Saturday, August 21, 2010

Fiipino Madoff and Lottery Scam

Dear insansapinas,

Ang edukasyon ay hindi garantiya na ang tao ay hindi manloloko. Tingnan nnyo ang nangyari sa Citibank, Binondo kung saan ang isang tapos sa private Catholic school at UP ay nanloko ng maraming Tsinoy na nagtiwala sa reputasyon ng bangko at nasabing executive.


Naglahong parang bula si Bryan Ang, vice president ng Citibank, isang higanteng dayuhang bangko sa Binondo branch.
Nagtatrabaho si Bryan bilang opisyal ng Citigold Wealth Management kung saan karamihan sa mga kliyente ay ang mga Tsinoy.
Hawak niya ang mga eksklusibong kliyente na may mga depositong hindi bababa sa P4 milyon.
Ayon sa Web site ng Citibank, mga eksperto ang namamahala rito pero lumilitaw na marami ang naloko ni Ang.
Nitong Agosto, nadiskubreng daang milyong piso ang nadispalko umano ni Bryan Ang.
Sa affidavit na ibinigay sa ABS-CBN News ng isang Citibank depositor, higit P10 milyon ang nawala sa kanyang time deposit.
Napeke umano ni Bryan ang pirma ng kliyente. Binago rin daw ang address para hindi makarating sa kanya ang mga bank statements.
Ayon sa Citibank, nangako si Ang nang mas mataas na interes sa aktwal na interes ng bangko at nagbigay sa mga kliyente ng matataas na referral fee na hindi ibinibigay ng Citibank.
Ayon pa sa ilang source sa bangko, naging maluho ang pamumuhay ni Ang.
Linggu-linggo, iba-ibang mamahaling relo ang kanyang suot. Katunayan, binayaran niya mula sa account ng isang kliyente ang isang mamahaling relo na nabili mula sa Lucerne, tindahan ng mamahaling relo.
Si Ang ay panganay na anak ni Manila Councilor Bernie Ang.
 Hindi siya pwedeng lumipad sa US. Pwede siyang pabalikin sa Pinas pag siya ay nahuli. Lintek kasing relos yan. Bakit di na lang magtiyaga sa ROLLEX na di pukpok. Ganoon yong relos ko noon. spelled with double L. hehehe . 

Ang problema pag may naghire ng bounty  hunter. Kahit magtago pa siya sa kabukiran, mahuhuli pa rin siya.

Kaya nga ba noong minsan na hindi ko natanggap ang aking bank statement at tumawag ako sa bangko at nalaman kong may nagrequest ng change of address para sa akin, muntik ng sumabog ang bombilya sa aking ulo sa galit. Biruin mo, may deposito pa naman ako sa kanila ng $ 15. Aroroy.

Naisip ko tuloy ang lola ko noon kung saan tinatali niya ang kanyang pera sa tuhod. OO Birhinya, tinatalian niya ang tuhod niya ng may mga kung anu anong dahon para sa kaniyang arthritis at may isa pang tali para naman sa kaniyang mga kuarteses. Nang minsang pinasok sila ng magnanakaw (sila lang ang may tindahan sa islang yaon sa Bicol), walang nakuhang pera ang mga mandarambong. Sabi ng lola ko namili raw kasi siya sa kabilang ibayo. Nang pinatayo siya, sabi niya may arthritis siya. 

Lottery Scam

Sa Virginia, USA naman ay may lottery scam. Ito ang modus operandi nila.

If a couple of strangers outside a convenience store tell you they've just hit the lottery and that they're willing to split the pot with you, you're either having a really awesome day or you're the latest target in a scam making the rounds in Fairfax County.


Police are looking for at least two men accused of making offers to split a fictional jackpot with several people, only to take cash from their victims in return. It's happened at least three times since May.
The first reported incident happened May 12, when two suspects approached a 62-year-old man in a grocery store parking lot on Richmond Highway. Police said the guys used the lottery ticket scam to dupe their victim out of $2,000.
The second time escalated to a kidnapping and robbery situation in the Tysons Corner area. On June 2, according to authorities, two men told a 74-year-old man they had a winning lottery ticket and that they needed his help to cash it. The 74-year-old then took the suspects to his home, where he was reportedly threatened by the suspects. Police say the guys drove their victim to the bank and forced him to withdraw cash before making their getaway near Lee Highway and Gallows Road.
 Bakit naman kasi sila makikihati. Sus naman.Binabarbecue na ang kanilang kaluluwa. Kaya nga ba pag naglakad ako dito, di ako tumitingin ng diretso sa mga mata ng mga nasasalubong ko. Pag nakatingin ka kasi, most likely, lalapitan ka.

Pinaysaamerika 

No comments:

Post a Comment