Advertisement

Wednesday, October 14, 2009

Flash flood Sa California at Landslide Sa Washington

Dear insansapinas,



Noong bagong dating ako sa San Francisco, akala ko walang baha dito dahil wala namang nagnanakaw ng takip ng imburnal, wala namang estero na nawawala at wala namang nagkalat ng basura.


Ang bagyo sa California ay simula ng Octobre. Habang sa East Coast naman ang lugar ay naghuhulugan na ang mga dahon dahil by December, yelo or snow naman ang dadalaw.


Unang experensiya ko ng baha sa SF ay may dala pa akong payong na Made In China na isang hangin lang naglalantikan na ang mga suporta nito na ang tangi mong paraan para di ka mabasa ay itupi mo ang payong at takpan mo ang iyong ulo. Basa ka pa rin. Oy.


Ikatlong trabaho ko yon at ang uwi ko ay alas nuwebe. Pumatak na ang ulan at naghihintay ako ng bus sa  bus stop. Saan pa,Silly.  Basa na ang aking sapatos. Mabilis ang agos ng tubig.
Kalahating oras na ang nagdaan, wala na akong nakitang bus na dumarating. Hanggang tuhod na ang tubig. Hindi kagaya sa Pinas na maraming taong naglalakad pauwi. Karamihan may sasakyan at ganitong oras ay walang tao sa kalsada. Kahit ng mga homeless ay sumisilong sa mga shelter.


Naglakad ako sa baha, papuntang istasyon ng tren. Tatlong bloke, “dong". (insert boses in Annabelle). Ang aking pantalon ay mabigat na sa tubig at ng aking sapatos ay medias ay kailangang itosta sa apoy para matuyo. May pasok pa ako ng ala- siyete kinbukasan.


Dahil akala ko hindi bumabaha sa Amerika, (first year ko pa lang)  inisip ko na sinundan ako ng bagyo galing sa Pinas. Namiss siguro ako. Oy.


Ang tren ay nasa ilalim pero hindi ito baha kagaya ng underpass natin. Ang huling istasyon na pwede kong babaan ay malayo pa sa bahay. Buti na lang at may bus doon na papunta sa tinitirhan ko.


Pero kagaya din sa Pinas, nagcutting trip ang bruhong driver. Pinababa kami sa kanto na malayo pa sa bahay. Pinanalangin kong sana madapa siya pagbaba sa bus,



Basang-basa ako. Alas dose na. Wala pa naman akong bihisan dahil nakikitira lng ako pag weekdays sa kaibigan ko. Pag weekend, saka ako umuuwi sa talagang tirahan ko hanggang makakuha ako ng aking sariling apartment.


Tulog na ang mag-asawa. Nilabhan ko ang damit ko at medias. Basa pa rin ng damit na nilabhan ko ng nagdaang araw. Ayaw kong gamitin ang washing machine ng may-ari ng bahay. Sungit niya.


Kinabukasan, tinuyo ko ang aking damit sa plantsa. Pero  ang medias ay mamasa-masa pa rin. Ang sapatos ko ay basa pa rin.


Sinuot ko pa rin kaya habang nakikipaghabulan ako sa bus papunta sa isang trabaho ko, kumakatas ang tubig. Squeak, squeak.


Pag-alis ko ng sapatos sa opisina, ang supladitang receptionist ay nagtakip ng ilong at sabi, What’s that smell?


TSEH niya.


Ito ang balitang bagyo sa California at warning sa flashflood.




Rain poured across parts of California early Wednesday, prompting a flash flood warning for southern acreage already torched by wildfires.
A resident fills sandbags Tuesday at the base of the San Gabriel Mountains in case of flooding and mudslides.
The National Weather Service issued the warning for areas in and around coastal Santa Barbara County.
The rain could cause flooding and mudslides where the Gap Fire torched about 10,000 acres during summer 2008, forecasters warned. They expected close to 1 inch of rain per hour in the area.
Ito naman ang balita tungkol sa landslide sa Washington State.


A massive landslide in central Washington state has blocked a highway, diverted a river and heavily damaged a home.
No injuries have been reported, but authorities tell the Yakima Herald-Republic that residents near the sparsely populated community of Nile were being evacuated because of flooding fears.

Tuesday, October 13, 2009

Ennio Marchetto Theatre

 Dear insansapinas,
Padala ni bayi. Ang ganda.




Pinaysamerika 

Holiday at ang mga Lalaking isdang nangingitlog

Dear insansapinas,


Kahapon ay holiday...sa gobyerno.


Pero di ko alam. So silip ako sa mailbox. Walang letters. Silip ulit. Wala rin. Tapos nakita ko yong mga bata sa neighborhood naglalaro. Ah walang pasok. Toink.


Kaya binigyan ko rin ng holiday ang sakit ko. Sa loob ng buong Linggo, gusto ko nang tawagan yong surgeon dahil sa sakit na naramdaman ko. Lumabas ako para bumili ng mouthwash at isoli ang DVDs na hiniram ko last week.


Pag-uwi ko, wala akong nabiling mouthwash, astringent ang dala-dala ko. Toink.


Sa Law and Order, binanggit ang mg dumping ng mg chemicals na may female hormones sa dagat. May findings na ang mga isdang lalaki ay nagkakaroon ng female characteristics. Nahh, hindi sila nglilipstick. Sila ay nangingitlog.

  Pinaysamerika

Monday, October 12, 2009

David Letterman and Sex in the Workplace Part 5

 Dear insansapinas,




Karugtong ng Part 1, 2, 3, 4.









Hindi ko masyadong apektado sa pagkaby-pass sa akin. Ayoko ring umalis para mag-aral noon sa ibang bansa. Marami akong sideline bilang CPA dahil hindi naman ako mabubuhay ng pagtuturo lang. Ayaw kong mawala ang mga iyon at magdildil ako ng hamon.


Ang kaibigan ko ang masyadong apektado. Hindi ko na nakita ang “iskolar” ng Presidente mula nang bumalik sa Estados Unidos. Oh well. Yan ang mga usapang, mamili ka, kuwarta o kahon.

Pero dahil nabuking na close ako sa kaniyang girl friend na nagtatapon ng pera sa bawa’t daanan niya, naging maingat sa akin ang Presidente. Para bang nababasa niya may alam ako. Oink.

Isa-isang nawala ang mga babaeng natsitsismis na  mga kulaladidang niya. Ang pera talaga pagnagsalita, walamg boses pero matindi. Kawawang mga babae.


Hindi nagtagal, pinalitan din siya ng isang Presidente na mas masahol pala. Haynaku. Nasabi pang relihiyoso. Tseh. Panibagong kasalanan ko ang pakikialam. Tantanan nga nila ako.


Nanggaling siya sa isang unibersidad kung saan ang aking kaklase sa MBA ay Finance Director. Kagrupo ko siya pero masyado siyang conservative. Conservative daw oh. Tuwing may tinatapos kaming papel, hindi raw pwede siya kasi magagalit ang asawa niya. Di bale na ako dahil trato nila sa akin isa na sa mga boys. Pero palaisipan sa kanila kung may asawa ako o wala kasi hindi ako palakuwento ng aking buhay. Ano sila si Ate Charo.

Isang araw bigla na lang nalipat si Mr. VP sa aming Universidad. VP siya sa inalisan niya, VP rin muna siya bago ipinalit sa dating Presidente.

Biglang nagring ang phone ko sa aking opis. Aha ang kaibigan kong si Tweety. Kung uso na ang twitter, siya ang human twitter ko. Para siyang satellite disc, hagip ang lahat ng twits.

Tweety: Nandiyan na pala sainyo si VP namin.
Me: OO nga. Ang lakas talaga. Walang abiso man lang.

Twerty: Tanungin mo ako kung bakit.
Me: Bakit?
Tweety: may utang kang Jolibee sa akin niyan.
Me: Okay kahit MC Do at Jolibee pa.
Tweety: Promise yan ha.
Me: Oo na. sige na kuwento na. (kung katabi ko lang siya nasakal ko na).
Tweety: Nahuli siya ng Chairman of the Board na may kaulayaw?
Me: Ha? (Laki mata). Sino ang kasama? Bakit naman kasi painstallment ka pa eh.

Tweety: Si VP at si FD nahuli ni COB sa opisina na VP.

Me: Anong ginagawa? Opis lang pala eh. Pwede naman yon. 
Baka may meeting silang dalawa.
Tweety: Kung  si FD ay nakaupo sa upuan. Eh hindi, nakaupo sila sa isang upuan lang. ahahay.
Me: Ganoon? Di laking iskandlo yan. Hindi ko akalaing magawa ni FD yan.
Tweety: Naku matagal nang may hinala ang mga nasa itaas kasi nga tuwing lunchtime, nasa opisina ni VP si FD.
Me: Paano yong secretary niya?
Tweety: Syempre lunch time din niya. Kaya nga nahuli sila ni COB kasi naiwang nakabukas yong pinto.

Me: Nasaan na si FD?
Tweety: Hindi na pumasok. Galit siya dahil iniwanan ni VP.
Me: Palagay mo kailangang kung tawagan? Kaibigan ko pa rin naman siya. Baka kailangan niyang shoulder to cry on.
Tweety: Wala rin daw sa bahay nila. Buking na rin ni mister.

Me: Kawawa naman. If I know, naseduced lang yan. Naïve pa. 
Tweety: Ang balita ko madaling naaprobahan ang mga projects ni VP at overpriced yata.
Me: Yan ang sinasabing USER.

Tweety: Pag nakita mo ang VP. Iwasan mo. Alam niya na alam mo ang sikreto niya.
Me: Hayaan mo ngingiti ko nang nakakainis na para bang sinasabing, bistado kita.
Nagring ang isang phone. Pinatatawag daw kami sa Office of the president. Oy.

Itutuloy.

Pinaysaamerika

Sunday, October 11, 2009

A Clown in Space-Guy Laliberte- Space Tourism

Dear insansapinas,



Twenty five years ago, Canadian billionaire-owner of the famous Cirque du Soliel was just an accordionist, 
a stilt walker and fire breather until his circus without animals hit it big.


Now he is the first Canadian space tourist who just returned from space mission after 12 days for 37 million dollars.


To make it socially relevant, he used  the trip to raise awareness about the need for safe drinking water worldwide. 

Nag-enjoy na siya, feeling hero pa siya  ngayong ang space travel ay para lang sa mga "can afford".

Biruin mo nga naman ang kinikita ng Circus sa performances nito sa Las Vegas at sa iba't ibang sulok ng mundo.


Pero maganda naman talaga. Sulit ang bayad sa circus. I had watched yong Circus na may mga elepante, tigers at iba pang hayup...naawa ako sa mga malnourished at matatanda ng hayup sa carnival.

Ang Cirque du Soliel naman ay yong mapapabuka ang bunganga mo na pwedeng pasukan ng langaw dahil sa di mkapaniwala. At ' day ang gaganda ng costumes nila. Ahahahay.

Ang masasabi ko lang ay the clown laughed all the way to the space.

Pinaysaamerika 

Saturday, October 10, 2009

The Family Tree of Gilberto Teodoro Jr. and Benigno Noynoy Aquino III

Dear insansapinas,
Napublish ko ang family tree ng mga Cojuangco sa aking Now What, Cat? pero ang focus ay kay dating Pangulong Cory Aquino. May nagcomment na kung pwede isulat ko sa Filipino.

Bakit family tree at hindi family trees ni Teodoro at ni Noynoy Aquino? Kasi insan, ang dalawang maglalaban ngayon sa presidential election ay nanggaling sa isang puno, ang puno ng mga Cojuangco.Kung baga sa puno, sila ay mga sanga.

Sanga ni Benigno (Noynoy) Aquino III sa puno ng mga Cojuangco family tree

Benigno Noynoy Aquino III

Si Benigno Simeon "Noynoy" Cojuangco Aquino III ay ipinanganak noong Febrero 8, 1960. Siya ang pangatlo sa limang anak ni Benigno Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Cojuangco -Aquino.

Ang kaniyang mga kapatid ay sina Maria Elena ("Ballsy"), Aurora Corazon ("Pinky"), Victoria Eliza ("Viel"), and Kristina Bernadette ("Kris").

Ang kaniyang amang si Benigno Aquino, Jr.

Ang kaniyang amang si Benigno Servillano "Ninoy" Aquino, Jr. ay ipinanganak noong Nobyembre 27, 1932 sa mag-asawahang Benigno Aquino Sr. at Dona Aurora Aquino na kaniyang pinsan. Ang kaniyang lolo na si Servillano Aquino ay isang heneral sa army ni Emilio Aquinaldo samantalang ang kaniyang ama ay naging opisyal sa gobyerno ni Manuel Luis Quezon at ng puppet government ni Jose Laurel noong panahon ng mga Hapon. Siya ay pinatay sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983.

Mga positiong hinawakan:

1. Presidential Adviser ni Ramon Magsaysay- 1949-1954
2. Mayor ng Concepcion, Tarlac- 1955-1959
3. Vice-Governor of Tarlac - 1959-1961
4. Governor of Tarlac- 1961-1967
5. Senador -1967 -1972

Siya ay ikunulong noong idineklara ng martial Law hanggang sa siya ay pinayagang lumipad ng Estados Unidos upang maoperahan sa puso. Ang kaniyang assassination ang nagbigay daan sa pagkakahalal ng kaniyang asawang si Corazon Cojuangco-Aquino para maging pangulo ng Pilipinas.

Ang ina ni Noynoy na si  dating Pangulong Corazon Aquino

Si Maria Corazon Sumulong Cojuangco ay ipinnganak noong Enero 25, 1933 January 25, 1933 at namatay sa kanser noong Agosto 1, 2009. Ang kaniyang ama ay si Jose Cojuangco ng Tarlac at ang kaniyang ina ay si Demetria Sumulong ng Antipolo, Rizal, anak ni Sen. Juan Marquez Sumulong. Ikaanim siya sa walong magkakapatid. Sila ay sina: Ceferino, Pedro, Josephine(Reyes), Teresita (Lopa), Carmen (Teopaco), Corazon "Cory," Jose "Peping" Jr, at Maria Paz.

Ang lolo ni Noynoy na si Jose Cojuangco Sr.

Si Jose "Pepe" Cojuangco Sr.ay naging representative ng First District ng Ikasampung Legislature noong 1934-41 at ng National Assembly noong 144- 1946;

Noong 1958, binili niya ang 6,453 ektaryang Hacienda Luisita, isang patniman ng tubo at golf course complex mula s Companyang Tabacaler.

Ito ay bumubuo ng labing-isang barrio sa tatlong bayan ng Tarlac.

Si Jose "Pepe" Cojuangco Sr. ay isa sa mga anak ni Melecio Cojuangco.

Ang lolo sa tuhod ni Noynoy Aquino na si Melecio Cojuangco


Si Melecio Cojuangco ay ang unang-unang pulitiko sa Cojuangco. Siya ang lolo sa tuhod ni Noynoy Aquino at Gilberto Teodor. Isa siya sa tatlong anak ni Co Yu Hwan (ang unang unang Jose Cojuangco.

Naging presidente siya ng bayang Paniqui at naging representative sa National Assembly noong 1907.

Sa kanya rin nagsisimula ang sanga ng buhay nina Gilberto Teodoro at Noynoy Aquino.

Pinakasalan niya si Tecla Chichioco at nagkaroon sila ng apat na anak.

Sila ay sina Jose "Pepe" Cojuangco, Sr.ang lolo ni Noynoy, si Juan, Antonio at si Duardo "Endeng" Sr. ang lolo ni Gilbertto.

Ang apat na anak ni Melecio ay naging kasosyo sa negosyo ng kanilang tiyang si Ysidra (anfg sinasabing naging kasintahan ni Antonio Luna ?)

Ang Paniqui Sugar Mills ay itinatag noong 1928.Noong 1938, itinatag ng Cojuangcos,Rufinos at Jacintos ang Philippine Bank of Commerce, ang unang banko na
pag-aari ng Filipino.

Si Melecio ay namatay noong 1909.


Ang kanununuan ni Noynoy Aquino at Gilberto Teodoro.

Si Ko Giok Huang ay nanggaling sa Fukien Chia. Pinalitan niya ang kaniyang pangalan
bilang Jose Cojuangco nang siya ay maging Katoliko.

Napangasawa niya si Antera Estrella na galing sa mayamang pamilya sa Malolos Bulacan.

Sila ay lumipat sa Paniqui Tarlac at nagtayon ng negosyo ng bigas, asukal at pagpapahiran ng pera.

Nagkaroon sila ng tatlong anak. Sila ay sina Melecio, Ysidra at Triniadad. Ang mga babae ay hindi nag-asawa.

Susunod: Gilberto Teodoro

Pinaysaamerika

Friday, October 09, 2009

David Letterman and Sex in the Workplace Part 4

 Dear insansapinas, 
Pansamantala nating iwan si Mrs. B at akyatin natin ang opisina ng may matatatas na katungkulan sa organization, acedeme, o corporate man.


Basahin ang Part 1, Part 2 at Part 3.

Ang mga iskandalo tungkol sa illicit affait ay nakakasira ng career ng mga taong high profile sa ibang bansa.
Kagaya nito.


In 2005, to take one high-profile example, Harry Stonecipher was asked to resign from his post as chief executive officer of Boeing Co. when his extramarital affair with another executive at the company was exposed.
In the case of Sen. John Ensign, R-Nev., the damage is still unfolding from an affair he had with a member of his campaign staff (who also was the wife of a close aide) that was disclosed in June.
Sa Pilipinas, di ito pansin. Kapal muks ang mga taong sangkot sa iskandalo. Sa kanila hindi ito nakakahiya, bagkus, ipinagmamalaki nman nila na sila ay macho. Maraming mga kulakadidang kahit na ang kanilang buhok ay kunti na lang ang nagsisikap na lumambitin sa anit.


Ang presidente namin ay kumpleto ang buhok, mestiso at magaling magsalita. Siya ay may girl friend sa lahat ng department, may-asawa man o dalaga. Hindi nagkakaalaman ang mga ito na sila ay pang Lunes, Martes, miyerkules blah blah.


Paano ko alam? Naging close friend ko ang clearing house ng mga tsismis sa university. 


Hanggang may isang maganda at successful businesswoman na biglang nagtiyagang magturo kahit isa lamang subject para raw may dahilan siya para maglagi sa university. HALA.


Mayaman siya. Ginawa siyang central asucarera  ng Presidente dahil  exporter/importer ng mga construction materials. Biglang maraming renovation ang kaniyang bahay at opisina. Kulang n lang gawing marble pati ang sahig ng dog house.


Kinaibigan niya ako. Para kasing may nakatatak sa aking noo na Sikreto Mo, Sikreto Ko.


Ang rendezvous nila sa abroad. All expenses paid ni Ms. Businesswoman. Sarap naman,


Minsan niyaya niya akong magdinner. Yon yong sinimot ko ang asin sa aking margarita. Masama rin kasi loob ko. May program kasi kami noon na ipinadadala sa abroad ang qualified na faculty. Ako ang nakapasa. Pero  hindi ako ipinadala kasi may ipinadalang bagong graduate na istudyante sa halip na ako.


Kasabay nang pagpadala sa istudyante ay ng-abroad din ang Presidente. Sumunod din si Ms. Businesswoman.


Kaya pareho kaming naglalasing ng gabing yon dahil nabuking niya na girl friend ( pilit) yong bagong graduate kaya siya ang pinadala.  Pinagtaksilan siya ng kaniyang boyfriend na presidente at ako naman ay naagawan ng tsansa na maipadala upang mag-aral sa abroad. Kainis di va?


Itutuloy


Pinaysaamerika


Thursday, October 08, 2009

Do you feel loved? The Story of Friendship nd love

 Dear insanspinas,
Blog entry ko ito noon 2003. Experience ko pagpasok ko sa trabaho.


I saw a pigeon in the middle of the road. It won’t fly. It won’t move. It was just there. It seems saying, kill me.
It was looking at what appeared to be the remains of another pigeon that might have been run over by a car, as to when, who knows.Only a few feathers left. The pigeon looked like, it cannot get over the death of a friend or a lover. The grief must be so intense that it did not bother if it too would be the victim of a hit-and-run driver.
We waited until it finally walked to the side of the street. It did not fly. It must be thinking of coming back for the fallen friend. The fallen bird was loved; some people aren’t.


Blog entry ko nang sumunod na araw.


I forgot to tell you that the next morning, I saw a dead pigeon or dove on the same spot where the first bird was. I am not sure whether it was its mate or another bird.
Regardless of the negative thoughts about pigeons as “rats with wings”, poop all over the place, noisy, dirty and spread diseases, this CAT was gripped by a sad, sinking feeling seeing the dead bird. I need to make a visit to that place where humans are addicted to some substance and stuff, they call coffee. Oh, its been a while that I have not visited these people who would chat about topics randomly as an excuse to drink coffee.
Talking about pigeons.


Bakit ko binuhay ang mga entries ko? Kasi may forwarded e-mail sa akin si dawn na prehong kuwento.

Swallows:
Here his mate is injured and the condition is fatal.
She was hit by a car as she swooped low across the road.





Here he brought her food and attended to her with love and compassion..

He brought her food again but was shocked to find her dead.
He tried to move her ... a rarely-seen effort for swallows!



Aware that his sweetheart is dead and will never come back to him again, He cries with adoring love..



He stood beside her, saddened of her death.



Finally aware she would never return to him, he
Stood beside her body with sadness and sorrow.


Millions of people were touched after seeing these photos in
America and Europe and even India . The photographer
sold these pictures for a nominal fee to the most famous newspaper in France.


If I had  camera at that time I saw the dead pigeon and its mate, I would have taken the picture too. 

Pinaysaamerika

Aga Muhlach's ranting at ng Pulitikong Nakulong

Dear insansapinas,


Totoo siguro ang tsismis na papasok sa pulitika si Charlene. OO insan, ang asawa ni Aga Muhlach na sinabing nag-aral sa Harvard, eh seminar lang naman yata ang pinasukan.


Maraming artista, pulitiko ang nagsasabing sila ay nag-aral sa ganito at sa ganiyan, sa abroad, yon pala ay seminar lang. Ahoy.


May mga nabasa pa akong pinipraise sa Aga Muhlach dahil totoo lahat ang sinabi niya.
Hello, narining na ba nila ang scriptwriter, speechwriter at ghostwriter?


Ang daming artista sa pulitika, may nagawa bang matino?


Ang hinala ko pag wala ng masyadong movie assignments ang mga artistang ito ang fallback position nila ay pumunta sa pulitika. Matalo, manalo, may pera sila mula
sa contribution para sa kanilang kampanya. Ahoy.


Tingnan mo itong sina Gretchen at Pops, balitang nangongomission sa mga road projects ni Puno. Ahoy.


Pulitikong Nakulong



Sabi ko nga, kahit saang gubat my ahas, kahit saang dagat, may pating o kay buwaya.
Ang kaibahan lang sa Pinas, may crocodile farm kung saan pinadadami ang buwaya.


Marami na sila at isa lang ang nakulong sa sarili niyang bahay at pinalaya pa.


Itong pulitikong ito talagang kulong. May paiyak-iyak pa.

The former Labour member of parliament and cabinet minister in New Zealand, Taito Phillip Field, has been sentenced to six years in prison.


He was found guilty in August of 26 charges of bribery, corruption and obstructing the course of justice.


A high court judge said Field had granted immigration favours to eight Thai people in return for free labour on five properties he owned.


Field wept in court clutching a Bible and protested his innocence.


He is New Zealand's first lawmaker to be locked up for serious breaches of the law.


Kailan kaya yan mangyayari sa Pinas.




Pinaysaamerika

David Letterman and sex in the workplace Part 3

Dear insansapinas,


Ikatlong serye ito. Pakibasa ang Part 1 at Part 2.


Gubat 4


Sa isang university n natanggp din ako,may kasabay din akong dalawang college instructor. Isa dalaga at isa ay may-asawa. Kami ang tinatawag nila noong Charlie's Angels.


Hindi pa tapos ang semester nang sinekreto ako ni Miss D. (dalaga). Tinanong ako kung ako daw at sineduce ng aming dean. Panay ang iling ko. Hindi ako magdadalawang sulap sa akin yon. Isa di naman ako sa seksi. Wala akong magandang hinaharap. Ang utak ko na sa aking ulo at hindi nakabitin sa aking dibdib. hahahaha.


Isa pa ang sapatos ko ay hindi na stilleto, at ang aking salamin ay makapal pa sa microscope sa laboratory namin. In short, hindi ako sex goddess sa edad na early 20's. Siya ay isang tulog na lang at mahuhulog na sa kalendaryo,


Mgreresign na raw siya pagkatapos ng semester. Tinangka raw ng dean na gawin siyang girl friend.Ha? Hindi ko malaman kung maniniwala ako o hindi. Sa tingin ko kasi mukhang kagalang-galang naman ang dean at maganda ang asawa nito para mag-isip ng ib pang babae. (clueless talaga ako noon).


Second semester, umalis nga siya kaya nalapit naman ako doon sa isa pang kasabay na tawagin nating Ms. B. Cute siya at edad at mahigit na sampung taon na niyang tinalikuran ang kalendaryo. Para niya ako ngayong sisiw na sumusunod sa kaniya kasi yong mga kasamahan naming mga professor na matatanda na ay mga suplado at suplada.


Tapos na raw siya ng masteral niya pero di siya nakapagdefend ng thesis kaya kailangang bumalik siya ng ilang units. Kinumbinsi niya akog mag-enroll para dalawa kami. Yon ang panahon na ang king unang asawa ay naglalamyard sa ibang bakuran ng may bakuran. Imbes na inisin ko sarili ko na maghintay ng hatinggabi pag-uwi niya, pumayag n akong mg-enroll sa MBA.


Ikalawang semester,huminto ako, Mahal ng tuition at kailangan kong magsave muna. That time, nagsisimula na akong tumahak sa pagiging martir na bubuhay ng pamilya.


Sabi niya pauutangin niya ako total may ekstra siyang pera. Ayaw ko.Para di ako magguilty na uutangin ko ang pera para sa kaniyang mga anak, may sikreto siyang sinabi sa akin.


Girl friend daw siya ng dean. Siguro kung may pustiso ako, biglang tumalsik. Pati siya?


Binigyan daw siya ng pera ng dean para sa tuition at pangshopping.
Sabi ko paano ang asawa mo?


Ngumiti lang siya. (marami pala siyang sikreto sa buhay kung ikukuwentto ay mahabang teleserye).


Mula noon iniwasan ko ang pagkakataong mag-isa kasama ang dean. Sa palagay ko kahit puno liligawan niya hindi dahil sa siya ay very loving o masyadong sex-starved.


Palagay ko it is more thn macho image. It is more of power over women at control.


Biruin mo nga naman kung girl friend niya ang mga babaeng staff, walang kokontra sa kanya.


Pero isang semester lang yat siya noon kaibigan ko. Nagiging demanding at bilmoko ang aking kasama. Hindi nagtagal wala na siyang load. Ang contract niya ay di na
narenew. Hindi na rin siya nagenroll sa MBA. Nagfull-time na siya sa isang university na tinuturuan din namin. Doon may iskandalo na namang nangyari.
In the meantime, busy akong magsunog ng kilay sa Graduate School. Sunog na sunog
kaya kailangang magpatatoo. Nabubuksan ang aking isip sa mga bagay-bagay na hindi ko alam.


Itutuloy.


Pinaysaamerika

Wednesday, October 07, 2009

Dancing with the Stars and Dancing Babies

Dear insansapinas,
Break muna tayo sa mga seryosong topic. Panoorin mo itong mga dancing babies na mahihiya ang mga professionals at celebrities sa Dancing with the Stars Season 9.
By the way, out na si Cheryl Burke kasi nagwithdraw na ang partner niya na sa Tom Delay. Wala naman talagang karpatang sumayaw si Tom. Kaysa maeliminate, siya na ang sumuko. Reason. Advice ng doctor. Hohum.

Ito ang dati ko nang ipinaskel na video ng dancing baby. May choreogrphy siya. Oy.



Ito naman grabe ang lambot ng katawan. Oy.




Ito ng mga pinakabatang dancing babies. Hindi pa nakakatayo, sumasayaw na? . Oy.



Pinaysaamerika

Tuesday, October 06, 2009

Life Under the Sin City of Las Vegas and Madventures in the Philippines Part 2

Dear insansapinas,


Para maintndihan ang entry kong ito, kailangan balikan ang part 1 kung saan, inilathala ko ang article tungkol sa
community sa sikat na Las Vegas sa ilalim ng lupa na ginawang flood channel in case magkaroon ng flash flood.
Kaya nga ang sabi ko kahit na gaano ka kagaling ang urban planning ang squatting ay hindi pa rin maiiwasan.


Ang mga nakatira dito ay pamilya, magkasintahan, nag-iisa...nawalan ng bahay, nawalan ng trabaho, nalulong sa droga at sa pagsusugal. Nabubuhay sila sa paghahalukay ng mga basura (OO, Virginia, marami ring scavengers dito sa Tate), pagpapalimos at paghahustle. May mga 700 ang nakatira sa flood channel na ito.


Madventures

Kagabi pagkatapos ng Dancing with the Stars, nanood ako ng Madventures sa Travel Channel. Ano ang Madventures?

Ayon kay wiki, ito siya.
It is an originally Finnish travel documentary television series that features taboo practices found in the most off-the-beaten-path destinations on earth. The cult hit show concentrates on so-called backpacking instead of tourist attractions. It is presented by Riku Rantala (born July 20, 1974, Helsinki, Finland), and Tuomas "Tunna" Milonoff (born February 26, 1974, Helsinki, Finland), the show's director and cameraman, travel around the world exploring different cultures.

Ang feature noong Lunes ay ang Pilipinas. Ipinakita ang mg prisnoerong sumasayaw, ang mga ipinapako sa krus sa Cutud, Pampanga at ang pagkain ng buhay na malaking uod sa Palawan.

Bagama't alam ko nang may nakatira sa mga sementeryo sa Pilipinas, interesado pa rin akong panoorin ang ipinakita ng dalawang backpackers. Natulog sila sa ibabaw ng nitso kasama ang mga taong nakatira doon sa sementeryo. Mga buhay at patay. Nagkulambo sila par di kagatin ng lamok pero pinasok pa rin sila nang mga gumagapang na mga ipis. Ngii.
 Bilib sila sa mga Pilipino na kahit sa kahirapan ay natutuuto pa ring tumawa at humanap ng kaligayahan. 


Ang kanilang nainterview ay ang unang pamilyang tumira sa sementeryo, labinlimang taon na ang nakakaraan. Ngayon ay may tatlong daan na sila kasama na ang mga anak na pinanganak doon.


Ang mga tao na nakatira sa sementeryo ay mahirap dahil sila ay walang pinagkakakitaan o di sapat ang kanilang kinikita. Ang kaibahan nila sa mga nakatira sa flood channels sa Las Vegas ay hindi sila mga durugista o kaya ay mg may kasong criminal kaya hindi sila makatira sa itaas ng Las Vegas.


Napansin din ng mg backpackers na sina Riku at Tunna na mahilig din ang mga Pinoy sa pustahan o sugal.


Kung sa Las Vegas ay casino ang umuubos sa pera ng mga tao, sa Pinas naman ay ang pustahan sa labanan ng mga gagamba o anumang hayup ang kanilang mapaglalaban. 


Si Riku ay nakisali rin sa penitensiya sa Pampanga noong Mahal na Araw ngunit hanggang retrato lang sila sa mga ipinapako sa krus.


Marahil sa dami ng nakikita nilang iba't ibang kultura marami silang maituturo sa mga makitid na utak ng ibang Pinoy na ang akala nila ang paghihirap at pagbabaha ay sa Pilipinas lang nagaganap at ang kanilang mga ideya ang makakasolve ng problema.


Pinaysaamerika

Life Under the Sin City of Las Vegas and Madventures in the Philippines

Dear insansapinas,


Malulukring ka ba sa title ko? Bago ko ipagpatuloy ang article kong Sex in the Workplace, gusto ko munang isulat itong nabasa ko at napanood ko sa TV kagabi.




Alam mo naman siguro ang Las Vegas. Puno ng casino, hotel at iba pang entertainment spots para sa mga turista. Hindi natutulog. Puno ng ilaw pero sa ilalim nito ay ang mga taong nakatira sa flood drainage panglaban sa flashflood. Oo, Virginia, hindi lang sa Pilipinas, india at Indonesia may flashflood, maging dito man sa first world country.


Ang madventures naman ay tungkol sa ala Bourdain na travelogue pero imbes na mga pagkain ang pinapakita ay mga weird customs, traditions ng iba't ibang lugar sa mundo.
(Sasabihin ko na sa inyo, sa bansang Tsina at lugar kong saan ang demokrasya ay isang bnyagang salita, hindi nila maipapakita ang kapangitan ng bansa). Mauna tayo sa Las Vegas.


Life under the Sin City.


Ito article sa ABC.


Underneath Sin City's most famous casinos is a secret world: a labyrinth of tunnels that run for miles under the Las Vegas Valley. Built to protect the desert city from flash floods, the tunnels have become home to hundreds of Las Vegas' homeless.


Ito naman ang excerpt ng article mula sa The SUN.


They have a neat, if compact kitchen, a furnished living area, and a bedroom complete with double bed, wardrobe and bookshelf featuring a wide selection including a Frank Sinatra biography and Spanish phrase book.
And they make their money in some of the biggest casinos in the world.
But their life is far from the ordinary.
Because, along with hundreds of others, the couple are part of a secret community living in the dark and dirty underground flood tunnels below the famous strip.
Despite his established set-up, Steven claims he eventually wants to leave the tunnels but can't because of two outstanding arrest warrants from drug possession charges two years ago.


It is estimated the population of the underground community could be as many as 700. As well as credit-hustling, they earn their money off the wildly excessive city above by begging and "dumpster diving" - raiding bins and skips.
There are around 350 miles of flood channels running under Las Vegas. Most inhabitants are in the area under the city's strip.
Another couple, Amy and JR, have lived in the tunnels for two years, having moved to Las Vegas in search of work, wealth and a slice of the famous Sin City action.

Moral lesson of the story. Kahit may urban planning , meron pa ring squatters.

Paano kaya pag bumaha at mapunta lahat ang tubig sa flood drain sa undeground. Lalabas ang mga naninirahan doon. 

Abangan  ang susunod na kabanata tungkol sa Pilipinas...mga nakatira sa sementeryo.



Pinaysaamerika

TWIT, TWIT- Kanya-kanyang buhat ng bangko

Dear insansapinas,

TWIT
Nabasa ko ang isang presidential candidate na nagsabi na hindi ito oras ng politicking. Kaya hindi mo siya makita sa diyaryong namummudmod ng relief goods. Panay naman ang TWIT niya bawa't oras.
HOHUM.

URBAN PLANNNING

Tigilan na nga nila ako. Ang dami ng dumaang bagyo sa buhay  ko (talagang bagyo) mula pa nang ako ay ipinanganak sa Bicol at mapadpad sa Maynila. Isa na rito si Yoling na pumatay ng mahigit dalawangdaan dito sa Pinas at sa Vietnam. . Natatandaan kong nakapanungaw ko sa bintana at nakita ko ang aking kapitbahay na ang bilis ng takbo. Yon pala hindi siya tumatakbo kung hindi tinatangay siya ng hangin. Sa mga sumunod na araw ang ping-uusapan ay Urban Planning. Pagdating naman ng eleksiyon, hakot ng mg tao par magsquat at bumoto. Yon iba may mga sariling bahay. Ang inisquattan ay pinauupahan lang nila. Utos ni Mayor.

Nandito na ako sa States, nang mameet ko ang isang babae na isa sa mga tumira sa relocation sites ng mga inilipat na squatters ni Imelda sa Cavite. Panay ang lipat ni Imelda ng mga squatters sa kabas ng Maynila.
Panay naman ang balik nila dahil wala raw trabaho doon.

TSEH AT TSEH

Class Suit Action laban sa Dam

Pag nakakabasa ako nito ang tanong ko ay may mangyayari kaya. Panay sila demanda, panay imbestigasyon, panay papogi point lang.

tseh ulit.



MAKAPAGTSAA NA NGA.

Pinaysaamerika

Monday, October 05, 2009

David Letterman and sex in the workplace Part 2

Dear insanspinas,
Ito ang pagpapatulot ng aking kuwento kaugnay ng balitang may sexual relations si David Letterman sa kanyang mga staff n hindi ikinataas ng aking kilay na pinagtiyagaan kong ipatatoo. Ching.






Gubat 2A


Nasabi kong Gubat 2a dahil sa kumpanya kung saan buking ang big boss ko (tingnan ang una kong kuwento) ko ng kaniyang palenkera at mahaderang asawa sa kanyang illicit affair sa pinakilala niyang flight stewardees.
Kung napapansin ninyong bakit wala akong kaamor-amor doon sa pinagtaksilan kasi sobra ang sama ng ugali niya mula nang sila ay naging "successful n negosyante mula sa pagtitinda sa palengke. Ang rough edges nila ay mahirap pakinisin kahit na lagyan mo ng make-up, sabuyan ng pabango at damitan ng mga designer na damit. Ugaling baboy pa rin.Kulang na lang ang sabihin sa mga empleyado na, magkano ka ba?



Pero hindi sila ang kuwento ko ngayon. Yon aming secretary-receptionist na labingwalong taong gulang. 
Maganda siya. Walang panama si Cristine Reyes kahit hindi siya naghintay sa tuktok ng bahay para hintayin ang kaniyang herong si Richard G. (wala bang camera). 


Nag-aaral pa siya at kapos din sa kaniyang tuition fee. Pati mga damit niya ay bili lang sa Divi at Barclay (Baclaran). Pero mabait siya at sweet. 


Hindi ako nakatiis sa kumpaniyang iyon at ako ay nagpaalam. Ang aming marketing manager ay inimbita ako sa isang overnight sa isang resort kasama ang aking assistant, yong secretary at isa pang staff. Despedida raw.


Overnight nga kaya sumapit ang gabi. Nawala ang marketing manager at secretary. Dapat kasama ko siya aming cottage ng mga babae.Kinabukasan, maganda ang suot na damit ni Secretary. May bago rin siyang kuwintas. 


Bago ako umalis, kinausap ko siya. Hirap nga raw siya sa pag-aaral niya at hindi naman siya kasing talino ng iba na maaring magtapos on scholarship. Kaya naghanap siya ng magpapaaral sa kaniya. Hindi siya Iskolar ng bayan kung hindi Iskolar ni Boss. 


Gubat 3


Triny ko ang academe. Ang aking paniniwala ay dahil mas mataas ang pinag-aralan ng mga nasa unibersidad, mas mataas ang morality index nila. I WAS WRONG, Virginia.


Dalawa kaming sabay na natanggap sa dalawang universities. Isa sa araw at isa sa gabi. Muntik-muntikanang hindi ako makuha sa parehong university noong dalawang dean na nag-interview sa akin. Siguro kasi napakasimple ko. Simple raw oh. Walang  make-up at mahaba ang damit. May asawa pa. Di ba nga nagpakasal ako nang kapapasok ko lang sa College. Pareho palang mga pabling ang mga dean na iyon. Sumalangit nawa ang kaluluwa. Pagdating naman kasi sa Presidente, pasado naman ako sa interview kaya kahit hindi nila gusto, kuha pa rin ako. In the meantime, naging kaibigan ko ang mga kasabay kong nahire.


Yong isang faculty, ang ganda ng kaniyang schedule. Pagkatapos madalas pa absent. Pero mabait siya sa akin kasi bagito pa ako sa academe at minsan hinihiram niya ang aking libro kapag nagmamadali siyang pumunta sa university para mameet niya ang mga istudyante niya. Hindi ko alam government employee rin pala siya at nagmomoonlighting siya sa oras ng kaniyang opisina.


Masayahin siyang tao at minsan kinuwento niya sa akin ang kaniyang sekreto. Nakikipagdate raw siya sa dean kaya AYOS ang schedule niya. hindi kagaya sa akin na marami ng istudyante, late pa ang oras. SUS.
Doon naman sa kaniyang opisina ay malambing din siya sa boss niya kaya pwede siyang lumabas anytime.

By the way, may asawa rin siya. Pero Day, ang kaniyang damit ay talagang seksi at ang kaniyang sapatos ay yong tipo na pagnagalit ka sa lalaki at ginamit mo yon sa ulo, butas ang bumbunan.

Matindi ba ang kaniyang pangangailangan? hindi naman. may hinuhulugan lang siyang bahay at lupa at ang suweldo ng asawa niya ay hindi sapat.

Hindi ko siya hinusgahan, insan dahil hindi naman ako, huwes. In fact, magkaibigan pa rin kami pero my lips are sealed.  


Itutuloy.

Pinaysaamerika 







Sunday, October 04, 2009

Wake-Up Call, Instant Noodles, Gowns at High Heeled Shoes

Dear insansapinas,




Wake-Up Call


Maraming nagsulat na wake-up call daw ang ONDOY. Sus, ano yan kagaya ng aking kasambahay noon na nakailang alarm na ang alarm clock at kulang na lang magising ang buong kapitbahay bago tatayo sa bed niya.
Hohum.

Instant Noodles

Kung hindi magkakasakit sa dulot ng maruming tubig ang mg biktima ng baha, mapupurga naman sa instant noodles sila sa milyong donasyon ng mga tao at gobyerno. May papicture pa yan.
Baka sa susunod na buwan ang mga tindahan ng barangay chairman, mga taong namahala sa donasyon ay punong-puno ng instant noodles kung hindi man mga sardinas at spam. 

Toink.

Ang mga artista at mayayaman, masabing nagdonate sa biktima, bigaay ng  mga party dress na pinaglumaang mga high heeled shoes na pudpod na ang takong at mga gowns na aakalain nilang pantulog ng mga biktima. 

TSEH.

 Pinaysaamerika

Kanya-kanyang Gimik

Dear insansapinas,
Ewan ko bakit kailangan pang mgpafashion show para sa mga biktima ng ONDOY. Baka pagkatapos i-account ang kinita at ginastos, baka sentimo na lang ang matira.

Hohum




Ibigay na lang na pera.


Kagaya rin ng mga biglang sulputan na mga concert kuno nang nananahimik na mga Banda Rito at Banda Roon. I-dodonate din daw ang proceeds. Siyempre pagkatapos i-deduct ang mga gastos. May matira pa kaya?


Kaya ko ito nasabi dahil taun-taon noon sa pinapasukan kong non-profit corporation, mayroon kaming fund raising. Ang gastos namin sa venue at sa mga promotion ay napakalaki. Kaya lang kumikita yon dahil sa mga auction na ididonate ng mga taong
gustong makatulong o kaya ay gustong magdispatsa ng mga gamit nilang ayaw na nila.


O kaya pati ang lunch o dinner sa isang celebrity ay in-oauction. Minsan may nakita akong resulta ng auction na ang laki ng ibinayad para lang makalunch ang isang sikat na negosyante/financial advisor.


Nang matrace ko ang tseke, sa sarliling kumpanya rin pala niya galing. Ahoy. Subtle promotion.




Tseh.


Pinaysaamerika



Saturday, October 03, 2009

David Letterman and sex in the workplace

Dear insansapinas,



Siguro narinig mo na ang balita tungkol kay David Letterman. 
Letterman revealed on his show Thursday night that he'd had sexual relations with members of his staff and that he had testified about those liaisons before a New York grand jury for a case involving the alleged attempted extortion.
A CBS producer, Robert "Joe" Halderman, has been charged with first-degree attempted grand larceny; officials said he threatened to go public with the 62-year-old funnyman's dalliances unless Letterman paid $2 million.

Mahirap talaga ang sikat...palaging nabibiktima kagaya din ni Travolta at iba pang mga celebrities. Buti na lang at di ko piniling maging celebrity. AHOY.

Pero hindi yong extortion ang aking interest dito kung hindi yong sexual relations between Lettermen and his staff. Nashock ba ako? HINDI. Kasi kahit hindi sa entertainment ay may ganitong klaseng mga relasyon.

Kung baga kahit saang AHAS AY MAY GUBAT. AHEK, Promise, kahit sa simbahan.

Gubat 1

Sa una kong trabaho (intern lang po ako) ay pinadadala ako sa mga kliyente as audit trainee. Mayroon ding isang lady accountant na maganda pero masungit sa akin. Kung magtinginan sila noong manager ay malagkit.
Pag nadako ka sa gitna nila ay baka pati ikaw ay madikit. toink.


Doon ako naglalagi pag weekdays at pag Sabado, balik ako sa main office. Minsan sinekreto ako ng isang auditor namin. Kumusta raw si Ms. Sungit at si Mr. Manager. Sabay hagalpak ng tawa. 


Ow. Ow. So alam ko na ngayon bakit masungit siya pag may pinadadala doon ang aming opisin para mag-audit ha. Kung tutuusin, simple lang si Ms. Sungit, walang make-up, nakasalamin at konserbatibong magdamit. Mahihiya ang madre. Si Mr. Manager ay may edad na at hindi naman guwapo. 


Gubat 2


Pagkagraduate ko at makapasa sa Board, naging Chief Accountant ko sa isag kumpaniya. Masungit ang boss namin na siyang Presidente. Akala ko walang papatol doon dahil sumpa man,kumuha ka ng baboy na malaki, patayuin mo, bihisan mo ng Hawaiaan polo at pasuutin mo ng Japanese sandals. para silang kambal sa Uma.
Milyonaryo nga lang na nagsimula sa babuyan hanggang lumago ang negosyo niyang import nang nakakapit siya sa isang opisyal na gobyerno.Doon nagkakaron ng mg Ghost purchases. May mga sales kami pero sabi ng warehouseman wala naman daw deliveries. TSEH.


Pero hindi yan ang pinag-uusapan natin. Balik tayo kay Bossing. Minsan may kasama siyang magandang babae. Flight attendant daw. Bumibiyahe kasi si Bossing sa Visayas at Mindanao dahil meron kaming mga opisina doon. Maganda at bata.


Mga ilang buwan lang dumating si flight attendant sa opisina, kasama ang nanay. Muwestra sa akin ng aming 
messenger. Buntis daw. Tatay si bossing. Laking iskandalo noong dumating si Mrs. Bossing. Isa pang palengkera yon. Kahit na nag kikislapan ang diamanteses s kaniyang tainga,daliri at leeg, siya ay nakaduster pa rin na paborito niyang suot noong siya ay tindera pa lang ng baboy sa palengke.




Itutuloy




Pinaysaamerika




Friday, October 02, 2009

Relief Operations and Scumbags

Dear insansapinas,
Distribution of relief goods by celebrities in a relief center-

Boss anong oras ba mamimigay ng relief goods ang mga artista?


Mamaya pang kunti, hinihintay pa ang photographers at reporters.



Relief Center sa City Hall




Anong oras ba sila mamumodmod ng relief goods.


Mamaya pagdating ni Mayor at Misis at ng mg reporter.


TOINK

At ito ang isa sa mga scumbags...

The fraudster passed himself off as someone from the finance department of the GMA Kapuso Foundation, Inc.

To get hold of donations, the fraudster told potential donors to remit to a particular BPI account “for your convenience" because the Kapuso Foundation’s Banco De Oro account is supposed to be slow due to so many donations. Besides, the BPI supposedly charges a lesser fee.

In an e-mail to one overseas Filipino, the fraudster asked that donors remit their donations to the BPI account of Floriza Lucero, owner of Account Number 1-369-04887-9.


Pinaysaamerika

The Bag Lady ,the Flashlight and the Earthquake

Dear insansapinas,




When I was in school, I remember the time when there was an earthquake and our Group (barkada) was in the library doing our book report. The earth shook and the book shelves swayed. In our earthquake drills, we were advised to go under the table for safety. So that’s what we did.


Under the table, our lady friend who was much older than we were (she went back to high school when she was already in her twenty’s) started rummaging inside her tote bag. We often teased her for carrying a big heavy one that another friend asked her everyday what appliance did she bring for a particular day. She would merely respond with a chuckle and a slap on his back," Ikaw Naman."


That afternoon, she was counting the small packs of biscuits inside her bag, some dozens of candies and chocolate bars. Nah, she was not a walking convenience store. It was also a puzzle to us why she brought so much in her bag and yet she rarely ate them. Another friend who became a shrink told us that it must be the “poverty mentality” that made her hoard food to assure herself that she will never be deprived again. The reason why she was late in pursuing her education was because of extreme poverty. Her sister who married a Chinese businessman was the one sending her to school in exchange of working in the restaurant during her free time.


One by one, she gave us a pack of biscuit, a bar of choc-nut and a few pieces of candy.
Surprised, we looked at her. Then the librarian announced that it was safe to go out and asked everybody to proceed to the main door where the security awaited us for safe exit out of the building. We were already out in the grounds when I asked her about the biscuits.


She said that when she was younger , she was trapped in a building during earthquake. She had only one small pack of biscuit on which she subsisted while waiting for the help. From then on, she did not leave the house, without packing some food in her tote bag.


I was touched because at the time when we were under the table waiting for aftershocks, she did not hesitate to share with us her food; scared that we might get trapped under rubbles and become separated from each other.


A few years after, my companion and I were stranded in flood in the City. Traffic did mot move for hours. We were hungry but could not leave the car. We were able to reach home the next day.


That was the time, I remember my friend, the bag lady. So I saw to it that there were stocks of biscuits and water inside my car, rain or shine. I also kept several cans of
biscuits in my office just in case we get stranded.


When I was already a professional and having a meeting in the thirteenth floor of a building with some foreign clients, an earthquake struck it was so strong that our rolling chairs swayed from one side of the conference room to another side nd back.Para kaming naglalaro. Sila nagdasal sa kanilang Diyos.
A colleague whose sense of humor never waned even during adversity remarked, Hoy Diyos din naming yan…while he was holding on to the conference table.


The shaking stopped but the power was out. We had to use the stairwell and it was pitch dark. From that time on, I bring with me a small flashlight. Here in the States, that was one of our give-aways…flashlights that are keychains.


These small stuff are not only good for earthquake calamity. Even in typhoons where people get stranded in places where there are no available food. Remember, the first to go is electricity to avoid accidents . Food may not be available in the next few hours. Sabi nga ng Girl Scouts, be prepared.


Pinaysaamerika

Thursday, October 01, 2009

Experience is not what happens to a man; it is what a man does with what happens to him.

 Dear insansapinas,



Nauunawaan ko kung ang mga biktima ay maiyak sa mga nawala nilang  ipinundar na kabuhayan. Sa ating pag-susumikap sa buhay, nagiging inspirasyon sa atin ang makitang mayroon tayong nabibili na makakapagpakita ng ating paghihirap, pagsasakripisyo at paghihigpit ng sinturon para mabili natin ang ating mithiing bilhin.

Sa isang iglap, biglang nawala, sa isang iglap, sila ay nasira. May mga taong tumangis nang makita ang kanilang mga mamahaling gamit na pinagkaingat-ingatan ay masisira lang ng tubig.

Pero kung iisipin, kung kayo ay nakaranas na ang iyong magarang damit ay papalitan ng hospital gown na bukas sa likod, walang shape at minsan ay maari ka pang magsama ng isa pang payat na tao sa likod…sa laki…at ang iyong ginto at diamond na bracelet ay hindi mo masusuot sa ospital




dahil meron kang ID bracelet kung saan ang nakalagay lamang ay ang pangalan, date of birth, edad (toink) at ang iyong account number, para lahat ng charges ay tiyak na pupunta doon pag iniscan nila ang ID bracelet. (feeling mo parang kang grocery item na paginiscan lumalabas ang presyo). Mwehehe…




Sa kabilang wrist naman siguro ay may  na  butterfly needle para idaan ang IV na magbibigay saiyo ng sustansiya habang hindi ka makakain…antibiotics para panlaban sa infection…at morpina or painkiller para sa sakit para di ka umatungal at magulo ang ospital…

Pag naranasan ninyo ito, marerealize ninyo na ang mga material things ay walang kuwenta dahil wala ng silbi.

Ngayon ninyo narerealize ang mga sayang na mga items na binibili  dahil nagagandahan ka lang…mga gamit na pangyabang lang…mga gamit dahil mayroon ang  mga kapitbahay...

Sa mga nabahaan, dagdag sama ng loob pag kasamang nawala…
sa mga nagmumuni-muni sa kanilang mortality, wala ng halaga kung hindi ang mabuhay pa ng matagal sa pamamagitan ng mga ekspensibong pangdugtong ng buhay na iyong pinaghirapan ding ipunin upang pagdating na panahon ay madukot at hindi umasa sa mga kamag-anak na may sarili na ring pamiya.



Moral lesson of the story...bago mgdesisyong bumili nang anumang bagay, tanungin muna ang sarili. kailangan ko ba ito ?
Pinaysaamerika 


Wednesday, September 30, 2009

Doctor, doctor am I sick?

Dear insansapinas,


Sa loob yata ng labinlimang araw, pito ang kausap kong doctor. Hindi naman mga guwapo. Ahahay.
Kaninang umaga, absent ang aking kapatid sa trabaho niya. Appointment ko sa isa kong especialista, gastroenterologist na siyang nagbasa lahat ng mga pinadalang laboratory tests  ko noon sa ospital  pagdating sa aking lamang loob.


Siya kausap ng doctor, hindi ako makasingit. Muntik na akong sumilbato ng prssst, sandali may mga tanong ako.
So tawag ang specialista doon sa surgeon ko sa hospital. Usap sila sa phone. Pagkatapos sabi, tawag daw ako doon sa surgeon. 'Nak ng pating naman, nag-usap na sila hindi pa sinabi sa akin.


Anyway, yon daw isa kong lamang loob ay tahimik ang mga engkanto. Nandoon sila pero behaved daw. Allleujah. Yong ibang engkanto sa isa kong lamang loob ang pakikialaman ng surgeon kaya kailangang magdecision ako kung ako ba ay magpapahiwa o magtitiis ng bagyo sa aking lamang loob. Hindi ako tumawag pagdating sa bahay. Inuna ko pa ang magbasa ng diyaryo. Ayun may earthquake n naman sa Indonesia.



Pagkagaling sa doctor, niyaya ako ng kapatid ko doon sa buffet restaurant para makalamon. Ah kung di lang masama ang aking pakiramdam, omoo na ako. Saka mula nang malaman kong maraming mercury ang isda at ibang seafood, ayoko na ng Japanese food. Minsan nga nang kumain ako ng seaweed, inilabas ko AS IS. Para bang kumain ako ng plastic na seaweed na hindi na digest.

Kaya take home KFC na lang para makauwi na.


Pero dumaan pa rin ako sa parmasyutika. Ibang kuwento yan. High blood naman ang aking kalaban sa mga 
walang kakwenta-kwentang mga customer service,


Pinaysaamerika

Bad habits never die - Saan ang bagyo?

Dear insansapinas,

Maaga akong nagising. Pagkatapos kong kunin ang aking BS level, timpla ako ng kape.
Para akong sinuntok ng aking konsensiya at hindi ako nakailag nang makita ko ang maraming pagkain sa mesa, sa ref at sa pantry. Naalala ko ang nasa Pinas na kahit may pambili ay walang mabili dahil inubos na nang mga hoarders. ARAY.

Yan ang bad habit ko noon insan. Hindi naman talaga bad habit kung hindi dahil sa tawag ng pangangailangan. Noong nasa Pinas kasi ako, dahil sa marami akong pinapaaral
at binubuhay, kailangan kong maraming kadatungan kaya labas bansa, labas siyudad ang aking drama sa buhay kung saan ako kikita. Bago ako umalis, namimili ako ng maraming pagkain para ii-stock sa maiiwan ko na ang bibilhin na lang ay yong mga gulay na hindi pwedeng iimbak.

Tuwing may typhoon signl, lalo akong namimili ng marami.

Pagdating ko rito sa States, pasan-pasan ko pa pala ang bad habit na yon. "Bad habit" sa iba pero sa akin ay pangangailangan pa rin.

Nagtatrabaho rin ako ng 15 hours a day at ang aking day off ay Linggo lang. Wala pa akong sasakyan noon kaya kailangang makisabay akong maggrocery sa aking kaibigan.

Minsan, nakasama namin ang boyfriend niyang foreigner na ginawa naming tagabitbit ng aming binili sa Costco (wholesale doon na ang lalaki talaga ng mga packs) ang tanong sa akin ay? Are you putting up a convenience store? Kasi one year supply yata ang binili ko. Hindi ko kasi alam kung kailan susunod ang aking paggogrocery.

Isang malapit na kaibigang Filipino ang naging kasa-kasama ko na nagtiyagang magdrive sa akin sa Costco nang humiwalay na sa akin ang aking kaibigang babae nang siya ay mag-asawa. Dahil Pinoy, iba naman ang tanong niya sa akin pag marami akong binili. SAAN ANG BAGYO?

Sa California kasi hindi uso ang bagyo at baha katulad sa ibang States. Nang madalaw naman ako sa kaibigan ko sa New Jersey kung saan may mga snowstorm, mas masahol silang mag-imbak. Bumibili sila ng buong baka at pinakakatay nila at iniimbak nila sa mga freezers sa kanilang basement. Para silang bumili ng poultry sa dami ng dressed chichen na kasamang naimbak. Dalawang pamilya kasi ang nakatira doon pero isang lutuan lang.


Nang magbakasyon ako sa kanila ay inuubos nila ang stock nilang manok. Ubos n ang beef at pork.Magpapanibago na naman sila ng stock para sa winter.

Kaya sa ilang Linggo kung pamamalagi doon, nakain ko na yata lahat ng putaheng manok pwera lang ang pinupong manok. Pagod na rin yata kauupo sa loob ng freezer.

Ang aking kapatid naman ay may biro rin pag nakita niyang marami akog niluto.
"May bisita ka?"

Biro yan kasi wala naman akong bisita except kamag-anak din at dinadala na lang namin sa restaurant para mas conveniente.

Ow pareho rin sa Pinas, may instant noodles din kami. Wala nga lang spam. Vienna sausages meron.

Pinaysaamerika