Thursday, September 24, 2009

Post Opeation Part 2

Dear insansapinas,
Private nurse daw oh.





Pagkatapos naming ikasal ni Jomes Bond, pumasok siya sa ospital para
sa operasyon sa kaniyang likod. Naaksidente siya matagal na sa isang
car crash at nagkalasog-lasog ang kaniyang buto sa likod. Mahigit isang
taon siyang naospital at narehab. Dahil hindi niya pinaalam sa kaniyang
magulang (nasa ibang state) siya), isang babaeng lawyer at later naging
judge ang nag-alaga sa kaniya hanggang sila ay maging magsweethert nang
matagal ding taon. Walang kasalan, walang live-in arrangements. Tanggap
na si judge sa family niya dahil sa pag-alaga niyang matagal sa kanilang
anak.

Sa mga taong sila ay may relasyon, maraming babae ng naghabol kay
James Bond at nagpapabot naman siya. hhha. Isa dahil sa siya ay trust fund
baby at ikalawa, prominent ang family nila. Doctor ang ama at isang my-ari
ng art gallery ang ina.

Nang kinasal kami ni James Bond (whirwind errm hurricane, parang Katrina,
sagot ko oo ng Monday, Thursday, kasal kami). hehehe naguilty ako doon
sa judge na babae na napakabait. Matagal ding kaming nag-usap ni James Bond
doon sa rooftop ng high-rise condo.Huwag ninyo akong tanungin sa script
ng dialogue. Wala si Ricky Lee. Ang alam ko ang lakas ng hangin at muntik
na akong liparin.

Ang sinabi lang niya, wala talaga siyang balak pakasalan ang judge at alam
nito. Masyado raw possessive at selosa. Eh ano. Love yon di ba?

Balik tayo sa ikalawa niyang operasyon. Naoperahan siya sa Boston
dahil nandoon ang kaniyang mga doctor. Hindi ko pwedeng iwanan ang
aking trabaho, kapapasok ko lang ng ilang Linggo.

Isa pa may trauma ako sa hospital dahil sa dalawang beses nabingit sa
kamatayan ang dalawang mahal ko sa buhay.

Ikalawa, ayaw din ng aking hipag na pumunta ako doon, mapoproblema ang
aking pagpunta at pag-uwi sa ospital at ang mag-aasikaso sa akin sa bahay
niya.

Hige.

Natapos ang operasyon. Maraming retratong pinadala sa akin Yon ang sinabi
niyang lahat ng klaseng doctor ay tinutusok siya. Aniya, These people
want to have a piece of you so they can charge it to your insurance.
Hindi ko masyadong naiintindihan yon dahil hindi pa ako naospital. Ni
hindi ko nagagamit ang insurance ko.

Tapos, tinawagan ako ng aking biyanan. May itsinismis. Alam mo naman
kaming dalawa, tsismosa. (By the way, dinalaw pala niya ako sa panaginip
ko the other night. Ganoon yon pag medyo, umuungol ako sa sakit).

May nagsabunutan daw sa ospital. Sa kuwarto ng aking asawa. HA?
Dumalaw yong judge. Inabot niya yong isang Teacher. Magkakilala
pala sa university kasi nagtuturo si judge.

Balita ni judge sa biyenan ko, sabi raw ni Teacher,boyfriend daw niya si
James Bond.Noong hindi raw tuminag ang judge para hintaying magising si
JB at malamang dumalaw siya, nagtatalak daw si Teacher na "she's
so desperate daw na makuha pa niya si JB. Para raw asong naghihintay
na tapunan ng buto". WOW.

Ilang engkwentro pa, ala sabunutan na. Pumasok na ang hipag ko ang
executor ng family estate. Pinagbawalan ang mga visitors at isang
private duty nurse ang kinuha. Belat.

Pag-uwi niya ay may discharge order. Hindi niya alam na nakalagay
ang pangalan ni Teacher at nakalagay ang relasyon ay girl friend.

Kahit may private duty nurse na pumpunta sa bahay dahil kailangan siyang
tulungan sa bandage,sa pagkain at sa mga medications, pumupunta pa rin
si Teacher. At ayaw niyang pumunta roon si judge.

Ilang buwan, nagkaengkuwentro rin kami ng Teacher na ito. Saka na lang
ang kuwento. Inabot din ng mahigit isang taon ang rehabilitation ni
james Bond dahil pinagtagni-tagni ulit ang nawasak na mga buto niya
sa likod.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment