Advertisement

Tuesday, March 29, 2005

Si Pinay at ang Gerl Pren

Dear insansapinas,

Niyaya ako ng kaibigan kong pumunta sa remittance company para makapagpadala siya ng 500 dollars. Ganyan siya magmahal sa boypren niya.Tinanong ko kung sigurado siya.Oo raw. Doon daw siya masaya.

Hige.
Sa isip ko, kung kaharap ko ang boypren niya, bibigyan ko siya ng left hook
AT RIGHT HOOK, TUTUHURIN KO SIYA SA BABA NG KANYANG SINTURERA AT PAGNAKALUGMOK NA SIYA AY SAKA KO ITATAPON ANG PERA SA KANIYANG MUKHA, sabay ang sabi ng...

Son..o...bit...F...k...you..f...k...

Sandali, hindi ako yong sumigaw na yon. Tumakbo ako sa labas kung saan nanggaling ang ingay.

Si French, pilit na sinasampal ng gerl pren habang hawak niya ang dalawang kamay ni babae. Bakit nasa kalsada ? Bakit nasa harap ng bahay?

Hinila ako ng aking kaibigan papasok sa bahay. Tumawag daw ang nanay ni Edong yong may-ari ng bahay at kaibigan ng gerl pren ni French.
Nagseselos daw si gerl pren.

"Saiyo ?" tanong ko sa ikaibigan ko.
"Saiyo," sagot naman ng kaibigan ko.
"Sa akin ? Bakit ? Hindi naman ako lumandi sa boypren niya.
Ito nga itong kain ng kain ng pizzang dala niya."

Kasi raw ,bukambibig ang pangalan mo kahit anong usapan.
Balak ka raw sugurin dito, sinaway ni French.

Biglang may kumatok sa pinto.

Nagkatinginan kami ng kaibigan ko. Pinabuksan ko sa kaibigan ko ang pinto. Hindi dahil takot ako.

Eh kung sabunutan ako. Magugusot ang aking buhok.
Eh kung sampalin ako. Magugulo ang aking make-up. hehehe.


Naku nanay ni Edong. Ang Boy Abunda sa kalyeng yon. Palagay ko may dala siyang exclusive report tungkol sa iskandalo sa ibaba.

Anak ng pating na nanganak ng daeng at nagkaroon ng apong tinapa. Purnada ang pagpapadala ng kaibigan ko.

May balak tumagal ang matanda. Sumalampak sa aming upuan.

Tatlong taon na raw na magkasintahan si French at ang Pinay. May bahay daw si Pinay pero ayaw makipag-live-in si French kaya umuupa kina Edong.

Pakakasal na nga raw ngayong taon na ito. Siniko ako ng aking kaibigan at inulit
ang ikakasal na raw.

Keber. Kung balak nila akong kuning flower girl, fully booked na ako..

Bakit ninyo kinukuwento sa amin ?

“Wala naman”, sagot ng matanda. “Off limits na si French.”

At nagpaalam na siya.

“Kainis” sabi ng aking kaibigan. Para siyang nakakababae. Nagpadala
pa ng emissary.” Sa totoo lang, aswangin mo nga.

Sabi ko," hindi dapat. Boypren niya si French, natural lang siyang
magselos. Kaya lang dapat huwag siyang mag-iskandalo. Dapat pinuntahan
niya ako at kinausap."
“Katuwaan lang ow, landian mo nga.” sabi ng kaibigan ko.

"Gagah.."lutong kong sagot. "Maghahanap ako ng sakit ng ulo
dahil sa challenge."

"Sige na nga. Lika na nga at makalabas. Pag nandiyan siya,
wa ko siya pansin." sabay hila sa kamay ko.

Kinabukasan may bulaklak sa paso sa may tapat ng pinto.
Galing kay French. Naghahanap talaga ng sakit ng ulo.

Sabi ni kaibigan. Dali, pakita natin doon sa matanda.

Sabi ko." Para kang si Cristy Fermin, ang hilig sa intriga."

Pinaysaamerika

6 comments:

Nick Ballesteros said...

Hello Ca T. Andito pala yung ibang jucy tidbits ng lablayp mo eh. Masabi nga sa berks. ehehehe

infraternam meam said...

correct me if i am wrong. this is the story of the old movie of Merryl Streep.."The French Lieutenant Woman" or episode twelve of the new TV series "Desperate Housewives".hmmmmm!!!

celia kusinera said...

Hehehe. The plot thickens ... at anong nangyari pagkatapos? Daliii sulat kaagad. Para kang si Bongk ngayon minamadali ng readers. nyahahaha!

cathy said...

watson,
ang mga nakasulat dito ay kuro-kuro lang ng isang pusang nag-aanyong tao sa gabi. hahaha

frat,
hindi ko napanood yon pati desperate housewives.

cel,
huwag kang magmadali. mabagal akong magtype. hekhekhek

infraternam meam said...

cat...i believe your story and your entry on this blog, i just want to comment on it that way. bakit nga ba ko nag comment ng gannon? paki hagupit mo nga ako ng pusa sa batok.
oo nga pala, changing the topic, somebody visited me via google and read one of my entry about the marriage of Prince Charles to his INAMURATA, i had a typo, instead of typing Camilla Parker Bowles, i did CAMILLA PARKER BOWELS. paki hampas mo nga ako ng silya sa ulo. hmmmmmm!!!!

cathy said...

frat,
hindi ba talaga sinadya mp yon?