Dear insansapinas,
Namamasyal pa sa Luneta-Mananahi Ka Lang Part 4
Medyo, natagalan ang susunod na kabanata dahil sa Quirino Grandstand incident noong Monday.
Patuloy ang pag-inog ng globe. Ilang buwan na lang noon at matatapos na ako ng high achool. Ginawa na akong "secretary" ng aking boss na bakla kahit hindi ako marunong magtype. Secretary lang niya ako kuno dahil hindi pala siya marunong magbasa ng English although magaling siyang mag-English ha. Ang mga mananahi doon ay mawala, bumalik. Kasi pag low season noon ay nagtatrabaho rin sila sa ibang designer.
Si Florencia ay steady lang siya roon. Paminsan-minsan nababanggit niya na marami siyang ipon. Kaya pwede na siyang magtayo ng sarili niyang dress shop. Kaya pag mabait daw ako sa kaniya ay tuturuan niya akong manahi at magtatrabaho ako sa kanya. Hindi ko sinabi sa kaniya na mataas ang ambisyon ko. Kailangan ko ng hagdan, although mahilig din akong manahi at magdesign ng damit. Nagkataon lang na sinamantala ko nang matanggap ako doon para makatulong naman sa aking mader at mga kapatid, kahit na lang sa sarili kong mga pangangailangan.O di va means to an end lang yon, hindi yon ang end. Hindi sa minamata ko ang mga dressmaker pero
sa pamilya kasi kailangan may kuwadrado ka. (diploma).
Malaking tulong sa akin ang part time job na yon. O sey, di paggusto ko ang sapatos, hindi ko na kailangang manghingi. Kahit ang ginamit ko sa graduation ay ako ang bumili. Sandali, hindi naman ako ang bida rito. Balik.
Pero malungkot siya. Wala akong makitang kamag-anak, except yong kapatid niyang may anak na rin na pinaanak sa akin sa binyag. First kong mag-anak sa binyag.
Kaya pag holidays, niyaya niya akong mamasyal... sa Luneta. hehehe Doon sa floating restaurant.
Pinag-order niya ako. Siyempre gusto ko yong seafood.
Habang kumakain kami ay napatingin siya sa may dulo ng restaurant. Isang babae at lalaki ang kumakain.
Yong lalaking nakapayong na naman.
Pinamadali niya ako ng pagkain kaya panay subo ko ng hipon kahit di ko nalalasahan. Pagkabayad na pagkabayad, tumayo na kami at iniwan ang restaurant, pero hindi kami umalis.
Umupo kami sa malapit sa resto. Hinintay naming lumabas ang lalaki, Sa isip ko, giyera mundiyal.
Pero nakalampas ang lalaki at babaeng magkahawak kamay, hindi man lang kumibo si Florencia.
Malayo na ang dalawa nang marahan siyang nagsimulang maglakad. Tahimik siya. So tahimik din ako. Hindi ko binati si Rizal at by the time nakarating kami sa sasakyan ng jeep, wala pa rin siyang kibo. Tulo naman pawis ko. Pero wala akong nakitang tulo ng luha niya. Parang gusto kong kantahin ang Sounds of Silence kaya lang hindi ko alam ang lyrics.
Kinabukasan, para kaming nasa freezer. Ang lamig ng kaniyang personalidad. Walang ngiti. Masanggi mo lang, nakasimangot na.
Sabi ng ibang mananahi, may dalaw daw.
Ako naman ay panay labas. Meron kaming fashion show at kasama ako ng aking boss. Hindi para magfashion show anoh. Para maghanap ng mga materyales sa Divisoria.
By the time, bumalik kami, paalis na rin ako, papasok sa iskul.
Napansin ko nangangayat siya.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment