Tuesday, August 31, 2010

Salawikain -Pag Pera ang Pumasok saiyong bulsa, hahamakin ang lahat huwag lang itong mawala

 Dear insansapinas,


Nang ako ay nasa California, may kaibigan ako na taun-taon yata ay bisita ang mag-asawa galing sa Pinas. Sa Post Opit nagtatrabaho ang aking kaibigan at kung hindi sa kaniyang asawa, marahil ay di sila makakabili ng kanilang bahay. Pati ang kanilang bakasyon ay pinaplano.


Akala ko mayaman ang mga kaibigan niya at can-afford na gawing Divisoria ang US at ang Pinas, taun-taon. Ang sabi sa akin ay sa MWSS daw nagtatrabaho. Ohoy, kaya pala. Pero hindi ko alam na ganoon kalaki ang tinatanggap nila almost equivalent to 37 months. Pati driver may car loan. HANEP. Nanood ako ngayon ng X-MEN, parang gusto kong hiramin ang isa sa mga doon at ipadala diyan sa Pinas. Si STORM kaya. Toink.

Only at MWSS: Even drivers get car loans
Senators learn there’s also gender incentive bonus


Drilon said certain MWSS officials received bonuses for 25 months on top of their 12 months of basic salary for a total pay equivalent to 37 months annually. To think that the MWSS lost P3.5 billion in 2008, according to its audited financial statement.
The revelation came even as the Commission on Audit (COA) disallowed “for lack of legal basis” 33 types of bonuses amounting to a total of P156 million out of the P242 million in MWSS bonuses in 2009, Assistant Audit Commissioner Jaime Naranjo told the senators.
 Samantalang ang mga ibang oridnaryong government employees ay nagkakasiya sa tutong, ang mga opisyales naman na mga ito ay nagpapasasa sa mga bonuses na mas malaki pa sa kanilang sweldo.


Hindi ako nagtataka bakit ang kakilala ko sa Burea of Customs ay may bahay na nag-ookupa ng isang bloke. Ang paliwanag nila ay dahil may maliit silang hardware. Ow, hardwarin mo ang mukha mo.
Ang isa naman ay hindi lang napaayos ang kaniyang sulimpat na mata, pati ang ilong niyang pwedeng pasukan ng pagong sa laki ng butas ay naging parang Mt. Mayon sa hugis. Tseh.


May kaibigan ako sa BIR na gusto ineekomenda ako. Tapos na ang lahat hanggang makita ko ang susuwelduhin ko. Sabi niya maupo raw kami at ipaliliwanag niya kung paano ako mabubuhay sa ganoong sweldo. 


Hindi ko tinanggap. Kasi noon pang bata ako, pag ako nakalamang ng ilang sentimo, mas malaki ang kabayaran. Kaya ngayon kahit na bumalik ako sa malayong tindahan, kung kailangan kung ibalik ang sobrang sukli ay ibabalik ako. Siguro ng magsabog ng kunsiyensiya, nakabuka ang aking bunganga.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment