Advertisement

Wednesday, December 01, 2004

Si Pinay at ang Alimango

Dear insansapinas,

Business-minded ang batang iyon na tawagin
nating si Sarah. Bumili siya ng isang
Maliit na refrigerator na iniimbakan niya
ng soda at pinagbibili niya na may tubong
Quarter bawa’t isa. Nagbibigay siya ng bayad
sa kuryente kaya happy campers na
Sana ang lahat dahil hindi na nila kailangang
lumabas at dumayo doon sa kabilang
opisina kung hindi dumating na naman ang
ahas ng pag-kainggit.

Pinaalis nong marketing manager na immediate
superior niya ang ref.Lumaban si Sarah.
May anghel siya sa likod na tamad lumabas para
bumili ng soda. Ahem.

Maliit lang ang dining room naming kaya
hindi puwede ang refrigerator. Dati
merong maliit pero nagkakawalaan ng baon at
sodang pinalalamig kaya inalis na nang tuluyan.

Minsan nga nilagyan ng papel na may pangalan
yong sandwich noong kaopisina namin, pati
yata papel nakain. Akala yata kasama sa
palaman. May hinala kami kung sino
yong “ baon thief”.Poregner siya na
lulong yata sa casino kaya pati
pagkain hinakarimunan.

Minsan nagbaon si Sarah ng sandwich
na nilagyan naming ng hiniwang
pinong pino na jalapeno.

Muntik na niyong ubusin ang tubig
sa water dispenser. Ilang Linggo lang
ay may pumick-up na mga police sa kaniya.
Nahuling nagnananakaw sa kapwa
gambler.

Dahil sa napahiya ang marketing manager,
pinag-initan niya si Sarah at pati ang
anghel niyang walang pakpak.Ahem.

Sabay kami ni Sarah na maglunch break
dahil mas maraming dumarating na applicants
Pag lunch break. Siya naman ay gusto lang
akong kasabay dahil nakagaanan niya ako ng
loob. Magneto yata ako sa mga dehado.

Dati-rati ay may tira sa aming mga kanin,
adobo, dinuguan ano mang lutong bahay
ng aming mga kasamahang Pinoy. Iniiwan
nila ito sa mesa para makita namin.
Kaming dalawang hindi nagluluto at hindi
marunong magluto ay kinaawaan ng aming
kasamahan. Sobra-sobra ang binabaon nila
para sa amin. Mababait na Pinoy.

Sa mga nakalipas na araw, walang pagkaing
naiiwan. Tumatakaw yata sila na pati baunan
wala.

Pero bakit tinanong ako noong isa kung
nagustuhan naming yong sinigang
na hito. Simot daw yong baunan. Baka lumangoy
yong hito bago namin natikman.

May magnanakaw kaya ng mga tira? Baka may aso ?
Pero hindi naman talaga tira yon.

Medyo naaga ako ng punta sa dining room kaya
inabutan ko pa ang Marketing Manager habang
inilalagay niya sa isang plastic bag ang mga
pagkain at itinapon niya sa basurahan. Ayaw
niyang makakain kami noon eh hindi sa kaniya
galing ang pagkain. Maitim talaga ang budhi.
Kailangang ma-cleanser.

Sa pagmamadali niyang umiwas sa akin ay nasalubong
niya si Sarah na may dalang noodle na iniinit
sa microwave. Natapon ang laman sa may pintuan.
Inutusan niya si Sarah na linisin yon. Kawawang
bata. Kalaking tiyan, hindi makakayuko. Pinaupo
ko siya habang tinakpan ko ng lumang diyaryo
ang basang bahagi ng linoleum na sahig. Dahil
walang mop doon,ginamit ko ang paper towel sa
pagtuyo ng sahig. Ang janitorial services
dito ay sa gabi lang naglilinis kaya ang mga
cleaning supplies ay dala nila.

Nakita ako ng marketing manager.
Ngumiti siya ng patabingi. Dahil siguro sa
kaniyang pangit na pustiso.

Pumasok siya sa opisina nilang ang naghahati
lang sa hallway ay ang salamin na
Bintana at pintuan. Para silang aquarium. Pinage n
iya ako samantalang maari naman niya akong
kawayan sa salamin.

Akala ko tatanungin niya ako bakit ko pinagtatatanggol
si Sarah to the point na magpakababa akong magpunas
ng sahig.

Hindi naman.Inutusan lang niya ako na punasan
pa yong natapon ni Sarah na tubig.

Pinunasan ko.

Tiningnan niya ako at patuyang sinabi, “Ang sipag mo
namang magpunas.”

Sabi ko oo.Kung gusto pa nga niya pati yong lipstick
niyang kalat, pupunasan ko.Puwede pa yong paper towel.

Narinig ko pagkatapos na isa raw ang mataas ang
pinag-aralan ang nautusan niyang
Mangpunas ng sahig. HAHAHAHA.

Sa akin ang bumaba lang ang aking tuhod, pero
ang paggalang ko sa sarili ko ay nandoon
pa rin dahil mas mataas pa rin ako sa taong mababa
ang self-esteem kaya kailangang
patunayan nilang sila ay magaling kahit sila
mang-api ng tao.

Tsee.

Ang alimangong ito ay nadeport sa Pilipinas.Peneke
pala niya ang papel niya.Buhay nga naman, parang
alamang, pag lukso nagiging bagoong.

Ehek


Pinaysaamerika

3 comments:

infraternam meam said...

sa office namin, bukas 24 hrs daily, with 2000 employees. one time may notice na malaki sa pinto ng ref (four big ref)and it sez:"TO THE PERSON WHO ATE MY LUNCH, CAN YOU PLEASE RETURN MY TUPPERWARE".may lumapangga din ng baon ko twice, ang sarap pa naman ng luto ko. kaya from then on, yong lunch ko (kahit dinner dito ang tawag ay lunch) nasa portable cooler ko katabi ko sa computer ko.this evening,ang baon ko sotanghong guisado na maraming tostadong bawang, sabay tsibog sa tabi ng computer ko habang nakikinig sa complaints ng mga ahas na kano sa fon, at nangamoy si bawang, lahat tinatanong kung ano yon, sabi ko fried worms, eh di tumahimik lahat ng mga usisera.

hindi ba sa ongpin may bagoong ang tawag ay HEKO? ang sarap nito, kaya lang ang baho, kasi sabi paa daw ng tsekwa ang ginamit para maging masa at masarap. sana hindi pumutok ang kalyo at kurikong ng tsekwa habang tinatapakan ito.hmmmmmmm!!!

cathy said...

frat,
nakakainis ano frat? akala noong iba,gawa gawa ko lang
dahil akala nila dito sa estet na mura ang pagkain, walang magnanakaw.
tenks sa comment.

kaya nga pinapublish ko itong aking karanasan dito ay para makainform sa tao.

winiwelcome ko nga yong may mga pareho ring experience.

infraternam meam said...

cath....
ngayon ko lang nahalukay ito. ikaw pala ang nawawalang pinaysaamerika....puwede bang ako naman ang nawawalang kwentangpinoysaamerika?....hmmmmmmm!!