Dear insansapinas,
Simula na ang BER, september, october, november at december. Ngayon ay 9-09-09 o di va.Pero hindi yan ang kuwento ko insan.
Gusto kong alalahanin ang panahon na wala pang mga teleserye kung saan ang mga kontrabida ay mamatay, mabuhay para lang mapagbigyan ang mga talent manager ng mga artista. Ang mga bida ay walang hanggang pagdurusa para mainis ang mga nanonood doon sa kontrabidang babae. May matandang tumira sa akin na noong nakita si Jean Garcia sa Rustan, muntik nang sabunutan. Hindi ko alam kung anong teleserye yong pinanonood niya dito sa States at nanag umuwi siya ay balak katkatan ng mura yong mga kontrabida. Sana napapakinggan ninyo ang kaniyang pagmumura habang nanood. Gusto kong bigyan ng jalapeno juice.
Ang sinasabi kong drama ay yong sa radyo. Ang mga artista ay hindi ang mga babaeng kailangang mgsuot ng mg seksing damit para panoorin din ng mga lalaking wala hilig sa drama. Ang mga gumaganap ay magaganda ang boses. Huwag lang ninyong titingnan ang mukha. Ang drama kasi noon ay sa mga maybahay na nakikinig sa radyo, mga house secretaries na naiiwan sa bahay at ang kaulayaw ay ag kanilang radyo kung saan ang mg drama ay napapakinggan. Minsan akala mo ay namatayan, yong pala umiiyak dahil naawa sa pagbugbog ng asawa ng bida sa kaniya. Prssst.
Minsan tawagin mo sila hindi ka maririnig dahil sila ay nakatutok sa radyo at kanilang paglalaba. Noon na wala pang washing machine at wala pang mga laundromat.
Tagal nilang maglaba, kasintagal ng drama sa radyo. Parang naghihintay ng Pasko.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment