Dear insansapinas,
Umiiyak ako.
Hindi sa sakit. Sa awa sa mga bata. Mga itim sila, ini-smuggle
Galling sa Africa. Ginagawang katulong ng mayayamang tao na gustong
magtipid ng bayad para sa mga alila.
Alam kong hindi ito fiction kahit na sa Law and Order pinakita kasi
marami ng balita kong nabasa na nahuli sa paggagawang alipin sa mga
kawawang kinukuha nila mula sa ibang bansa.
Isang balita ay tungkol sa isang pamilya na ang lalaki ay may
katungkulan pa sa kKanilang consulate. Naitago nila ang kanilang katulong
na batang babae ng mahigit na sampung taon. Nang mapalaya ito mula sa
pagiging aliping walang bayad, siya ay isa nang ganap na dalaga.
Meron ding tayong ganiyan na ang balita ay di lumalabas sa diyaryo sa
Pinas. Isa ring may katungkulan sa embahada. Ang mali niya ay hindi bata
ang kanilang dinala kung hindi isng propesyonal na hindi maaring tumahimik
lang kung siya ay pinatutulog sa basement o kaya ay pinatatrabaho ng
labing-anim na oras isang araw. Bilib pa naman sana ako sa ambassador na
iyon. Binili ko pa ang libro niya.
TSEH.
Bakit kanyo, nainterest ako sa ganitong kalungkutan sa buhay. Kasi ilang
Beses nang may pangyayari na ako ay binalak dalhin sa US noong ako’y
bata pa nang ng ilang tao at pinangakuan ang aking ina na pag-aaralin ako.
Yon ay nang kamamatay ng aking erpat. Ikaw na ang maging cute.
Toink.
Nang tumanggi ang ermat ko, ang sama ng loob ko. Hindi kasi ako makakita
ng snow.Hindi ko alam na dito pala sa States, hindi lahat ng lugar may
snow. Arghh.
Sabi niya, paglaki mo saka mo maiintindihan yan. Bakit ang isang
kamag-anak ng kapitbahay na nasa States ay magkakaroon ng interest na
pag-aralin ang hindi nila kamag-anak o kakilala man lang. Kilala naming yong kapitbahay, pero sila, balikbayan Lang. Gagawin ka lang katulong nila.
Naikwento ko na ito na yong aking unang boss ditto sa States ay Filipinang negosyante Na asawa
ay Puti.
Meron silang housekeeper pero alam na ng matanda na 5 days a week lang ang
trabaho niya.
Dahil nakatira ako sa kaniya, sinabihan niya ako na ako raw ang gagawa sa
bahay pag weekend dahil nakatira ako doon. Masaya siya. Hindi na siya
nahiya sa kutis niya. Ako, gagawin niyang tsimay na hindi naman kasama sa
job description ko bilang Accountant. Kung anuman ang aking renta at pagkain
ay bawas na rin sa suweldo ko.Marunong ba siya ng Math?
Hindi ko tinapos ang kontrata ko. Ang mga sumunod sa akin ay hindi nagreklamo.
Wala silang pupuntahan. Wala silang pera. Kaya sunud-sunuran lang sila.
Pag weekdays trabaho, one to sawa sa opisina. Weekends, tinatawag sila sa bahay
niya sa SF o kaya s LA.
Iba, tagabitbit niya ng mga gamit niya, iba baby-sitter ng mga anak niya.
Hanggang may pumunta sa bahay at nagreklamo sa akin. Bakit daw ako, nakaalis sa kanya.
Sabi ko takot siya sa akin. Mangkukulam ako eh.
Ginawa na rin daw niyang negosyo. Kumukuha siya ng mga professionals
sa Pilipinas,at pagdating dito, pinadadala sa iba’t ibang states kung saan
sila ay nagtatrabaho ng hindi ang position na kinuha sila. Isang nakausap ko ay nagreklamo na
busboy lang siya sa isang malaking restaurant at ang trabaho
niya ay 12 oras, walang overtime at minimum wage.
Bakit mga professionals? Kasi hindi pwedeng magpetition ng mga hindi college graduates.
Hindi rin binibigyan ng mga visa ang mga domestic, not unless nandito na sila.
May maga dumating pang biktima. Isa kakilala ko. CPA siya sa Pilipinas
pero ginawa siyang tagalinis sa bahay ng negosyante.
Noong panahon na iyon gusto kong kunin ang aking manika. Tusuk-tusukin habang
binabanggit ang kaniyang pangalan. Pero sayang collection ko ng Barbie.
Hindi niya alam may nagreklamo na sa kaniya. Matagal din ang investigation pero
at the end, nakulong siya. BUTI NGA. Naging state witness daw kaya pinalaya
pero meron siyang bracelet sa paa. Hindi designer bracelet. Pweh.
Yong kakutsaba niyang Abugado ay tumakbo na ng Pilipinas. Ewan ko yong iba.
Ang mga nagging biktima niyang kakilala ko ay nagging green card sa
pag-aasawa.Dumalo ako sa kasal.
Sabi ko may justice din naman. May blindfold kasi kaya kung minsan natatapilok.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment