Dear insansapinas,
Suspetsa ko may share yong doctor ko doon sa agency ng mga private nurses na tumatawag sa akin.
Heh.
Pinuputakti ako ng tawag at nang hindi ako pumipick-up ng phone, mismong ospital na ang tumawag.
Ayoko nga. BAKIT KAILANGAN KO ANG PRIVATE NURSE EH NAKAPALIGO NA AKO,
Brrrrr, brrrrr, brrrrrr. Napalitan ko na ang bandage ng king sugat. Parang hindi ako nagtayo ng iskwela
para sa mga nursing assistants at nursing registry. AHEM.
Doctor's order daw para imonitor ang aking blood sugar level. No gagawin niya, aabangan niya ang pag
taas at pagkatapos pababain niya? Eh nakukuha rin naman ang blood sugar count ko dahil meron
akong BS meter.
Eniwey, pumayag na ako para hintuan na nila ako. Alam ko naman bakit mabango ako sa kanila.
Malaki kasi ang insurance ko. Buong America ang Covered. Ahay.
Isa pa, nakalabas ang mg gamit namin mula sa pantry at kitchen cabinets. Baka puwedeng
patulong. hehehe. May nagspray ng pesticides.Requirement ng gobyerno. May fine pag hindi mo
ginawa. Kaya wala kangmakitang ipis sa amin o daga not unless, nakikikapitbahay sila.
Naalala ko noon sa California, nagkaroon kami ng mga bubuwit sa bahay kasi
yong matandang ina ng isang nagrerent sa akin ay tumutuloy doon pag weekend. Kinukwento niya na maraming bubuwit sa pinagtatrabahuhan niya as baby sitter.
Siguro may nakisakay doon s kaniyang bag na laging may lamang pagkain
kaya, wow, ang daming sinira ng mga bubuwit.Hindi sila lumalaki,
maliit lang sila kaya kahit sa ilalim ng pinto, nakakapasok sila.
Bumili ako ng isang gadget na nag-eemit ng sound na hindi makaya kunong
pakinggan ng mga bubuwit. Dalawang araw, makita mo ang mga bubuwit,
may mga ear muffs na sila.Totoo yan,
Promise.
Dahil wala kaming pusa, binigyan ako ng aking best friend ng stuffed na
pusa. Siguro, nalaman nila ng stuffed toy lang at hindi sila hinahabol,
kaya ilang oras lang makita mo silang nagmamacarena sa harapan noong
pusa. Ngeeek.
So tawag akong tulong. Nilason ang soil sa ilalim ng bahay at kung saan
pwedeng mamugad.
Patay sila.
Siyanga pala bakit tayo napunta sa bubuwit eh pinag-uusapan natin ay
private nurse.
Somehow, somewhere, mayroon talagang gustong magkakuwarta. And i hate losing
my privacy at ayokong naiistorbo ako sa aking activities sa bahay kagaya ng
blogging.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment