Dear insansapinas,
Sa loob yata ng labinlimang araw, pito ang kausap kong doctor. Hindi naman mga guwapo. Ahahay.
Kaninang umaga, absent ang aking kapatid sa trabaho niya. Appointment ko sa isa kong especialista, gastroenterologist na siyang nagbasa lahat ng mga pinadalang laboratory tests ko noon sa ospital pagdating sa aking lamang loob.
Siya kausap ng doctor, hindi ako makasingit. Muntik na akong sumilbato ng prssst, sandali may mga tanong ako.
So tawag ang specialista doon sa surgeon ko sa hospital. Usap sila sa phone. Pagkatapos sabi, tawag daw ako doon sa surgeon. 'Nak ng pating naman, nag-usap na sila hindi pa sinabi sa akin.
Anyway, yon daw isa kong lamang loob ay tahimik ang mga engkanto. Nandoon sila pero behaved daw. Allleujah. Yong ibang engkanto sa isa kong lamang loob ang pakikialaman ng surgeon kaya kailangang magdecision ako kung ako ba ay magpapahiwa o magtitiis ng bagyo sa aking lamang loob. Hindi ako tumawag pagdating sa bahay. Inuna ko pa ang magbasa ng diyaryo. Ayun may earthquake n naman sa Indonesia.
Pagkagaling sa doctor, niyaya ako ng kapatid ko doon sa buffet restaurant para makalamon. Ah kung di lang masama ang aking pakiramdam, omoo na ako. Saka mula nang malaman kong maraming mercury ang isda at ibang seafood, ayoko na ng Japanese food. Minsan nga nang kumain ako ng seaweed, inilabas ko AS IS. Para bang kumain ako ng plastic na seaweed na hindi na digest.
Kaya take home KFC na lang para makauwi na.
Pero dumaan pa rin ako sa parmasyutika. Ibang kuwento yan. High blood naman ang aking kalaban sa mga
walang kakwenta-kwentang mga customer service,
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment