Advertisement

Tuesday, June 12, 2007

Pinay's Paglalakbay sa Davao-Pinay Reminisces

Dear insansapinas,

Sa Davao ang conference namin noon ng mga executives sa Finance. Boss ko noon ay Vice-President. CPA din siya pero ang tamad niyang gumawa ng mga papers para sa working conference. Pag working ,talagang magtatrabaho ka. Kaya ayun bitbit niya ako. Kasama din niya yong isa pang CPA na tsuwariwariwap niya. Tagakuha niya ng pagkain, tgatakbo para kunan siya ng sigarilyo at kape. 'Lam ninyo na para malakas. Ako. Nevah. Kaaway pa niya ako palagi pero hindi niya ako pwedeng itakwil. Pareho na silang dalawang kumuha ng senior citizen pass noon kaya mahina silang gumawa ng report. Kung hindi naman ay tamad. Magaling lang silang dumiskarte. Lalo lady boss ko na may pipa pa kung manigarilyo at patapik-tapik pag nakikipag-usap. Gaya rin si tsuwariwariwap. Clone talaga.

Gusto kong gayahin pero pag nantapik ako sadsad ang tinapik ko. Ehek.

Sa Davao Insular kami nakacheck-in. Hanap pa akon ng mataas na building. Hindi pala.
Pero maganda naman ang accommodations. Yong panahon na yon, napakainit, ang airconditioned na kuwarto at langit na.

Pero, sayang din ang pagpunta ko roon kung mag momongha ako. Kaya pagkatapos kong
Matapos ang mga reports, labas ako sa aking air-conditioned na kuwarto.

Ababa, pamilyar sa akin ang babaeng nakatalikod. Usli ang pwet niya. Ayyyy, ang kaklase ko sa MBA na CPA din. Nandoon din pala siya. Bise-Presidente ang boss niyang lalaki, pero hindi CPA. Eh bakit nag-aattend siya? Ngumiti lang ang kaibigan ko. May asawa ang aking kaibigan at may tatlong anak. Tanong ko, buti pinayagan ka ng asawa mong umattend ng conference, eh tatlong araw tayo dito. Sinabi niya kasi noon pag nagyayaya kaming mag-overnight sa opisina ng aming isa sa kagrupo, excuse siya dahil nga seloso raw si Mister. OO na.



Isang araw at kalahati lang daw sila. Tapos babalik na siya sa Manila. Ahhh, okay.
Tinambakan naman ako ng trabaho ni Boss kasi nagvolunteer pa ba naman na maging lead person sa isang committee. Sus, if I know, ako rin ang gagawa.

Kaya ayun, ang aking mga happening ay doon sa loob ng hotel. Kain dito, kain doon tapos may sayawan pagkatapos ng conference. Mga ballroom dancing naman. Sus. Malay ko bang magtatanggo at magchachacha. Disco ang alam ko noh.

Pag dating ko sa Manila, tinawagan ko ang opisina ng kaibigan ko. Hinihingi niya kasi
ang mga namissed niyang papers nang-umalis sila ng Boss niya.

Wala pa raw. Nasa Conference pa raw at kinabukasan pa ang dating. Ano yan ha. Misteryo dela ekek. Wala pa rin ang boss. Uhmmm.


pinaysaamerika



,,,
,,,

Wednesday, June 06, 2007

Pinay's Paglalakbay sa Pinas-Camarines Norte Part 3-Pinay Reminisces

Dear insansapinas,

Umalis kami sa Camarines Norte, insan at lumipat kami sa Camarines Sur. Pinagbili namin ang bahay namin doon. Hindi ko na nabalikan ang lugar na iyon.

Pero bumalik ako sa Camarines Norte noong ako ay professional na. Pinapadala ako ng aking boss para ayusin ang mga project niya. Noong una marami kami. Ako lang ang babae. Noong sumunod, ako na lang ang nagtitiyagang lumipad doon pag weekend.

Noong unang mga Linggo namin doon ay pinagkatuwaan ako ng mga boys. Hindi naman kasi nila akong isama sa mga lakad lalaki kaya inihatid ako sa isang beach resort. Hindi naman talaga beach resort yon. Maganda ang dagat, puti ang buhangin at may kaisa-isang restawran sa lugar na yon. Akala ko babalikan kaagad nila ako. Hindi pala. Maaga pa lang ay dinala na ako doon.

So lakad ako sa buhangin, na para bang pelikula kung saan ang bidang babae ay nagpapalipas ng sakit ng puso dahil nagbreak sila ng boyfriend. Ek ek

Naupo ako nang napagod at nakita ko ulit ang mga maliliit na alimango hindi mo makain na nagsisilabasan sa kanilang lungga. Dapat lang anoh. Ang puputla nila.

Yong isa, nag-exercise pa. hehehe

Balik ako sa kaisa-isang restawran. May dalawang customer na doon. Isang lalaki at isang babae.

Ang lintek, binobola ng lalaki yong babae. Blah blah blah. Nilalakas pa para marinig ko. Paniwala naman si babae. May radar ako sa mga ganoong bolero at alam kong hindi siya mayaman na negosyante.

Sa wakas dumating din ang mga kasamahan ko. Ang tagal ko raw kasing dumating. Ang sarap batukan ang mga yon. Paano ako makakaalis sa lugar na iyon na wala akong sasakyan?

Nagpadala raw sila ng driver noong isa sa mga hosts namin. Ginala ang paningin. Nasa buhanginan yong dalawang bagong magkakilala. Palagay ko malapit nang makascore yong lalaki.

Tinawag yong lalaki ng aking kasama. Siya pala ang driver. Hmmm mayamang negosyante ha. Sus.


pinaysaamerika



,,,
,,,

Monday, June 04, 2007

Pinay's Paglalakbay sa Pinas-Camarines Norte Part 2-Pinay Reminisces

Dear insansapinas,

Pagpapatuloy ng kuwento ko insan. Si Dalena ay nakatira sa harapan ng bahay namin. Taga ibang bayan siya at nakikitira lang siya sa kaniyang tiyahin. Para yatang mga istudyante silang mga nakatira doon pag Lunes hanggang Biyernes at umuuwi sa kanilang baryo pag weekend. May isa pang nakatira doon. Isang binata. Mahiyain yon. Naririnig ko ang usapan ko sa mga pinsan kong dalagang nakatira sa amin. Crush din yata nila. Madalas nasa balkon kami at tinatanaw nila ang mga tao sa kabilang bahay. Excuse nila yong ako ay binabantayan para hindi na naman tumakbo sa dagat para maligo. If I know, nakakatakas ako nang hindi nila namamalayan.

Minsan umuulan-ulan at kumikidlat-kidlat. Takot ako. Hindi ako sumama sa mga pinsan kong pumunta sa dagat. Tapos nagkagulo.

May tinamaan ng kidlat. Hindi yong mga naliligo sa agat kung hindi yong lalaking tahimik na nasa bahay. Ang kuwento ay lumihis ang kidlat, umikot sa puno ng niyog at pumasok sa bahay,tinamaan ang lalaki.

Takbuhan ang mga dalagang nakatira sa bahay na iyon. Kasama si Dalena. Nang makita nito ang lalaki, niyakap daw at humagulgol. Balak na pala niyang sagutin ito noong araw na iyon. Hindi ako isinama sa burol ng binata, insan. Matatakutin ako noon sa patay. At iyon ang unang patay na kilala ko.

Si Magda at si Elena

Silang dalawa ay magkapatid. Si Magda ang mas matanda at tahimik. Si Elena naman ang
madaldal at palakaibigan. Pareho silang nag-alaga sa akin noon pag iniiwan ako sa bahay nila pag may lakad ang aking tatay at nanay at bakasyon ang aking mga pinsang dalaga. Hindi ako puwedeng iwanan sa mga kapatid ko. Suko sila sa likot ko.

Maganda ang bahay nila. Palibot ng tanim at bakod. Mayroon silang malaking bote ng candy at tsokolate.

Pag si Magda ang nagbabantay sa akin at kami lang dalawa sa bahay. May dumarating na lalaki. Malaki ang tanda niya kay Magda. Inuutusan niya ako insan na pumunta sa kusina at kumuha ng candy. Siyempre ako naman, tagal ko sa kusina. Kasi may bintana doon na kitang kita ang dagat. Tapos may puno ng bayabs na abot mo ang bunga.

Minsan nagulat ako. Hindi na raw ako puwedeng pumunta sa bahay nina Magda. bulong ng aking tsismosang pinsan. Magkakababy daw. Saya ko. Kaya lang wala naman siyang asawa ah.

Imbes na ako ang pumunta sa bahay nila, si Elena naman ang iniwan sa bahay namin. May pupuntahan daw ang aking nanay at nanay ni Elena. Hindi raw puwede doon ang bata at wala pang asawa.

Narinig kong nag-uusap ang mga kadalagahan. Rape daw. Sumingit ako. Tinanong ko kung sino si Reyp.

Dinemanda pala ng magulang nina Magda yong lalaki na madalas dumalaw sa kaniya. Menor de edad daw kasi si Magda.

Ewan ko kung anong nangyari na doon sa kaso. Ang alam ko dinala nila sa ibang bayan si Magda kaya si Elena na lang ang lagi kong nakikita sa bahay nila.

Ipagpapatuloy ko insan.



pinaysaamerika



,,,
,,,

Sunday, June 03, 2007

Pinay's Paglalakbay sa Pinas-Camarines Norte-Pinay Reminisces

Dear insansapinas,

Akshually, natira kami sa Camarines Norte noong ako ay paslit pa at wala pang muwang.
Natatandaan ko ang bahay namin ay malapit sa dagat. Nasa kabilang kalye lang ang dagat kaya pag umaga o hapon ay naliligo kami sa tubig o kaya ay naglalaro sa dalampasigan.

Mahilig kaming manghuli ng alimangong nakatira sa mga butas ng buhangin. Gagawin namin ay huhukayin namin ang butas at makikita naming nakatago ang mga alimangong ito na hindi naman kinakain. Kung minsan naloloko kami. Magbubutas sila papasok tapos lalabas sila sa isang butas.

Sa gabing madilim, nilalagyan ng mga kapatid ko ng maliit na kandila ang alimango at pakakawalan sa kalsada. Pag tiningnan mo sa malayo, akala mo multo. hehehe.

Madalas kaming dalawin ng bagyo doon. Lakas ng hangin at ng ulan dahil nanggaling sa
dagat. Ang natatandaan ko, gumagawa ng tent sa loob ng bahay ang aking father para kung liparin ang bubong, di kami mababasa. Sarap naman sa loob. Siksikan kami.
Ang father ko lang ang lumalabas para kumuha ng pagkain. Minsan mainit na pansit mula sa Chinese restaurant o kaya naman ay nilagang kamote at saging.

Pagkatapos ng bagyo, takbuhan kaming mga bata sa dalampasigan. Unahang pagkuha ng mga inanod ng malaking alon.

Minsan ang inanod ay sinasabing duyong. Para itong tao pag umatungal. Mayroon din itong mammary glands katulad ng tao.

Dito ko kinamulatan ang block rosary. Yong dinadala ang Birhen sa bahay-bahay tapos may kainan sa huling gabi. Noon ko naririnig ang ORA PRO NOBIS sa mga matatandang nagdadasal. Akala ko ano yon. Kaya lang naman ako pumupunta doon dahil sa brown na bag na may lamang candy at biscuit na pinamimigay sa mga bata.

Malapit sa dulo ng dagat ay isang lugar na panay puno at batuhan. May maliit na water fall doon. Maraming mga naglalabang mga babae. Maganda kasing maglaba doon dahil umaagos ang tubig at ang lalaki ng bato kung saan puwedeng ikula ang lalabhan.

Minsan isang buwan, kasama ang aming pinsan, dinadala kami ng aking tatay sa waterfall. May dala kaming baon na binalot sa dahon ng saging. Nilalabhan niya ang makakapal na kumot, kurtina at mga maong niya noon sa pagtatrabaho. Mabigat kasi kung lalabhan sa batalan namin o sa likod ng bahay.

Languyan kami. Sarap. Makikita mo pa ang mga maliliit na hipon, nakikilangoy din. Marami rin kaming nakakasabay na mga dalaga at binata. Excuse nila siguro yon para magkita. hehehe. Tatlo dito ay mga kapitbahay namin. Tawagin natin silang si Dalena, si Magda at si Elena.

Ipagpapatuloy ko insan.


pinaysaamerika



,,,
,,,