Pagkatapos naming magdrive ng ilang milya, pahinga naman. Isang pahingahan itong visitor center. Acshually may tindahan dito ng mga souvenirs. Mga libro tungkol sa ibon na makikita sa park. Wala naman akong nakita kung hindi uwak.
Naalala ko tuloy ang aking probins sa Pinas kung saan maraming uwak lalo na sa may beach na maraming patay na isdang inanod ng alon.
May mga t-shirt na kamamahal, para lang malaman na galing ka sa Park. Di na oy. Kaya lang di ako nagreklamo, baka sabihin, o sige ikabit mo ang 20 dollars mo sa iyong t-shirt at lagyan mo ng I've been to Shenandoah Park.
May isang log book doon kung saan puwede mong isulat kung anong hayup na ang iyong nakita sa park. Kaya pala yong isang insik na babae, habol-habol yong isang uod na maitim na nakita niyang gumagapang na mabilis pasilong sa kotse nilang nakaparada. Para ko pang nakita yong uod na sumisigaw ng HELP, HELP.
May nakasulat doon na cuterpilar (sulat bata). Isa naman ay dear (deer) siguro o ang kaniyang mahal. Haaay. malolokah ako. Pag labas ko naghanap ulit ako ng kahit anong insekto para lang naman may maisulat ako.
Tumingin ako kahit sa mga natutuyong kahoy at dahon. May nakita akong kaisa-isang grasshopper. Ano nga ba ang grasshopper sa Tagalog. Hindi yong green ha na malaki. Ah tipaklong. Anak ng tipaklong naman, talagang makakalimutin na nga ako. Ang magsabing ulyanin na ako, pipitserahan ko.
Ang nakita ko ay maliit lang at kakulay ng tuyong dahon at kahoy. Kailangang sipain ko ang mga tuyong dahon para siya gumalaw at tumalon. Para akong sira ulong sigaw ng sigaw ng Talon, habang nakaamba ang aking camera. Mukhang tanga? sinabi mo.
Sa harap pala ng visitor's center ay ang magandang view ng malalim na bangin.
Hindi ako lumapit kaya piniktyuran ko na lang ang mga taong nandoon sa malapit sa bangin. Kumanta pa ako ng THE HILLS ARE ALIVE WITH THE .... Pwede naman akong maupo sa bangko sa ilalim ng puno. Parang the bangko under the
Ito ang poplar trees. Hindi popular. Poplar.
Ang tatayog tapos wala ng dahon sa baba, lahat nasa itaas na. Kapag tumingala ka, makikita mo ay mga nagtataasang mga punong hubad pero may dahon sa tuktok.
Kaya pag naglakad ka sa gitna nila, ang feeling mo ba ay para kang dwende sa taas ng mga punong nakapaligid saiyo.
Pero may mga puno na kahit dilaw na ang lahat ng dahon, puno pa rin dahon ang mga sana.
Ganda pang tingnan. Para bang babaeng yellow ang buhok.
Balak ko sanang pumitas ng kahit dalawa pero bawal pala. Kahit tuyo na. Peksman, hindi ko kayo iniistir. Five hundred dolyares ang fine. Di ba fine yon.
Kaya ito kahit damong natutuyo, pag may buhay pa hindi mo puwedeng pitasin.
Kahit na nga patay na kahoy basta may nakatira pang buhay na tanim, di puwedeng galawin.
Hmphhh makauwi na nga.
pinaysaamerika
Pinoy,
Pinay