Friday, September 18, 2009

Emergency 101-Post Operation Blues

 Dear insansapinas,

Friday

Post Operation Blues

Kasalukuyan akong nanood ng TV na nakasandal sa dalawang unan
 ng nagring ang phone. Hmmm di ko kilala ang number. Wala pang
 isang minuto, nagring ulit. Di ko pa rin sinagot. At isa pang tawag .
 At isa pang tawag. Ano ba ang emergency ng taong ito.

Mga ilang minuto, may natanggap kong e-mail sa kapatid ko. Tumawag
Daw ang isang (insert name here), nag-iwan ng message na kailangan
akong tumawag sa kanila. Private nurse ko raw. Authorized dawn g ospital.
 Ha?

Chineck ko ang pangalan ng website. Hmmm specialization nila orthopaedics…
Nagpapadala sila ng mga private nurses sa bahay ng mga galling sa ospital for
Rehabilitation. Blah blah

Hindi naman physical disability yong sa akin…mental disability…siraulo
To be exact. Bwhahaha.


Hindi ko tinawagan. Hindi ko naman kailangan ang private nurse. Ambulatory
Naman ako aka nakakalakad, nakakatakbo pag hinabol ng aso,

Hindi ko na sinagot ang mga tawag. Alam ko may nagtip sa kanila na
Bagong discharge ako sa ospital. Ang di sinabi ng nagtip ay kung anong
Klaseng pasyente ako. Tinamaan ng lintek.

Tumawag. Nars sa hospital. Siyempre dinampot ko.

Nars: Is this Pinaysaamerika
Me: This is she. How may I help you?
Nars: how is your private nurse?
Me: who is my private nurse?
Nars: Well did she not go to your house?
Me:  Did the hospital send one?
Nars: Nah, the hospital authorized (insert the name of the registry) to send one.
Me; Was it part of instructions in my discharge folder?
Nars: You have any?
Me: Yep, I don’t see any. And I don’t need one.
Nars: Well, may be if you just need one.
Me: By the way, what is your name?
Nars: My name is…
Me: Were you one of my nurses in the hospital.
Nars: Yes
Me: Did I meet you?
Ang tinamaan ng lintek, lakig sinungaling. Lahat ng mga narses at techs ko ay
Isinulat ko ang pangalan sa aking maliit na notebook. Aha, siguro, tipster
Ito ng nursing agency.

I should know. Co-owner ko dati ng nursing registry. Pero hindi kami ganito
Kaaggressive magpromote to the extent na paniniwalain ka na utos ng doctor.
Iba yon option at iba ang mandatory. Tseh.

Nars: Anyway, I am just following you up as to how are you.

Me: Thanks and I appreciate it. The doctor wrote the instruction to
Follow it up with him. Doctor lang magbibigay ng resulta at status.

Kainis, natapos na naman ang Law and Order na hindi ko nalaman kung bakit
Nanloloko yong babaeng suspect.

Ring. Ring.Ring.

Hindi ko sinagot.

Message: Hi, I am blah blah and I am your physical therapist. Call me for
your schedule.

Wala naman ako frozen shoulder ah. At bakit ang call ay galling sa
cell-phone at hindi doon sa PR Department ng Hospital kung saan ako
 pumupunta.

Sila lang ang nagisschedule. Sus naman ang daming nagtitip ng pagdischarge
 ko sa hospital. At ang kanilang mga statements ay para bang inappoint sila
 ng hospital at hospital ang magbabayad. Bwisit.  Insurance ko nga ang mag-
babayad pero may co-pay naman ako.

Sumakit tuloy ang aking sugat sa loob. Pagcheck ko sa aking mga medication,
Walang painkiller. Morpina nga pala ang binibigay nila sa akin dahil bawal sa aking
Ang mga painkillers.

Kaya, array, array, array.


No comments:

Post a Comment