Dear insansapinas,
Maraming nag-aakalang ang balita sa Pilipinas ay pinapansin dito sa US. Nagkakamali sila Birhinya. Sa mga TFC subscribers siguro na mga Filipino o yong mahilig magsurf sa internet na mga Pinoy. Ahem. Kung ang mga Puti ang kanilang tinutukoy, wala silang panahon. Marami rin silang problema dito kagaya ng mga patayan hindi lang isa kung hindi buong miyembro ng pamilya; mga nag-aamok na nawalan ng trabaho; mga istudyanteng nag-aamok dahil sa mga gang. Nandiyan din ang mga produktong nirerecall.
Ang latest ay kalahating bilyong itlog at ilang milyong kilong ground beef.
Kaiba sa Pilipinas, maraming mapagpipilian ditong channels (meron din diyan pero hindi naman lahat nakasubscribe sa cable), kaya hindi lang pwede kang maging kapamilya o kapuso o kapatid o kaklase (oops) kung hindi pwede ka ring maging kasangga, kaaway,etc. etc.
So noong Sabado, sawa na ako sa Law and Order (Burp) at mga classic movies (napanood ko ulit si Marilyn Monroe sa How To Marry a Millionaire) kaya panood naman ako ng Iron Chef America kung saan ang Fil-am na naging contestant sa Dancing with the Stars, Mark Dacascos ang pumalit kay Takeshi Kaga ang original Chairman ng Iron Chef.
Sa rerun, ang secret ingredient ay leche errm suckling pig na madalas lutuin lang dito na lechon.
photocredit
Noong unang makakain ako ng lechon dito sa States, naawa ako sa baboy, ang liit pa nilechon na. LECHE.
Yon pala ganoon lang kalalaki ang mga lechon dito kasi hindi sa baga niluluto kung hindi sa oven.
Pero sa Iron Chef America, hindi sila lilitsunin. Kailangan makapagluto ang mga chefs ng iba't ibang recipe na original nila.
So habang nagluluto ang mga chefs, naglalaro naman sa utak ko ang aking mga lulutuin kung ako ang chef.
1. adobo (uso rin ito sa Hispanic communities)
2. yong tainga, lulutuin ko at lalagyan ko ng bawang, vinegar at clack pepper
3. yong pork shoulder, lulutuin ko sa black beans
etcetera, etcetera.
Pero kakainin ko salmon. Bawal ang cholesterol. Leche na lechon yan.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment