Wednesday, September 30, 2009

Bad habits never die - Saan ang bagyo?

Dear insansapinas,

Maaga akong nagising. Pagkatapos kong kunin ang aking BS level, timpla ako ng kape.
Para akong sinuntok ng aking konsensiya at hindi ako nakailag nang makita ko ang maraming pagkain sa mesa, sa ref at sa pantry. Naalala ko ang nasa Pinas na kahit may pambili ay walang mabili dahil inubos na nang mga hoarders. ARAY.

Yan ang bad habit ko noon insan. Hindi naman talaga bad habit kung hindi dahil sa tawag ng pangangailangan. Noong nasa Pinas kasi ako, dahil sa marami akong pinapaaral
at binubuhay, kailangan kong maraming kadatungan kaya labas bansa, labas siyudad ang aking drama sa buhay kung saan ako kikita. Bago ako umalis, namimili ako ng maraming pagkain para ii-stock sa maiiwan ko na ang bibilhin na lang ay yong mga gulay na hindi pwedeng iimbak.

Tuwing may typhoon signl, lalo akong namimili ng marami.

Pagdating ko rito sa States, pasan-pasan ko pa pala ang bad habit na yon. "Bad habit" sa iba pero sa akin ay pangangailangan pa rin.

Nagtatrabaho rin ako ng 15 hours a day at ang aking day off ay Linggo lang. Wala pa akong sasakyan noon kaya kailangang makisabay akong maggrocery sa aking kaibigan.

Minsan, nakasama namin ang boyfriend niyang foreigner na ginawa naming tagabitbit ng aming binili sa Costco (wholesale doon na ang lalaki talaga ng mga packs) ang tanong sa akin ay? Are you putting up a convenience store? Kasi one year supply yata ang binili ko. Hindi ko kasi alam kung kailan susunod ang aking paggogrocery.

Isang malapit na kaibigang Filipino ang naging kasa-kasama ko na nagtiyagang magdrive sa akin sa Costco nang humiwalay na sa akin ang aking kaibigang babae nang siya ay mag-asawa. Dahil Pinoy, iba naman ang tanong niya sa akin pag marami akong binili. SAAN ANG BAGYO?

Sa California kasi hindi uso ang bagyo at baha katulad sa ibang States. Nang madalaw naman ako sa kaibigan ko sa New Jersey kung saan may mga snowstorm, mas masahol silang mag-imbak. Bumibili sila ng buong baka at pinakakatay nila at iniimbak nila sa mga freezers sa kanilang basement. Para silang bumili ng poultry sa dami ng dressed chichen na kasamang naimbak. Dalawang pamilya kasi ang nakatira doon pero isang lutuan lang.


Nang magbakasyon ako sa kanila ay inuubos nila ang stock nilang manok. Ubos n ang beef at pork.Magpapanibago na naman sila ng stock para sa winter.

Kaya sa ilang Linggo kung pamamalagi doon, nakain ko na yata lahat ng putaheng manok pwera lang ang pinupong manok. Pagod na rin yata kauupo sa loob ng freezer.

Ang aking kapatid naman ay may biro rin pag nakita niyang marami akog niluto.
"May bisita ka?"

Biro yan kasi wala naman akong bisita except kamag-anak din at dinadala na lang namin sa restaurant para mas conveniente.

Ow pareho rin sa Pinas, may instant noodles din kami. Wala nga lang spam. Vienna sausages meron.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment