Wednesday, September 16, 2009

Emergency 101-Si Pinay sa Ospital Part 3


Dear insansapinas,

Wednesday 

Walang breakfast.Ayaw kong nagugutom ako dahil pag mababa ang aking blood sugar, para akong hayok sa gutom. NPO ang order. Ibig sabihin walang itetake thru mouth except yong barium. Pinaiinom ito sa magkaCATSCAN para madaling Makita ang hinahanap. OO na.

Sabi ng surgeon, hindi raw muna niya pakikialaman at gagalawin ang aking mga lamang-loob.
Titingnan daw muna lahat kung saan naglalagi ang mga engkanto.

Tinanong ko kung anong oras ako dadalhin sa Radiology. Mga thirty minutes daw. Alas
diyes yan ng umaga.

Naubos ko na yong dalawang litrong barium at ilang beses na akong pumunta sa restroom dahil nagrerevolution ang aking tiyan. Wala pa rin. Ilang chapters na lang magugunaw na ang mundo. Yon ang binabasa kong nobela na tungkol sa Fourth Reich na combination Noah’s Ark at Indiana Jones.

Pag tinawag ako at hindi ko pa alam ang ending, babasahin ko yon habang pinapasok nila ako sa Catscan. Promise.

Aba, natapos ko na ang nobela. Hindi natuloy ang dilubyo at the hero saved the World again. Napaluha ako. Hindi dahil sa ending, silly. Kasi alas dose medya na wala pa rin yong tawag para sa Catscan, eh inaantok na ako. Nagluluha na ang mata ko. May pumasok sa aking kuwarto na malalaki ang katawan. Transport Tech sila. Sila ay yong magdadala ng aking bed sa ibaba.

OO insan, hindi ako aalis sa aking bed. Nakasakay ako doon papunta sa laboratory.Whee.

Inilipat ako doon sa higaan na pumapasok sa Catscan machine kung saan sasabihin saiyo, Breathe in, Hold your breath tapos ang tagal bago sabihing breathe.Wuaaaah. Hinga, hinga, hinga, bago pumasok ulit. Tinamaan na machine ito.

Pag nasa loob ka, makakaramdam ka ng init na gusto mong umihi. Pinigil ko pero bakit nga ba kung kalian malapit na saka naman nagbabantang lumabas.Nataranta yong Tech sa akin. Kasi bigla akong tayo pagkatapos na pakawalan na niya ako sa makina at hinanap ang bathroom. Hila ko yong IV stand. Pinigilan ako ng tech dahil assist daw niya ako. Pumutok yong machine na nakakabit sa IV ko.Tssk tssk, mataas pa rin ang aking voltage pag ako galit. Tinuninunuinu. Sunod ang liver biopsy. Ito, inihanda ako sa operasyon. Hindi naman talaga operasyon, kung hindi tutusukin lang ako ng malaking karayom sa tiyan na tagos hanggang aking atay pero masakit yon ha.

So, kinabitan pa ako ng isang IV para naman sa sedative para ako ay makatulog (daw)
at iba pang ipapasok nilang chemicals.

Diyos ko po, hindi pa naman kuwaresma, parang isinabit nila ako sa dalawang poste at mga senturyon yong mga doctor na mag-oopera sa akin. Humayo kayo. Tseh.

Tinanong ko yong nurse kung talagang makakatulog ako dahil noong huli kong liver biopsy, hindi ko nakatulog (may kuwento rin ko niyan pero nasa Now What, Cat ko yata).

Sabi niya, eh, you will just feel drow….

Tulog na ako. Kahit bilangan mo pa ako ng sampu. Nagising ko mayroon na namang dalawang benda sa aking tiyan. Bilang ko siguro pagpinagtagni-tagni mo ang ginamit nilang gauze, pwede na akong makagawa ng kulambo.

Ibinalik na ako sa kuwarto. Isang tao na lang nagtulak sa akin. Nabawasan bang malaki
ang timbang ko? Mwihihihi.


Ang kinaiinis ko yong nakangiwi ka na sa sakit, sasalubungin ka pa ng tanong na how are you
doin’ are you okay?

Anong gusto nila, mag-iiyak ako at sabihin sa kanila na masakit ito, masakit iyon…blah
Blah. Domoble sakit kaya may morpina na naman akong natanggap. Isip ko pag may umistorbo sa akin, sisipain ko.

Pero may pumasok. Yong yong kumukuha ng tray. May pagkain pala sa aking lamesa.
Bigla akong bangon, bago niya nakuha ang tray nailapit ko na yong rolling table sa akin.

Alangan naming makipaghilahan pa ako doon sa kitchen tech. Alas kuwatro na pala At wala apa kong breakfast at lunch. Aha, dadaan sa ibabaw ng aking katawan na maraming tusok at benda ang sinumang kumuha ng tray ng pagkain. Subukan nila. Hindi pa ako nangangalahatihan sa pagkain, umepekto na ang morpina. Hindi ko na nalasahan ang pagkain. Swerte nila, hindi ko maiinsulto ang nagluto noon. Saka sa gutom, kahit yata karneng lasang balat ng tsinelas,kakainin mo. Burp.

 Pinaysaamerika

2 comments:

  1. acheng!!!! what is wrong???? ano nangyeyeri na sa yo? what is happening? sino bantay mo? i know machakit yan ha? but i hope you pull through with all these tests. will be praying for your speedy recovery!

    ReplyDelete