Wednesday, September 23, 2009

Init ng Ulo

 Dear insansapinas,
Kung baga sa date, hindi ako sinipot. Grrr.




Hindi sumipot ang private nurse.

Sa aming registry noon pa gang pinadala naming nurse ay di sumipot sa appointed
patients nila at walang abiso, may penalty sila sa unang offense. Sa ikalawa, tanggal sila sa registry namin, Kailangan tumawag sila at least an hour
kung di sila makakapunta para makakuha kami ng substitute..

Mortal sin ang di sumipot sa client-patients lalo kung dependent ang pasyente sa
private nurse sa paliligo, sa medication at sa paglakad.

May dumating nga maintenance tech. Nilinis ang filter ng heater namin para sa daratingna winter.

Kaya nakasara yong AC. Init. Init din ng ulo ko.  

Tapos tumawag nang alas singko. Siguro makikipag-appointment ulit.Di ko pinick-up.Tseh nila. Sinira nila ang araw ko.

Tinuruan ko kapatid ko kumuha ng blood pressure at magpalit ng bandage.

Minsan sa aming registry, may di sumipot na nurse sa pasyente. Hanap kaagad kami ng substitute.


Ilang araw ding di tumawag ang nurse. Tinawagan namin ang asawa. May sakit daw. Bakit di man lang tumawag?


May tawag kami kinabukasan sa isa mga kaibigan niya. DOA daw sa hospital ang nurse. Internal hemmorhage. 


Hinala nila, binugbog ng asawang Puti. 


Nakulong na iyon sa pananakit sa kaniya at nagkaroon na rin ng TRO. Pero
binalikan pa rin niya. Winarningan ko rin siya na mag-ingat dahil masama ang
vibes ko sa asawa niya na palamunin niya, bum at nanakit lang para di niya iwanan, hindi siya nakinig.


Noon minsan, tumatalon siya sa bintana para lang makatakas sa asawa niya.
Noong una ko siyang makita, paghawak ko sa kaniyang kamay, kinilabutan ako.

Lahat ng alahas niya ay nawala at kailangan pa naming mag-mbag-ambag para mapauwi ang bangkay sa Pilipinas, sa kaisa-isa niyang anak na balak niyang kunin sa Amerika kung nakuha niya na ang greencard niya.


Pinaysaamerika

2 comments:

  1. naku kawawa naman ang naranasan. Matagal na ba itong nangyari?

    ReplyDelete