Dear insansapinas,
Sa loob yata ng labinlimang araw, pito ang kausap kong doctor. Hindi naman mga guwapo. Ahahay.
Kaninang umaga, absent ang aking kapatid sa trabaho niya. Appointment ko sa isa kong especialista, gastroenterologist na siyang nagbasa lahat ng mga pinadalang laboratory tests ko noon sa ospital pagdating sa aking lamang loob.
Siya kausap ng doctor, hindi ako makasingit. Muntik na akong sumilbato ng prssst, sandali may mga tanong ako.
So tawag ang specialista doon sa surgeon ko sa hospital. Usap sila sa phone. Pagkatapos sabi, tawag daw ako doon sa surgeon. 'Nak ng pating naman, nag-usap na sila hindi pa sinabi sa akin.
Anyway, yon daw isa kong lamang loob ay tahimik ang mga engkanto. Nandoon sila pero behaved daw. Allleujah. Yong ibang engkanto sa isa kong lamang loob ang pakikialaman ng surgeon kaya kailangang magdecision ako kung ako ba ay magpapahiwa o magtitiis ng bagyo sa aking lamang loob. Hindi ako tumawag pagdating sa bahay. Inuna ko pa ang magbasa ng diyaryo. Ayun may earthquake n naman sa Indonesia.
Pagkagaling sa doctor, niyaya ako ng kapatid ko doon sa buffet restaurant para makalamon. Ah kung di lang masama ang aking pakiramdam, omoo na ako. Saka mula nang malaman kong maraming mercury ang isda at ibang seafood, ayoko na ng Japanese food. Minsan nga nang kumain ako ng seaweed, inilabas ko AS IS. Para bang kumain ako ng plastic na seaweed na hindi na digest.
Kaya take home KFC na lang para makauwi na.
Pero dumaan pa rin ako sa parmasyutika. Ibang kuwento yan. High blood naman ang aking kalaban sa mga
walang kakwenta-kwentang mga customer service,
Pinaysaamerika
The adventures and misadventures of a Pinay in the Land of Milk and Honey and her journey of life.Now she wants to save the world but is too sleepy to don the costume of Super Pinay
Wednesday, September 30, 2009
Bad habits never die - Saan ang bagyo?
Dear insansapinas,
Maaga akong nagising. Pagkatapos kong kunin ang aking BS level, timpla ako ng kape.
Para akong sinuntok ng aking konsensiya at hindi ako nakailag nang makita ko ang maraming pagkain sa mesa, sa ref at sa pantry. Naalala ko ang nasa Pinas na kahit may pambili ay walang mabili dahil inubos na nang mga hoarders. ARAY.
Yan ang bad habit ko noon insan. Hindi naman talaga bad habit kung hindi dahil sa tawag ng pangangailangan. Noong nasa Pinas kasi ako, dahil sa marami akong pinapaaral
at binubuhay, kailangan kong maraming kadatungan kaya labas bansa, labas siyudad ang aking drama sa buhay kung saan ako kikita. Bago ako umalis, namimili ako ng maraming pagkain para ii-stock sa maiiwan ko na ang bibilhin na lang ay yong mga gulay na hindi pwedeng iimbak.
Tuwing may typhoon signl, lalo akong namimili ng marami.
Pagdating ko rito sa States, pasan-pasan ko pa pala ang bad habit na yon. "Bad habit" sa iba pero sa akin ay pangangailangan pa rin.
Nagtatrabaho rin ako ng 15 hours a day at ang aking day off ay Linggo lang. Wala pa akong sasakyan noon kaya kailangang makisabay akong maggrocery sa aking kaibigan.
Minsan, nakasama namin ang boyfriend niyang foreigner na ginawa naming tagabitbit ng aming binili sa Costco (wholesale doon na ang lalaki talaga ng mga packs) ang tanong sa akin ay? Are you putting up a convenience store? Kasi one year supply yata ang binili ko. Hindi ko kasi alam kung kailan susunod ang aking paggogrocery.
Isang malapit na kaibigang Filipino ang naging kasa-kasama ko na nagtiyagang magdrive sa akin sa Costco nang humiwalay na sa akin ang aking kaibigang babae nang siya ay mag-asawa. Dahil Pinoy, iba naman ang tanong niya sa akin pag marami akong binili. SAAN ANG BAGYO?
Sa California kasi hindi uso ang bagyo at baha katulad sa ibang States. Nang madalaw naman ako sa kaibigan ko sa New Jersey kung saan may mga snowstorm, mas masahol silang mag-imbak. Bumibili sila ng buong baka at pinakakatay nila at iniimbak nila sa mga freezers sa kanilang basement. Para silang bumili ng poultry sa dami ng dressed chichen na kasamang naimbak. Dalawang pamilya kasi ang nakatira doon pero isang lutuan lang.
Nang magbakasyon ako sa kanila ay inuubos nila ang stock nilang manok. Ubos n ang beef at pork.Magpapanibago na naman sila ng stock para sa winter.
Kaya sa ilang Linggo kung pamamalagi doon, nakain ko na yata lahat ng putaheng manok pwera lang ang pinupong manok. Pagod na rin yata kauupo sa loob ng freezer.
Ang aking kapatid naman ay may biro rin pag nakita niyang marami akog niluto.
"May bisita ka?"
Biro yan kasi wala naman akong bisita except kamag-anak din at dinadala na lang namin sa restaurant para mas conveniente.
Ow pareho rin sa Pinas, may instant noodles din kami. Wala nga lang spam. Vienna sausages meron.

Damn the Dams?
Dear insansapinas,
Hours after the height of the ONDOY disaster, my sister in the Philippines e-mailed
us the pictures of the extent of damage in our village. Sabi nga, pag bumaha doon, lubog ang Metro Manila. and it happened after more than thirty years that the house was buult. Sabi niya, she heard that water from the dam was released during the typhoon.
A friend of mine told me that releasing water from the dam is a precaution to ensure the safety level of the dam to avoid further damage if it cracks.
Then I read this article.
Here is the excerpt of her article which is her conclusion of the discussion of events of the reported release of the water from the dam.

what were they thinking? that all that additional water would drain directly out to the manila bay? nakalimutan nila, o hindi nila alam, that rivers along the way are all silted up because of land erosion, thanks to deforestation, and esteros are all clogged up with nonbiodegradable plastic trash, thanks to an mmda that’s apparently given up on the garbage problem? no wonder kung saan-saan nakarating ang baha.
of course it’s quite possible that government officials just didn’t want to cause panic. imagine the hysteria, and the horrendous traffic once people started evacuating. but, hey, in such a crisis a good leader should have no trouble addressing the people, explaining the situation, allaying fears, offering advice, and mobilizing the media and the internet to assist and facilitate.
anc’s pia hontiveros is so right to ask, bakit walang warning? maybe authorities were correct to release the water in controlled increments, maybe it was the lesser evil. but but but the public should have been seriously warned. the people deserve to be given adequate information on matters that affect their lives so that they can make the right decisions, that is, whether to stay and brave the elements, in which case, walang sisihan! or whether to go and seek higher ground while there’s time, with at least some possessions and their dignity intact.
meanwhile, let’s pray really hard that typhoon peping changes course.
Pinaysaamerika
Earthquake and Tsunami in Samoa Islands
Dear insansapinas,
Our e-mail group had just inquired about the safety of a member down there in New Zealand where tsunami alert was issued by the government after the 8 intensity earthquake had hit the Samoa Islands when this news about one tsunami and more swept
on the Samoa and American Samoa which flattened villages and killed at dozens of people.
Here is the news from msnbc.

Visit msnbc.com for Breaking News, World News, and News about the Economy
Pinaysaamerika
Tuesday, September 29, 2009
Ukay-Ukay, Relief goods, Clothes Donations
Dear insansapinas,
Flashback (rewind)
Noong bata pa ako sa probinsiya, may pinupuntahan ang aking mother na isang tindahan na ang sabi niya ay mga relief goods. Di ko pa naintindihan noon ang ibig sabihin noon. Doon siya bumibili ng mga makakapal na kumot para ipadala sa barrio kung saan ipinagpapalit ng aking mga kamag-anak ng mga isda na ginagawang daing na dinadala naman sa amin pagdalaw nila kasama ang aming parte sa mga ani.
Narinig kong nag-uusap noon ang aking mother at auntie na ang mga relief goods daw na iyon ay padala pa galing sa US (kaya makakapal ang mga kumot) at donasyon daw sa mga
tao na binagyo. Madalas kaming bagyuhin pero wala kaming natatanggap na ganoong donasyon. Noong nagkaroon ng isip (sabihin nating lumaki na ang utak ko), narealize ko kung paano ginagawang negosyo ang mga donations na ito. bwahaha
Ngayon:
Nag-uusap kami ng aking kaibigan sa e-mail. Nasa ibang bansa siya. Nagkuwentuhan kami ng mga nagsosolicit ng donation. Sabi ko, kapatid diretso na ang bigay sa mga nangangailangan sa lugar nila...particularly yong mga walang tuyong damit at
nawala lahat ang kanilang gamit. Walang retrato, walang publisidad...ooops ito pala sinusulat ko.
Sabad niya, siya raw hindi na magpapadala. Pera na lang daw at diretso sa NationalRed Cross. Minsan daw kasing nagpadala siya ng mga damit, gamit at mga blankets, tuwang tuwang siya at iniisip niya na maraming matutulungan doon sa kanilang probinsiya.
Nang magbalikbayan siya, napansin niya ang suot ng nanay niya na mahilig bumili ng ukay-ukay na suot-suot ang isa sa mga pinadala niya. Tinanong niya kung saan nabili... sa ukay-ukay nga raw. Toink

ONDOY RESCUE OPERATIONS PART 2- UNSUNG HERO VERSUS MOVIE ACTOR HERO KUNO
Dear insansapinas,
There are unsung heroes in every calamity. They're heroes because they unselfishly help others at the risk of losing their lives. One of them is an eighteen year old from a squatter's area.
There are heroes kuno who do it for publicity notwithstanding if their stories are ones that insult the intelligence of the public.
Maniniwala ka bang speed boat ang ginamit sa pagrescue ng isang kapartner na artista sa isang village na kahit ang mga Navy,Coast Guard at iba pang mga rescue operatives ay kailangang maghintay para bumaba ng kaunti ang tubig para makita nila ang mga naglipanang mga nakaungos sa tubig baha upang makaraan ang kanilang rubber boat.
Speed boat. Ano yan pelikula kung saan ang mabilis na takbo ng bangkang ito ay maaring puwede lang sa malawak na dagat na walang mga nakaharang. Parang James Bond. Haah.
Ito ang kuwentong paniniwalaan ko pa.

He died rescuing neighbors
by Jason Gutierrez
MUELMAR Magallanes braved rampaging floods to save more than 30 people, but ended up sacrificing his life in a last trip to rescue a baby girl who was being swept away on a Styrofoam box.
Family members and people who Magallanes saved hailed the 18-year-old construction worker on Monday a hero, as his body lay in a coffin at a makeshift evacuation center near their destroyed Manila riverside village.
“I am going to be forever grateful to Muelmar. He gave his life for my baby. I will never forget his sacrifice,” said Menchie Peñalosa, the mother of the six-month-old girl whom he carried to safety before being swept away himself.
Magallanes was at home on Saturday with his family when tropical storm Ondoy—international name Ketsan-—unleashed the heaviest rain in more than 40 years on the Philippine capital and surrounding areas.
At first the family, long used to heavy rain, paid little attention to the storm.
But Magallanes and his father quickly decided to evacuate the family once they realized the river 800 meters away had burst its banks.
With the help of an older brother, Magallanes tied a string around his waist and attached it one-by-one to his three younger siblings, whom he took to higher ground. Then he came back for his parents.
But Magallanes, a strong swimmer, decided to go back for neighbors trapped on rooftops.
He ended up making many trips, and eventually saved more than 30 people from drowning, witnesses and survivors said.
Tired and shivering, Magallanes was back on higher ground with his family when he heard Peñalosa screaming as she and her baby were being swept away on the polystyrene box they were using in an attempt to cross the swift currents.
He dived back in after the mother and daughter, who were already a few meters away and bobbing precariously among the debris floating on the brown water.
“I didn’t know that the current was so strong. In an instant, I was under water. We were going to die,” said Peñalosa, her eyes welling with tears and voice choking with emotion.
Then this man came from nowhere and grabbed us. He took us to where the other neighbors were, and then he was gone,” she said.
Peñalosa and other witnesses said an exhausted Magallanes was simply washed away amid the torrent of water.
Neighbors found his body on Sunday, along with 28 others who perished amid Manila’s epic flooding.
The official death toll stands at 86 but that excludes those recovered in Magallanes’ village, called Bagong Silangan.
Standing next to his coffin, Magallanes’ parents paid tribute to their son.
“He always had a good heart,” said his father, Samuel.
“We had already been saved, but he decided to go back one last time for the girl.”
His mother, Maria Luz, wept as she described her son as incredibly brave.
“He saved so many people, but ended up not being able to save himself.” AFP
Pinaysaamerika
Monday, September 28, 2009
ONDOY RESCUE OPERATIONS-THE UNSUNG HEROES
Dear insansapinas,
Up to now, many bloggers are still in their blame games on Ondoy disaster even mentioning some incidents which are just targeting their political opponents. It is true that the politicians became non-visible at the height of the unexpected
calamity and leaders who are supposed to lead did fail in their roles simply because there are political agenda that separate the loyalists and non-loyalists.
People were angry because of the slow rescue operation. They blamed all excepting no one. But there were people who did their jobs nd their efforts were never chronicled in any media.
This article is from Victorina blog which is one of the blogs I read regularly. One of the writers, a lady lawyer wrote about her effort to save her son and in the process save other lives.
In her own eyes, she saw why the rescue operation was slowed down.
Read her story here.
An excerpt is written below:
The officer -- whose name I failed to get -- immediately dispatched a boat and allowed me to get in to guide the team to Ronan's location. A young mother nearby begged me to be allowed to come on, even if she was just to be left behind. She had very young children left in the company of relatives in her house. I let her on.
We first went to the woman's house where we eventually had to take in four children -- one as young as eight months old -- who had not had food or water in nearly 24 hours. My daughter had packed water and clothes for her relatives; we apportioned some of them to the strangers in the boat. It was heartbreaking to bypass others who wanted to be taken in, but I worried that there would be no room in the boat for an invalid man. The Navy officers and I had to reassure the other victims that they would come back for them.
The streets were littered with debris like wood with nails, barbed wire, furniture, appliances, and dead animals. Janitor fish and snakes slithered past us. At some points the waters were shallow and I had to get off the boat to help the officers pull it. I used an oar to push detritus away from the officers who sometimes had to get in the water to steer the boat. We got to Ronan in about half an hour after an eventful ride. We loaded him and other relatives. But not everyone fit. The others opted to stay behind.
On the way back to the gate, others were also accommodated. Babies were priority, as many were already showing signs of dehydration and exposure. We could not ignore them. I helped as much as I could, but there were just too many victims. In the end, we had to promise that the boat would return.
As we approached the gate, we encountered the dreaded current. I joined the officers getting out of the boat, to help pull it through waist deep water. We were very near the gate, and I wanted to get Ronan home. Fortunately the waters were only waist deep there... Still, the current was frighteningly strong. Through the efforts of the gallant Navy officers, we eventually got to high ground,
I also have a new found respect for the Navy.
Thanks guys.
Sunday, September 27, 2009
Conversation In A clinic
Note: if you see a lot of errors in my entry, it is because one of the physical disabilities why I am early retired is the blurred vision that is not corrected by prescription glasses.
Dear insansapinas,
Habang binabayo ng bagyong ONDOY ang Metro Manila, binabayo naman ako ng ubo na hindi ko ikinatulog magdamag noong Biyernes ng gabi. Hinala ko yong allergy ko pinalala ng aking asthma. Ayaw nang tumalab ang aking diabetic tussin. Sabi siguro ng aking baga. ow sanay na kami diyan, di na tatalab yan. Alam kong wala sa kalingkingan ang dinanas ko sa mga naramdaman ng mga biktima ng baha. Pero naniniwala ako na kaniya-kaniyang krus ang ating dinadala. Yong iba malaki, yong iba maliit at yong iba ny gulong sa dulo.
Kaya noong Sabado kahit walang appointment ay sinugod ko yong matanda kong doctor na sa katandaan ay baka makakalimutin na.
Doctor: So what brought you here?
Me: Parang gusto kong sagutin, alangan namang dinalaw lang kita dahil gusto kitang makita. (roll eyes)
Doc, I got a persistent cough.
Dcctor: Let me see. (kinuha niya ang stethoscope at ako ay kaniyang pinahinga ng malalim at mababaw).
Doctor: What medicines are you taking?
Pinakita ko ang mga gamot ko hindi kasama yong sa diabetes.
Doctor: Why are you taking this medicine?
Pinaliwanag ko na discharged ako sa ospital at yon ay mga antibiotics.
Sabi niya, ganoon din daw ang kaniyang prescription.
Me: what are for those medicines?
Doctor: they're antibiotics.
Alam ko naman yon eh. Pero ang alam ko sa gastro ko yon.
Me: are you not going to prescribe me an allergy medicine?
Doctor: You got an allergy?
Me: What do you think of my cough? I suspect, it is allergy because inside the clinic, i do not cough. in the house,which is surrounded by oak tress, I cough without let-up.
DI ko malaman kung ako doctor o siya.
Doctor: Okay. Oh I see that you re diabetic.
Me: Alllelujah, naalala niya. Rolleyes ulit.
Dcctor: how long have you been diabetic?
Me: It is in my medical record, doc.
Doctor: so what you drink?
Me: Herbal tea.
Doctor: Do you put sugar in it?
Isa pang tanong siguro para naman masabing more than 30 minutes ang ginastos niya
sa pag-iksamen sa akin. para masulit naman ang chinachaarge niya siguro sa insurance ko.
Arghhhhhh

Ondoy Aftermath Part 3- Mga Nakakainis na Obserbasyon
Dear insansapinas,
Nakakainis 1
Naghhanap ako ng mga piktyurs ng baha sa Pilipinas na dala ni ONDOY nang makita ko ang link ng GMA Facebook kung saan pwedeng mag-upload ng retrato ng baha ang publiko. Nagtayuan ang balahibo ko sa INIS na kahit ba namin yong mga paglalaro at pagaarte nila sa camera kailangang ilagay doon. Para yatang INSENSITIBO na karamihan sa mga retrato ay nakakaawa, may mga taong ginawang album ang GMA facebook. Sabihin na nating talagang may sense pf humor ang mga Pinoy pero dapat nasa tamang oras din. TSEH.
Nakakainis 2
May mga nabasa akong comments sa isang blog. Ito ang mga taong imbes na magvolunteer para magrepack ng mga relief goods o kaya magpadala ng kahit man lang isang pirasong tuyong damit sa mga biktima, sinisisi pa ang mga tao dahil bakit hindi handa sa mga kalamidad.
HELLO. Alam kaya niya ang kaibahan ng regular flood sa flashflood.
Flash floods are distinguished from a regular flood by a timescale less than six hours.(source: wikipedia).
Kahit na mabilis kang gumalaw, kung ang tubig naman ay mas mabilis saiyo, wala ring mangyayari. Isa pa ang mga binahang lugar ay hindi dating binabaha kaya ang mga tao ay hindi inakalang ganoon kabilis ang pagtaas ng tubig.
Kasama rin dito ang mga commenters na lahat na yata ay binigyan ng sisi except sarili nila na kung talagang uururatin, kasama rin silang hindi inaayon ang kanilang basura, tapon dito, tapon doon.
May nakapagsabi na sa kanilang ang Manila ay below sea level? TSKS TSSK
Nakakainis 3
Pati ba naman ang kalamidad, ginagawang dahilan para mapabango ang pangalan ng artistang nasasangkot sa isang kaso. Panay ang papuri ng kapatid sa pagliligtas nito sa isang kapartner na artista na para bang isang bayani ang kapatid na dapat purihin. Sundan ang kanilang pagtatambalan. PWEH.
Nakakainis 4
Ito kuha ko lang sa isang blog kung saan ang isang babaeng nasa Dubai na may apelyidong Bermejo (kaya ko lang pinagkainteresan ito dahil may best friend ako noon sa elementary na Bermejo ang apelyido). Kaya lang sigurado ako na hindi niya kamag-anak, kasi mukhang Merkana yon.
Hindi ko ibibigay ang link sainyo sa awa ko sa kaniyang siyay binaha ng mga mura sa mga kababayan.
Di ka ba mgmumura sa sinabi niya.
Isa pa ayaw ko siyang sumikat. !@#$%^&***())__

"buti n lng am hir in dubai! maybe so many sinners bak der! so yeah deserving wat hapend!"-
Isa pa ayaw ko siyang sumikat. !@#$%^&***())__
Pinaysaamerika
Ondoy Aftermath Part 2
Dear insansapinas,
Ganito katindi ang baha na dinulot ng bagyong si Ondoy sa Metro Manila, Philippines.
Ito sa Pasong Tamo
Ito sa Loyola Heights, Quezon City
Ito sa Taytay Rizal
Ito si Ugong, Pasig,
Ito sa Pasong Tamo, Makati

Ondoy Wrath and Rescue Operations sa iba't ibang lugar
Dear insansapinas,
Ito sa Pasig City.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Ito sa Marikina.

ONDOY AFTERMATH
Dear insansapinas,
Hinataw ng bagyong si Ondoy ang Metro Manila. Pati ang mga hindi binabahang lugar ay inabot.
Sa aurora blvd.
Marami pa rito.
Kung gusto ninyong magdonate, diretso na ninyo sa Philippine National Red Cross para tiyak kayong aabot.
Pati mg kakandidato nagsosolicit ng donation. Tssk tsssk, magagamit pampulitika.
I am no stranger to Manila flooding. Tumira ba naman ako sa ilang kantong layo lang
Espana sa Sampaloc, taun-taon akong nakikipandanggo sa bangko para lang makatawid sa bahang kalye.
Pero iba itong ONDOY, pati ang Makati, inabot. Naexperience ko na ang abutin ng baha sa Buendia. Ang lakas ng agos. Hanggng baywang ang tubig at kailangan kong makatawid para hindi ako makulong sa building na yon.
Noong minsan namang matindi rin ang bagyo, nastranded naman ang kotse ko sa Taft, Pasay. Mahirap magbukas ng bintana ng kotse kasi may mga mapagsamantalang mga elemento na nang bibiktima sa mga nasa loob ng kotse.
Nang makausad ang kotse namin, may nakita kaming motel. Binalak naming magcheck-in dahil gusto na rin naming pumunta sa restroom. May nasalubong kaming gusto rin magcheck-in pero umatreas. Nang malaman ko bakit, ang mahal pala ng singil.
Pero di bale, talagang kailangan ko nang pumunta sa restroom. Yon ang pinakamahal na restroom. Libo pero ang sarap naman ng pakiramdam.
Natulog ako nang basa pa ang aking damit. Sa pagod.

Friday, September 25, 2009
Starting Early with Beyonce- Sayaw Bata, Sayaw Bata
Dear insansapinas,
Pwede na ito sa Dancing with the Stars. may sarili pa siyang choreography. Cute.
Pinaysaamerika
Pwede na ito sa Dancing with the Stars. may sarili pa siyang choreography. Cute.
Pinaysaamerika
Thursday, September 24, 2009
Wednesday, September 23, 2009
Dancing with the Stars errm under the stars
Dear insansapinas,
You read it right insan.Hindi ito yong Dancing with the Stars na
Nagsimula kagabi kung saan may politician na kapartner ni Cheryl Burke, si Tom DeLay. Paborito ko yong Chairman
ng Iron Chef.
Ang sinasabi kong Dancing under the Stars ay yong mga sayawan sa barrio... under the stars.

Tuesday, September 22, 2009
Monday, September 21, 2009
Private Nurse
Dear insansapinas,
Suspetsa ko may share yong doctor ko doon sa agency ng mga private nurses na tumatawag sa akin.
Heh.
Pinuputakti ako ng tawag at nang hindi ako pumipick-up ng phone, mismong ospital na ang tumawag.
Ayoko nga. BAKIT KAILANGAN KO ANG PRIVATE NURSE EH NAKAPALIGO NA AKO,
Brrrrr, brrrrr, brrrrrr. Napalitan ko na ang bandage ng king sugat. Parang hindi ako nagtayo ng iskwela
para sa mga nursing assistants at nursing registry. AHEM.
Doctor's order daw para imonitor ang aking blood sugar level. No gagawin niya, aabangan niya ang pag
taas at pagkatapos pababain niya? Eh nakukuha rin naman ang blood sugar count ko dahil meron
akong BS meter.
Eniwey, pumayag na ako para hintuan na nila ako. Alam ko naman bakit mabango ako sa kanila.
Malaki kasi ang insurance ko. Buong America ang Covered. Ahay.
Isa pa, nakalabas ang mg gamit namin mula sa pantry at kitchen cabinets. Baka puwedeng
patulong. hehehe. May nagspray ng pesticides.Requirement ng gobyerno. May fine pag hindi mo
ginawa. Kaya wala kangmakitang ipis sa amin o daga not unless, nakikikapitbahay sila.

Sunday, September 20, 2009
MB and mg
photoforwarded`thru mail
Dear insansapinas,
MB is the abbreviation for Mbyte. It is an SI-multiple of the unit byte for
digital information storage or transmission and is equal to 106 (1000000) bytes.
Mg is an abbreviation of milligram. It is a unit of mass equal to one thousandth (10-3) of a
gram. To me it refers to the dosage of medications, I am taking. Ano ang gusto kong sabihin.
Ito. Conversation with a nurse:
Me: Why am i taking 2 megabytes of my diabetic prescription?
Nurse: Huh?

Saturday, September 19, 2009
Sometimes you will cry and no one will see your tears
Nabagbag naman ko sa pinadalang tula ng aking kaibigangsi bayi.Kapag nagkasakit ka, habang ikaw ay nagmumuni, nagbibilang ng
oras habang nag-iisa kang nakahiga sa kama, ito ay totoong-totoo sa akin,
saiyo at sa lahat.
Panyo nga.
Panyo nga.
Sometimes you will cry and no one will see your tears...
Sometimes you will laugh and no one will see you smile...
Sometimes you will fear and no one will see you shudder...
Sometimes you will lie and no one will catch you up...
Sometimes you will fall and no one sees you struggle...
Sometimes you will be late and no one seems to notice...
Friday, September 18, 2009
Emergency 101-Post Operation Blues
Dear insansapinas,
Friday
Post Operation Blues
Kasalukuyan akong nanood ng TV na nakasandal sa dalawang unan
ng nagring ang phone. Hmmm di ko kilala ang number. Wala pang
isang minuto, nagring ulit. Di ko pa rin sinagot. At isa pang tawag .
At isa pang tawag. Ano ba ang emergency ng taong ito.
Mga ilang minuto, may natanggap kong e-mail sa kapatid ko. Tumawag
Daw ang isang (insert name here), nag-iwan ng message na kailangan
akong tumawag sa kanila. Private nurse ko raw. Authorized dawn g ospital.
Ha?
Chineck ko ang pangalan ng website. Hmmm specialization nila orthopaedics…
Nagpapadala sila ng mga private nurses sa bahay ng mga galling sa ospital for
Rehabilitation. Blah blah
Hindi naman physical disability yong sa akin…mental disability…siraulo
To be exact. Bwhahaha.
Thursday, September 17, 2009
Emergency 101-Si Pinay sa Ospital Part 4
Hindi na talaga ako papayag na hindi nila ako idischarge. Mas stress ako sa ospital.May bago na naming student nurses na itinoka sa akin. Mababait
naman sila pero HusmeNaman, kailangan bang tanungin nila ako every thirty
minutes kung okay ako?
Balita sa akin ng Charge Nurse, may discharge
order na ako at pipick-upin ako ng kapatid ko nang ala-una.
Bago siya dumating, may lunch tray na dumating.
Ayaw ko na snang kumain pero saying din.Dalawang hiwa ng tuna sandwich.
Ni hindi ko naubos yong isa. Buti pa Ligo na lang pinalaman
nila. May lasa pa.
Pinasakay ako sa wheelchair pababa sa lobby. Tulak-tulak ng isang matandang
babaeng volunteer.Hiya ako kasi kasing tanda na siya ng mother ko.
Pero kasiyahan nila yon. Gumawa ng mga trabahong makakatulong. Halos ayaw
kong huminga para hindi ko bumigat.
Heh.
Nang naghihintay kami para ilapit ng kapatid ko yong SUV, may dumating na lalaki. Hindi siya "Merkano. Mas mukha siyang Kastilaloy . Hindi Tsikano kasi ang mga Tsikano, halos kakulay natin at itim din ang buhok.
Sabi ba naman ay patayuin na raw ako sahil pauwi na ako at kailangan ng asawa niya ang wheelchair.Naku kung nakakabit ang sphygmomanometer sa aking palagay ko sasabog ang cuff.

Wednesday, September 16, 2009
Emergency 101-Si Pinay sa Ospital Part 3
Wednesday
Walang breakfast.Ayaw kong nagugutom ako dahil pag mababa ang aking blood
sugar, para akong hayok sa gutom. NPO ang order. Ibig sabihin walang
itetake thru mouth except yong barium. Pinaiinom ito sa magkaCATSCAN para
madaling Makita ang hinahanap. OO na.
Sabi ng surgeon, hindi raw muna niya pakikialaman at gagalawin ang aking mga lamang-loob.
Titingnan daw muna lahat kung saan naglalagi ang mga engkanto.
Tinanong ko kung anong oras ako dadalhin sa Radiology. Mga thirty minutes daw. Alas
diyes yan ng umaga.
Naubos ko na yong dalawang litrong barium at ilang beses na akong pumunta
sa restroom dahil nagrerevolution ang aking tiyan. Wala pa rin. Ilang
chapters na lang magugunaw na ang mundo. Yon ang binabasa kong nobela na
tungkol sa Fourth Reich na combination Noah’s Ark at Indiana Jones.
Pag tinawag ako at hindi ko pa alam ang ending, babasahin ko yon habang
pinapasok nila ako sa Catscan. Promise.
OO insan, hindi ako aalis sa aking bed. Nakasakay ako doon papunta sa
laboratory.Whee.
Inilipat ako doon sa higaan na pumapasok sa Catscan machine kung saan
sasabihin saiyo, Breathe in, Hold your breath tapos ang tagal bago sabihing
breathe.Wuaaaah. Hinga, hinga, hinga, bago pumasok ulit. Tinamaan na machine
ito.
Pag nasa loob ka, makakaramdam ka ng init na gusto mong umihi.
Pinigil ko pero bakit nga ba kung kalian malapit na saka naman nagbabantang
lumabas.Nataranta yong Tech sa akin. Kasi bigla akong tayo pagkatapos na
pakawalan
na niya ako sa makina at hinanap ang bathroom. Hila ko yong IV stand.
Pinigilan
ako ng tech dahil assist daw niya ako. Pumutok yong machine na nakakabit sa
IV ko.Tssk tssk, mataas pa rin ang aking voltage pag ako galit. Tinuninunuinu.
Sunod ang liver biopsy. Ito, inihanda ako sa operasyon. Hindi naman talaga
operasyon, kung hindi tutusukin lang ako ng malaking karayom sa tiyan na tagos hanggang aking atay pero masakit yon ha.
So, kinabitan pa ako ng isang IV para naman sa sedative para ako ay makatulog (daw)
at iba pang ipapasok nilang chemicals.
Diyos ko po, hindi pa naman kuwaresma, parang isinabit nila ako sa
dalawang poste at mga senturyon yong mga doctor na mag-oopera sa akin.
Humayo kayo. Tseh.
Tinanong ko yong nurse kung talagang makakatulog ako dahil noong huli
kong liver biopsy, hindi ko nakatulog (may kuwento rin ko niyan pero nasa
Now What, Cat ko yata).
Sabi niya, eh, you will just feel drow….
Tulog na ako. Kahit bilangan mo pa ako ng sampu. Nagising ko mayroon na
namang dalawang benda sa aking tiyan. Bilang ko siguro pagpinagtagni-tagni
mo ang ginamit nilang gauze, pwede na akong makagawa ng kulambo.
Ibinalik na ako sa kuwarto.
Isang tao na lang nagtulak sa akin. Nabawasan bang malaki
ang timbang ko? Mwihihihi.
Tuesday, September 15, 2009
Emergency 101-Si Pinay sa Ospital Part 2
Dear insansapinas,
Wala pa ring breakfast. Aga-aga. Ginigising ako ng nars na kukuha ng
aking dugo, blood pressure, pulse rate at saka temperature. Pinalitan-
palitan din nila ang IV na nakasaksak sa aking kamay na nakakabit sa
isang machine na nakatali sa isang bakal na sabitan…na hila-hila ko o
tinutulak ko saan man ako pumunta. Para akong nakakabit sa isang post
ng Meralco. Waah.
Sa dami ng narses at techs na pumapasok at mgtatanong ng What is your
name and what is your birthdate, automatic na yata yong sasagot ko ang
aking pangalan at date of birth kaya noong minsan may naligaw sa aking
kuwarto at groggy pa akong nagmulat ng mata, bigla kong sinabi ang pangalan
ko at birthdate.
Yon kasi para malaman nila kung ikaw nga at hindi ka impostor o kaya di sila nagkakamali
ng pasyenteng ginagamot.
Yon pala mag-aayos noong TV kasi hindi malinaw ang TV screen. Toink.
Dinalaw ako ng doctor. Uhmm ang bango. May pabango ang lintek. Hindi
cologne yon. Alam ko ang amoy na yon. Hmmm, pabling ang doctor na yon.
Sabi sa akin, under observation daw ako at kaya ako di pinapakain dahil
sabi ng dalawang specialist-consultants ko ay baka ako ay operahan.
Ngiiiii.
Binigyan na naman nila ako ng morpina sa sakit.
Para na naman akong hilong talilong. Sabi ng kapatid. Pagkainject sa akin,
tulog daw ako pero ang mata ko nagrorolleyes. Rolleyes. Hehehe
May pumasok. Mga student nurses sila at nakatoka sila sa akin.
Hmm. Kinunan ako ng blood pressure. Sabog ang Cuff. Hehehe. Sabi ko,
ikabit mabuti, paabutin hanggang 200 plus saka bitiwan ang gauge dahil
Kung hindi error ang aabutin nila.
Yong isa manual pulse reading ang gawa tapos i-cocompare niya sa machine.
Siguro kung bibilangin Ko ang tagal nang pagkahawak niya sa aking pulso,
360 ang pulse rate ko. Hahaha
Pero mabait ako sa mga student nurses kasi dalawa sa aking kuting ay
nagtapos ng nursing at dalawang kapatid ko ay narses.
Ang regular nurse ko at tech ay tagal bago dumating pagkatapos kung
pisilin ang call light. Naghehello nga at quick reply pero kung ikaw
ay manganganak, baka lumabas na ang bata at nabinyagan na bago dumating.
Hohoho.
Tinatanong kong nagBM na raw ako. BM yon yong Magbabawas. Sus, ginoo,
paano ako magBBM, eh wala naman akong kinain mahigit 24 hours na.
Kaya pinadalhan nila ako ng late breakfast. Soft diet pa rin. Coffee
na decaf na sumpa man, mas may lasa pa ang sinunog na bigas. Soup na
ang alat. Iced tea na parang matagal nang inulit-ulit na itinubog yong
tsaa.
Apple juice at milk. Lahat talaga liquid.
Sabi noong nurse, how is your breakfast?
Sabi ko Awful. The soup is salty, coffee is bland, iced tea is warm and
milk is milk.
Pero di ko sinabi yon. Sabi ko lang Great sabay tingin sa likod para
magrolleyes.
Yong lunch ay medyo ayos na. Pork chop na maputla ang kulay. Parang
natakot sa multo. Para naman magkakulay pinaligiran ng cherry tomatoes.
Tuwing iinjectionan ako ng pain killer ay nagiging drowsy ako…saka naman
papasok ang mga kukuha ng blood specimen at kung anu-ano pa.
Lintek, di rin ako mapahinga. Pag gising naman ko tiyempo na yong
huling ten minutes ng Law and Order o anumang palabas ang pinanonood ko.
Huwah, hindi ko alam kung sino ang pumatay o kaya
ay kung guilty ng hatol. Istorbo talaga.

Monday, September 14, 2009
Emergency 101-Si Pinay sa Ospital Part 1
Dear insansapinas,
Dapat dinala na ako sa ospital last Friday. Pero nanood nga ako ng MONK. Kulit ko noh.
Saturday, sabi ng kapatid ko punta na kami sa ospital. Ayaw ko, tinatapos ko yong binabasa kong nobela. Toink

Sunday
Sabi ng kapatid ko, punta a kami sa ospital. Ayoko. Nagsimula ako ng bagong nobela. Toink.
Monday
Aha. Alas singko ng madaling araw, talagang di na maipinta ang aking mukha sa sakit. Inayos
ko ang dadalhin ko.ID ko, medical insurance card, libro na binabasa ko saka gamut kong
iniinom. Sa emergency kami.

Pag dating naming doon, parang mga ibong nagsilapitan ang mga narses…hindi dahil mukhangisang uod na lang ang pipirma
sa akin kung hindi malapit na ang change ng shift kaya kaagad matapos kung
ano man ang gagawin nila.
Ang unang nars na lumapit ang kumuha ng aking vital signs…yon yong pulso –kung meron pa—
blood pressure…at temperature.
blood pressure…at temperature.
Muntik ko nang tanungin ang nars kung number ba ng machine yong nakita ko na 202. Sabiniya hindi. Yan ang blood pressure mo na systolic. Araaay.
Sunod na lumapit ay yong nars na lalaki ng
kumuha ng apat na gallon yatang dugo sakaliwa kong kamay.
Sa pagmamadali niyang matapos, naiwanan
niya ang elastic band na pinupulupot sa kamaypara lumabas ang mga ugat. Pero magaling siyang kumuha, wala akong pasa. Promise.
Hindi pa siya nakakalabas nang may
ipinasok na naman na makina sa aking kuwarto.Pang kuha ng tibok ng puso.
EKG. Tinitingnan nila kung tumitibok pa ang puso ko.
Tumitibok pa naman. Dong, dong, dong.
Tumitibok pa naman. Dong, dong, dong.
Pagkaalis ng makina, isang makina na naman
ang ipinasok.Para naman sa X-ray.
Masaya siya, hindi ko na kailangang pumunta sa X-ray room at magdidipa doon.Pinasandal lang ako sa isang pirasong itim na board, pinangiti ang aking lungs…klik.

Dumating naman ang isa pang nars na babae.
Kukunan na naman ako ng dugo. At hindigallon, kung hindi timba. Kasi pagkasipsip noong injection sa dugo, sinasalin niya sa isang timba.
Naubos yata dugo ko dahil halos pigain niya ang aking kamay. Kaya ngayon
pag nakita mo ang aking kamay, hitsura kung katulad ni Che Tiongson.Para
akong binugbog ng isanlibong dwende. Blue black. Hindi marunong
kumuha. Gusto kong sampalin at pabalikinsa school. Tseh.
Tapos, kailangan ko raw ma-ultra sound. Pero sumusobra na ako kung gagawin pa
sa kuwarto ko yon. Kaya pinagulong nila ang aking gurney-bed papunta sa RadiologyDepartment. Ewan ko naman kung bakit tawag doon, Radiology eh panay TV monitor naman ang nakikita ko.

Sunday, September 13, 2009
Galit ka, Galit ako, Galit tayong lahat
Dear insansapinas,
Title lang yan, insan. Ang gusto kong itanong ay kung paano ka magalit? Yon bang humihiyaw ka at nagmumura? yon bang hinahamon mo lahat dahil sigurado kang di ka papatulan?
Ikaw ba yong kagaya ng kaibigan kong
mag-asawa na nagiging flying saucer ang mga pinggan pag nag-away habang
tinatawag nila ang isa't isa ng Darling at Honey? Ikaw ba yong biglang
tatayo at mag-eexit na lang na walang kibo o ikaw yong may Santo Kristo
sa dibdib na tahimik lang magalit?
Sabi ng iba, kailangan daw mailabas ang galit para madaling maalis ito.
Ang kinimkim na galit ay maaring mgbigay ng sakit sa to o kaya ay atake
sa puso.
Subali't datapwa''t pag galit ka mayroon kang nasasabing hindi mo na mabawi
kaya ito ay nagiging dahilan ng sama ng loob na tumatagal hanggang kamatayan.
Aw.
Self-esteem or Vanity
Dear insansapinas,
Ang self-esteem ay ang pnagkalahatang pagpapahalaga ng isang tao sa kaniyang sarili. Hindi ko ibig sabihin yong presyo niya per kilo. Silly.
Ito ay ng bilib sa sarili kagaya ng : Maganda ako kahit ang nanay lang niya ang madalas magsabi nito dahil ang magulang lang ang magmamahal sa anak kahit ano pa ang kapintasan nito...Matalino ako...kahit nangongopya lang siya ng assignment...at popular ako...kahit na madalas lang siyang magblow-out para maraming kaibigan siyang nakasunod sa kaniya.
Marami sa mga mataas na self-esteem ang nagiging vanity--aka sobrang bilib sa sarili kaya kung magsalita sila ay prangka pero taklesa. Na ang mga ibang tao ay nagugustuhan dahil ito raw ay honesty. Hanuh?
Napapansin ba ninyo na ang mga ito ay panay Ako...ang gamit kahit my-asawa na. Ako ang gagastos ng kasal pero pag tiningnan mo siya ang hindi kasal...Ako ang mag-aayos ng kaniyang damit. pero pag tiningnan mo, nakagown siy kahit hindi naman oras na maggown. Wala akong pinatataamaan ng bato dahil binabato ko talaga.

Saturday, September 12, 2009
Saging at Potassium
Dear insansapinas,
Paborito ko saging. Isa pa, maganda itong source ng potassium. Pag saba, gusto ko yong pinirito siya na maraming asukal...kalimutan ang diabetes...Pag latundan naman...ano nga ba ang latundan? gusto ko yong hinog lang.
Meron noon si Tagaytay, ang tawag doon, gloria. Ang liliit pero ang tamis...kaso sandaling maalis sa buwig. alam ninyo ng buwig di b? Pag bumili ka kasi noon hindi by piraso kung hindi buwig dahil maliliit nga.
Noong bumili ako, nilagay ko sa likod ng kotse, pag dating sa bahay, hiwa-hiwalay na sila. Arhhh.
Buti na lang walang matsing sa amin kagaya ng nasa retrato. Arhhh ulit.

Just Because
Dear`insansapinas,
Bayi, a friend in malaysia forwarded this to me which aptly described my personality. Kahit ano pa ang tsismis nila.
Pinaysaamerika
Bayi, a friend in malaysia forwarded this to me which aptly described my personality. Kahit ano pa ang tsismis nila.
Just Because
Just Because – I’m quiet–doesn’t mean I don’t have a lot to say.
Just Because – I appear happy–doesn’t mean everything’s okay.
Just Because – I’m sarcastic–doesn’t mean I don’t take things seriously.
Just Because – I forgive–doesn’t mean I forget.
Just Because – I don’t listen to you-doesn’t mean I don’t care.
Just Because – I’m gullible–doesn’t mean you can lie to me.
Just Because – I’m stubborn–doesn’t mean I’m not easy going.
Just Because – I don’t show my feelings–doesn’t mean I don’t have any.
Just Because – I don’t say I love you–doesn’t mean I don’t.
Just Because – I’m honest–doesn’t mean I’m outspoken.
Just Because – I’m not like you–doesn’t mean I’m weird.
Just Because – I’m unsure–doesn’t mean I’m afraid.
Pinaysaamerika
Friday, September 11, 2009
Masakit
Dear insansapinas,
I am not feeling well the whole day today.As much as possible, I do not take painkiller. But my tolerance for pain must have peaked already that I took one tablet before dinner. I saw again this beautiful sunset.
The medication brought me nausea. My brother would like to bring me to the doctor. I said nah. I am going to miss the two-hour episode of Monk. Tralalalala. Aray.

Ang Pula sa Noo - Kultura ng Ibang bansa
Dear insansapinas,
Noong maliliit pa kami as in mga kuting pa...at nakatira pa sa barrio, nilalagyan ng pulang lipstick ang noo namin ng aming lola bago kami ilabas o ipasyal. Laban daw sa usog. Ang usog ay hindi yong paalisin ka sa inuupuan mo o kaya kinatatayuan. Ang usog ay kung ang bata ay "napansin" o "nabati" kaya hindi humihinto ng pag-iyak hanggang hindi nilawayan ang kaniyang pusod ng taong nakausog.
Sa India naman pala ay iba ang ibig sabihin ng pula sa noo. Ito panoorin ninyo.
Pinaysaamerika
Bahala na ang Diyos-Samut-Saring Balita
Dear insansapinas,
Ito ay tinatawag na "rosy-lipped batfish." Maliban sa lipstick nito na type ko ang kulay, tamad itong lumangoy kaya ito ay naglalakad sa ilalim ng dagat. Asus.
Ano naman ang kabuluhan nito sa titulo ko? Wala. Ito lang ang magiging expression mo pag nabasa mo ang balita.
Bahala na ang Diyos
Hindi ko alam kung ang Diyos ay matutuwa sa mga taong wala nang ginawa kung hindi gamitin ang kaniyang pangalan.
Alam natin na kakukuha lang mensahe ni Noynoy sa Diyos sa pamamagitan ng Carmelite Sisters. Ang kaniyang mensahe ay GO.
Ito ay pagkatapos na si Panlilio ay nagsabing siya ay kinausap ng Diyos para tumakbo. Ang Diyos din ba ang nagsabi sa kaniya na huwag nang tumkbo para kay Noynoy?
Kahit hindi sa pulitika, gamit pa rin nila ang pangalan ng Diyos. Kagaya ng Miss Philippines na hindi nananalo sa Miss Universe. Ito ang sabi niya.
Thursday, September 10, 2009
September 11 at ang iba pang mga disasters sa mundo
Dear insansapinas,
Alam mo bang may mga ipinanganak na kambal ang kamalasan? Ito sila:
Turistang Paborito ng Terrorista
Bukas ay September 11, anniversary ng 9-11...ang taon na inatake ng terorista ang New York. Libo ang namatay. Dalawang turista ang nakaranas ng takot, pangamba dahil nandoon sila mismo sa New York kung saan ito nangyari. Sila ay sina, Jason and Jenny Cairns-Lawrence.
Pero hindi doon nagtatapos ang kanilang enkweuntro sa mga terorista. Para silang mag-asawang John Mclane (Die Hard) na palaging nasa lugar kung saan may panganib. Hindi naman sila mga spies.
Noong July 7, 2005, sila ay nasa London kung saan ang mga terorista ay binomba ang transit system ng siyudad na ikinamatay ng maraming tao.
Sa third "sequel" ng kanilang Close Encounter with Terrorists, sila ay nasa Mumbai, India pagkalipas ng tatlong taon.
Kapitan Kidlat Sana
Siya ay si Roy Sullivan, isang park ranger sa Shenandoah. Siya ay ay tinamaan ng kidlat hindi lang isang beses o dalawa, kung hindi pitong beses. Ang tiyaga talaga noong kidlat na tamaan siya.
Pero hindi siya namatay sa tama ng kidlat kung hindi pagbaril sa sarili dahil lang sa isang babae.
Mini-Me, Mini-You -What Children see, they do
Dear insansapinas,
Habang dinadalaw ko ang aking kaibigan, nagtatakbo ang kaniyang tatlong taong anak na sumisigaw ng F!@#$% sa humahabol na kapatid. Biglang umigkas ang aking kilay na napansin ng aking kaibigan. Tayo siya at pinagalitan ang anak at tinanong kung saan niya nakuha yon. Sagot ng anak niyang matanda,
Ang ating mga anak na bata ay reflection natin. Asahan ninyong gagayahin nila ang magulang sa mga batng edad dahil ang mga magulang ang kanilang role model.

he heard you swear to dad, mom.Araguy.
Ang ating mga anak na bata ay reflection natin. Asahan ninyong gagayahin nila ang magulang sa mga batng edad dahil ang mga magulang ang kanilang role model.
Pinaysaamerika
Wednesday, September 09, 2009
NOYNOY AQUINO FOR PRESIDENT- I wish tahimik si Kris Aquino
Dear insansapinas,
Sa lahat ng kandidato, siya lang ang masasabing hindi trapo aka traditional politicians na sinasabi na gagamit ng GGG. Hindi yan Galunggong, silly.
Pag binoto siya ng tao, hindi lang isa kungdi lima ang ibinoto. Ayaw ba ninyo yon. Vote one, get five. Para bang quintet. Back-up yong apat na babae, at soloista ang panganay. May mga chorus pa na mga Pink Sisters. O di va, masaya. *Roll eyes*
Ang sigurado ako at pinamamarali ni Kwris na siya ang magiging wardrobe adviser at pati ang kaniyang mga cosmetic makeovers para maging good-looking president siya. Ahahay. Babaw. Habang nag-eexpect ng something intelligent platforms ng mga tao, physical naman ang pinagbubuti ni Kwris?
Kaya pag nakita ninyong kumapal ang buhok niya," thank Kwris" for that na hindi puwedeng mapigil ang pagsalita sa kaniyang pagbandilyo ng pagsuporta sa kaniyang kapatid, kahit ipagbili niya ang kaniyang bahay at magtrabaho siya ng magtrabaho as in gawa siya ng CD featuring ang paborito ng kaniyang popular na mother. Susunod siguro ang mga paborito ni Noynoy. Ackkk.
Mag-absent kaya siya sa kaniyang programa para samahan sa kumpanya si Noynoy? Paano naman si Shalana? Anong magiging role niya sa campaign? Sha, maghintay tayo. May isnaban kayang mangyayari.
Kung baga ang wish ko, kung si Noynoy ang kandidato, pabayaan niyang ss Noynoy ang magpatunay na siya'y karapat-dapat.
Imposible man at parang nagwiwish ako ng kalahati lang ng sasakyan, sana tumahimik siya kung kababawan lang ang kaniyang sasabihin.

Anong Drama mo sa Buhay
Dear insansapinas,
Simula na ang BER, september, october, november at december. Ngayon ay 9-09-09 o di va.Pero hindi yan ang kuwento ko insan.
Gusto kong alalahanin ang panahon na wala pang mga teleserye kung saan ang mga kontrabida ay mamatay, mabuhay para lang mapagbigyan ang mga talent manager ng mga artista. Ang mga bida ay walang hanggang pagdurusa para mainis ang mga nanonood doon sa kontrabidang babae. May matandang tumira sa akin na noong nakita si Jean Garcia sa Rustan, muntik nang sabunutan. Hindi ko alam kung anong teleserye yong pinanonood niya dito sa States at nanag umuwi siya ay balak katkatan ng mura yong mga kontrabida. Sana napapakinggan ninyo ang kaniyang pagmumura habang nanood. Gusto kong bigyan ng jalapeno juice.
Ang sinasabi kong drama ay yong sa radyo. Ang mga artista ay hindi ang mga babaeng kailangang mgsuot ng mg seksing damit para panoorin din ng mga lalaking wala hilig sa drama. Ang mga gumaganap ay magaganda ang boses. Huwag lang ninyong titingnan ang mukha. Ang drama kasi noon ay sa mga maybahay na nakikinig sa radyo, mga house secretaries na naiiwan sa bahay at ang kaulayaw ay ag kanilang radyo kung saan ang mg drama ay napapakinggan. Minsan akala mo ay namatayan, yong pala umiiyak dahil naawa sa pagbugbog ng asawa ng bida sa kaniya. Prssst.
Minsan tawagin mo sila hindi ka maririnig dahil sila ay nakatutok sa radyo at kanilang paglalaba. Noon na wala pang washing machine at wala pang mga laundromat.
Tagal nilang maglaba, kasintagal ng drama sa radyo. Parang naghihintay ng Pasko.

Coffee, Tea or Me
Dear insansapinas,
May mga araw na may talangka tayo sa ulo. Yon bang oras na isang kanti na lang saiyo at mambubugbog ka na.
Kung pwede lang na buntalin mo ang pinto dahil alam mong hindi gaganti, gagawin mo. Sakit naman ng kamay mo. Belat.
Noong nasa SF ako, ganiyan. Ang layo nang nilalakad ko mula sa BART (train) hanggang sa opis. Daming coffeeshop pero iinit din ang ulo mo pag pumila ka. Haaay.
Walang-magsasalita-kung-hindi-lagot kayo-mode. (Rolleyes)
Wala lang.

Tuesday, September 08, 2009
NOYNOY AQUINO, tatakbo pagkaPresidente sa 2010
Dear insansapinas,
Nakapagdesisyon na si BENIGNO "NOYNOY" AQUINO na siya ay tatakbo sa pagka Presidente sa Presidential Election 2010.
Ito an ipinahayag niya sa press
conference Club Filipino in Greenhills, San Juan City ngayong Setyembre 8, 2009.
Haaa, kunwari nagulat ako. (laki mata, taas kilay).
Naku magandang laban na ito. Susuportahan ni Ping Lacson at sa Lunes ay may bomba siyang pasasabugin para sa kaniyng dating amo na si Erap.
Abangan. tintintintintin...
Pinaysaamerika
Nasaan ako?
Dear insansapinas,
Matunog-na matunog ang kaso ng pananakit ni Chavit Singson sa kaniyang live-in partner.
Pareho silang ng-aakusahan ng pagtataksil.
Maraming kuro-kuro na dapat hindi sinuklian ng pagtataksil ang pagtataksil.
Gulo noh.

Sexy Lady
Dear insansapinas,
Mayroon akong kaopisina noon na mahilig magsuot ng masikip na pantalon. Pagdating naman sa opisina, ibinababa niya ang zipper para makahinga siya at komportableng makaupo. Total mahaba ang kaniyang blouse at tago ang malaki ang kaniyang desk.
Stomach in paglakad, stomach out pag kumain. Hehehe

Monday, September 07, 2009
Touching
Dear insansapinas,
Panoorin mo ito. Nakakaiyak. Prssst. Naalala ko tuloy ang aking father noon pag sinusundo ako. Pero hindi naman bisekleta. Lakad lang kami. Pag ang ilog ay umaabot sa mababang tulay na kahoy, inilalagay niya ako sa balikat niya. Hindi ko na siya nakagisnan ng malaki na ako dahil namatay siyang bata pa rin.
Kumot nga.

Labor Day
Dear insansapinas,
Labor Day ngayon sa States.
photocredit
Sana walang masyadong naglalabor sa delivery room. Ack.

Sunday, September 06, 2009
Kris Aquino, Pwamis ha?
Dear insansapinas,
Ang daming nabuwisit sa sinabi ni Kris na susuportahan lang niya ang kaniyang kapatid na si Noynoy kung ito ay hindi mag-aasawa. Pati ba naman si Ping Lacson, pinangaralan siya. Kaya ito pwamis ni Kris Aquino. O diva, nasa news pa rin siya.
MANILA, Philippines—TV host Kris Aquino on her show, “SNN,” promising to shut up about her Kuya Noynoy’s love life: “Noy... kung sino man ang iibigin mo, d’on kami. Pero dapat ’yong babaeng ’yon mamahalin ka, magiging tapat sa ’yo at aalagaaan ka. Or else, magiging monster sister-in-law ako... Pinaalala po sa akin ni Noy that I am 11 years younger than him. Bilang bunso sa pamilya dapat daw matutuo akong magbigay ng respeto sa kanya bilang kuya at padre de pamilya and know when to keep my mouth shut. Noy, I’m sorry ... I’ll be quiet na... Please also pray that I’ll be able to keep quiet ... Gusto ko lang naman maging happy ang kapatid ko ... Kung tingin ko na mahal na mahal s’ya, e di pati ’yong sister-in-law na ’yon 100 percent din ang pagmamahal na ibibigay ko. You know me when I love... I’m so generous, kind and loving ... I love you, Noy. Peace na tayo.
Pwamis ha?
Pinaysaamerika
Saturday, September 05, 2009
New Doctor, Old Doctor
Dear insansapinas,
Naghahanap ako ng bagong doctor kasi yong old doctor ko talagang old na. Siguro 70 na yong mokong.
Pinaysaamerika
Naghahanap ako ng bagong doctor kasi yong old doctor ko talagang old na. Siguro 70 na yong mokong.
Pinaysaamerika
Friday, September 04, 2009
Facebook ruins friendship
Dear insansapinas,
Marami akong invitation sa Facebook. Ayokong sumali. Marami akong nakitang mga magkakaibigan na nagkakaaway dahil sa Facebook.
Ito ang balita.
Oo nga naman masakit yong dating friends, dating magsweetheart, tapos nagbablock ang bawa't isa kapag sila ay nag-away. Imbes may communication, nawawala.
Tapos kung dati mong boyfriend o girlfriend tapos nabasa na may bago, di ba masakit din. ARAAAAAAy.
Kaya yong mga dati niyang cute na post na ako ay kumain ng...magiging reaction ay OWENO.
pero magbabasa pa rin at magbabasa. Parang sadista ba.