Tuesday, August 24, 2010

In Defense of Venus Raj

Dear insansapinas,
Sabi ng marami, kung hindi raw doon sa question and answer, pwedeng nanalo si Venus. Sabi ko naman hindi.


Kahit di ko gamitin ang aking third eye, yong first eye pa lang, alam ko ng runner-up lang siya.


Ito ang mga scores noong lima:


1. Ukraine
Swimsuit competition scores  8.333
Evening Gown 8.74
Average : 8.5383
2. Mexico 


Swimsuit competition scores 9.265
Evening Gown  8.913
Average: 9.089


3. Australia 

Swimsuit competion scores 8.543
Evening Gown 8.841

Average: 8.692
4 Jamaica

Swimsuit  competition scores 9.426
Evening Gown 8.884
Average = 9.155
5.Philippines

Swimsuit  competition scores 8.957
 Evening Gown competition 8.714
 Average  8.835

Yong Jamaica ang malaki ang disappointment. 


Ang ibig sabihin siguro ni Venus ay sa edad niyang 22, wala siyang malaking problema na  naging sanhi ng isang pagkakamaling kailangan niyang ayusin dahil sa pagmamahal ng kaniyang pamilya.


At maaring tama siya dahil kahit na lumaki siyang mahirap ay nakapagtapos siya ng kolehiyo ay nagsikap siyang matamo ang kaniyang pangarap.


Kay William Baldwin na sanay sa kultura ng Puti na preteener pa lang ay marami ng pagkakamali sa buhay dahil sa hindi sila masyadong kontrolado ng magulang, hindi niya ito mapapaniwalaan.


Ang mga namimintas kay Venus Raj ay dapat naappreciate na siya lang ang Asian na nakasama sa finalists at sa kaunting panahon ng paghahanda ay nakipaglaban sa 82 contestants.


Aanuhin mo ang ismarte ngang kandidata kung hindi man lang umabot sa 15 semi-finalists. 


Pinaysaamerika

2 comments:

  1. anonabeh3:32 AM

    eh ano naman kasi kung talagang feeling ni venus walang ngang "major major " mali sa kanyang buhay ..tingin ok lang yung sagot nya; she chose to appreciate the blessings. and she delivered it with more confidence than margie moran did hers.

    ReplyDelete
  2. ibang puti crinicriticize bakit tinawag na sir si baldwin ni venus.

    di nila alam, dito sa pinas pag nakakatanda saiyo o mas mataas ang puwesto, tinatawg na sir.

    sa states kasi imbes na sir, ay yong last name lang ang tawag or if ever, Mr. or miss so and so.

    ReplyDelete