Sunday, September 13, 2009

Self-esteem or Vanity

 Dear insansapinas,

Ang self-esteem ay ang pnagkalahatang pagpapahalaga ng isang tao sa kaniyang sarili. Hindi ko ibig sabihin yong presyo niya per kilo. Silly.

Ito ay ng bilib sa sarili kagaya ng : Maganda ako kahit ang nanay lang niya ang madalas magsabi nito dahil ang magulang lang ang magmamahal sa anak kahit ano pa ang kapintasan nito...Matalino ako...kahit nangongopya lang siya ng assignment...at popular ako...kahit na madalas lang siyang magblow-out para maraming kaibigan siyang nakasunod sa kaniya.

Marami sa mga mataas na self-esteem ang nagiging vanity--aka sobrang bilib sa sarili kaya kung magsalita sila ay prangka pero taklesa. Na ang mga ibang tao ay nagugustuhan dahil ito raw ay honesty. Hanuh?

Napapansin ba ninyo na ang mga ito ay panay Ako...ang gamit kahit my-asawa na. Ako ang gagastos ng kasal pero pag tiningnan mo siya ang hindi kasal...Ako ang mag-aayos ng kaniyang damit. pero pag tiningnan mo, nakagown siy kahit hindi naman oras na maggown. Wala akong pinatataamaan ng bato dahil binabato ko talaga.



Nagsisimula kasi yan pagkabata. May kasama ako sa opisina na dala-dala niya ang drawing ng anak at kasama niya ang anak ng araw na yon. Pinapakita niya ang drawing nitong bulaklak na kahit anong tingin kog angulo ay walang hawig sa bulaklak. Para itong ice-cream na nahulog at nagmelt.

Ayaw kong pintasan dahil masasaktan ang bata. Kaya di ako honest nang sinabi kong ohmm, nang sinabi sa akin ng ina na...ang galing ng anak ko anoh? Kung taklesa ako, sasabihin ko na hindi at hayaan kong mag-iiyal ang bata at di na ako batiin ng ina.

Sa ganoong insidente, naiisip ko na binibigyan ng maling self-worth ng ina ang anak na kahit ano na lang ay bibigyan ng pagpuri kahit hindi naman dapat purihin. Paglaki ng bata ay magiging isa siyang indibidwal na lahat na lang nang ginagawa niya ay tama kahit mediocre dahil yon ang pinamulat sa kaniya.

 Kaya nga ba ang mga pelikula tungkol sa high school katulad ng Ferris Buehler ay ang pagtatanggol ng sarili kahit mali para lang masabing meron siyang kakayanang mag-assert ng sarili niya. Di ba ninyo napapansin na ang bida ay mabait, masunurin, mahiyain, pagkatapos ay magiging sinungaling, magiging lakwatsero at magiging sakit na ulo ng kanilang mga titser dahil sila ay naging ASSERTIVE. Ewan ko. minsan maling values ang pinapakita na pag nadala paglaki at natuklasan nila na hindi pala sila ganoon kahalaga, depression ang kanilang hahantungan lalo pag wala na ang mga maliliit na assurances na magaling nga sila.

hohoho

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment