Dear insansapinas,
Flashback (rewind)
Noong bata pa ako sa probinsiya, may pinupuntahan ang aking mother na isang tindahan na ang sabi niya ay mga relief goods. Di ko pa naintindihan noon ang ibig sabihin noon. Doon siya bumibili ng mga makakapal na kumot para ipadala sa barrio kung saan ipinagpapalit ng aking mga kamag-anak ng mga isda na ginagawang daing na dinadala naman sa amin pagdalaw nila kasama ang aming parte sa mga ani.
Narinig kong nag-uusap noon ang aking mother at auntie na ang mga relief goods daw na iyon ay padala pa galing sa US (kaya makakapal ang mga kumot) at donasyon daw sa mga
tao na binagyo. Madalas kaming bagyuhin pero wala kaming natatanggap na ganoong donasyon. Noong nagkaroon ng isip (sabihin nating lumaki na ang utak ko), narealize ko kung paano ginagawang negosyo ang mga donations na ito. bwahaha
Ngayon:
Nag-uusap kami ng aking kaibigan sa e-mail. Nasa ibang bansa siya. Nagkuwentuhan kami ng mga nagsosolicit ng donation. Sabi ko, kapatid diretso na ang bigay sa mga nangangailangan sa lugar nila...particularly yong mga walang tuyong damit at
nawala lahat ang kanilang gamit. Walang retrato, walang publisidad...ooops ito pala sinusulat ko.
Sabad niya, siya raw hindi na magpapadala. Pera na lang daw at diretso sa NationalRed Cross. Minsan daw kasing nagpadala siya ng mga damit, gamit at mga blankets, tuwang tuwang siya at iniisip niya na maraming matutulungan doon sa kanilang probinsiya.
Nang magbalikbayan siya, napansin niya ang suot ng nanay niya na mahilig bumili ng ukay-ukay na suot-suot ang isa sa mga pinadala niya. Tinanong niya kung saan nabili... sa ukay-ukay nga raw. Toink
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment