Tuesday, September 15, 2009

Emergency 101-Si Pinay sa Ospital Part 2

Dear insansapinas,

Wala pa ring breakfast. Aga-aga. Ginigising ako ng nars na kukuha ng
aking dugo, blood pressure, pulse rate at saka temperature. Pinalitan-
palitan din nila ang IV na nakasaksak sa aking kamay na nakakabit sa
isang machine na nakatali sa isang bakal na sabitan…na hila-hila ko o
tinutulak ko saan man ako pumunta. Para akong nakakabit sa isang post
ng Meralco. Waah.

Sa dami ng narses at techs na pumapasok at mgtatanong ng What is your
name and what is your birthdate, automatic na yata yong sasagot ko ang
aking pangalan at date of birth kaya noong minsan may naligaw sa aking
kuwarto at groggy pa akong nagmulat ng mata, bigla kong sinabi ang pangalan
ko at birthdate.

Yon kasi para malaman nila kung ikaw nga at hindi ka impostor o kaya di sila nagkakamali
ng pasyenteng ginagamot.

Yon pala mag-aayos noong TV kasi hindi malinaw ang TV screen. Toink.

Dinalaw ako ng doctor. Uhmm ang bango. May pabango ang lintek. Hindi
cologne yon. Alam ko ang amoy na yon. Hmmm, pabling ang doctor na yon.

Sabi sa akin, under observation daw ako at kaya ako di pinapakain dahil
sabi ng dalawang specialist-consultants ko ay baka ako ay operahan.
Ngiiiii.

Binigyan na naman nila ako ng morpina sa sakit.
Para na naman akong hilong talilong. Sabi ng kapatid. Pagkainject sa akin,
tulog daw ako pero ang mata ko nagrorolleyes. Rolleyes. Hehehe

May pumasok. Mga student nurses sila at nakatoka sila sa akin.

Hmm. Kinunan ako ng blood pressure. Sabog ang Cuff. Hehehe. Sabi ko,
ikabit mabuti, paabutin hanggang 200 plus saka bitiwan ang gauge dahil
Kung hindi error ang aabutin nila.

Yong isa manual pulse reading ang gawa tapos i-cocompare niya sa machine.
Siguro kung bibilangin Ko ang tagal nang pagkahawak niya sa aking pulso,
360 ang pulse rate ko. Hahaha

Pero mabait ako sa mga student nurses kasi dalawa sa aking kuting ay
nagtapos ng nursing at dalawang kapatid ko ay narses.

Ang regular nurse ko at tech ay tagal bago dumating pagkatapos kung
pisilin ang call light. Naghehello nga at quick reply pero kung ikaw
ay manganganak, baka lumabas na ang bata at nabinyagan na bago dumating.
Hohoho.

Tinatanong kong nagBM na raw ako. BM yon yong Magbabawas. Sus, ginoo,
paano ako magBBM, eh wala naman akong kinain mahigit 24 hours na.

Kaya pinadalhan nila ako ng late breakfast. Soft diet pa rin. Coffee
na decaf na sumpa man, mas may lasa pa ang sinunog na bigas. Soup na
ang alat. Iced tea na parang matagal nang inulit-ulit na itinubog yong
tsaa.

Apple juice at milk. Lahat talaga liquid.

Sabi noong nurse, how is your breakfast?

Sabi ko Awful. The soup is salty, coffee is bland, iced tea is warm and
milk is milk.

Pero di ko sinabi yon. Sabi ko lang Great sabay tingin sa likod para
magrolleyes.

Yong lunch ay medyo ayos na. Pork chop na maputla ang kulay. Parang
natakot sa multo. Para naman magkakulay pinaligiran ng cherry tomatoes.

Tuwing iinjectionan ako ng pain killer ay nagiging drowsy ako…saka naman
papasok ang mga kukuha ng blood specimen at kung anu-ano pa.

Lintek, di rin ako mapahinga. Pag gising naman ko tiyempo na yong
huling ten minutes ng Law and Order o anumang palabas ang pinanonood ko.
Huwah, hindi ko alam kung sino ang pumatay o kaya
ay kung guilty ng hatol. Istorbo talaga.



Dinner, ah may yellow rice. Pero ang chicken naman ay parang yong
pinaupo sa asin na nakalimutan ang asin. Putla rin. Talagang pagkain
ng mga puti at maysakit. Gusto ko tuloy padalhin ng tuyo ang kapatid ko.

Fasting na naman ako. Dahil kinabukasan, may catscan at liver biopsy ako.

Nasira ang TV. Dumilim. Sabi ko ireport ulit o papalipat ako ng kuwarto.

Pinaysaamerika

4 comments:

  1. ano cath, may nakita ba na pusa sa loob mo?

    ReplyDelete
  2. yey! naalala ko na google account ko. hehe!

    tutal anjan ka sa hospital, chismisan kita. sabi sa radio, yung nag-break na raw si rachelle anne go tsaka si gab valenciano. ang nangyari daw kasi, etong lalaki e sinalubong si babae sa airport somewhere abroad. ang kaso, nakipagpustahan daw si lalaki sa mga kaibigan na salubungin si babae ng naka trench coat lang and nothing else underneath. naasar daw si babae kasi conservative sya. yun na

    ReplyDelete
  3. honey,
    12 days ko pa malalaman. hindi pusa kasi magtataka ang mga tao bakit ako nagkapusa wala naman akong asawang pusa rin. hehehe

    ReplyDelete
  4. honey,
    yan ang missed ko ang mga tsismis.
    pero gulat ako sa revelations ni ping.well expected ko na yon noon pa.

    ReplyDelete