Advertisement
Tuesday, June 30, 2009
Relo
Dear insansapinas,
may bago akong relos. wag mo akong sasagutin ng eh anoh. hmph. alam mo naman ang aking weakness, relos. marami akong relos noon. ngayon ay tatlo na lang.masama pa angloob ko niyan. kaso sabay-sabay na nawalan ng baterya. susme, akala ko tuloy noong isang araw huli yong sundo ko kaya iniwanan ko.
Eniwey, bumili ako ng relos na yong puwedeng itapon o kung huldapin ka na hindi ka mawawala sa sarili mo at kulamin yong mga nakakuha. Water resistant siya. Simple lang. hindi yong ang daming seremonyas para lang maadjust ang oras. haynaku wag mo akong pagbasahin ng manual at ang aking utak ay nagpifreeze.
Isa pa hindi siya stainless. may allergy kasi ako sa hindi ginto o kaya ay tinubog sa ginto. ganiyan kaselan ang aking kutis na malasibuyas...sibuyas higante nga lang. Kahit peke, basta wala lang alloy na iba. Para siyang coated. Isa water resistant siya. Yehey, Kahit makalimutan kong alisin pag ako naghugas ng kamay, hindi siya malulunod.alam mo naman ako si kalimot.
Anong oras na ba?
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment