kasi. Napaglaruan nang tadhanang maloko rin ng isang babae.

Ang kuwento ay tunay na buhay. O di va, sitcom imitates life.

Kagaya ng dati kong boss. Bise-Presidente kaya bising bisi siya palagi. Ako ang kaniyang kanang kamay kahit kaliwete ako. Lalaki siya, babae ako (raw) pero sa kaniya, para akong lalaki. Kasama niya kahit saan magpunta. Sikreto niya, sikreto ko. Sikreto naming dalawa sa kaniyang asawa.

Pogi siya. Kilig ang mga goirls na makakita sa kaniya lalo na ang ilang libo naming empleyadong babae.

Misan may nagtago sa kaniyang kotse para lang makasabay sa kaniyang pag-uwi. Di nila alam, kasabay niya ako nang araw na iyon. May "raket" kaming iba.

Kahit di niya tinatago ang sikreto na siya ay pabling, may condition ako sa kaniya na wala siyang isasabay na kakulakadidang niya sa loob ng kotse pag nandoon ako.

Kaya palusot siya. Aplikante raw. "Ah sabi ko, hindi ko alam na nalipat na pala ang Human Resources sa kotse mo?" Ganyan ako kapranka sa kaniyang magsalita. Takot din naman siyang mawala ako. Mawawalan siya ng magandang katulad ko. ahem ahek, hic.

Hininto niya ang kotse. Akala ko ako ang pababain niya. Tiningnan ko ang lugar. Hanep, walang sasakyang dumadaan. Tiningnan ko ang aking high heels. Palagay ko magiging flat ito pag naglakad ako hanggang sa may makuha akong masasakyan. Yon palang babae ang pinababa. May tricycle naman na dumaan kaagad.

Ganiyan siya katindi. Minsan ay tinawag niya ako sa kaniyang opisina. Kala ko ay report. Tinananong niya kung paano niya mapapatunayan kung siya nga ang ama ng bata.

Kala ko, may hinala siya na nasalisihan siya sa asawa niya. Yon pala may isang babae na nabuntisan niya at humihingi ng suporta. Gusto ba namang kunin ang bata at ampunin ko raw. Ano siya nababaliw? Gusto ko siyang ihagis sa Pasig River.

Hindi ako nagresign, pero hindi na ako pumasok. Hayaan ko na lang AWOL nila ako total may iba naman akong "raket".

Nagpadala siya ng emissary sa bahay. Hindi napalambot ang aking puso, kasi sabi nga nila wala ako noon. *heh*.

Sumunod ang kaniyang misis na ang pumunta, nakikiusap na ako ay bumalik. Mainit daw ang ulo ni Boss. Pati raw ang mga utusan nasisinghalan nang wala namang kasalanan. PAti raw ang kawawang aso ay takot sa kanya dahil masahol pa sa naglilihing babae.
May sakit daw at ayaw kumain.

Bakit dala ko ba ang kusina. Sa isip ko lang ito. Naawa ako sa asawa. Kung alam lang niya ang sikreto ng kaniyang asawa.

Pumayag akong bumalik at dalawin siya ng gabing yon. Nasa salas ang kaniyang asawa at kausap ang mga amiga niya. Pinatuloy niya ako sa itaas kung nasaan ang kuwarto nila.

Nasa harap ng computer ang boss ko.
"Kala ko ba maysakit ka? Magpapadala na sana ako ng bulaklak dito." patuya kong sabi.

" Gumaling na ako nang marinig kong darating ka?" pangisi niyang sagot.

"Pati ba naman ako, binobola mo boss. O, hige, sino na naman ang babaeng prinoblema mo? " Alam ko wala kang problema sa babae.Nankakandarapa silang makuha mo."

" Sakit mo namang magsalita. Hindi naman lahat ng babae, ganyan sa akin. Mayroon din naman akong minahal at iginalang".

Aha, bagong script yan. May bago ka bang writer ngayon. Kasi ako, hindi magaling magsulat at magsinungaling. Buking ako."

"Hindi scripted yan. Totoo yan, galing sa puso." sabi niya.

Oy, parang gusto kong maniwala. Aber, sinabi mo na ba sa babae? Kamalas naman na babae yan?"

"Actually, hindi ko alam kung babae nga siya" At hindi ko masabi."

"Ano, binabae? bakla? Boss, naman, kinikilabutan ako saiyo."

"Bakit bakla ka ba?" tanong niya.

End of the story. dotdotdot.

Ang iyong insan,

signature of pinaysaamerika


,,,,,,
,,


,

,

Thursday, January 25, 2007

Sad movies and Sad Songs Make Me Cry

Dear insansapinas,

Photobucket - Video and Image Hosting
Hanube yan, isang nag-audition sa American Idol ang nagsabi na ang kakantahin niya ay inspired ng break-up nila nang kaniyang girl friend. Malungkot daw at tiyak na babaha ng luha. Ako naman si gaga't kalahati ng one fourth ay inihanda ang kumot na malapit sa akin. Baka nga naman ako maiyak. Alam ninyo naman, dinaanan din natin yang mga broken broken heart ekek na kung minsan ay wala akong ganang kumain hanggang maamoy ko ang dala- dalang pizza ng aking karoommate noon. Yum yum, saka na ang sintir de asukal. Kain muna. Ano nababaliw na magutom.

Eh, balik tayo dito sa mamang nangangalandakan na siya ang susunod na American Idol at sabi niya ala Sharon Cuneta, BUKAS LULUHOD ANG MGA TALA kasama raw si Paula Abdul.

Pinigil ko pa ang punta sa bathroom para hintayin siyang kumanta. Kumanta na po. Saan ba nakatago yong pambambo ko. Tinamaan ng lintek. Love song ba yong nag raRap siya roon. Tsee niya.

Noong isang araw naman ay pinanood ko ang pelikulang JEZEBEL. Hindi yong sirenang lalangoy langoy na tinampukan ni Vilma Santos, Alma Moreno at ang pinakahuli ay si Charlene Gonzales.

Ito ay lumang pelikula na tinatampukan ni Bette Davis at Henry Fonda. Maganda pala si Bette Davis noong bata pa.At siyempre, guwapo talaga si Henry Fonda.

Dito sa pelikulang ito nanalo ng Academy Award si Bette. Bakit ako naiyak kanyo, kasi naalala ko sarili ko sa katigasan ng ulo niya. Nang sabihang bawal ang magsuot ng hindi puting damit para sa mga babaeng wala pang asawa sa kasayahang dinadaos taun-taon, nagsuot siya ng pula. Ako naman nang sinabihang bawal ang magpantalon sa graduation at kailangan nakabestida ang mga babae, nagsuot pa rin ako ng pantalon. Nang makita ako ng usher, pinatupi sa akin bago ako umakyat sa stage. Buti na lang mahaba ang toga ko.

Ang nakakaiyak pa sa pelikula ay kung sino ang di mo aakalaing maksasakripisyo sa pag-ibig ang siyang nagpakamartir sa bandang huli. Ako, sabi nila martir, pero ayaw kong mabaril sa Luneta kaya puede ba.

Haynaku, kay Jackie Chan na nga lang ang papanoorin ko.

,,

Tuesday, January 23, 2007

My First Excursion in Snow Part 2

Dear InsansaPinas,
Sensiya ka na. Kailangan kasing break para sa topic na ito. Dami ko ring ginagawa.

So nasaan na ba tayo? Alam ko nandito ako sa Estet, at ikaw diyan sa pinas. Silly.

Ito pa ang ibinigay sa akin ng kapatid ko. Ang snow cap.

image of snow cap

Pag sinuot mo kasama ng itim na pantalon at itim na pang-itaas,hindi ka na makikita sa dilim. Lagyan mo lang ng dalawang butas sa mata, puwede ka nang mangholdap ng bangko na hindi makikilala. Kaya lang sira ang hair do mo. *heh*

Wala akong snowcap sa San Francisco. Meron ako beret.

image of a beret

Yong nakikita niyong suot ng mga Italian painters. Either nakakiling sa kaliwa o sa kanan. Feeling ko pag suot ko yon at ako ay naglalakad sa financial district ng San Francisco ay model akong Italiani spaghetti. Pag nakita naman ako ng aking kaibigan na may tupak din ang ulo, tinatanong kung nasaan ang aking easel at mga pintura. bwahaha.

Isa pang ibinigay sa akin ay ang scarf. Pantali sa leeg. Para hindi ginawin, silly.

image of scarf by pinaysaamerika

Ayan kumpleto na kaya, dya dya yan.

pinaysaamerika in snow cap

Ito ang mga dinaanan ko.

Ang snow sa tanim. Akala mo bula ng laundry detergent na isinaboy sa tanim na gumamela.
image of snow in a bush
Remember yong ginagawang kulahan ng ating mga inang?

imageof snow by pinaysaamerika


Ito close-up. Para namang ginadgad na yelo. Parang gusto ko tuloy gumawa ng halo-halo.

image of a snow by pinaysaamerika

Daming halo-halo sana nito insan.
image of snow

Ang iyong pinsan,



signature of pinaysaamerika



,,,,Los Angeles,,pinoy,

Monday, January 22, 2007

My First Excursion in Snow

Dear Insansapinas,

Syempre, kailangan kong mag-explore. Kung baga sa business plan, I got to strategize. *heh*. Sorry insan, force of habit. Talagang lumalabas pa rin ang mga corporate bullshits sa aking brain. O di va may time nga noon tulog ako pero I sleeptalk na panay daw numero ang sinasabi ko sa aking sleep. Buti na lang hindi blah blah blah.

Pero hanube ang gagawin ng katulad ko na first time lang magtatampisaw sa snow?

imag of body warmer by pinaysaamerikaBinigyan ako ng aking kafatid ng body warmer. Hindi ko tiningnan masyado. Kala ko thermal (yong yong suot mo sa ilalim ng damit para hindi masyadong ginawin). Sa isip ko kaliit naman. Baka nakatupi. Yon pala eh para siyang malaking Salonpas na puwede mong itapal sa balat para magbigay ng init. Pwede rin sa sakit sa kasu-kasuan, sa mga muscle cramps.
Oy, wala nito sa pinaggalingan kong baryo.

Binigyan ako ng aking kapatid ng gloves. Dyan dyan.ROCKY movie sound track.

image of snow gloves by pinaysaamerika
Ang kapal. Parang pagsuot mo ay di mo na maramdaman ang hinahawakan mo.(wiss wiss) Sound of shadow boxxxxz Hindi kasi sanay eh.


Sa San Francisco kase, may gloves nga ako pero yon bang maninipis lang na fashionista. May manipis na faux leather,
image of leather glove by pinaysaamrerika

May knitted na black and white.

image of knitted gloves by pinaysaamerika

Itutuloy ko ang aking adbentyurs sa snaaw.

Ang iyong insan,

signature of pinaysaamerika


tags : ,,,

Sunday, January 21, 2007

Let It Snow, Let It Snow

Dear Insansapinas,
Aleluya, first time , hindi second time pala akong makakita nang snowfalling from the sky. The first time when I was just a week old dito sa Estet. Pumunta kami sa Reno noong boss ko at ang kaniyang whole family para pumunta sa Harrah's at magcasino habang ang mga bata (kasama ako roon) ay sa Circus Circus, tatambay. Biglang nag fall ang snow sa kotse. Hay, taranta ang mga chikiting gubat na kasama namin.Imagine, kala ko pa naman lahat ng Puti, nakakita na ng snow. Pre-preho lang pala kaming first time. Ako kunwari hindi excited pero kung pwede nga lang ba na makipag chorus ako sa mga bata pagsabing "Pull over, dad, wanna play outside and catch the snow", sana ay ginawa ko na. Pero siyempre, ngiti lang ako.Para bang keber ko sainyo noh. Pero, mahina lang. Parang sinabuyan lang ng asin ang aming kotse. Tunaw kaagad.

image of snow fallingPero kahapon, habang yakitiyak kami sa telepono ng kaibigan kong nasa Los Angeles, aba nakita ko parang lumilipad na mga maliliit na bulak sa hangin. Snow, snow. Gusto ko sanang magtatalon kaya lang baka isipin ng aking kapatid, natuluyan na akong masiraan. Hindi naman dahil may hinala siya pero malapit na rin doon. ahek.

Tuloy pa rin kami ng aking kaibigan pagtsismisan. Pero lumabas ako sa balkonahe at ibinulas ko ang aking palad para makahuli ng snowflake. Huwag kang maingay, itatago ko sana sa ref.
image of snowcovered walkwayWala. Pero namumuti na ang barandilya namin. Para bang naglagay ng asin na pinong-pino. Parang margarita. HIC.

Mga ilang minuto lang, aba, nagiging puti ang paligid. Wala na yong damo na green. Wala na rin yong mga naghahabulang mga squirrel.

Pero yong puno, hindi pa masyado ang snow at ang walkway ay nakikita pa.

Sige daldal pa rin. Siguro mahigit isang oras yong aming usapan. Sakit ng tainga ko pagkatapos. Pero yong mata ko nakatingin sa labas. Nag-iisip ako kung gagawa ako ng
halo-halo o tatakbo ako sa labas para magretrato.



image of snow covered green grassMga ilang minuto pa ay puti na ang paligid. Parang May nagsabog ng maraming arina. May snow na nakasabit sa puno. Naalala ko ang aking Christmas tree sa San Francisco pag Pasko. Nilalagan ko ng pekeng snow. Singhot. Naalala ko sa Pinas kung saan may pekeng snow at ice. Pumupunta kami kahit mahal ang bayad. Nakasuot pa kami ng snowjacket. Photo-op lang. *heh*

pinaysaamerika
,,,

,,,