Thursday, August 26, 2010

Marilyn Monroe and the Rocket Scientist

Dear insansapinas,

Hindi pa ako nakapanood ng movie ni Marilyn Monroe ng buo. Every time may sisimulan ako, hindi ko natatapos. Pinanood ko noon ang Niagara , nakatulugan ko. Siguro dahil suspense thriller pero slow ang pacing na sa akin na nasanay sa mga pelikula ngayon na panay ang takbuhan at liparan at talunan, nakakantok ang pelikula. Isa pa hindi ko naman kilala ang katambal niya doon. Ikalawa ay ang Seven Year's Itch na isang romantic-comedy. May bisita akong dumating sa kalagitnaan ng movie.


Kahapon, nanonood ako ng isa pang pelikula ni Marliyn at ni Lawrence Olivier, The Prince and the Showgirl. Hindi ko pa nakita sa pelikula itong si Lawrence Olivier, siguro nakita ko na pero hindi ko kilala.


 Noon ko narealize na magaling sa comedy si Marilyn Monroe. Para siyang si Fran Drescher siyempre na may pagkanaive o tanga.


Bago mangahalatian ang movie, tumunog ang phone. As usual hindi ko natapos ang movie.


Pero hindi man ako movie expert na may karapatang gumawa ng review, alam ko naman na imposible yong tatlong araw na parehong damit ang suot ni Marilyn Monroe. Unang gabi, nalasing na siya at nakatulog sa carpet. Pag gising niya, yon pa rin ang kaniyang buhok at damit. Yong isang sleeve ay nakataas. Ikalawang gabi, umattend pa siya ng party. Maraming robe changes yong prince pero siya, pati yata underwear, walang palitan. Hindi sya umuwi ng bahay niya eh. Hindi naman  siya binilhan habang nasa embassy siya.


Pero ano ba talaga at pati si Marilyn ay pinakikialaman ko. Ano nga ba Ateh?


Kasi sabi ko nga, hindi mo kaialangang maging expert moview reviewer para makita ng flaw ng pelikula and you do not have to be a rocket scientist to know that a rocket is a rocket and not an airplane sa sagot ko sa isa sa aking paboritong kapingkian ng utak (maliit nga lang ang utak ko) na all of a sudden daw lahat naging expert sa hostage situations ang marami kaya maraming nagsusulat tungkol sa nangyari noong Monday.


Sa akin hindi naman kailangang maging expert ka na mali talaga ang maggamit ng tear gas kung wala kang gas mask. 


Hindi ka naman kailangang maging pari para malaman mo na mali ang magparetrato sa isang lugar na naging saksi ng kamatayan ng maraming tao na nakabungisngis ka pa.




At hindi mo kailangang maging expert sa foreign relations para maramdaman na inisnab   ang delegation nating papunta ng China.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment