Tuesday, August 31, 2010

Salawikain -Pag Pera ang Pumasok saiyong bulsa, hahamakin ang lahat huwag lang itong mawala

 Dear insansapinas,


Nang ako ay nasa California, may kaibigan ako na taun-taon yata ay bisita ang mag-asawa galing sa Pinas. Sa Post Opit nagtatrabaho ang aking kaibigan at kung hindi sa kaniyang asawa, marahil ay di sila makakabili ng kanilang bahay. Pati ang kanilang bakasyon ay pinaplano.


Akala ko mayaman ang mga kaibigan niya at can-afford na gawing Divisoria ang US at ang Pinas, taun-taon. Ang sabi sa akin ay sa MWSS daw nagtatrabaho. Ohoy, kaya pala. Pero hindi ko alam na ganoon kalaki ang tinatanggap nila almost equivalent to 37 months. Pati driver may car loan. HANEP. Nanood ako ngayon ng X-MEN, parang gusto kong hiramin ang isa sa mga doon at ipadala diyan sa Pinas. Si STORM kaya. Toink.

Only at MWSS: Even drivers get car loans
Senators learn there’s also gender incentive bonus

Aanuhin pa ang kabayo kung patay na ang damo

Dear insansapinas,

Tama ang pagkasulat, Birhinya. Alam mo naman ako kaliwete, baligtad sa mundo kaya baligtad din ang aking mga sinusulat. Toinkk.


1. Jobert Sucaldito resigns from the Buzz
Unhappy with his “status” on “The Buzz,” showbiz writer Jobert Sucaldito resigned from the showbiz talk show after 11 years.
In his column “Expose” on a local tabloid published Aug. 30, Sucaldito said he felt “unwanted” and “unneeded” since the show reformatted last month.
Late na nga yong reformatting na yan dahil sa kaniya ang daming nawalang revenue ng ABS-CBN; nawala ang highly rated show nila at malakinng kaso pa pag naglaban ang ABS CBN at si Willie Revillame.
Hindi sa kampi ako kay Willie, pero sa mga nakaobserba ngayon, makikita talaga kung sino ang nagdadala ng moolah sa ABS. Hindi si Sucaldito na wala pan g sampung minuto ang participation sa The Buzz.


Sabi nga niya:
He said he felt “little” because “kailangang ipakiusap pa namin ni Kuya Boy na lagi akong isali sa show every Sunday” and “para pahalagahan ng immediate bosses namin.”
Hindi pa ba niya nahahalata yon o nakakapit pa rin siya sa akala niya ay malakas sa administrasyon.




2. Nora lost her voice 

Naniniwala ako na si Nora Aunor ang pinakamagaling na actress sa movie industry. Hindi niya kailangang magsalita para mag-emote. 

Pero hanggang diyan lang ang aking paghanga. Sinisira niya ang kanyang buhay at parang hindi nagreregister sa kaniyang sarili ang mga epekto nito. Sa California ay nagtitiis siyang kumanta sa maliliit na restaurant para lang kumita. Ngayon na meron na siyang papel at maari nang lumipad kahit saan, balik na naman siya sa dati niyang gawi.

Monday, August 30, 2010

Namamasyal pa sa Luneta-Mananahi Ka Lang Part 4

Dear insansapinas,

Namamasyal pa sa Luneta-Mananahi Ka Lang Part 4

Medyo, natagalan ang susunod na kabanata dahil sa Quirino Grandstand incident noong Monday. 


Patuloy ang pag-inog ng globe. Ilang buwan na lang noon at matatapos na ako ng high achool. Ginawa na akong "secretary" ng aking boss na bakla kahit hindi ako marunong magtype. Secretary lang niya ako kuno dahil hindi pala siya marunong magbasa ng English although magaling siyang mag-English ha. Ang mga mananahi doon ay mawala, bumalik. Kasi pag low season noon ay nagtatrabaho rin sila sa ibang designer. 



Si Florencia ay steady lang siya roon. Paminsan-minsan nababanggit niya na marami siyang ipon. Kaya pwede na siyang magtayo ng sarili niyang dress shop. Kaya pag mabait daw ako sa kaniya ay tuturuan niya akong manahi at magtatrabaho ako sa kanya. Hindi ko sinabi sa kaniya na mataas ang ambisyon ko. Kailangan ko ng hagdan, although mahilig din akong manahi at magdesign ng damit. Nagkataon lang na sinamantala ko nang matanggap ako doon para makatulong naman sa aking mader at mga kapatid, kahit na lang sa sarili kong mga pangangailangan.O di va means to an end lang yon, hindi yon ang end. Hindi sa minamata ko ang mga dressmaker pero

sa pamilya kasi kailangan may kuwadrado ka. (diploma). 


Malaking tulong sa akin ang part time job na yon. O sey, di paggusto ko ang sapatos, hindi ko na kailangang manghingi. Kahit ang ginamit ko sa graduation ay ako ang bumili. Sandali, hindi naman ako ang bida rito. Balik.

Leche

Dear insansapinas,

Maraming nag-aakalang ang balita sa Pilipinas ay pinapansin dito sa US. Nagkakamali sila Birhinya. Sa mga TFC subscribers siguro na mga Filipino o yong mahilig magsurf sa internet na mga Pinoy. Ahem. Kung ang mga Puti ang kanilang tinutukoy, wala silang panahon. Marami rin silang problema  dito kagaya ng mga patayan hindi lang isa kung hindi buong miyembro ng pamilya; mga nag-aamok na nawalan ng trabaho; mga istudyanteng nag-aamok dahil sa mga gang. Nandiyan din ang mga produktong nirerecall.
Ang latest ay kalahating bilyong itlog at ilang milyong kilong ground beef.


Kaiba sa Pilipinas, maraming mapagpipilian ditong channels (meron din diyan pero hindi naman lahat nakasubscribe sa cable), kaya hindi lang pwede kang maging kapamilya o kapuso o kapatid o kaklase (oops) kung hindi pwede ka ring maging kasangga, kaaway,etc. etc.


So noong Sabado, sawa na ako sa Law and Order (Burp)  at mga classic movies (napanood ko ulit si Marilyn Monroe sa How To Marry a Millionaire) kaya panood naman ako ng Iron Chef America kung saan ang Fil-am na naging contestant sa Dancing with the Stars, Mark Dacascos ang pumalit kay Takeshi Kaga ang original Chairman ng Iron Chef.


Sa rerun, ang secret ingredient ay leche errm suckling pig na madalas lutuin lang dito na lechon.


photocredit

Noong unang makakain ako ng lechon dito sa States, naawa ako sa baboy, ang liit pa nilechon na. LECHE.
Yon pala ganoon lang kalalaki ang mga lechon dito kasi hindi sa baga niluluto kung hindi sa oven. 


Pero sa Iron Chef America, hindi sila lilitsunin. Kailangan makapagluto ang mga chefs ng iba't ibang recipe na original nila.


So habang nagluluto ang mga chefs, naglalaro naman sa utak ko ang aking mga lulutuin kung ako ang chef.

Sunday, August 29, 2010

ANAL-OH-GEE

Dear insansapinas,

Kailangan siguro ng nag-analyze ng Quirino Grandstand at ng Tiannamen Square magsuot ng invisibility cloak. Nakakahiya eh.  Ang layo ng parallelism. Parang ang isa ay black at ang isa ay white. Liko-liko.


1. Isa ang sa Tsina, ang nampatay ay sira ulo. Yan ang sabi nila. Bigla lang ang pagpatay sa bumabang bus ng isang Filipino executive. May kasalanan ba ang pulis doon o ang opisyal ng gobyerno nila. Wala. Sino ba ang makakasabing ang he-can-not-hurt-a-fly na kaibigan mo o kapitbahay mo ay puwedeng pumatay ng elepante? Di lalo naman ang isang taong nasa gitna ng karamihan at bigla na lang mananaksak. Kagaya rin ng nampatay sa Fort Hood.

Masasabing may pagkukulang ang pulis at tao nila  kung humingi ng tulong sa pulis at walang ginawa pero kahit na yong mga nandoon lang na mga tao ay tumulong sa pag subdue doon sa nag-aamok, ang ibig sabihin, sino ang gustong may mamatay nang ganoon, turista man o hindi.


2. Ang sa Quirino grandstand naman ay maraming tsansa na napigilan ang blood bath kung hindi pinairal ang pulitika at naging available ang mga taong dapat magsolve ng problema. Ang hostage taker ay hindi sira ang ulo. Ang pagpatay niya ay paghihiganti sa ginawa sa kaniyang kapatid maliban pa sa hinihingi niyang reinstatement at ang hindi pakikinig ng mga pulisya sa kaniyang demand. Ang sa Tsina ay galit sa mundo, sa sosayti so kahit sino na pwede niyang patayin. Hindi siya mamimili kung ito ay turista o native.



3. Kahit hindi napigilan ang pagkamatay ng Filipino tourists, naibigay naman ng justice ng hatulan ng kamatayan ang pumatay kahit na ang sabi nila ay maluwag ang turnilyo nito.


Sa Pilipinas at sa US, kahit pumatay ka ng marami, pag nagclaim ka ng insanity ay di ka papatayin, ikukulong ka sa institution  ng mga sira ang ulo.


At bago gawin yan ay marami pang apela ang gagawin ng abugado para lang gawing loko-loko ang hindi naman loko-loko talaga  maisalba lang sa death or life terms ang kliyente.

Saturday, August 28, 2010

Mendicant Mentality and Fault Finding habit Syndrome

Dear insansapinas,

Buwisit ako nang mabasa ko ang panawagan ng isang ina ng dsalawang batang artista na nagkasakit. Humihingi ng tulong para sa pagkakaospital ng kaniyang mga anak. ANG MGA ANAK DAW NIYA ANG BREAD WINNER NG PAMILYA DAHIL HIWALAY SILA NG KANIYANG ASAWA. Duh


Babata pa ginagawa nang siyang responsable sa pamilya. Tapos nagkasakit walang perang nakalaan para sa mga anak samantalang nakabili na raw ng kotse at ng bahay mula sa kita ng mga anak. Sabihin na nating merong opurtunidad na kumita ng malaki at di matanggihan, pero naman, maglaan naman ng para sa pagkakasakit. Nakita natin ang maraming nagkakasakit na artista, namamatay ng mga mahihirap at ni gamot nila hindi makabili. Kailangan pang manghingi sa kapwa. Ubos-ubos biyaya, paglaki o pagtanda  kawawa. Tsssk tsssk.

Fault Finding Syndrome


Di ba ninyo napapansin na may ugali tayong pag tayo ang nasita ay hahalungkatin din natin ang kasalanan ng iba? Eh bakit ikaw, blah blah blah


Ganito ang nangyayari sa ibang bloggers na naghahanap ng masamang ginawa rin ng China sa Pilipinas tungkol sa turista.


Sus Ginoo, kahit naman hindi tungkol sa turista, talaga namang sinicensor ng Tsina ang internet doon, ang balita at ang mga bagay-bagay na ayaw nilang ipaalam sa ibang bansa hindi lang sa Pinas. Tanungin ninyo si Lee.

Friday, August 27, 2010

SWAT na SWAT

Dear insansapinas,

 retratong ninakaw sa pinoy humor.

Iba't ibang meaning ang ibinigay sa SWAT ni Victor Agustin ng Cocktales.


Ito ang eksampel. 

SWAT analysis
IT is not true that P.Noy was missing throughout the hostage crisis; he actually set up a command post nearby, at the Emerald Chinese restaurant in front of the US Embassy, demolishing his SWAT —Siopao With Assorted Tikoy. Even Senate President Juan Ponce Enrile, not a big fan of P.Noy, rallied behind the beleaguered Commander-in-Chief amid the cruel Facebook comments, denying that SWAT, Sorry Wala Akong Training, referred to P.Noy and the Palace boys, but to the police assault team.

Kay Lee,( Oo Birhinya, buhay pa siya. Naitapon siya sa boondocks sa Tsina dahil pataas ng pataas daw ang labor wage sa siyudad. Sa remote areas kasi mura raw ang pasweldo at pag wala talagang makuha, magrerecruit  sila ng mga unggoy na tuturuan nila para sa kanilang pabrika. Ang internet cable nila  ay ginagawang baging ng mga unggoy ) maaring ang meaning ng SWAT ay SWAT talaga. Patay ang aali-aligid na lamok at langaw.




Pinaysaamerika

CSI, NCIS and Bones

Dear insansapinas,

My late  FIL was a pathologist. That's why he was fond of watching detective, crime and mystery suspense thrillers. Sabay kaming nanonood. Naiiling siya pag medyo alam niyang hindi credible ang story. When he was not yet retired, his workplace was the morgue. Napapa-oh really ako noon pag kinukuwento ng biyenan ko na sa morgue sila kumakain habang nagcoconduct siya ng autopsy. Ngiiiii.Pero sabi naman ng aking MIL, mas sanitized daw yon kaysa sa ibang lugar ng ospital. (Gusto ko sanang sabihin, wait 'till you see me cook "dinuguan" and bulalo). hehehe


It is a pity that he was already deceased when there was proliferation of the TV series where the medical examiners/pathologists are the lead stars such as  Dr. Temperance Brennan for Bones,Gil Grissom, Ph.D. for CSI and Donald "Ducky" Mallard (David McCallum) for NCIS.


Meron noong 1970's na si  Dr. Robert Astin for  Quincy, ME. Di ko pa naiintindihan yon.


 Why am I writing  about pathologists or medical examiners? 
Because there was news that Hongkong is conducting their own forensic examination on the victims of the Quirino Grandstand carnage.


Here are the excerpts of the news:
Dr. Raquel Fortun, one of the country’s leading forensic pathologists, warned Friday that local authorities were bound to embarrass themselves even more when they officially present their forensic findings on the incident to Hong Kong authorities.
“How can we now sit down with them with our findings pitted against theirs when our examination was limited and haphazardly done or not at par with international standards,” she told the Inquirer. “What a shame.”
The Hong Kong coroner earlier ordered an autopsy on the bodies flown from Manila the day after the bungled operation.
Ito obserbasyon ko rin. Pagkatapos mabaril ang hostage taker, ang daming uzis. O di va parang perya. Kulang na lang ay may magtinda ng balut at mani.

Thursday, August 26, 2010

Tubig at Baha

Dear insansapinas,


Binaha ang Maynila, wala namang bagyo. Baka maraming umiyak. Tsssk tsssk
Dito naman sa amin nawalanng tubig. Kagabi pinuno ko yong foldable naming plastic container ng tubig. Ang bigaaaaat. Leche...plan. Iniwanan ko sa bath tub.


Kinabukasang maaga, inilipat ng kapatid ko sa sink dahil ginamit niya ang bath tub nang siya ay magshower. Di na niya ibinalik sa bath tub dahil baka gamitin ko.


Balik siya ng pasado alas ocho. May naiwan yata. Pagkaalis niya, pumasok ako sa bathroom. Wala na ang plastic water container sa sink. Nasa tabi ng pinto ng linen/towel closets na malayo sa sink. Hmmm, inilipat siguro ng kapatid ko. Pero bakit naman niya ililipat?


Pagdating niya kinagabihan, tinanong ko kung ibinababa niya ang plastic water container (meron ito parang gripo). Sabi niya hindi.


Iniisip ko tuloy kong nahulog (pero hindi naman sumabog at nakatayo naman. Walang basa sa paligid nito). O kaya tinawag niya si Scotty at sinabing Beam me down Scotty.

Marilyn Monroe and the Rocket Scientist

Dear insansapinas,

Hindi pa ako nakapanood ng movie ni Marilyn Monroe ng buo. Every time may sisimulan ako, hindi ko natatapos. Pinanood ko noon ang Niagara , nakatulugan ko. Siguro dahil suspense thriller pero slow ang pacing na sa akin na nasanay sa mga pelikula ngayon na panay ang takbuhan at liparan at talunan, nakakantok ang pelikula. Isa pa hindi ko naman kilala ang katambal niya doon. Ikalawa ay ang Seven Year's Itch na isang romantic-comedy. May bisita akong dumating sa kalagitnaan ng movie.


Kahapon, nanonood ako ng isa pang pelikula ni Marliyn at ni Lawrence Olivier, The Prince and the Showgirl. Hindi ko pa nakita sa pelikula itong si Lawrence Olivier, siguro nakita ko na pero hindi ko kilala.


 Noon ko narealize na magaling sa comedy si Marilyn Monroe. Para siyang si Fran Drescher siyempre na may pagkanaive o tanga.


Bago mangahalatian ang movie, tumunog ang phone. As usual hindi ko natapos ang movie.


Pero hindi man ako movie expert na may karapatang gumawa ng review, alam ko naman na imposible yong tatlong araw na parehong damit ang suot ni Marilyn Monroe. Unang gabi, nalasing na siya at nakatulog sa carpet. Pag gising niya, yon pa rin ang kaniyang buhok at damit. Yong isang sleeve ay nakataas. Ikalawang gabi, umattend pa siya ng party. Maraming robe changes yong prince pero siya, pati yata underwear, walang palitan. Hindi sya umuwi ng bahay niya eh. Hindi naman  siya binilhan habang nasa embassy siya.


Pero ano ba talaga at pati si Marilyn ay pinakikialaman ko. Ano nga ba Ateh?


Kasi sabi ko nga, hindi mo kaialangang maging expert moview reviewer para makita ng flaw ng pelikula and you do not have to be a rocket scientist to know that a rocket is a rocket and not an airplane sa sagot ko sa isa sa aking paboritong kapingkian ng utak (maliit nga lang ang utak ko) na all of a sudden daw lahat naging expert sa hostage situations ang marami kaya maraming nagsusulat tungkol sa nangyari noong Monday.


Sa akin hindi naman kailangang maging expert ka na mali talaga ang maggamit ng tear gas kung wala kang gas mask. 

Wednesday, August 25, 2010

BLACKOUT

Dear insansapinas,

One thing I appreciate with internet is the archiving of news and events.


I suggest that people who hold positions in the government and organizations should check the archives before they issue statements.


KBP on News Blackout


Don’t blame media
The Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) or Association of Broadcasters of the Philippines on Tuesday said the media should not be placed in a bad light with how Monday's hostage-taking incident ended. KBP president Herman Basbaño said the media should not be blamed for airing blow-by-blow coverage of the hostage-taking incident since it is merely performing its duty to keep the public informed.


He maintained that the media cannot be prevented from covering newsworthy events like the hostage-taking the other day since media blackout will be a violation of the public's right to know.


“The media was just doing its job in line with the public's right to information. No body from the media can just put to halt their coverage especially if the incident is transpiring right before them, or even if it is something that will be damaging to the image of the country," he said.


OW?

Nagbibiro yata siya. Dahil kung chineck niya itong balita tungkol kay Ces Drilon na ABS CBN broadcast executive na nakidnap ng ASG, nagkaroon ng power outage errm news blackout noon.


The biggest story last Monday did not appear on INQUIRER.net or the pages of its parent company , the Philippine Daily Inquirer. Other major news groups -- print, broadcast, online media -- didn’t carry the story either.


Broadcasting giant ABS-CBN maintained it had good reason to ask media outfits to hold the story on the alleged abduction of its senior correspondent Ces Oreña-Drilon in Sulu by armed men said to be members of the Abu Sayyaf group.


“The request was made primarily for the security and safety of Ces and her companions. At that time (Monday), we did not know what their situation was. We don’t want to speculate on any information that would jeopardize their safety,” said Bong Osorio, ABS-CBN head of corporate communications.

Pinaysaamerika
.

Heartburn and Hostage Taking Snafu

Dear insansapinas,
Lumalala ang aking heartburn sa pagbabasa ng mga articles sa dayaryo, forums at mga blogs tungkol sa Quirino Grandstand Hostage Taking Snafu.


Pero ito ang talagang umakyat ang asido sa aking lalamunan.
Nakapaskel sa ravenrepublic , kailangang takpan ko ang mga mukha ng mga "turistang" nagpakakodak sa Quirino Grandstand kung saan namatay ang mga hostages at hostage tsker na si Mendoza.

Parang malaking achievement yong magparetrato sa lugar kung kaya ang ating bansa ay naging sentro ng galit ng mga taga Hongkong.


Nanawagan tuloy si Lacierda na huwag gawing tourist attraction ang lugar.

Nakasmile pa ang mga hunghang.




Alam ba ng parents ninyo na naglalakwatsa kayo.
Para ba sa forensic evidence ito?



photocredit

Ito pa ang isa mga comments na nagpataas naman ng aking blood pressure.


napanood namin d2 sa europe ung hostage..it seems na wala namang sinaktan ung hostage taker,dapat magsalita ung mga Chinese kong may sinaktan ba cla...(me: Paanong magsasalita ang mga yon ay patay na, sus naman)

yes, may exchange fire kaya may tama ng bala ung ibang hostage,at namatay ung iba dhil na sofocate,dba?

(me: hindi sila nakahinga noong tamaan sila ng bala, toink


Tuesday, August 24, 2010

In Defense of Venus Raj

Dear insansapinas,
Sabi ng marami, kung hindi raw doon sa question and answer, pwedeng nanalo si Venus. Sabi ko naman hindi.


Kahit di ko gamitin ang aking third eye, yong first eye pa lang, alam ko ng runner-up lang siya.


Ito ang mga scores noong lima:


1. Ukraine
Swimsuit competition scores  8.333
Evening Gown 8.74
Average : 8.5383
2. Mexico 


Swimsuit competition scores 9.265
Evening Gown  8.913
Average: 9.089


3. Australia 

Swimsuit competion scores 8.543
Evening Gown 8.841

Average: 8.692
4 Jamaica

Swimsuit  competition scores 9.426
Evening Gown 8.884
Average = 9.155
5.Philippines

Swimsuit  competition scores 8.957
 Evening Gown competition 8.714
 Average  8.835

Yong Jamaica ang malaki ang disappointment. 


Ang ibig sabihin siguro ni Venus ay sa edad niyang 22, wala siyang malaking problema na  naging sanhi ng isang pagkakamaling kailangan niyang ayusin dahil sa pagmamahal ng kaniyang pamilya.


At maaring tama siya dahil kahit na lumaki siyang mahirap ay nakapagtapos siya ng kolehiyo ay nagsikap siyang matamo ang kaniyang pangarap.


Kay William Baldwin na sanay sa kultura ng Puti na preteener pa lang ay marami ng pagkakamali sa buhay dahil sa hindi sila masyadong kontrolado ng magulang, hindi niya ito mapapaniwalaan.


Ang mga namimintas kay Venus Raj ay dapat naappreciate na siya lang ang Asian na nakasama sa finalists at sa kaunting panahon ng paghahanda ay nakipaglaban sa 82 contestants.


Aanuhin mo ang ismarte ngang kandidata kung hindi man lang umabot sa 15 semi-finalists. 


Pinaysaamerika

Monday, August 23, 2010

Miss Universe 2010 is Miss Mexico

 Dear insansapinas,
The Miss Universe for 2010 is....Miss Mexico


First Runner up is...Miss Jamaica


Second Runner Up is Miss Australia


Third Runner Up is  Miss Ukraine

Fourth Runner Up - Miss Philippines  


See my live blogging from swimsuit competition to

The Top Five 

Miss Mexico
Miss Australia
Miss Jamaica
Miss Ukraine
Miss Philippines 

Sa question and answer lang yata mababa si Venus Raj. Pero okay na rin yang accomplishments niya. Kung hindi siya natuloy baka isa sa thank you girls lang ang ating kandidata. 


Pinaysaamerika

Miss Universe Pageant 2010

 Dear insansapinas,

LIVE BLOGGING of the MISS UNIVERSE PAGEANT 2010 from Las Vegas.

The last name to be called as semi-finalist is Venus Raj, the Miss Philippines


The Semi Finalists and Swimsuit Competition Scores
1. Puerto Rico 8.443

2. Ukraine  8.333


3. Mexico  9.265

4. Belgium  7.571

5. Ireland 8.784

6. South Africa 8.229

7. France 7.586

8. Australia  8.543

9 Jamaica 9.426

10. Russia  7.843

11. Albania 8.229

12. Columbia 7.643

13. Guatemala 8.071

14.Czech Republic  7.429


15.Philippines 8.957

Top Ten in the Swimsuit Competition and Evening Gown Scores


1. Miss Ireland 8.548
2. Miss Albania 8.693
3. Miss Philippines 8.714
4. Miss Jamaica 8.884
5. Miss Mexico 8.913
6. Miss Ukraine  8.743
7. Miss Puerto Rico 7.971
8. Miss South Africa 8.420
9. Miss Guatemala 8.286
10. Miss Australia 8.841

Miss Congeniality is Miss Australia.  and the Winner of Miss Photogenic is Miss Thailand.

The National Costume Award was also awarded to Miss Thailand.


The Top Five 
Miss Mexico
Miss Australia
Miss Jamaica
Miss Ukraine
Miss Philippines




I just sensed that the hosts have a tinge of sarcasm on the response of Venus Raj.


The strongest candidate is Miss Jamaica and Miss Mexico. 



Pinaysaamerika

Hostage Drama

Dear insansapinas,
Update, 8:24,2010: Please read the statement of President Aquino on this hostage taking incident at the Quirino Grandstand  hours after it culminated to bloodbath


I did not go back to bed when I read the news about the hostage drama in the Philippines from the live coverage of CNN.
I was waiting for the outcome. It lasted for ten hours and ended with the death of the hostage taker and some of the hostages.


MANILA, Philippines –  It’s over. The hostage crisis that gripped the world for at least 10 hours Monday ended with at least three people killed, including the hostage-taker, and 17 survivors, according to reports culled by INQUIRER.net.
The body of dismissed Senior Inspector Rolando Mendoza was recovered inside the tourist bus that he took over in Manila about 9 a.m. He was taken to Ospital ng Maynila. Also taken to the same hospital were seven of the hostages, five of who are alive and two dead.
What went wrong in the negotiation? 


Desperate people resort to desperate move--to kill or be killed.
The Hong Kong consulate requested to make the safety of the hostage, the priority. 


In the US, some people went berserk and killed as many as their co-employees when they were dismissed . How much more if you are a person who thought that there was injustice in your discharge and you are  deprived of receiving your pension and retirement benefits?


Isipin mo ang taong may hawak ng baril at nakatutok sa ibang tao at sabihin mo sa kaniyang hindi maibibigay saiyo ang iyong hinihingi. Anong ginawa mo sa tao...Desperado. Suicidal. Parang sinabi mong kalabitin mo na, hindi ko pwedeng ibigay ang hinihingi mo.  I know it is difficult to promise something that has to be decided not only by one person and there were criminal cases against him  but given the choice between life and death, what will a negotiator choose at this moment? The brother did not help by saying walang pag-asa kahit na totoo ang sinasabi niya.


Kaya nga dapat trained ang negotiator. Yong hindi mag-aagravate ng situation
I do not think he was unstable. The mere fact that he released the children and those who have health issues, I believed  he had no intention to kill people at first and he was hopeful that something good would come out from what he did. He was wrong.Hindi siya pinagbigyan ng mag-air ng grievance sa media? When his request for reinstatement was nixed by the Ombudsman ( sabi nga ni Angela kahit man lang sana pinagbigyan na) and then he saw his brother and son being arrested, he might have believed that he was at the point of no return. I know authorities are thinking of the consequence that people will resort to hostage taking to make demands in the future.


Whether he was aggrieved or not, he had no right to take other people's lives. But this time, his mind was already clouded.Wala ba silang psychologist na nandoon para maassess na kung anong stage na siya ng pagiging hopeless?

So what if people lied to break the tension and saved several lives in the process. Eddie Murphy did that in a movie where there was hostage-taking when  he lied about his gun and the requests. It is a movie but somehow we can pick up something from the scene which is also discussed in this article, Guide to Crisis Negotiation where it is emphasized that for a negotiation to be successful, the negotiator should come from the police, a trained one. The place should be secured. Why was there a a ten-year old casualty who was not a hostage? An Uzi? Bakit nakikita ng hostage taker kung anong ginagawa sa kapatid niya ng mga police.

The Graduate- Mananahi Ka Lang Part 3

Dear insansapinas,
The Graduate- Mananahi Ka Lang Part 3


Isang araw ay masayang masaya si Florencia. Maghahalf-day daw siya at inimbita rin ako sa bahay nila. May celebration. Tinanong ko kung sino ay may birthday. Sabi niya surprise. Oke.


Bakasyon ang iskuwela kaya pumunta naman ako. Wala namang tao kung hindi siya, at mag-inang kasama niya sa bahay. may pancit, may litson, may fried chicken at may cake na may congratulations. Baka hindi pa lang dumarating ang mga bisita. 


Pero walang bisitang dumating.


Binigyan niya ako ng pinggan at inumin.


Sandali ko lang naubos ang litson na nakuha ko lamesa. Sinunod ko naman ang fried chicken. Huli ang pancit dahil long life daw yon kahit na pinaputol-putol. 


Masama ang tingin ko sa cake. Intense. Kulang na lang na malusaw ang icing. Kung may kandila yon, baka nagsindi. 

Sunday, August 22, 2010

Coco Banana Kaloka Talaga

Dear insansapinas,


Kalokah Mamah. Akala ko ako lang ang mataray pag nagtuturo, yon pala may mas mataray sa akin. Kasi ako sa klase, binibigyan ko ng unan ang inaantok habang ako ay naglelecture o pinatatalon ko ng ilang beses. yuk yuk yuk


Correction, sa akin mataray, ito ay medyo walang finesse. Dati pa naman siyang nasa media. Kanino siya nagmana?
Update: Coco apologized
"Ako ay sobrang hiya sa sarili ko sa ginawa ko nuong Friday sa media. Hindi lang paliwanag kundi apology. Very deep apology. Over ang ginawa ko. Naiintindihan naman nila na I was trying to arrange it for them na para ayos at organized ang press briefing," she said in an interview with Ted Failon.
Rule number 1. Tawagin sa pangalan ang mga taong kausap. Kung hindi alam, eh di tanungin o kaya tingnan kung may name badge na Hi, I am... hindi yong, the guy in fuschia something something.



 Rule number 2  Magdala ng isang sakong pasensiya kapag kaharap ay may dalang camera.

Salbahe yong isang cameraman, FINOCUS YONG MALAKI NIYANG TAGIHAWAT SA PISNGI. BAWAWAWA.

Rule number 3 Huwag tratuhing parang kindergarten ang mga media people. Hindi lang ABC ang sinusulat niyan, pati F#CK U.

May dahilan naman siya kung bakit gusto niyang sa isang sulok lang pumuwesto ang mga reporter para raw maganda ang angle. Anong angle?


Pwede niyang sabihin yon pero BIRHINYA, sabihin mo naman sa magandang paraan, huwag yong gagawin mong parang bata ang mga reporters na mayroon ka pang kunwari hearing impaired ka na hindi mo marinig ang sagot nila. Buti hindi pinaulit-uli.  (PAKISAMPAL NGA AKO. Sayang wala na si Lee, pinagbawalan na ng mga Singkit na makapuslit sa cyberspace).

Rule number 4.  Huwag ibubunton ang init ng ulo sa ibang tao. Nagtatrabaho din ang mga yan. Umiinit din ang ulo ng mga iyan lalo kung makulit. Umiinit tuloy ang ulo ko.
 

Naalala ko tuloy yong Presidente naman na pinagtatawanan ako dahil tingin ako sa kaliwa, tingin ako sa kanan para sumagot sa mga tanong noong meron kaming university council meeting at pinagtatanggol ko ang Accountancy curriculum. Para raw akong si Kiko.


Eh tiningnan ko naman siya, mukha naman siyang may stiff neck habang nakatingin lang siya sa gitna samantalang ang nagtatanong naman ay nasa kaliwa. BWAHAHA.


Inggit lang siya kako kasi kahit saang anggulo, maganda ako. ARAY. Sinong nambatok at nagpatay ang ilaw.

The Taxman

 Dear insansapinas,
 photocredit:MSNBC
Akala ko, nakakatawa na ang planong pagisyuhin ng recibo ang mga maliliit na negosyo na sa kaliitan, baka mas malaki pa ang magastos sa recibo. Oo Birhinya, kailangan nilang magpaimprinta ng recibo na patatakan sa BIR. hindi naman pwedeng isang recibo lang yon. Ano kamo, may mabibiling mga recibo sa bookstore? Eh di parang walang effect din yon dahil wala yong carbon copy na maiiwan para sa file ng taxpayer at hindi yon prenumbered.


Pero mas nakakatawa naman itong balita.

BAGUIO CITY—It could only happen in the Philippines.
The Bureau of Internal Revenue
(BIR) wants to collect P212.67 from a mayoral candidate here, who spent P200 in the May elections.
“I have two options—wait for the BIR to sue me or simply pay them,” said Peter Puzon, one of nine mayoralty candidates here.
“But as a concerned poor citizen, I’d better pay up because the [BIR] might not be able to collect millions of pesos in withholding tax from other candidates who underreported their campaign expenses,” he said.
Dahil malabo nga ang aking mata, tiningnan ko ulit, Php 200 ba or 200,000?  Two hundred pesoses, Virginia. Kulang pang pambili ng lechon manok.

 Anak ng Huwe, malaki pa ang nagastos pagprepare ng sulat nito kaysa sa tax. O diva. May naghanap ng data, may nagtype na siyempre bayad kada araw at may papel na ginamit, ink ng printer. blah blah blah.

Aba eh kung buntis ako baka nanganak ako ng wala sa oras dahil gustong lumabas ang bata para masabing. DUH.

Pinaysaamerika 

Saturday, August 21, 2010

Miss Universe Philippines Venus Raj

Dear insansapinas,
Ma. Venus Raj is one of the favorite contenders for the Miss Universe title this coming August 23, to be held in Mandalay Hotel, Las Vegas. Suportado siya ng mga Pinoy.
22 year- old Maria Venus Raj won the prized Miss Philippines Universe 2010 crown, only to to be dethroned due to controversies surrounding her birth certificate. However, Venus didn’t give up hope, and after fighting for her crown, she was finally reinstated it a few weeks later. Despite hardships, she has turned out strong and this makes her a favorite at the Miss Universe pageant this year.
Pero ano ta ang national costume niya, bakong Filipino couturier ang guminibo saka barita na sinuble lang ang mga bado niya. Gabos bang contestant, ginibuhan ning national costume ning Columbian designer? palagay ko dae. Siguro mayong nagibo saiya ta bako siyang hale sa mga pamilyang may sinasabi.



SPEAK ENGLISH PLEASE. HABO, TSE NIYO. Sana manalo si Venus Raj.

Pinaysaamerika 

Fiipino Madoff and Lottery Scam

Dear insansapinas,

Ang edukasyon ay hindi garantiya na ang tao ay hindi manloloko. Tingnan nnyo ang nangyari sa Citibank, Binondo kung saan ang isang tapos sa private Catholic school at UP ay nanloko ng maraming Tsinoy na nagtiwala sa reputasyon ng bangko at nasabing executive.


Naglahong parang bula si Bryan Ang, vice president ng Citibank, isang higanteng dayuhang bangko sa Binondo branch.
Nagtatrabaho si Bryan bilang opisyal ng Citigold Wealth Management kung saan karamihan sa mga kliyente ay ang mga Tsinoy.
Hawak niya ang mga eksklusibong kliyente na may mga depositong hindi bababa sa P4 milyon.
Ayon sa Web site ng Citibank, mga eksperto ang namamahala rito pero lumilitaw na marami ang naloko ni Ang.
Nitong Agosto, nadiskubreng daang milyong piso ang nadispalko umano ni Bryan Ang.
Sa affidavit na ibinigay sa ABS-CBN News ng isang Citibank depositor, higit P10 milyon ang nawala sa kanyang time deposit.
Napeke umano ni Bryan ang pirma ng kliyente. Binago rin daw ang address para hindi makarating sa kanya ang mga bank statements.
Ayon sa Citibank, nangako si Ang nang mas mataas na interes sa aktwal na interes ng bangko at nagbigay sa mga kliyente ng matataas na referral fee na hindi ibinibigay ng Citibank.
Ayon pa sa ilang source sa bangko, naging maluho ang pamumuhay ni Ang.
Linggu-linggo, iba-ibang mamahaling relo ang kanyang suot. Katunayan, binayaran niya mula sa account ng isang kliyente ang isang mamahaling relo na nabili mula sa Lucerne, tindahan ng mamahaling relo.
Si Ang ay panganay na anak ni Manila Councilor Bernie Ang.
 Hindi siya pwedeng lumipad sa US. Pwede siyang pabalikin sa Pinas pag siya ay nahuli. Lintek kasing relos yan. Bakit di na lang magtiyaga sa ROLLEX na di pukpok. Ganoon yong relos ko noon. spelled with double L. hehehe . 

Ang problema pag may naghire ng bounty  hunter. Kahit magtago pa siya sa kabukiran, mahuhuli pa rin siya.

Kaya nga ba noong minsan na hindi ko natanggap ang aking bank statement at tumawag ako sa bangko at nalaman kong may nagrequest ng change of address para sa akin, muntik ng sumabog ang bombilya sa aking ulo sa galit. Biruin mo, may deposito pa naman ako sa kanila ng $ 15. Aroroy.

Naisip ko tuloy ang lola ko noon kung saan tinatali niya ang kanyang pera sa tuhod. OO Birhinya, tinatalian niya ang tuhod niya ng may mga kung anu anong dahon para sa kaniyang arthritis at may isa pang tali para naman sa kaniyang mga kuarteses. Nang minsang pinasok sila ng magnanakaw (sila lang ang may tindahan sa islang yaon sa Bicol), walang nakuhang pera ang mga mandarambong. Sabi ng lola ko namili raw kasi siya sa kabilang ibayo. Nang pinatayo siya, sabi niya may arthritis siya. 

Lottery Scam

Sa Virginia, USA naman ay may lottery scam. Ito ang modus operandi nila.

If a couple of strangers outside a convenience store tell you they've just hit the lottery and that they're willing to split the pot with you, you're either having a really awesome day or you're the latest target in a scam making the rounds in Fairfax County.

Friday, August 20, 2010

Benigno Aquino Jr. and my friend

  Dear insansapinas,

Every August 21, I like to remember Ninoy Aquino by reposting this story. Believe it or not, kebs ko. 


BENIGNO AQUINO, JR. AND MY FRIEND'S NEAR DEATH EXPERIENCE

My friend was a co-faculty member in the Graduate School. He handled Organization and Management as well As Human Behavior in Organization subjects. A scholar since grade school, he finished his college and masteral with distinct honors from a prestigious sectarian university in the South. Employed as a Manager in HR Department of a chain of hotels when he had the amazing near death experience, his job descriptions included trouble shooting between management and the union.

That fatal day, after a long hours of negotiations and renegotiations, he was just happy to drive home and take a hot shower.

He was about to board his car when he felt something on his chin, No pain, but it came later as blood gushed like a busted fire hydrant. He got shot . No one dared to come near him. They did not see the assassin. He did not know how long he had been there, lying in a pool of blood. The bullet was the type that explodes inside the skin. The ambulance came; so were the kibitzers. The nearest hospital was a government hospital where despite the lack of medical supplies to handle such kind of operation, the doctors did their best to save his life. Time was running out and he was losing a lot of blood.

After six hours of operation, the doctor assured the family that he would pull through.
He lived but there was a need for him to go to the United States for reconstructive surgery. The bullets shattered his chin. His jawbone was no longer there.

Through the help of relatives and friends, he was brought to the US for the much needed surgery. The operation entailed sawing off a portion of his skull in order to get a bone for his mandible.
During the process, he flatlined.


“ I felt myself floating in that room. I can hear the frantic conversations of the doctors and nurses. They were trying to revive me. I felt light and could see the medical team working on a body that seemed to be mine”.
"In that unconscious state, I saw a very familiar figure, dressed in white. He seemed to be floating too since we were looking down on the doctors and nurses."
"He did not talk; he was just smiling. I never expected him to be a member of a reception committee”"
"Then I heard a voice. He’s back. "



For years, he had this puzzle to himself. He was no way connected or have met Benigno Aquino, Jr.
The dean of the Graduate School advised him to consult me. He believed in me when I identified who was haunting the resort where we stayed for our conference.


Though, he was skeptical, he approached me. After relating the story, he asked me for an explanation.
I said, " It must be because it was August 21." The answer just came out of the blue.
"Acceptable, but how did you know it was August 21?" he asked.
I did not know either, I told myself. I shrugged my shoulders in response.


Fake Filipino-Owned Nursing School in Los Angeles









My nurses-friends asked my assistance in preparing the curriculum for nursing starting with the Certificate for Nursing Assistant with the goal to offer LVN/LPN  that would prepare them to go the higher Nursing program.

Many doubted my capability to have the program approved for accreditation for licensing. Ilang buwan nga lang naman ako sa States. It took us more than a year to finally put up the school. The curriculum, syllabi and manuals were subjected to close scrutiny by the board. The syllabi were even tested to some nursing instructors for evaluation.


After the school was approved for the CNA program, the  next curriculum I prepared  was the licensed vocational nurse (which now is no longer in demand since the law required a registered nurse to comply with the nurse-patient ratio). 


The nursing subjects alone could not be offered all in two years. SO PAANONG MA-IOOFFER ang Bachelor's degree ng Nursing in two years  where General Education subjects have to be incorporated in the program to be considered a degree. Even those with college degrees other than nursing who decoded for a career change will not be able to finish it in two years on a part time basis.


Besides, my suggested tuition fee was too high for many students and the profit was not  enough to attain the targeted ROI, simply because the instructors also receive higher pay.The place needed renovation to comply with the agency's specifications on school facilities offering this kind of program i.e. library, laboratory and safety.

Pagkatapos makatulong, naitsapwera ako. Arghhh  So pinabayaan ko na silang magpatuloy. At least legitimate sila.










Attorney General Edmund G. Brown Jr. announced Wednesday a $500,000 settlement with the operator of a sham nursing school in Los Angeles that created "the illusion it was training future nurses" by pretending to offer an accredited nursing program and tricking graduates into believing they had qualified to become registered nurses.
As many as 300 students paid $20,000 each to enroll and attend classes at RN Learning Center, which advertised its fast-track program for earning a bachelor of science degree in nursing in less than two years.

Buwaya as Madam Auring

 Dear insansapinas,

Akala ko sa Pinas lang maraming naniniwala sa manghuhula. Kahit sa ibang bansa pala.  Ang kaibahan,sa Pinas ang mga nanghuhulang mananalo sa election ay mga tao as in Madam Auring at ibpa.  Sa Australia ay BUWAYA. Tuk mo yon? 
Sa Pilipinas ang mga buwaya ay hindi manghuhula kung hindi ang mga pulitiko. Ahahay, Batu-bato sa langit, pag may tinamaan, sapul.
DARWIN, Australia — A crocodile that picked the winner of the soccer World Cup has predicted Australian Prime Minister Julia Gillard will be re-elected.
The saltwater croc named Dirty Harry made his choice Thursday in his enclosure in the northern city of Darwin when he snatched a chicken carcass dangling beneath a caricature of Gillard. Opposition leader Tony Abbott's chicken was left hanging.

Pinaysaamerika 

Thursday, August 19, 2010

Retirement Benefits

 Dear insansapinas,

Nang umuwi ako noong Febrero sa Pilipinas, nagulat ako nang malaman kong ang aking dating mga faculty staff ay mayroon ng retirement benefits. Wala pa silang 60 o 50 man lang. Yon pala ay inavail nila ang early retirement benefits ng GSIS. Karamihan sa kanila nagrereklamo dahil malaki ang bawas ng kanilang benefits kasi binawas ang loan na kinuha nila kahit bayad na ito. Para hindi na lang mamatay sa high blood, pinagtiyagaan na nilang tanggapin.


Covered ako ng GSIS at SSS dahil kahit government employee ako ay nagtuturo rin ako sa private universities. Akala ko walang problema ang SSS, mas malaki pala. Ngayon alam ko na ang mga problema sakaling mag-aapply ako ng mga benefits na ito.

Ang mga pating  at siyokoy na mga yan, pera muna ipinagkakait pa saiyo.

Nang mamatay ang aking ama noon, may nakuha kami sa SSS na siyang pinambili namin ng jeep na pamasada. Baka naman ang makuha ko ay di pa pwedeng pambili ng bisikleta.

Migrant retirees have problems with SSS and GSIS pensions


CALIFORNIA, United States—An immigrant residing in California recently contacted our office to express her disgust over her inability to obtain her retirement benefits from the Social Security System. Her letter reads: