Monday, April 30, 2007

East or West -Pinay Got Lost

Dear insansapinas,
Mayroon akong appointment sa ibayong siyudad. Inexplore ko na ang papunta doon, insan. Tatlong sakay sa bus. May dala akong mapa galing sa Google at sa bus company, pero tumawag pa rin ako sa bus company kung paano pagpunta doon. Yon pala ang ibinigay sa akin yong pinakamahabang ruta. Naksiyapo, tatlong oras ang travel time ko hindi dahil ganoon kalayo kung hindi lahat yata ng sulok ng daigdig ay humihinto ang bus.Tapos, maghihintay ka pa ng isang oras sa susunod na bus. Natapos ko yata ang crossword puzzle sa isang diyaryo bago dumating ang sumunod na bus.

Maaga din akong dumating sa appointment ko kaya isang oras mahigit ang hintay ko sa labas. Matapos ang dalawang oras, labas na ako at tuliro na naman akong lumabas sa may bus stop. Isang babae ang nagsabi sa akin na walong minuto pa at dadaan na ang bus.

Tapos,tumatanaw siya sa malayo at hahagikhik. Nggiiiiii. Ano ba yan, sira ba ulo oa noh. Maayos naman ang pananamit.

Naalala ko pala pabalik ako kaya lumipat ako ng kalye. Lumipat din yong isang babae na lumupasay sa gutter ng bus stop habang naghihintay. Juicekopoh, ano ba itong mga nakakasabay kong mga tao. May mental institution ba sa malapit at mga nakawala ito.

Eniwe, dumating ang bus. Sakay kaagad ako. Sakay doon yong babae. Naupo, sa may likod ng driver, tumayo, lumakad papunta sa likod ng bus, bumalik, tiningnan kami ng kaharap niya nang nanlilisik ang mata. Ngiiii. Tapos pinikit ang mata. Biglang naghilik. Hanubayan.

Pagkadating namin sa susonod na bus depot, sumakay kaagad ako sa bus na akala ko ay pabalik na sa istasyong pauwi sa amin. Papunta pala sa West yon at pag-ikot saka pabalik sa East. Isang oras din akong naglakbay.

Habang break bago umikot, nagkuwentuhan kami ng driver. Sinabi ko na kailangan kong makarating sa pharmacy para mapalitan ang aking gamot. Sabi niya huli na. Pwede rin naman kasing kinuha ko yong isang bus na papunta na roon via highway. Malay ko ba
kasi, bagong salta lang naman kasi ako dito. Hindi kagaya sa San Francisco, magbus, magkotse, hindi mo ako maililigaw.

Pabalik kami nang makita niya ang bus na dapat kung sakyan. Nakaalis na. Sabi niya sa akin, huwag na lang akong bumaba.

Pagod na ako nang dumating sa Metro Station. May dalawang escalators pa namin akong sasakyan. Yong isa, napakataas, eh may acrophobia pa naman ako.

Dumating ako sa bahay, 6:30 na. Whew, magluluto pa. Manonood pa ng Dancing with the Stars. zzzzzzzzzz

pinaysaamerika



,,,
,,,

Sunday, April 29, 2007

Ginataang Puso ng Saging-Pinay Goes to Market

Dear insansapinas,
Ngayon niyaya ako ng aking brother, pumunta sa Oriental store. Oriental as in pwede kang makabili ng mga producktong galing sa Asia, kasama ang Pilipinas.

Layo, insan. Nasa ikapitong bundok. Dami kong pinamili. May nakita akong puso ng saging. Tuwa ko. Makakaluto na naman ako ng ginataang puso ng saging. May nakita akong kangkong sa isang cart ng namimili, hinanap ko wala na. ANG KANGKONG, bow.

Niluto ko ang puso ng saging.

ginataang puso ng saging

Huwag ninyo akong dustain. Kahit hindi maganda ang retrato ng aking niluto (dahil tira na lang yan), masarap ang lasa.

Ito ang recipe.

Isang lata ng niyog ( o diva, insan noon pag tayo ay maggagata sa probins, aakyat pa sa puno ng niyog si unkel


tapos aalisan ng bunot ang niyog. Ang bunot ginagawang lampaso, pang isis at marami pa. Tapos bibiyakin ang bao. Sarap ng sabaw ng niyog. Ang bao ginagawang uling para sa pamamalantsa at pagluto.




Pero sandali, insan nalalayo tayo.

Pagkatapos biyakin, kinudkod ang niyog. Meron kami noong kudkuran. Ganito ang hitsura.

retrato ng kudkuran

Ang tawag namin diyan kabayo kasi pag hindi ginagamit ng matatanda, sinasakyan namin at para kaming si Lone Ranger o kaya si Zorro na nagkakabayo. Hiyaaaa.

Lumalayo na naman ako insan. Hilahin mo kasi ako. Hige tuloy tayo.

Ang iba pang ingrediente ng ginataang puso ng saging.

1 butil ng bawang
1 buong maliit na sibuyas
ilang pirasong karne ng baboy o kaya hipon.
1 piraso ng Knorr chicken bullion.
asin

2 kutsarang suka (pwede ring wala)

Alisin ang ilang saha ng puso ng saging. Kasama ang mga bulaklak nito. Ang bulaklak ay parang maliliit na saging na madalas pinaglalaruan naming kunwari saging-sagingan.
Ang saha naman ay ginagawa naming bangka o kaya tsinelas.



Naligaw na naman ako. Hige, balik.

Hiwain ang puso ng saging ng pahilis at malililit na hiwa. Mga 1 cm lang ang kapal.
Ilagay sa isang bowl na malaki, lagyan ng asin at kaunting mainit na tubog.

Tapos,pigain nang pigain para maalis ang katas. Imaginin ninyo na ang pinipiga ninyo ay ang mukha ng bruha sa buhay ninyo. Yon, yon.

Palambutin ang karne sa pamamagitan ng paglagay ng kaunting tubig sa kawali. Lutuin hanggang lummambot o kaya maubusan ng tubig. Pero insan huwag kang sisigaw ng tubig.

Itabi sa isang sulok ng kawali, patuyuin ang kawali at lagyan ng kaunting cooking oil. Igisa ang bawang, sibuyas at ang karne. Ilagay ang puso ng saging. Ibuhos ang niyog. Ilagay ang chicken bullion a gitna.

Pag kumukulo na, ilagay ang suka, timplahan ng asin. Hayaang kumulo ang gata hanggang
kaunti na lang ang matira.

Tapos.

pinaysaamerika



,,,
,,,

Saturday, April 28, 2007

That Bloody Blood, I am a Bleeder

Dear insansapinas,

Kahapon ay dinalaw ko ang aking doctor. Ito yong araw na isasampal niya sa akin ang mga resulta ng laboratory tests, ultrasound, stress test, blood sugar level monitoring and high blood pressure management (kulang na lang ang IQ test kung bumagsak na ang IQ ko).

Unang kinakaharap ko doon insan ay ang medical assistant. Wala yong paborito kong itim na matanda. Isang Latina siya na blondie. Uhum. Kinunan niya muna ako ng timbang. Bagsak na naman ang timbang ko o sinungaling ang timbangan sa aming banyo. Sunod ang aking blood pressure. Talagang lahi kami ng high blood. 150/78. Blood sugar 238. Ang tamis ko talaga.

Habang tinatype niya sa computer ang aking "vital signs statistics" sa aking medical records, hindi ko namalayan na pulang pula na pala ang pantalon kong kulay cream. Akkkk, akkk. Magiging target ako nito ni Dracula kung saka-sakali. Kahit na pinunasan na ang maliit kong daliri ng swab cotton, panay pa rin ang labas ng dugo doon sa maliit na sugat ng tinusok para makuha ang aking blood glucose.

Kaya nga ba sinasabi ko na sa kanila na BLEEDER ako anoh. Sobrang dugo sa katawan ko dahil may pagkalahi akong bampira. Nyahahaha. Nalaman ko ito nang operahin nila ako sa dibdib para alisin ang cyst ko. Naubos ang tuwalya, kumot pati kurtina (hehehe, over extra exaggerated na ako, nepo) bago naampat nila ang dugo nang ako ay hinihiwa.

Nagpanic ang medical assistant. Tinambakan din ako ng tissue paper. Kulang. Kaya pinunasan niya at nilagyan ng band-aid. Itinaas ko ang aking kamay, mataas pa sa aking puso. Ganoon lang yon eh.

So, tuloy na ako sa doctor.

Tinanong niya ako kung ako ay naninigarilyo. Sabi ko hindi. Amoy lang ng usok, hinihika na ako.Tinanong niya ako kung ako ay umiinom. Sagot ko, oo. Tubig, gatas, orange joyce, tea at ang pinakamatapang at okasyon lang dahil sa sugar, apple cider.

Bigla siyang nagpaexcuse. A polite way of saying. Magpahinog ka muna. hehehe

Masyado raw elevated ang ? (did not get that thingy) sa liver, so he would like to test me of hepatitis. Hindi ko naman suot ang aking mga alahas ah, para ako manilaw.(hekhekhek).

Liver ay atay, di va? Hmm, nahahalata ring may pagka-aswang ako. hikhikhik





pinaysaamerika



,,,
,,,

Friday, April 27, 2007

The People In the Neighborhood-Part 2

Karugtong ng:

The People in the Neighborhood, Part 1

Dear insansapinas,

Acshually, hindi sila mga kapitbahay. Sila lang yong mga taong namimeet ko sa labas, sa bus stop at sa mga hintayan kapag may appointment ako.

Kanina, paglabas ko sa building, may nakita akong isang lalaki na mukhang Latino na nakaupo sa isa sa mga upuan sa bus stop habang ang isang mulatang pakiwari ko ay busa ng busa ay pabalik-balik na naglalakad sa harapan niya. Para bang may lover's quarrel. Walang talkies kasi malayo sila sa akin, tapos maingay pa ang mga nagdadaang sasakyan.

Lumipat ako ng kalye. Kaluwang na daan na nasa kalagitnaan pa lang ako ay nagbiblink na ang pulang ilaw. Para bang sinasabing Bilisan mo bruha. Tsee.

Matahimik na akong nakaupo sa bus stop sa kabilang kalye nang makita ko ang lalaking dumarating. Ngumiti siya sa akin at sinabing wrong bus stop. Aha, nabasa niya ang aking matang nagtatanong nang Why are you here? Kasi nasa kabilang bus stop sya nakaupo. Ibig sabihin, papunta siya sa South. Dito naman kasi hindi naman ibig sabihin, bagong salta pag hindi alam ang mga route ng bus. Yong iba sanay sa kotse kaya pag may pinuntahan sila na mahirap ang parking, commute sila, pero ligaw naman.

Filipina ka? tanong niya. Aba Filipino pala siya. Mukha kasi siyang Latino. Hindi rin daw siya sure na Pinay ako. Matangos daw kasi ang ilong ko. Sabi ko, maraming sipit ang ginamit ko diyan. hekhekhek

At taga Angeles City rin siya. Pero matagal na siyang wala doon. Katulad ko, high school pa ako nang umalis doon.

Tinanong ko kung nasaan na yong kaaway niya sa kabilang bus stop. Sabihin niya, hindi ko kilala ang buwakanang inang yon. Daldal ng daldal, wala namang kausap. Marumi raw ang upuan, marumi raw ang kalsada, blah blah blah. Malay ko ba roon. May nahulog yatang turnilyo sa utak.

Matagal sanang kuwentuhan kaya lang dumating na ang bus. Puno. Ngayon lang ako nakasakay ng bus dito na puno. Karaniwan naman kasi maaga akong sumasakay. Yong ang mga nagpapatulo ng pawis, kahit walang tumutulo dahil malamig ay hindi pa lumalabas sa kanilang mga opisinas. (plural ng opisina, di va).






Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika



,,,
,,,

Thursday, April 26, 2007

The People In the Neighborhood-Part 1

Dear insansapinas,

Hindi sila kapitbahay, insan. Mga tao lamang na nakakausap ko sa aking paglalakad.

Galing ako sa ospital noon at tahimik na naghihintay ng bus. Tinitingnan ko ang magandang puno ng cherries na may bulaklak pa rin.

May tumabing mama sa aking upuan. Disente siya, mukhang kagalang-galang. Pinaunahan niya na ako na may hearing impairment siya. Kaya nagbabasa lang siya ng labi. Kuwentuhan lang kami ng tumunog ang cell phone niya. Tayo siya para sagutin.

Isang babaeng Puti naman ang tumabi sa akin. Panay ang buntong hininga niya. Tapos nagsalita.

I am pregnant. Huh? Hindi ako tatay niyan, sa isip ko. hehehe. Kasi bakit naman sasabihin niya sa akin. Iba pa ang tuno. Para bang hindi siya masaya.

So ang number one pagkatsismosa ko ay umandar na naman.

Ako: Wow, isn't that good news.
Babae: Yeah, if you're married and the father is responsible to help you bring up the child.
Ako: (Thought balloon lang). Nake, isa na namang malungkot na istorya, Ate Charo.
Babae: And I am also looking for a job. I have been unemployed for three months now.
Ako: (Thought balloon ulit)Sabi ko na nga ba. Ilang tsapter na naman kaya ito.
Babae: I've worked in restaurants, sales stores and I just can't go back there anymore. Work is hard. You get only minimum and some tips. My boyfriend doesn't bring home any money. This is our second baby.
Ako: (thought balloon ulit). Eh bakit ka pa nagpabuntis ulit? Husko naman.
Babae: Sorry for the rant. I am just depressed.
Ako: It's okay.Magaling naman akong makinig. Dinudusta ko lang sila sa utak ko. Cruelme. Story of my life. *heh*

pinaysaamerika



,,,
,,,

Wednesday, April 25, 2007

Sa Ospital-Right or Left

Dear insansapinas,

Nakilala ako noong receptionist na lalaki na alam ko hindi talaga lalaki. In fwerness, masyado siyang dedicated sa work niya. Halos hindi umuupo. Wala pa akong sampung minutong nakaupo, tinawag na niya ako.


Habang nilalagyan niya ako ng id bracelet, siinabi ko na bilib ako sa kaniya. Sinabi ko yon ng taos sa puso ko at hindi pambobola. Alam kong nakakatulong sa kaniyang mood maghapon ang makarinig ng papuri sa mga pasyente na kung hindi masungit ay maysakit na hindi nagsasalita.

Alam mo naman insan na early 20's ko nang maoperahan ako sa breast. Cysts lang naman, pero tatlong beses nangyari. Ewan ko ba naman itong mga bukol na ito at mahilig yatang tumubo sa aking mammary gland. Hindi naman sila mukhang keso na nabuo dahil sa gatas dahil wala naman talaga akong gatas. Got milk? No. ahek.

Ang maganda nito, walang makinang ginamit noon ang doctor para malaman na mayroon akong cyst. Ngayon, may mammography na may ultra sound pa.

Dahil sa medical history ko at ang aking pamilya, red alert sila sa akin pagdating sa
breast kaya noong nakaraang taon, nang pinersuade nila akong sumali sa isang programa ng breast cancer detection, sa pamamagitan ng libreng silip at eksaminasyon, pinababalik nila ako sa isang follow-up kasi raw may nakita sila. If I know, gusto nila akong gawing guinea pig. Eniwey, hanggang dito ay naabot ako dahil ang sulat ay pag kumunsulta ako sa aking ob-gyne, kailangan ipakita ko raw ang sulat nila na may findings sila sa right breast. Eh ako pa naman insan ang nerbiyoso't kalahati na para bang may nararamdaman nga ako. Schiso nga raw ako. Nakakain ba yon?

So, to make the story long ehek short, ultra sound daw nila ako, base sa nakuha nilang film sa aking previous doctor.

Pero mammogram daw muna. Eh ang sakit noon. Pero nakita ko rin ang monitor. Aling kaya doon. Wala naman akong makita.

Tapos pinaghintay ako para sa ultra sound. Ang maganda sa ospital na yon, maari kang magreklamo kapag hindi ka naasikaso ng mahigit labinlimang minuto. Titingnan nila ang dahilan kung bakit hindi ka naasikaso. O di va, magandang patakaran yon.

Memya, memya, pagkatapos kong mabasa ang mga katsisimisan sa magasin na US, (sandali na kay Angelina Jolie na ako) a sinundo na ako nang isang ultrasound technician na lalaki. May kasama siyang babaeng technician. Para maiwasan ang kasong sexual harrasment thingy sa mga ganoong pagkakataon.

Magaling sana yong technician dahil pinapaliwanag saiyo ang gagawin niya at ang mga expectations. Pero sabi niya titingnan daw niya ang left breast ko. Bigla akong napasalita pagkatapos kung tumango at umiling lang dahil sa trauma ko doon sa mammography room. Ipitin ka ba naman ng dalawang beses. Sakit.

"I thought it is right breast? " Kung di lang madilim sa kuwarto, baka nakita ko siyang namutla. Eniwey, sabi niya, titingnan din niya ang aking left. Dahil ba kaliwete ako? ehek.

Habang nireretrato niya ang loob ng aking dibdib, sinisilip ko rin sa monitor. AHA nakita ko nga ang sinasabi nila. Para siyang holen sa laki at sa bilog.

Nagpaalam siya sa akin na ikukunsulta niya sa doctor ang findings.

Nang bumalik siya, sabi niya ifoforward ang resulta sa aking doctor.

Pinagbihis niya na ako at sinabi niyang pagkatapos ay puwede na akong lumabas sa pinto.

Tanong ko, right or left? hehehe Kulit ko noh?


Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika



,,,
,,,

Tuesday, April 24, 2007

May mga Filipina-Allelujah

Dear insansapinas,

Break muna tayo sa romantic series ko. Kuwento ko lang ang nangyari sa akin ngayong araw. May appointment ako sa doctor sa nuclear department (radiology) ng hospital.

Malapit lang ang ospital. Mga 20 minutes lang sa bus. Hindi na ako nagpahatid. Isang sakay lang, hindi ako maliligaw.

Sa bus stop, may narinig akong nagsasalita ng Tagalog. Isang babaeng nakatalikod sa akin sa isang babaeng ang kulay ng buhok ay mais. Wala namang ihawan. ahek. Mag-ina pala silang nakatira sa malapit lang sa amin. Sabi ko, sila ang una kong mga Pinoy na nakita maliban doon sa Pinoy store na nagsara na dahil walang bumibili.

Kwento kete, kuwento habang wala pa ang bus. Tinanong kaagad ng nanay, diyan pala kayo nakatira, magkano....

Sabi ko nakikitira lang ako sa kapatid ko.

Natutuwa kasi ako na makakita ng Pinoy. Sabi sa akin noong babae sa Maryland daw marami. Sabi ko naman sa San Francisco, hindi ka makakalakad ng isang metro na wala kang makikitang Pinoy.

Sumakay na sila nang may dumaang bus at ako naman ay sumakay na rin sa isang bus na dumating. Dalawa lang kaming pasahero noong una at anak pa yata ng driver yong isa. Binigyan siya ng isang special pass. Hindi ako binigyan ng driver ng ticket kaya humingi ako. Ano ba siya, wala sa sarili? Dalawang sumakay, isang babae at isang lalaki. Nagpapapara yong lalaki sa bus stop, hindi huminto yong driver. Pinagalitan siya 'day noong babae. Sabi niya, hindi raw niya tinitingnan ang bus stop kung saan puwedeng huminto. Lumampas tuloy yong mama na halatang bagong saltang katulad ko.

Dito pa naman, pag namiss mo ang isang bus stop, ay maglalakad ka pabalik, itsura ang lakarin mo ang City hall ng Maynila, pabalik Quiapo. O di va sinong hindi maiinis niyan. Nag-apologize yong driver. Saan ka nakakita nang ganiyan? Sa San Francisco, pag nalampas ka, ibaba ka sa susunod na bus stop ng driver na bubulong-bulong. Malinis ang mga buses dito bandang amin, insan. Ang mga driver ay malinis din. Pero dito lang siguro banda sa amin yon.


Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika



,,,
,,,

Madilim ang Mundo-Pinay Goes Romantic Part 13

Karugtong ng:


Dear insansapinas,

Ayaw ko nang isulat ang sinapit ni B insan. Ilang buwang nakatakda ang aming kasal, nakatanggap ako ng tawag sa isang ospital. Nasa ICU si B. Ikalawang atake. Ako ang nakasulat na next of kin. Pagkatapos ng tatlong araw, binawian siya ng buhay. Fatal ang stroke. Ang biyudang hindi pa nakakasal.

Hindi ako nag-internet mula noon insan. Pumapasok lang ako para lang pumasok. Hindi ko rin pansin si James Bond. Walang kulay ang mundo. Hindi nalaman ng mga kaibigan ko dahil hindi rin ako lumalabas pag weekend. Hindi rin ako sumasagot sa telepono.

Yong negosyong tinayo lang namin ang inaasikaso ko paglabas ko ng aking trabaho. Ang sungit ko raw.

Isang gabi, nakatanggap din ako ng tawag sa telepono. May nerbiyos na tuloy ako.
Namatay ang fafa ni James Bond. Ako ang huling kausap ng hapon na iyon bago ako umuwi. Wala si JB. Nasa East Coast. Pero parating daw.

Madilim ang mundo.

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related articles:
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1

Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 2
Tutorial Ekek-Pinay Goes Romantic Part 3

GFNPA -Pinay Goes Romantic Part 4
Blue Eyes-Pinay Goes Romantic Part 5
Love Triangle na Bilog-Pinay Goes Romantic Part 6
Si James Bond na hindi Spy, Part 7
Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 8
Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 9
Si James Bond at ang British na hindi Spy-Pinay Goes Romantic Part 10
Sumbong,sumbong-Pinay Goes Romantic Part 11
Si Pinay at si James Bond
Si Pinay ang inihatid ni James Bond
Si Pinay at ang Gerl Pren
Si Pinay at ang Kapitbahay, Karugtong Po
Si Pinay at ang Kapitbahay-Brown-out ulit
Si Pinay at ang Kapitbahay
My First Christmas
Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Monday, April 23, 2007

Balikbayan si James Bond na hindi naman Pinoy-Pinay Goes Romantic Part 12

Karugtong ng:

Sumbong,sumbong-Pinay Goes Romantic Part 11
Dear insansapinas,

Isang buwan din siyang nawala, kaya tahimik ang buhay ko. Ang pumepeste lang sa akin ay yong physical therapist na may boy friend ng male nurse pero habol pa rin si JB. Kasi "commoner" lang daw si male nurse at sila ay nasa alta sosyedad. Kita mo insan, akala mo sa soap opera lang nangyayari yang rich girl-meets-poor-boy-parents-say-no. Hindi sa totoong buhay din dito. Pakitugtog nga ng biyulin. Si JB nga naman ay anak ng isang doctor, kapatid ng isang doctor at abugada at anak ng isang may-ari ng art gallery. Maganda talagang "catch".

Araw-araw na yata na nakatala sa kalendaryo ay dumadalaw at hinuhuli siguro kung
nandoon na si James Bond. Mangani-ngani kong sabihin na kumukuha ng bagong misyon kay M. (soundtrack ng James Bond movie).

Pagpasok ko isang araw a narinig ko na ang boses ni JB kahit nasa labas pa lang ako. Sa isip ko patay. Nandito na naman ang malacholesterol na tao na nagpapataas ng aking BP.

Kinukuwento niya sa Tatay niya ang pakikipagkita niya sa isang babaeng nakilala raw niya sa cruise. Yakititakitiyak.

Tapos, titingnan niya ako kung ako ay nakikinig. Naku ha Busy ako. Kinakausap ko si Lola. Si Lola ay ang kanilang standard poodle na itim na itim ang balahibo. Dinadala lang siya noong driver para dumalaw dahil nakaschedule itong pumunta sa beauty parlor para sa kaniyang grooming. Langhiyang aso, talo pa ako. Shampoo lang sa beauty parlor pa.

If I know, naikuwento na ng kaniyang mother sa akin na hindi naman nakipagkita sa kanya yong babae. Kontra pelo ang mag-ina. Ako ang nasa gitna. *heh*

May pasalubong naman siya sa akin. Kamisetang may tatak Oxford. Nagtuturo kasi doon ang bayaw niya pag summer. Di hindi rin galing sa kaniya. Tsee.

Dumating si physical therapist. Nag-usap sila .Hagalpakan ng tawa. Mangani-nganing pamaywangan ko ang dalawa at sabihing get yourself a room (ay mali). Ingay kasi.

Oras na nang uwian. Yehey. Hinabol niya ako sa elevator. Kailangan daw gumawa ako ng report noong habang wala siya. Hindi niya alam , napadala ko na sa kapatid niya.

Sabi niya, kailangan daw niya ako saglit. Sabi ko sa kaniya. are you going to pay me overtime?

Hindi raw, ihahatid na lang ako para makapg-usap kami sa kotse. Nasaan ba yong manika ng mangkukulam?

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related articles:
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1

Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 2
Tutorial Ekek-Pinay Goes Romantic Part 3

GFNPA -Pinay Goes Romantic Part 4
Blue Eyes-Pinay Goes Romantic Part 5
Love Triangle na Bilog-Pinay Goes Romantic Part 6
Si James Bond na hindi Spy, Part 7
Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 8
Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 9
Si James Bond at ang British na hindi Spy-Pinay Goes Romantic Part 10
Si Pinay at si James Bond
Si Pinay ang inihatid ni James Bond
Si Pinay at ang Gerl Pren
Si Pinay at ang Kapitbahay, Karugtong Po
Si Pinay at ang Kapitbahay-Brown-out ulit
Si Pinay at ang Kapitbahay
My First Christmas
Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Sunday, April 22, 2007

Sumbong, sumbong-Pinay Goes Romantic Part 11

Karugtong ng:

Si James Bond at ang British na hindi Spy-Pinay Goes Romantic Part 10

Dear insansapinas,

Sinumbong ako ni James Bond sa mother niya. May dagdag pa. Kesyo baka raw magpaalam na ako kapag ako ay magpapakasal sa isang bloody Briton. Tsismoso.

Kararating lang ng mother niya galing sa India. At may balak pumunta ng Spain at ibang European countries. Isasama raw niya si James Bond. Palagay daw niya nabobore dahil sabbatical niya sa eskuwela. Palagi namang sabbatical yan eh. If I know.

Pumayag si James Bond. Pupunta raw siya sa London para may bibisitahin. Saka medyo itinaas ang kilay. Di ko siya pinansin. Sa isip ko ano ba ang nakain nito at ako palagi ang nakikita. Hindi naman siya Bampiro na pwedeng pakitaan ko ng krus para hindi lumapit sa akin. YHaaah.

Buti naman at mawawala siya. Matatahimik ako.

Pero kinausap din ako ng kaniyang mother kung totoo nga. Tingnan mo yan. Tsismosa rin siya. (Pero mabait siya ha). Sabi ko, may proposal. Umuwi siya sa London para ayusin ang mga properties bago siya magmamigrate dito.

Pinagpayuhan niya ako na wag padalos-dalos. Matindi rin naman kung makasumbong ito si James Bond. Pakialam ba niya sa buhay ko? Parang gusto kong gumawa ng manika niya at matusok-tusok.


Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related articles:

Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1

Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 2
Tutorial Ekek-Pinay Goes Romantic Part 3

GFNPA -Pinay Goes Romantic Part 4
Blue Eyes-Pinay Goes Romantic Part 5
Love Triangle na Bilog-Pinay Goes Romantic Part 6
Si James Bond na hindi Spy, Part 7
Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 8
Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 9
Si James Bond at ang British na hindi Spy-Pinay Goes Romantic Part 10

Si Pinay at si James Bond
Si Pinay ang inihatid ni James Bond
Si Pinay at ang Gerl Pren
Si Pinay at ang Kapitbahay, Karugtong Po
Si Pinay at ang Kapitbahay-Brown-out ulit
Si Pinay at ang Kapitbahay
My First Christmas
Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Saturday, April 21, 2007

Si James Bond at ang British na hindi rin Spy-Pinay Goes Romantic Part 10

Karugtong ng:

Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 9

Dear insansapinas,

Birthday ko na talaga insan. Tumawag ang aking mga kaibigan na pagkatapos ng aking trabaho ay pakakainin nila ako. Susunduin daw ako ng isa sa kanilang mga alipores. Hige.

Dumating ulit si James Bond. Aba, buwan, buwan, lumilipad na siya in town.
Isinuli ko ang tseke at sinabi ko ang totoo na hindi ko kabirthday ang kaniyang fafa.
Belated April Fool ang ginawa sa kaniya at sa akin ng isang kasamahan namin na nagtataka bakit paborito yata akong asarin ni James Bond.

Medyo, nagsalubong ang kilay niya at hindi naghiwalay. Gusto niya raw akong makausap.
Gusto raw niyang ipaalam na habang wala ang kaniyang mother, siya ang natokahan ng kaniyang kapatid na mamahala kasama ng kaniyang fafa na nagiging masungit dahil sa kaniyang sakit.

Oke.

Mas gusto niya raw yong isang Pilipina na hindi bumalik sa dahilang hindi niya alam.
Halatang asar siya sa akin.

Yong ang nagtrain sa akin at alam ko bakit hindi na yon bumalik. May problema sa asawa niyang kaniyang itinatago na asawa niya. O di va magulo. Pero in fwerness, kagaya nang ipinangako ko na hindi ko sasabihin ang sikreto, tahimik lang ako.

Hindi rin raw ako paborito ng kaniyang fafa. Isinumbong daw ako minsan na sumimangot nang kausap niya.

Hindi lang daw malaman niya kung bakit ako paborito ng kaniyang kapatid na abogada na siyang decision-maker. hehehe.

Halata mong inis siya at hindi niya itinatago ang inis niya sa akin. Kung pwede lang sigurong sabunutan niya ang aking wig, sasabunutan niya. O insan, nagwiwig ako noong mga araw na iyon dahil yong nagputol ng buhok ko ay minarder ang aking magandang buhok. Ayun "pinabugbog" ko. Biro lang insan.

Kung hindi ko lang birthday at hindi naman siya ang boss ko talaga, nag-walk- out ako sa maghapon niyang pang-aasar sa akin. Hinihintay niya akong pansinin ko siya at magalit pero tinataasan ko lang siya ng kilay at hindi sumasagot.Psywar insan ang naisip ko.

Oras na nang labasan. Nagmamadali akong lumabas. Sinundan niya ako hanggang sa elevator. Medyo kalmado na siya. Kung gusto ko raw, ihatid niya ako. Hindi niya alam birthday ko.

Pagbukas ng elevator sa ground floor, nandoon ang sundo ko at isang lalaking kilala ko sa retrato. Ang British. Systems manager siya sa isang bangko sa UK. Lumipad siya para sorpresahin ako at hingin ang kamay at paa? hekhekhek

Binati nila ako. Nahinto si James Bond.

It's your birthday?

Pakilala, pakilala. Nagkilala sila ng British na hindi rin spy.



Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related articles:
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1

Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 2
Tutorial Ekek-Pinay Goes Romantic Part 3

GFNPA -Pinay Goes Romantic Part 4
Blue Eyes-Pinay Goes Romantic Part 5
Love Triangle na Bilog-Pinay Goes Romantic Part 6

Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 8

Si Pinay at si James Bond
Si Pinay ang inihatid ni James Bond
Si Pinay at ang Gerl Pren
Si Pinay at ang Kapitbahay, Karugtong Po
Si Pinay at ang Kapitbahay-Brown-out ulit
Si Pinay at ang Kapitbahay
My First Christmas
Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Friday, April 20, 2007

Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 9

Karugtong ng:



Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 8

Dear insansapinas,

April din noon. Birthday ng fafa ni James Bond. Syempre, lipad na naman siya papunta sa SF. Parang ginagawa niyang Quiapo at Sampaloc lang and East Coast at Bay Area.

Surprise party ang gagawin kaya panay lang sulat sa maliit na papel ang aming usapan.
Sa penthouse ng building gagawin ang maliit na party.

Mga empleyado lang ang naroroon saka kamag-anak na malapit. Inilabas niya ang fafa niya habang kaming mga empleyado ay tumulong sa paghanda ng luncheon party.

Nandoon ong empleyadong babaeng kumaringking kay James Bond. Nandoon din yong babaeng empleyadong kinakaringkingan ni James Bond. Lumabas din ako at bumili ng regalo. Hindi ko nga alam kung anong bibilhin kong regalo dahil mayroon na siya lahat.

Relos na Casio ang binili ko, insan. (Hindi ka maniniwala pinsan, habang tinatype ko ito, ay suot ko ang relos na iyon, kung bakit, abangan sa mga susunod na kabanata). Yong may ilaw, may alarm, may date, water resistant at nagbibigay ng oras hanggang sa kahulihulihang segundo. Mura lang pero yon lang ang aking makakaya at mabibili ng madalian.

Party na. Kainan na. Inorder na pagkain sa Japanese restaurant. Paborito ng fafa ni James.

Bukasan ng regalo. Ganiyan dito insan. Binubuksan sa harapan mo ang regalo ng mga bisita.

Nagustuhan niya ang regalo ko at tuwang-tuwa siya. Dress watch kasi ang mga relos niya. Yon bang mga relos na may damit. Ehek. Kaya hindi niya pawedeng isuot na pang-araw-araw lalo't makakalimutin na siya. Eh yong binili ko na walang 50 dollars ay puwede niyang iwala na hindi siya mawawalan ng tulog kung saan napunta, ihulog at mabasag, (naku insan, ilang beses nang nahulog yon, matibay talaga o kaya ay paglanguyin sa tubig, hindi ito malulunod. Hinalikan niya ako sa pisngi.

Nabuksan lahat ng regalo. Sandali, may naiwanang pulang envelope sa lamesa ng mga regalo. Kinuha ng mama ni James Bond. Binuksan. Binasa.

Happy Birthday also to...

Ako, insan ang binabati nila. Isang birthday card na may pirma si James Bond at ang kaniyang pamilya at MAY chekeng nakaipit.

Bago ako nakapagsabi ng hindi ko pa birthday, kinantahan na nila ako. Nag toast na sila at pagkatapos ay nag-alisan.

Hawak ko ang envelope.

Salbaheng kaempleyado ko yon. Sinabi kay James Bond na birthday ko rin daw. Pero binibiro lang daw niya para malaman ang reaction. Sus, intrigera rin.

Kinabukasan, wala na si James Bond. Lumipad na pabalik sa East Coast. Isinuli ko ang cheke sa kaniyang mother na palipad naman ng Germany.

Sabi niya, ihintay na lang daw niya sa birthday ko. Tapos ngumiti siya. Suot na
ng fafa ni James Bond ang regalo ko.



Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related articles:
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 2
Tutorial Ekek-Pinay Goes Romantic Part 3
GFNPA -Pinay Goes Romantic Part 4
Blue Eyes-Pinay Goes Romantic Part 5
Love Triangle na Bilog-Pinay Goes Romantic Part 6
Si James Bond na hindi Spy-Pinay Goes Romantic Part 7



Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 8
Si Pinay at si James Bond
Si Pinay ang inihatid ni James Bond
Si Pinay at ang Gerl Pren
Si Pinay at ang Kapitbahay, Karugtong Po
Si Pinay at ang Kapitbahay-Brown-out ulit
Si Pinay at ang Kapitbahay
My First Christmas
Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Thursday, April 19, 2007

The Suicidal -Pinay Reminisces-Part 2

Dear insansapinas,

May mga paregners akong mga istudyent. Mga professional istudyents sila hindi kagaya ng mga Pinoy kong istudyent na mga working na. Siyempre, makapal ang mga bulsa dahil hindi sila makakapag-aral sa ibang bansa kung wala silang kadatungan.

Kaya naman, para silang matamis na nilulusob ng mga hantik. Ang mga hantik mga kabarangay ay mga babaeng naghahanap ng mga mapapangasawa o kaya ay karelasyon.

Maroon akong isang istudyent na anak daw ng heneral sa kanilang bansa. Naipadala na raw ito sa Europe, Estet, Australia para mag-aral nang mag-aral kasi sa bansa raw nila ay sakit sa ulo ng mga high profile na magulang. Tawagin natin siyang si D.

Tahimik siya sa klase ko insan. Mukha siyang bored. Dahil grupo ang recitation, tumatayo lang siya pag kaniyang tokang mag report.

Minsan may nahalata akong pagbabago niya. Nakangiti siya kahit walang kangitian. Masama na ito. Baka nalilipasan na siya ng gutom. Pero naging pustoryoso.

Nakipagchikahan ako sa kababayan at kaklase niya. In-lab daw ang damuho. Sabi ng nagtsismis sa akin, true love raw yata dahil naging disiplinado raw.

Sabi ko buti naman kasi nakita ko nagiging happy siya at studious. May pinasisikatan siguro.

Maghahatinggabi na. Nakapajamas na ako at balak ko ng magdive sa aking kama ng may nagdoorbell.

Mga istudyent kong kabarkada ni D.Kung pwede raw sumama ako. Nag-attempt daw magsuicide si D dahil nahuli ang girl pren na mayroon pang isang boypren. Ang Hudasa.

Bakit ako? Bakit hindi doctor o kaya isugod sa ospital? Mangkukulam lang ako. ehek.

Nadala na pala nila sa ospital. Kailangan lang raw kausapin ako dahil they look up to me. (hindi nanay ha, dahil sasampalin ko sila ng aking birth certificate). Ako raw kasi ang pinakaapproachable sa mga faculty kaya hindi sila nangingiming lumapit. :)

Eh ano naman kaya ang magagawa ko sa taksil niyang girl pren? Sabunutan ko? Kausapin ko? Naku ha. Baka mapagkamalan pa akong nagseselos. Ano ako nauulol?

Naawa naman ako nang makita ko siya. Inalo ko na lang siya na sa mundong ito, hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya.(Bulong, kasi spoiled eh) Buti na lang kako at maaga pa ay nakilala niya ang pagkatao ng babae. Ako ba yong nagsasalita? Parang gusto kong humarap sa salamin at sabihin, hoy bruha, seryoso ka ba?

Ilang araw lang ay nakalabas na siya. Tinawagan ako ng kaniyang mommy ng overseas. Pinasalamatan ako sa pagdamay sa kaniyang anak. Sabihin ko lang daw ang gusto ko.

Ay, sinaktan na naman niya ang sensitibo kong puso. Parang sinabi niyang magkano ka?

Pinagalitan siya ng kaniyang anak. Beh.

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related article:

The Loner, the Lonely, the Depressed-Pinay Reminisces
The Suicidal-Pinay Reminisces
,,,
,,,

The Suicidal -Pinay Reminisces-Part 1

Dear insansapinas,
Pasensiya ka na insan kung ang aking pagmumuni-muni (lalim niyan ha) ay tungkol pa rin sa mga istudyent.

Makaraan ang ilang taon, nagturo ako sa graduate school pagkatapos kong makatapos ng MBA (Manager By Accident )daw. Kuwento ko muna saiyo bakit ako nakapag-aral at nakapagturo.

Nag-aapply ako noon para magturo sa isa pang university dahil kayag ako noong isa kong kaibigang CPA. Siyempre, inggit (ahem, ahem) ako sa kaniya kasi ang dami niyang tinuturuan kung baga yong ang sinasabi naming mga "kasindikatuhan". Balak ko ring bumili ng bahay. OO insan, ganiyan ako noon kaambisyosa sa edad na ang mga kasabay ko ay bising makipagligawan. Sa akin kasi nakaraan na iyan noong ako ay teen-AGER.*heh*

Isa pa mayabang ako noon na gusto kong patunayan sa aking mother na kaya ko ring bumili ng bahay kahit hindi kasinlaki ng bahay namin sa Quezon City. But that's me. BOW.

Hila-hila ako noong kaibigan ko(matanda siya sa akin ng labinlimang taon, may-asawa (hiwalay)may tatlong anak at matagal nang nagtuturo ng Accounting subjects) sa isang university. May opening daw ng mga part-time Accounting lecturers. Hige.

Interview ang aking kaibigan. Tawanan sila ng dean. Tanggap siya. Interview ako ng dean, hindi ako tanggap. Wala raw akong kabuhay-buhay. Paano raw ako maglelecture kung makakatulog ang mga tinuturuan ko. ISa pa sabi niya, wala raw akong mek-ap.Pati ba naman yong pagkokolorete, pinakikialaman niya. Sabi niya kasi, marami silang mga istudyante na mas magaling pag mag-ayos sa akin. Pag isinama raw ako sa kanila, baka ako pa ang mapagkamalang istudyent. The NERVE. Insulto sa akin, insan. (Pero sa mga susunod na taon na naging kaibigan ko yong dean na yon, gusto lang daw talaga niya akong magblossom) Ano ako bulaklak ng katuray?

Bakit daw hindi ako mag MBA. Malaki raw ang maitutulong noon sa personalidad. If I know, pinopromote niya ang kanilang MBA.hehehe

Ang sikreto pala ng kaibigan ko ay nagpromise siyang mag-eenroll. Kaya ako rin niyaya niya total, libre naman ako sa gabi at tatlong gabi lang naman yon isang Linggo o kaya buong Sabado kung gusto kong isang araw lang kaya lang doon na ako mag-aalmusal, magtatanghalian, magmemeryenda at maghahapunan sa school. Taft talaga ng buhay.

Hindi ko pa ikukuwento saiyo ang mga kabulastugan ko sa iskuwela bilang istudyent sa MBA. Ang ikukuwento ko na lang saiyo ay nang nagtuturo na ako.

Wala silang makuhang may MBA, CPA at may experyensiya pa sa industry(ahem)kaya pagkatapos ko ng aking degree, hinila nila akong magturo sa MBA. Insan, nagsusuot na rin ako ng mga matataas na takong. Napalitan ko na ang aking boy's shoes.

Naahit ko na rin ang aking kilay. Sabog daw kasi. Hitsurang ginawa akong Miss COngeniality ng aking mentor na dean. Pati paglakad ko ay meron nang imbay. hehehe.
Pula na rin ang aking labi na madalas maiwan ang kulay sa iniinuman kong baso.
Pero ang di niya maalis insan ay ang pagsusuot ko ng denim sa signature na top blouse at stilleto shoes.Para kasi akong hinahangin pag hindi ako nakapantalon. Pinagpustahanan pa nga ako ng mga kabarangay ko sa Graduate Faculty kung ako raw ay she or he or she/he. Ang mga hibang.

Itutuloy ko insan.

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related article:

The Loner, the Lonely, the Depressed-Pinay Reminisces

,,,
,,,

Wednesday, April 18, 2007

The Loner, the Lonely, the Depressed Students-Pinay Reminisces

Dear insansapinas,
Pansamantalang iiwan ko muna ang aking mga romantic (daw oh) love episodes para talakayin ang napapanahong balita tungkol sa massacre sa Virginia Tech. Hindi ang kabuuang balita kung ano ang nangyari kung hindi ang experyensiya ko sa pagtuturo ng mga istudyante--iba-ibang klase, iba-ibang personalidad.

Alam mo naman insan na nagsimula akong magturo sa college sa murang edad, murang as in nakipagtawaran pa ako niyan. Halos maglumuhod ako para lang ako pagturuin.

Nagturo ako nang makapasa ako sa CPA board at may tatlong taon na akong experensiya sa labas. Kaya halos ng aking mga istudyent lalo sa gabi at ang mga working ay kaedad ko lang. Kaya minsan akala nila istudyent din ako.

Unang pagtuturo ko sa isang unibersidad, insan, may tatlo akong mga istudyent na magagaling. Ang isa nga ay nakatapos na magna cum laude. Pero siya ang sinasabi mong bookish. Yon bagang pagreportin mo ay buong libro pati footnote ay isasampal saiyo, samantalang yong isa naman ay talagang magaling. Siya ay analytical. Ang problema, insan, siya ay tahimik, anti-social, loner kaya maririnig mo lang ang boses niya pag siya ay nagrerecite.

Meron akong technique insan noon na intentionally ay may mali akong sinisingit sa mga sagot, tapos naghihintay ako ng isa sa kanila na ipakita sa akin o icorrect yon. Ako kasi ang hindi tipong propesor na ibabato ang chalk, pati ang desk at kung minsan pati ang pisara (blackboard, oras na kinontra mo ako o kaya kinorek). Sabi ko nga, I welcome corrections, suggestions, criticisms (huwag mo lang sabihing pangit ako at pamumultuhan kita sa aking mga ninunong nasa aming family tree).

Mataas ang grade na nakuha sa akin ng istudyanteng yon. Pareho sila noong bookish. Pero alam ko mas magaling siya.

Ikalawang semester, iba na ang propesor nila sa Accounting. Nakikita ko pa rin ang istudyanteng yaon sa labas ng aking classroom. Kung minsan tinatanong ko kung may kailangan siya o may itatanong, wala raw saka biglang aalis.

Sabi ng aking mga kabarangay sa pagtuturo, baka raw infatuated lang. Naku ha.

Ilang araw, linggo ko siyang di nakita, kaya hinanap ko ang mga kaklase niya. Matagal daw absent na. Hindi kaya kako may sakit? Ganoon talaga ako kaconcern sa mga istudyante ko na dito hindi mo puwedeng gawin na hindi ka maakusahan ng kaso. (Naalala pa ninyo yong kasi ng bagong saltang titser na pinay na kinasuhan dahil masyado siyang malapit sa istudyante niyang bata). Pinapuntahan ko ang mga magulang ng istudyante. Pumapasok naman daw araw-araw.
Eh saan pumupunta? Nagdetective ang mga istudyante kong katulad ko ring mga pakialamera't kalahati. Pumupunta raw sa sinehan at maghapon doon. Pag-uwian, saka lang lalabas.

Naku, masama ito. Sinumbong ng aking mga "mahaderang" mga istudyante sa kaniyang magulang, kaya balik eskuwela siya. Tinawag ko siya minsan. Meron kasi kaming consultation hour na inilalaan para sa mga istudyante. Hindi ko siya mapasalita, insan. Panay lang siya, tango, iling at tingin sa malayo.

Sa mga nakaraang buwan nakikita ko pa siya pero sumunod na semestre, nawala na siyang tuluyan. Nakakahinayang. Susunod na kuwento ang suicidal na istudyante.


Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika


,,,
,

Monday, April 16, 2007

Si James Bond at ang Girl Friend na Lady Judge-Pinay Goes Romantic Part 8

Karugtong ng:

Love Triangle na Bilog-Pinay Goes Romantic Part 6

Si James Bond na hindi Spy
Dear insansapinas,
Dumating ulit si James Bond, galing sa East Coast. May kasamang petite na babaeng Puti. Uhmm. Magkasama sila sa isang hotel. Paano ko nalaman, yong bill, dumaan sa akin, Sey ninyo, charge sa fafa.

Hindi ako pansin ng loko. Parang hangin lang ako na hindi nakikita. Minsan parang kurtina lang sa bintana na tinatagusan ng tingin pag sumilip siya kung maaraw.
Tsee niya.

Tahimik din yong girl friend. Wala siyang make-up at kagalang-galang kung kumilos. Lady judge ba naman. Mahal na mahal si James Bond at matiyagang naghihintay ng marriage proposal. Gusto ko sanang tsikahin na paano siyang pakakasalan niyan eh ang daming tsiks.

Kaya lang pakialam ko ba. Bahala siya kung gusto niyang maging martir. Huwag na niya akong pagdalhin pa ng semento para sa monumento. Ahahay.

Martir na nga siya sa paghihintay ng labindalawang taon. Biruin mo isang dosenang taon ang nawala sa kaniya. Hewan ko ba.

Bulong sa akin ng mader ni James Bond, tanggap na raw ng pamilya ang babae, pero siya raw eh medyo hindi. Aha intriga.

Alam ko namang unico hijo si JB kaya possessive ang mader niya. Uhmm.

Sa sulok ng mata ko nakita kong tinitingnan ako ng lady judge. Haynaku ha, hindi ako kalaban. Kahit na siya pa ang natitirang lalaki sa mundo (Sabi ko na huwag magsasalita ng patapos at kakainin ang sinabi). Wala akong interes.

Hindi sila nagtagal. Uwi rin sila. Para bangwalang kakulay-kulay sang kanilang relasyon. Yon bang mag-aaway at magbababambuhan, tapos magbabati.


Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Related articles:
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 2
Tutorial Ekek-Pinay Goes Romantic Part 3
GFNPA -Pinay Goes Romantic Part 4
Blue Eyes-Pinay Goes Romantic Part 5
Si Pinay at si James Bond
Si Pinay ang inihatid ni James Bond
Si Pinay at ang Gerl Pren
Si Pinay at ang Kapitbahay, Karugtong Po
Si Pinay at ang Kapitbahay-Brown-out ulit
Si Pinay at ang Kapitbahay
My First Christmas
Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Sunday, April 15, 2007

Si James Bond na hindi Spy-Pinay Goes Romantic Part 7

Dear insansapinas,

Hindi puwedeng hindi sabay ko ikuwento saiyo si French at si James Bond. Sabay silang dumating sa buhay ko. Hindi pa kasama dito ong British. Pero dahil sumalangit nawa ang British bago kami napakasal, hindi ko na siya isasama.

Acshually si James Bond, challenge lang sa kaniya ang pagiging iwas ko at hindi paghanga sa kaniya. Lahat kasi ng babae, halos magpatirapa sa kaniya na para bang siya na lang ang lalaki sa mundo. Pwe.

In fairness, kahit siya sa dakilang pabling, mabait siyang tao. Pero inis siya sa akin insan, noong una.

Ito ang exsampel.

Isang Linggo na naman siya sa San Francisco at ang kaniyang hotel ay malapit lang kaya madalas nakatambay sa Tatay niya.


Minsan dumating siya may dalang Foot-long na sub sandwich.

Alam mo ang mga Puti, hindi sila nagyayang kumain pag kakain sila kahit nasa harapan mo. Habang kausap niya ang kaniyang tatay na boss ko ay panay ang pangal niya ng sandwich. Dinidilaan pa niya ang daliri niya pag may umagos na ketchup. yek.

Napansin yata niya insan na nakatitig ako sa pagkain niya kaya, ito.

JB: What are you looking at?
Ako: Nothing
JB: Is this our first time to see someone eat footlong sandwich.
Ako:No
JB: Why then?
Ako: What why then?
JB: Why are you staring at me?
Ako:I am not staring at you.
JB: But you're looking at me.
Ako: I was looking at the TV monitor.
JB: But I am blocking the TV.
Ako: Precisely and thank you for noticing.

Mula noon insan, pag may pagkakataon iniinis niya ako. Pero insan talaga naman siya ang tinitingnan ko, kasi ang laki ng mga kagat nia sa sandwich. hehehe

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika

Karugtong ng:

Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 2
Tutorial Ekek-Pinay Goes Romantic Part 3
GFNPA -Pinay Goes Romantic Part 4
Blue Eyes-Pinay Goes Romantic Part 5
6. Love Triangle na Bilog-Pinay Goes Romantic Part 6


Related articles:
1.Si Pinay at si James Bond
2.Si Pinay, naging nanny

3.Si Pinay ang inihatid ni James Bond
4.Si Pinay at ang Gerl Pren
5. Si Pinay at ang Kapitbahay, Karugtong Po
6. Si Pinay at ang Kapitbahay-Brown-out ulit
7.Si Pinay at ang Kapitbahay
8. My First Christmas
9.Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Saturday, April 14, 2007

Manny Pacquiao Versus Solis-Pacquiao wins

Ito ay para sa mga walang pay-per-view at GMA7.
Ikukuwento ko saiyo, habang ikinikuwento sa akin ng kaibigan ko na nasa kabilang phone.



11:25 Ayan Philippine National Anthem na. Wagaywagayan ng Philippine flags ang mga Pinoy. Makahanap nga rin ng flag na maiwawagayway.

11:27 National Anthem naman ng Mexico ang kasunod. Wagayway din ng mga flags ang mga Mexicanos. Uy, mas marami sila. Siyempre noh. Texas yata yan.

Round 1 TEeeeeng

Binuntal ni Pacman si Solis, kanang kamay. Ganti si Solis pero mabilis ang mga buntal ni Pacman, para bang nagmamadali. Nakanti ni Solis si Pacman ng kaniyang right hand. Walang aray. Lalon inulan ni Pacman si Solis ng mga suntok. Wala siyang payong kaya tama ang mga suntok. angengenge.
Teeeeng.

Round 2

Mainit si Solis sa ikalawang round pero panay naman ang kaniyang iwas. Kaya panay suntok sa hangin ang kaliwa, kanan ni Pacman. MAs marami raw na buntal si Solis kaysa kay Pacman. Tama si Solis ng kaliwang kamay ni Pacman. Hmmmm . walang effect. Wala pang excitement.

Teennggg

Round 3

Kinaliwa ni Pacman si Solis. Uhmmm Uhmm. Ba magaling din. Hindi natitigatig. Panay ang singit niya kung makakasingit ng pagbuntal sa katawan ni Pacman. Palagay ko patatagalin ito para sulit ang pay-per-view.



Teeeeenggg

Round 4

Teeeng

Nahirapan si PAcman abutin si Solis. Pero panay din ang tama ni Pacman. Kanan tapos kaliwa. Uhm uhm. Buntal din si Solis, kanan na tumama below the belt.
Buti nga, nawarningan siya. Panay ang order ni Pacman ng combo. Combination ng right and left. Ang kaliwa ang nakatama. Ah galit na siya.

Pero nacorner si Pacman at nabuntal ni Solis.


Teeeeng

Sandali, time out ako.

waaah, kumuha lang ako ng juice,(at ng Wheat Thins, dumaan sa bathroom, may nakitang nahulog na libro, pinulot). Sandali anong round na ba?

Eight na? Kabilis naman. Ako pala ang mabagal.

Pinatumba na ni Pacman si Solis.



Ito ang karugtong:

Round 5
Teeeng

Binuntal na naman ni Solis si Pacman sa kaniyang baywang. Uhhhm ayoko niyan.
Pero sapol din niya sa Pacman na napunta sa mga lubid. Nakuha wag kang patatalo.
Hindi kita babatiin
. achecehe

Panay ang iwas niya sa mga suntok pa ni Solis kahit mayroon ng ARAYYY.
Mainit lalo si Solis. Kala niya mapapatumba niya si Pacman. Beelat.

Teeeng.

Round 6

Aba nawili si Solis. Siya naman ngayon ang mahilig sa combo. Ayan may hiwa na si Pacman sa kaniyang kilay. Di bale na, hindi naman siya mahilig magtaas ng kilay.
Nagalit na naman si Pacman. Buntal dito, buntal doon. Tama si Solis. Ayan tumba si Solis. Lalo siyang naulol. Kanan, kaliwa.

Sandali, pahabain pa ng kunti.

Teeeng

Round 7

Buhay ulit si Solis pero galit na si Pacman. Dalawang kaliwa, tama kay Solis. Tuliro siya. Panay kaliwa si Pacman. Panay tama.

Panay ang ilag ng kaibigan ko. hehehe

Round 8

Paya pa rin ang buntal ni Solis, combination siya. Si Pacman, kaliwa. Uhhm tama siya bagsak. Sigawan ang mga tao. Ang mga Pinoy. ANO BA ANG SUSUNOD SA PITO? ah walo, SIYAM, SAM....Biglang tayo si Solis. UHhhm.

Kaliwa ulit ang buntal ni Pacman. Bagsak.

Dali bilisan ang bilang.

And the Winner by TKO, Manny Pacman eheste Pacquiao.


,,

Friday, April 13, 2007

Love Triangle na bilog-Pinay Goes Romantic Part 6

Dear insansapinas,

Naintindihan niya ang aking determinasyon para maging tagumpay dito sa Estet.Kaya nang naging busy ako sa bagong itinayo kong negosyo kasama ulit ang aking mga kaibigan, wala siyang reklamo kung madalas ay di niya ako makita sa bahay pag weekend. Nasa trabaho ko ako pag weekdays at pag weekends ay nasa negosyong itinayo namin.

Natulungan ko na rin siya sa bank account niya at pag-apply ng credit card.Biruin mo sa tagal niya rito sa Estet, panay cash ang gamit niya kaya noong minsan namili kami sa Costco at naubusan ako ng pera, inilabas niya ang isang bungkos na dollahrs. Para bang ang gusto niyang sabihin, magkano ka. Balak bayaran ang pinamili ko. Noh, siya sinusuwerti? Fried egg, flayd lice, pride ko talaga.

Ang hindi niya alam ay binigyan ako ng pera ng nanay ni James Bond para iinvest sa negosyong itinayo ko. Sino si James Bond? Bakit ako binigyan ng pera? Hmmm.

Ito siya.

Si Pinay at si James Bond
Si Pinay ang inihatid ni James Bond

Bakit naging love triangle na bilog. Abangan, insan. At parang sa The Buzz ay isisiwalat ko na ang mga khindikhindik, kainis-inis na love story ng isang Pinay at isang Puti.

Bwahahaha

Ang iyong pinsan,

Pinaysaamerika

pinaysaamerika

Karugtong ng:

Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 2
Tutorial Ekek-Pinay Goes Romantic Part 3
GFNPA -Pinay Goes Romantic Part 4
Blue Eyes-Pinay Goes Romantic Part 5

Related articles:

1.Si Pinay at ang Gerl Pren
2. Si Pinay at ang Kapitbahay, Karugtong Po
3. Si Pinay at ang Kapitbahay-Brown-out ulit
4. Si Pinay at ang Kapitbahay
5. My First Christmas
6.Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Thursday, April 12, 2007

Blue Eyes-Pinay Goes Romantic Part 5

Dear insansapinas,

Matagal din siyang di nagawi sa aking balay. Siguro mga isang Linggo. :)
Sabado, kasalukuyan akong may tinatrabahong mga papeles sa pagtatayo namin ng negosyo
ng aking mga kaibigan namg may nagdoorbell.

Si French at may kasamang cute na bata. Anak niya sa kaniyang ikalawang asawa. Araw niya para sa anak niya dahil ang kaniyang ex ay nagpunta sa Vegas para magsugal.

Yumakap ang bata sa akin. Hmmmm. Tinuruan marahil. Niyaya akong kumain sa labas. Dahil bisi nga ako, hindi ako nakapagluto at pati ang aking kabalay ay naglilinis din. Balak din naming magpadeliver na lang ng pizza.

Siyempre bitbit ko ang aking kabalay. Kumain kami ng spaghetti dahil doon gusto ng batang kumain. Masarap din. Tinanong kami kung gusto naming sumama sa Zoo kasi pupunta raw silang mag-ama. Tumanggi ako kasi sabi ko, marami akong ginagawa. Nagtatayo kami ng eskuwela at kailangan ma-isubmit na ang business plan na iyon. Sabi ko baka mag-iyakan ang mga kamag-anak ni kabalay sa Zoo pagnagkita-kita sila. Kinurot ako ni kabalay. Ouch.

Ikinuwento niya na okay na ang kaniyang negosyo at kailangan pa niya ang capital. Kaya lang wala siyang bank account. Sabi ko one of these days, tutulungan ko siyang mag-open ng bank account para sa negosyo niya. Ito na naman ang aking very charitable heart para sa mga business consultation.

Hmmm. Kung gusto ko raw ng laptop, meron siya na hindi niya alam gamitin.

Siniko ako ni kabalay. Nagthank you ako. Ayaw kong magkaroon siya ng dahilan para maisumbat sa akin. Fried egg, fried rice, pride talaga. *heh*

Sabi ko welcome naman siya sa bahay anytime na libre ako. For selfish reason, kailangan ko ang magdadrive sa akin pag may pupuntahan at wala si kabalay.

May kotse naman ako at may driver's license pero dito ko lang nalaman ang mga disabilities ko sa aking mata. Pero hindi na ako makapagdrive. Sensitive ang mata ko sa init ng araw dito. Kahit magsuot pa akong nang mamahalin na signature eyeshades. Nasasara at nasasara ang mata ko sa hapdi. Half-color blind pa pala ako. Yon bang ang tingin ko sa pula ay kalahati pink at kalahati ay pula. hehehe. Ang blue sa akin ay itim. Sa Pinas kasi may driver ako. ahem. batok sa sarili.

At ang aking peripheral vision ay mahina. Siguro dahil may sixth sense ako. Bwahaha ano kaya ang kinalaman noon.

Kaya hayon, pag tawag ko sa kaniya dating naman. Awa tuloy si kabalay. Bakit daw kasi hindi ko pa sagutin.

Anong isasagot ko, wala namang tanong. hehehe

Isa pa hindi blue ang mata niya.*heh*

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika


Karugtong ng:

Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 2
Tutorial Ekek-Pinay Goes Romantic Part 3
GFNPA -Pinay Goes Romantic Part 4
Related article:

1.Si Pinay at ang Gerl Pren
2. Si Pinay at ang Kapitbahay, Karugtong Po
3. Si Pinay at ang Kapitbahay-Brown-out ulit
4. Si Pinay at ang Kapitbahay
5. My First Christmas
6.Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Wednesday, April 11, 2007

GFNPA-Pinay Goes Romantic Part 4

Dear insansapinas,

Sa maikling kuwento, natapos din ang aming tutorial. Tinulungan na niya kami ng kabalay na lumipat sa bagong apartment. Kasi walang grahe yong bahay, street parking lang kaya kung minsan ay may nakawan sa mga kotse.

Nakipagbreak na yata siya sa kaniyang gerl pren dahil selos na selos sa pagtutulong ko sa kaniya sa pagbabasa.

Nakapasa siya sa kaniyang mga eksaminasyon at nagtayo siya ng home-based business.
Dahil bago ang aking computer, excited akong gumawa ng mga business cards kaya ginawan ko siya.

Nakabili na siya nang bagong (lumang kotse) na sedan dahil ang sasakyan niya ay isang van na "carry-all".

Minsan ay inimbita niya akong pumunta sa isang bahay. Dahil kailangan ko ring maggrocery, sama naman ako. Masarap rin ang may tagabitbit kasi pag namili ako noon sa Costco, tanong nga niya, "magtatayo raw ba ako ng tindahan?". Kasi naman insan, minsan-minsan lang naman akong mamili doon dahil mga big-size nga, eh dalawa lang naman kami ng aking kabalay, kaya sinasamantala ko na pag may magdadarive at magpapanhik ng mga delatang carne norte. hehehe.

Ang pinuntahan niya ay isang matandang babaeng Pilipina. Tuwang-tuwa ang matanda. Hugs pa siya sa akin. Sa isip ko, bakeet? Ngayon ko lang siya nakita. Pinakita niya sa amin ang kabuuan ng bahay. Bakeet?

Tanong niya sa akin. Pretty, isn't it. Did you like it?

Alin, ano, saan, bakit? Minsan kasi clueless ako sa nangyayari.

Pagdating ni kabalay na experto sa love affair, malutong na gagah ang nakuha ko.

Yon pala ang Girl Friend na Pala Ako, di ko pa alam. :) At balak yatang bumili ng bahay.

Minsan pumunta siya sa bahay, sinabihan ko siya na dapat huwag niyang bigyan ng kahulugan ang pagtulong ko na hindi humihingi ng kapalit. Marami na rin naman akong tinulungan at isa lang siya sa mga iyon.

Nakita kong nagdilim ang mukha niya. Pwede bang humingi ng background music?
Is it because of ....?

No, it's because my priority is to get stable here in this foreign country.
Naks.

Bigla siyang tayo, insan, tapos diretsong umalis.

Ang lupit ko noh?

Ang iyong pinsan,

Pinaysaamerika

Karugtong ng:

Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 2
Tutorial Ekek-Pinay Goes Romantic Part 3


pinaysaamerika

Related article:

1.Si Pinay at ang Gerl Pren
2. Si Pinay at ang Kapitbahay, Karugtong Po
3. Si Pinay at ang Kapitbahay-Brown-out ulit
4. Si Pinay at ang Kapitbahay
5. My First Christmas
6.Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Tuesday, April 10, 2007

Tutorial ek ek -Pinay Goes Romantic Part 3

Dear insansapinas,
Para malaman mo insan ang istorya ni French, ito ang mga naisulat ko sa kaniya.
Si Pinay at ang Gerl Pren
Si Pinay at ang Kapitbahay, Karugtong Po
Si Pinay at ang Kapitbahay-Brown-out ulit
Si Pinay at ang Kapitbahay

Dahil may extra akong trabaho pag Linggo, ang aking libreng oras lang ay Sabado. Ito ang araw ng lakwatsa namin ng aking kabalay.

Nakiusap sa akin si French kung pwedeng itutor ko siya. Nababasa niya ang simpleng English pero hindi niya alam ang mga bigating English Mabigat, hindi raw niya madala. hehehe

Nang araw na yon ay may kaibigan akong makulit na dumalaw sa akin. Niyaya ako ni French na kumain sa labas para tuloy masimulan namin ang tutorial ekek namin.

Siyempre, parinig si kabalay na kilangan kasama siya para chaperone. At ang kaibigan kong bisita naman daw ay chaperone para sa chaperone. Mga hibang.

Dahil maaga pa para sa dinner (mas mahal kasi pag-dinner) nagturuan muna kami. Eh libre naman sabi ng aking kabalay. Talagang baliw siya. hehehe

Dinala niya kami sa isang Italian restaurant. Hindi French. O loko, hirap mag-order ang mga kasama ko. Alam lang kasi nilang orderin pizza. hehehe

Ang iyong pinsan,


pinaysaamerika


Karugtong ng:

Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 1
Robert de Niro...Pinay Goes Romantic Part 2

Related article:

1. My First Christmas
Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,,

Monday, April 09, 2007

Death March Relived-Pinay and Ghost Stories

Dear insansapinas,
April 9 ngayon. Fall of Bataan. World War Second. May nabasa akong artikulo tungkol sa Death March mula kay MLQ3.

Ngayon lang ako nakabasa ng detalyadong kuwento tungkol sa death march. Noong bata pa ako, ito ang karanasan ko tungkol sa "multo ng death march".

We lived in Angeles City when I was a kid. The company that hired my father provided us with housing as part of the company benefits to lure him to relocate from Manila. For some reasons that were never shared to us by our parents,we moved to another place and rented a newly-built split level house in a place that was being developed as a subdivision. At that time that we transferred,there were only two completed units,both of them already occupied. The third was under construction yet.
For three mornings in a row, the adults in the breakfast table buzzed with ghost and other scary stories. Following their conversations for the past days, while savoring the pandesal soaked in hot chocolate (some things that they would never allow if they were not busy talking),I gathered that these were all about those strange sounds that suddenly permeated the place coming from nowhere at exactly every 12 midnight.
Sounds of digging,shouting, crying, marching sounds such as heavy thumping of boots; gunshots, bodies falling...
I mentally took note of the time. It was 12 o clock. I would not dare remain awake at that time. I was not aware yet of my " ghost radar" so I was just an ordinary kid who was scared of dark and Casper's unfriendly relatives.
That night,I slept early but woke up in the middle of the night. All the lights were out and the adults were pretty quiet. I could see the luminous clock hands from our alarm clock. It was 10 to 12. I remembered the story. I pulled up my blanket as if it could block noises and stopped ghosts that I imagined to be circling my bed. I heard the digging sound. At first, I thought it was emanating from the unit under construction. But who in the hell would work at that time of the might.Then came the shouts and the gunshots and the sounds of falling of bodies. I was about to shout and run to my parents' bed when my mom covered my mouth and said sssh. So, they were looking out of the partly opened windows. They had been doing that for successive nights and they could not just pinpoint a specific direction where the noises were coming from.
We saw the people in the other house. They too were awake and looking out.
The noises became louder. The feeling that there was a multitude of people walking got past us. I was holding on to the skirt of my mom. The loud cries of anguish, the conversations in different languages;Japanese and Pilipino were the most audible ones such as Bakero...Takbo na...Ayan na.. ..were heard by all of us. It seemed that,that night when all of us were awake, the spirits of the soldiers who were in the DEATH MARCH relived history for us.
The owner/developer explained to my parents that our place seemed to be in the path of the Death March going to Tarlac in World War 2.
He had the place blessed by a priest.
Except for the digging sound, we never heard of the "Death March" again. Howlings of the dogs at night, however warned the residents that there were souls meandering in the area.


Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika

Related article:
Pinay goes romantic and religious Part 1

,,,
,,