Friday, December 24, 2004

Mga Kuwentong Pasko

Dear insansapinas,

Malungkot ang una kong Pasko sa Estet.Kalilipat ko lang sa aking lugar noon dahil pinalayas ako ng aking kaibigan. Nakakaiyak ba ?
Kumuha ka muna ng kumot dahil iiyak ka pa Hige magbasa ka.

Kailangan kong lumipat malapit sa trabaho dahil ang tinitirhan ko ay nasa lugar na
walang mga dumadaang pulic transport, kaya pinayagan ako ng isa kong kasamahan sa
trabaho na tumira sa bakanteng kuwarto ng malaki nilang bahay. May-asawa na lahat
ang anak nila at silang dalawang mag-asawa na lang ang nakatira doon. Nagkasundo kami
sa upa na reasonable dahil hindi naman ako nagluluto.Isa pa pansamantala lang yon
habang naghahanap din ako ng sarili kong lugar.

Mabait ang kaniyang asawa, katunayan parang anak ang turing niya sa akin na
inaalala kung ako ay may kinakailangan. Hindi ko siya masisisi kung magalit
siya sa akin. Inalis siya ng employer naman dahil iskandalosa at intrigera. Samantalang naging paborito ako ng aking amo na Hudyo at Puti dahil mukha raw akong mabait. (hekhekhek).Yong asawa naman niya ay gusto akong ipakasal sa kaniyang
anak na lalaki na hindi ko pa nakikita.

Limang araw bago mag Pasko ay nakakuha ako ng notice na kailangang maghanap na ako
ng matitirhan dahil babalik na ang kaniyang anak.(may PS. Pu@#$%^&na mo.)

Kinakailangan maghanap ako nang matitirhan kaya nag-absent ako sa isa ko pang trabaho
Sa Human resources department kung saan ang Sales Manager na sipsip sa CEO ay naghihintay lang akong magkamali para ako ay ipatanggal. Ang dahilan kabago-bago ko pa lang daw ay may promotion na ako, samantalang siya ay naghirap ng sampung taon bago niya nakuha ang puwesto.(Kasalanan ko ba kung mas maganda
ako sa kaniya?(hekhekhek).

Kinabukasan, pinaresign nila ako dahil absent daw ako without notice. Alam kung
may laban ako at kung nasa Pilipinas lang ako, bibigyan ko sila ng ulcer sa sama ng
loob.(Nakarma rin yong sipsip na yon. Deported siya nang makuha siya ng INS na
pinalsipika niya ang mga papeles niya. Karma nga naman.

Sandali nalalayo tayo sa kuwento. Sa isang bahay ng nars na natulungan ko sa empleyo ay nakakuha ako nang pansamantalang tutuluyan.

Sa loob ng ilang buwang pamamalagi sa Ester, palipat-lipat ako ng estado para bisitahin ang aking mga kapatid at mamasyal din, kaya wala pa akong masasabing gamit sa bahay.Ang aking personal na mga gamit ay nasa kaibigan ko pa. Ang dalang gamit ko lang ay aking aking mga workclothes. Lumipat ako nang isang araw bago bisperas. Kaibahan sa Pilipinas, dito ay hindi mo madarama ang Pasko. Tahimik at maliban sa
magagandang ilaw na nakapalamuti sa mga bahay lalo na sa mga Pilipino,
wala ka nang makitang ispiritu ng Pasko. Nang bisperas na iyon, ako ay mag-isa
sa aking munting mundo. Ang aking unan ay ang aking tuwalya at ang aking kumot
ay and aking wool na outer coat ang aking banig ay diyaryo.
May kaibigan din akong mapagpapalipasan ng Pasko pero ang Pasko nila ay hindi
ang hatinggabi kung hindi Hapon ng Dec.25 dahil sila ay nagtatrabaho kahit Pasko.
Isa pa talagang madrama ako. hekhekhek.

Bumalik ako sa pagkabata na bago matulog ay inaasam-asam ko ang regalo ng aking daddy na inilalagay niya sa medias. OO, insan, nakalakihan kong nagtatrabaho ang aking ama sa isang American company kung saan malapit
siya sa amo niyang Kano kaya may mga mansanas,ubas at peras kami pag Pasko.

Namiss ko ang aking mga Pasko sa Pinas, ang simbang gabi, ang mga Christmas Parties, ang mga Kris Kringle, ang mga regalo, ang puto bumbong, ang mga Kaibigan. Malayo rin
ako sa aking pamilya na nasa ibang Estado. Kung ginusto Ko ay maari akong tumira sa kanila
pero palagay ko talagang Gypsy ako na mahilig magsapalaran nang nag-iisa.

Nakatulog akong walang luha. Hindi ako mahilig umiyak. Ang aking idol ay si Scarlet O Hara.
Ang lahat ng lugar sa akin ay Tara.Mahilig kasi akong magsabi ng Tara na.(hekhekhek)

Bukas ay mag-iiba ang aking mundo.

Kinabukasan nga ay tinawagan ko ang kaibigan na may sasakyan.Bibili ako ng gamit.

Pagbaba ko sa hagdan ay may isang lalaking kapitbahay na French na ngumiti at binati ako.

Sabi niya : Joyeux Noël . Que je veux être votre
ami
.


Sagot ko naman : Joyeux Noël. que vous ressemblez
à Bruce Willis.
Yong huli sa isip ko lang ahahay.






Wednesday, December 01, 2004

Si Pinay at ang Alimango

Dear insansapinas,

Business-minded ang batang iyon na tawagin
nating si Sarah. Bumili siya ng isang
Maliit na refrigerator na iniimbakan niya
ng soda at pinagbibili niya na may tubong
Quarter bawa’t isa. Nagbibigay siya ng bayad
sa kuryente kaya happy campers na
Sana ang lahat dahil hindi na nila kailangang
lumabas at dumayo doon sa kabilang
opisina kung hindi dumating na naman ang
ahas ng pag-kainggit.

Pinaalis nong marketing manager na immediate
superior niya ang ref.Lumaban si Sarah.
May anghel siya sa likod na tamad lumabas para
bumili ng soda. Ahem.

Maliit lang ang dining room naming kaya
hindi puwede ang refrigerator. Dati
merong maliit pero nagkakawalaan ng baon at
sodang pinalalamig kaya inalis na nang tuluyan.

Minsan nga nilagyan ng papel na may pangalan
yong sandwich noong kaopisina namin, pati
yata papel nakain. Akala yata kasama sa
palaman. May hinala kami kung sino
yong “ baon thief”.Poregner siya na
lulong yata sa casino kaya pati
pagkain hinakarimunan.

Minsan nagbaon si Sarah ng sandwich
na nilagyan naming ng hiniwang
pinong pino na jalapeno.

Muntik na niyong ubusin ang tubig
sa water dispenser. Ilang Linggo lang
ay may pumick-up na mga police sa kaniya.
Nahuling nagnananakaw sa kapwa
gambler.

Dahil sa napahiya ang marketing manager,
pinag-initan niya si Sarah at pati ang
anghel niyang walang pakpak.Ahem.

Sabay kami ni Sarah na maglunch break
dahil mas maraming dumarating na applicants
Pag lunch break. Siya naman ay gusto lang
akong kasabay dahil nakagaanan niya ako ng
loob. Magneto yata ako sa mga dehado.

Dati-rati ay may tira sa aming mga kanin,
adobo, dinuguan ano mang lutong bahay
ng aming mga kasamahang Pinoy. Iniiwan
nila ito sa mesa para makita namin.
Kaming dalawang hindi nagluluto at hindi
marunong magluto ay kinaawaan ng aming
kasamahan. Sobra-sobra ang binabaon nila
para sa amin. Mababait na Pinoy.

Sa mga nakalipas na araw, walang pagkaing
naiiwan. Tumatakaw yata sila na pati baunan
wala.

Pero bakit tinanong ako noong isa kung
nagustuhan naming yong sinigang
na hito. Simot daw yong baunan. Baka lumangoy
yong hito bago namin natikman.

May magnanakaw kaya ng mga tira? Baka may aso ?
Pero hindi naman talaga tira yon.

Medyo naaga ako ng punta sa dining room kaya
inabutan ko pa ang Marketing Manager habang
inilalagay niya sa isang plastic bag ang mga
pagkain at itinapon niya sa basurahan. Ayaw
niyang makakain kami noon eh hindi sa kaniya
galing ang pagkain. Maitim talaga ang budhi.
Kailangang ma-cleanser.

Sa pagmamadali niyang umiwas sa akin ay nasalubong
niya si Sarah na may dalang noodle na iniinit
sa microwave. Natapon ang laman sa may pintuan.
Inutusan niya si Sarah na linisin yon. Kawawang
bata. Kalaking tiyan, hindi makakayuko. Pinaupo
ko siya habang tinakpan ko ng lumang diyaryo
ang basang bahagi ng linoleum na sahig. Dahil
walang mop doon,ginamit ko ang paper towel sa
pagtuyo ng sahig. Ang janitorial services
dito ay sa gabi lang naglilinis kaya ang mga
cleaning supplies ay dala nila.

Nakita ako ng marketing manager.
Ngumiti siya ng patabingi. Dahil siguro sa
kaniyang pangit na pustiso.

Pumasok siya sa opisina nilang ang naghahati
lang sa hallway ay ang salamin na
Bintana at pintuan. Para silang aquarium. Pinage n
iya ako samantalang maari naman niya akong
kawayan sa salamin.

Akala ko tatanungin niya ako bakit ko pinagtatatanggol
si Sarah to the point na magpakababa akong magpunas
ng sahig.

Hindi naman.Inutusan lang niya ako na punasan
pa yong natapon ni Sarah na tubig.

Pinunasan ko.

Tiningnan niya ako at patuyang sinabi, “Ang sipag mo
namang magpunas.”

Sabi ko oo.Kung gusto pa nga niya pati yong lipstick
niyang kalat, pupunasan ko.Puwede pa yong paper towel.

Narinig ko pagkatapos na isa raw ang mataas ang
pinag-aralan ang nautusan niyang
Mangpunas ng sahig. HAHAHAHA.

Sa akin ang bumaba lang ang aking tuhod, pero
ang paggalang ko sa sarili ko ay nandoon
pa rin dahil mas mataas pa rin ako sa taong mababa
ang self-esteem kaya kailangang
patunayan nilang sila ay magaling kahit sila
mang-api ng tao.

Tsee.

Ang alimangong ito ay nadeport sa Pilipinas.Peneke
pala niya ang papel niya.Buhay nga naman, parang
alamang, pag lukso nagiging bagoong.

Ehek


Pinaysaamerika

Thursday, November 18, 2004

Si Pinay sa Bagong Opisina

Dear insansapinas,

Nagsimula ako sa kumpanya nina P nang sumunod
na Linggo.Sa HRD ako inilagay . Ako ang
nagbibigay ng exam at nag-iinterview sa
Mga aplikante. Hindi na ako tagabilang
ng monggo. Tagatanggap ako ng
Magdadala ng monggo. Yan ang sinasabing
“caryer change”. May kasabihan
nga pag maiksi ang kumot, kumuha ng kapalit.
Ahek.

Enjoy naman ako sa trabaho ko kahit pansamantala
lang habang ako ay naghahanap
Ng tarbahong natatama sa aking kuwalipikasyon.

Walang bakante sa finance. Ang payroll naman
ay hawak ng masungit na kapatid ni P.

Ang mga managers ay mga Puti. Ang may-ari
ay Puti at Pilipino.
Ako ay kayumanggi.

Isa siyang aplikante. Babaeng batang batang
Pinay. Hindi siya mataba, pero malaki
Ang tiyan niya. Nag-aaply siya sa marketing
namin.

Kinis ng kutis niya at ang singsing niya
ay talo ng kaparinggot na carat ang
suot ko. Tsee.

Disinuweybe siya. Anim na buwan palang siya
sa Estet. Kunting tulog, buntong-hininga at
almusal ang lamang niya sa akin. Sa eklusib
iskul siya sa Pinas. Halatado mo ang
kaniyang accent.

Sabi niya, buntis siya. Sabi ko kita ko
nga eh. Hindi naman mukhang nakalunok siya ng
pakwan. Ang ama raw ay boyfriend niya sa
Pinas na matapos nilang mag-live-in ay
sumama sa kaniyang mader nang malamang
buntis siya. Taksil. Traidor. Duwag.
Mama's boy Pinadala siya ng kaniyang
Magulang ditto sa Estet. Total naman
ay berde siya ay pabalik-balik na rito
bago pa siya ay huminto ng pag-aaral
para maki-live in sa boyfriend.

Suwerte ko talaga sa mga Maalala-mo-kaya-
tipong-mga tao. Siguro kung titipunin ko lang
ang mga luhang nakita ko sa mga Pinoy na
nakilala ko, ay makakapagtayo na akong
negosyong bottled water.

Sa rekomendasyon ko ay inilagay sa marketing
pansamantala kahit siya ay nagdadalantao.
Bawal ang diskriminasyon dito.Buntis ka man,
hindi na magbubuntis,nagbubuntis-buntisan at
matabang parang buntis ay tinatanggap kung
may magandang kuwalipikasyon.

Tuwang-tuwa siya. Hinintay niya ako pag-uwi
at niyayang kumain sa labas. Mabait daw ako.
Ahem. Binuksan niya ang pinto ng isang Mercedes
Benz. Hanep.Mayaman ka pala, bakit naghanap
ka ng trabaho. “Huwag kang maingay, sa mommy ko
Yan.” Malapit ko nang isoli”. Sagot niya.

“Bakit,”tanong ko ulit habang pumapasok ako
sa loob ng kotse.“Saka mo na malalaman.” Sabi
niya habang pinaandar niya ang kotse.Suspens.
hmmm

“Okay,”ani ko. Sakaling magbago ang isip mo
puwede mong isoli sa akin.Tatanggapin ko ng
buong puso na may kapalit na NO RETURN NO
EXCHANGE.

Naniniwala ako ako sa kasabihang ang tumatanggi
sa grasya, ay walang grasya.
Ahahay…

Pinaysaamerika

Wednesday, November 10, 2004

Si Pinay at Close Encounter of the 3 1/2 kind

Dear insansapinas,

Nagkayayaang pumunta sa casino kinabukasan.
Sama ako ulit dahil sa hotel na kami
matutulog sa gabi. Dalawang malalaking kwarto
ang kinuha. Sumama ako sa mga housekeeper at
ang kanilang mga alaga. Kasama rin namin ang
dalagang kapatid ni P na sa tingin ko ay masungit.
Inilapag lang niya ang kaniyang bag at walang ni
ha ni hong umalis. Mahaharap rin kita sa isip ko.
Pakialamera talaga ako. Noh ?



Sumama rin si Dondon at nakakuha ng kuwarto
sa tapat namin kasama ang kaniyang partner at
dalawa pang Pilipinong kabaro niya. Ang tawag
nila sa kanilang tatlo ay ang tatlong Marya.
Ang pinakamatanda sa kanila ay si Ate Sha.
Marcial, ang pangalan niya. Kung si Dondon ay
parang si Boy Abunda kalamya, si Ate Sha naman
at kasinglandi ni John “Sweet”Lapuz. Ang
pinakabata sa kanila ay si Tatiana.
Magandang maganda.Walang magkakamaling isa
siyang lalaki.

Pabalik ako sa kuwarto nang huminto si Ate
Sha sa harap ko. Kiniling ang kaniyang mukha
at pinaliit ang isa niyang mata na tila ba
kinikilatis niya ang isang bato.

"Ay mama ang tsapter mo namaaan.Bakit nakasuot
ka ng makapal na salamin? Para tuloy, may
I teach ka palagi. Eh ang ganda ng mata mo."
bati niya sa aking patanong.

"Mata lang? " sagot kong patanong din.
Bolero/lera ito,sa isip ko pero gusto ko siya.

"Ay hindi yan tsaring haaaah. Truth and
consequence yan", pakinding-kinding siya
habang nagsasalita.

Gusto ko talaga siya. Kung marunong lang
akong magmanicure, bibigyan ko siya
one year free manicure service.

" Ikaw naman", sabi kong sabay hampas sa
kaniyang braso SANA, pero dahil para siyang
kiti-kiti, tumama ang aking kamay sa kaniyang dibdib.

Malambot at matambok. Parang sa babae. Makapal
at maluwag ang suot niyang knitted
top kaya hindi ko napansin ang matambok niyang dibdib.

"Naku Tita, kung Fafa ka lang ( lalaki ),
pinikot na kita sa kasaaal. Tsinansingan mo ako.
Bruhaaaa," sabi niya sa aking nakatawa.

"Totoo yan?" Tanong ko.

"Oo naman. Sabi niya sabay hila sa blusa
upang lalong bumakat ang kaniyang
dalawang bunduk-bundukan at nagpose na ala
Melanie Marquez. Sabi ng isip ko
tapilukin ko kaya.Pero gusto ko
nga siya.

"Paano ka nagkaroon ng ganiyan," kulit ko.

"Anik ka ba naman Sor Teresa, di tumubo, alangan
namang “may I buy” ako ng monay at nilagyan ko
ng glue, " sagot niyang sabay halakhak.
Hahahahaha

"Bulong ko saiyo," sabi niya sabay hila sa
akin sa kanilang kuwarto.

"Gusto kong maging verdaderong gelay(girl) na
hindi kagaya ni Mrs. Doubtfire. Nagpaineksiyon
ako ng female hormones. Tingnan mo disappear
na ang aking Adam’s Apple at di na grow ang
mga buhok ko sa kamay at binti."sabay lilis
ng kaniyang pantalon.

"Tsarot, "ani ko.

"Ay,hindi naman ako Madam Auring noh.
Pag nakaipon ako ng datung , may I fly ako
sa Thailand para magpaoverhaul at magkaroon
ng biyak. Mahal dito sa US of Ey."

"Biyak ?" kunot-noo kong tanong.

"Talaga naman,duduguin ako saiyo. Wala pa
naman akong dalang may wings. Kung
buntis ako, nakunan na ako saiyo.
Alisin mo na nga yang abito mo, sister
at baka irekomenda kita sa Santo Papa
na maging Patron ng aming kompederasyon.Ahahahy.
Biyak. Tingnan mo ang aking luscious lips.
VAAGIIIIIIIIINA. Gusto mong spellingbee ko
pa manash ?" M-O-N-i-C-A.

"Ah yon ba. Bakit magkano ba ? "tanong ko naman.

Ay mama huwag ka nang magtanong kung hindi ka rin
lang naman magiging donor. Marami pa ring puwet
ng pasyente ang aking huhugasan para makaipon
ako ng dolyareses.



Okay ba yon sa “boyfriend” mo? "tanong ko.

"Please Cristy Fermin, huwag mong itanong yan
dahil baka mag-Gretchen Barreto ako dito noong
maghiwalay sila ni Fafa Joey Loyzaga.
Patay na aking puso, mama. Kasama nang
nalibing ng aking unang pag-ibig na si Fafa Jorge."

"Ow?"

" Hindi ko siya papalitan.Para akong magiging
si Marudya."

Isip ko.Batukan ko kaya ito.

"Bakit naman,"tanong ko.

"Kasi mama,siya lang ang nagpadama sa
aking ng true lab is a many splendoured."
Humikbi-hikbi siya kunwari.
Ang dami talagang kaeklatan ng baklush na ito.
Halata ko nagdadrama queen siya kaya sabi ko.

"Hoy Ruffa, huminto ka at baka mahampas kita
ng statuette ng Famas."

"Ay, di ko siya fay-vorite. Nandaya pa siya sa
filmfest. Si Ate Vi na lang ako." May Fafa
Ralph pa sya."

Lumabas na kami at pabalik na ako sa kuwarto
nang halos ay itulak niya ako.

May dumarating palang guwapong lalaki.

"Haaay type. " landi nyang buntung hininga.

Beso,beso kami.
Muah Muah.

Babushka,pagirlash muna ang baklelong.

Kuminding kinding siyang humabol.

Buhay na naman ang dugo niyang berde.


Pinaysaamerika

Friday, November 05, 2004

Si Pinay at si DawnDon

Dear insansapinas,

Napakaganda sa labas ng bahay bakasyunang yon.
Lumabas ako sa balkonahe para malasin ang
luntiang kapaligiran at ang bundok na sa winter
ay magiging puting bundok dahil sa yelo.

May nauna na sa aking isang babae. Nakatalikod
siya pero ang mahaba niyang buhok na hanggang
baywang ay malayang pinapagaspas ng hangin.
Balingkinitan ang kaniyang katawan. Naninigarilyo
at tila malayo ang iniisip.Parang nakita ko ito
sa pelikula kung saan si Dawn Zulueta ang bida.

Humarap sa akin ang babae.Accck kkkkkkkkkkkkk.
Hindi pala siya si Dawn, kung hindi si DONDON.
Isang lalaking nurse na kaibigan nina J. Hindi
pala lalaki…kung hindi masayang hindi lalaki…
in short…gay.

Pero hindi siya kagaya ng ibang gay na malandi.
Reserve siya at napakahinhin. Kung

Hindi lang sa mahabang buhok niya , imbay
ng kaniyang balakang at pilantik ng kaniyang
daliri pag uminom ng kape, hindi mo aakalaing
gay siya.

Nagkahulihan kami ng loob. Marahil dahil may
pagkabakla rin ako. Ahahay.

Alam na niya ang kuwento sa akin. Kay Ache
nanggaling ang balita. Siya ang
TFC ng bayan. Pag sinabing huwag mong ikuwento,
para kang nagsalita sa programa ni Boy Abunda.
Kung gusto mong makasagap ng tsismis, tawagan
mo lang siya, nakahello ka pa pa lang nasa chapter
9 na siya ng nobela kung sino ang naghiwalay,
nag-away at may nabuntis na anak na tinedyer.
Kesehodang talo ang cable internet sa
bilis.

"Ikaw naman,what’s your story ?" tanong ko
kay Dondon.

Kumukuha siya ng Engineering noon sa Menila.
Yon ang gusto ng Tatay niyang isa ring engineer.
May mga guwapo sa klase niya kaya nag-enjoy din
siya. Isa rito ay si Ray. Minahal daw niya si
Ray ng buong kaluluwa. Siya ang tagagawa ng
kaniyang mga assignment. Tagabili rin
siya ng kaniyang mga gamit.

Naging alipin siya ng pag-ibig ng isang
mapagsamantala.Wala sa kaniya yon. Kung
maibibigay lang sana niya ang bituin,
Sanay ibinigay na niya.kung maibibigay
sana niya ang buwan, sana ay sinungkit na
niya. Errrm parang nabasa ko na ito sa
komiks.

Hindi alam ng kaniyang ama na ang lip balm
niya ay Elizabeth Arden Lipgloss. At
ang kaniyang brief ay low cut bikini.

Ang isa niyang kapatid ang nagbuking sa kaniya.
Halos sumara ang kaniyang mata sa bugbog na
inabot niya sa ama.

Naglayas siya at di na bumalik sa bahay nila
hanggang tumulak siya sa Estados Unidos.
Tumuloy siya sa kaibigan na nagtatrabaho sa isang
beauty parlor. Sa gabi ay nag-aral siya ng Nursing.
Habang may student visa, maari siyang magtagal
sa Estet. Nang matapos siya ay tamang tamang
may amnesty na ibinigay ang gobyerno. Nagkaroon
siya ng papel.

Tinanong ko siya bakit tila siya malungkot.
Dahil ba sa pag-ibig niyang naiwan sa Pinas?

Nakalimutan na raw niya si Ray. May bago na
siyang partner. Isa siyang Puti, si Gary.
Matikas at matipuno ang katawan. Inginuso niya
sa akin ang isang lalaking naglalaro ng baraha.

“Day, kabaro rin natin siya, “ sabi niya sa
akin sabay pitik ng abo ng kaniyang sigarilyo.

“Ano ?" gulat kong tanong.

“ Totoo yan.sister. Walang straight na
papatol dito sa katulad namin".

“Ow.Eh bakit ka malungkot ? "Pilit kong iniba
ang usapan.

“ May sakit ang father ko. Hindi pa rin niya
ako pinatawad sa pagkakalayas ko.”

“Humingi ka ba ng tawad?" Tanong ko .

“Hindi.” Sagot niya." Hindi pa rin niya ako tanggap."

“Nilapitan mo na ba ?” tanong kong muli.

“Hindi.” Maikli niyang sagot.

"Lumapit ka.Humingi ka ng tawad. Pag ibinalibag
saiyo ang kama niya,ibig sabihin
Noon,hindi ka pa pinatawad. Pero sasabihin
ko saiyo, walang magulang ang nakakatiis
sa anak lalo na kung may dala kang berde."



Pinaysaamerika

Thursday, November 04, 2004

Si Pinay at si Ima

Dear insansapinas,

Ang housekeeper ng kapatid ni P ay tinatawag
naming IMA. Mother sa Capampangan.

Nanggaling siya sa Buena familia sa Pilipinas.
Ang kaniyang mga kapatid ay may-ari
ng isang malaking department store sa Quiapo.
Maganda siya pero siya ay “ dalaga pa
po ako.”

Bago pa man niya nasimulan ang kaniyang
love story ay tumutulo na aking luha.
Lalaki ng sibuyas na hinihiwa ko.Prsssst.

May napusuan siyang lalaki. Hindi siya
mahirap na kagaya ng ordinaryong
story plot na Rich girl meets poor
boy. Girl’s family rejects poor boy
and they did not live happily ever
after.Ito,maykaya rin ang lalaki. At
sila ay nag-ibigan. Pero lahat ng kuwento
ay may kontrbida kagaya ni Cherie Gil sa
Bituing Walang Ningning,kagaya ni Joker
kay Batman at ni Sadam kay Bush at
kagaya nitong telepono na hindi
humihinto ng pagtunog tuwing ako
ay magsisimulang magtype. !@#$%Ahm.
Nasaan na ba tayo ?.

Ang kontrabida ay ang kaniyang kapatid
na nakakabata. Umibig din siya sa
nobyo ni Ima. Hindi niya lang pinahalata.

Minsan ay inarbor niya ang boypren para
maging escort niya sa isang party.
Hindi sila umuwi magdamag. Kinabukasan,
nang dumating ang dalawa ay hindi na
lumabas si Ima nang pinag-usapan ang kasal
ng dalawa.

Noong kapanahunan daw nila ay malaking
kahihiyan ang mawala ang dalaga’t
binata nang magdamag. Kahit walang
nangyari.Saklap.Luffeet. Kababaw.

Lumayo siya ngunit tuwing may okasyon
ay nagkikita-kita sila sa ancestral home.
Minsan daw ay nagkaroon sila ngpagkakataong
mag-isa. Sila ay nagniig sa giikan ng palay,
sukdulang magkasugat sugat ang kaniyang likod.

Sinundan pa ang isa hanggang sa kanilang
paghihiwalay ay humirit pa sila sa ilalim ng
puno. Buti nga raw hindi sila nahulugan ng
mga kaimito kung hindi mapipilitan silang
kainin yon para hindi mabulok. (mali yata
ang script. Erase erase.

Nagbunga ang kanilang kapusukan.dyandyandyan.
(background yan).Itinakwil siya ng
magulang at kapatid. Dyan dyan dyan.

Nanganak siya ng isang malusog na sanggol
na babae.Pinalaki niya ito at pinag-aral
hanggang makapag-asawa. Hanggang makalimutan
siya bilang ina.

Sa sama ng loob ay tumulak siya sa Estet
at namasukang housekeeper sa loob ng mahigit
na 18 taon. Wala siyang papel kaya di siya
makauwi. Tuluyan na siyang nakalimutan
ng kaniyang anak.

Nahulog na rin ang loob niya sa mga
batang inaalagaan niya.

Nahulog ang kalabaw ehe…na nakasingkaw…
lulubog lilitaw….etseteraetsetera.
Sigaw noong mali-maling housekeeper
nina J na tawagin nating Ache.
(Ate po sa Capampangan).

Ang malikot na batang inaalagaan ni
Ima. Nahulog mula sa ikalawang palapag.
Buti na lang ang kapal ng carpet.
Pagbagsak tayo agad at tumuloy sa refrigerator.
Binuksan ang Ice at water dispenser at siya
ay nagshower. Kalikot na bata. Masarap ilapit
sa tambak kong hiniwang sibuyas.


Pinaysaamerika

Wednesday, November 03, 2004

Si Pinay at si Nora Aunor

Dear insansapinas,

Kailangan kong makipagtuos sa dati kong bossing.
Binulong ng isa kong kaibigan na ang puwesto ko
ay pinagbili. Hindi mauunawaan ng hindi
nakakaunawa sa dapat unawain na mahirap namang
maunawaang mga pasikot-sikot sa pag-aayos ng papel.
Lito na ba kayo. Good. Talagang nililito ko kayo
dahil ito ay may kaselanang isyu.

Sa madaling salita ay nag-usap kami. Hindi dumanak
ang dugo, kahit ketchup. Walang taasan ng boses.
Usapan lang ng taong may pinag-aralan at isang taong
lumaki sa pilosopiya ni Ayn Rand-ang abutin
ang langit sukdulang tapakan ang mukha ng ibang tao
ang naganap.Naniniwala ako na sa mga taong gumon sa sugal,
lahat ay magagawa, kahit ang magbenta ng kaluluwa
ng may kaluluwa. Ang mahalaga sa akin ay nabawi
ko ang dapat bawiin. Ang kaniyang kapalaran ay
nakatadhanang bubulusok pailalim. Hindi ako nagalit
sa sumilat ng puwesto ko. Bagkus naawa pa ako
sa kaniya. (Dumating ang panahon na
ako rin ang tumulong sa kaniya. Abangan yon.)
Sinulat na yata sa tadhana na ang aking puwesto
ay laging sinusulot. Kahit na ang upuan
ko ay bangko at walang kutson. Matalinghaga ?

Dahil sa malumanay kung pagharap sa suliraning yaon,
parang nakita ko ang aking anghel sa kanang balikat
na may mga kasama pang anghel. Sila ay tumugtog ng
lira marahil upang ipagdiwang ang aking unti-unting
pagbabagong pananaw sa buhay na hindi lahat ng
sigalot ay nabibigyan ng lunas ng pagtataray.
Gusto ko ring tumugtog ng biyolin.


Weekend, dadalo sina J sa pagbabasbas ng bahay
bakasyunan ng kapatid ni P. Sosyal.
Kasama ako. Wala raw kasi akong makakasama sa
bahay ng buong weekend.May mga dadalo raw artista ?
Kaalam-alam ko mga laos ng artistang ang hanapbuhay
ay magtinda ng kawali at kaserola, insurance, kotse,
real estate na ang ginagamit nila ay ang kanilang
matagal nang lumahong popularidad; ang kanilang
kagandahan, katikasan na matagal ng kinulontoy
ng panahon. Wala akong masamang tinapay sa mga
taong ito. Marangal na hanapbuhay. Ang ayaw ko
lang ay pag-umuwi sila sa Pilipinas at kung
anu-anong kaek-ekan ang kanilang hinahabing
kuwentong negosyo nila dito sa Estet.
Pakisampal nga ako.

Maganda at malaki ang bahay. Nasa itaas ito
ng bunduk-bundukan. Hinihintay nila ang
paring magbabasbas sa bahay kaya may mga
bisitang nanood ng TV, may mga naglaro ng
baraha at mahjong.

Wala akong alam sa baraha kung hindi solitaryo.
Pwede ba namang makipagsolitaryo
ako sa kanila ? Dayain pa nila ako.

Kaya napunta na lang ako sa kitchen.
Nandoon ang tatlong housekeeper.Tumulong ako
sa pagbalot ng ginagawa nilang eggroll.(lumpia).

Maliban sa housekeeper nina J na mali-mali,
ang dalawa ay nasa liyebo sisenta na.
Pero mababakas mo pa rin sa kanila ang kanilang
ganda at magandang buhay na
pinagkalakihan nila. Maganda ang kanilang mga damit
kahit natatakpan ng epron. Maganda ang kanilang
mek-ap.Mukhang mamahalin at hindi Avon.

Mababait sila sa akin. Welcome nila ako
at alam nila ang dinadanas kong pag-aadjust
sa kultura at gawi ng buhay na hindi ko
pa pinagdaanan; ang makisama at mawalan
ng pribadong pagkakataon para sa sarili dahil
kailangan akong makihalubilo at makipagsaya
kung kinakailangan. Para akong si Nora Aunor
na kumakanta ng PEOPLE who needs people. …are
the luckiest people….in the WOOOORRRRLDDDD.
(panginigin mo bata, ikanga ng aking voice tutor.)

Isang natutuhan ko ay masaya pa lang makipag-usap
sa mga ordinaryong tao.Kung sa Maynila, ang
kausap ko ay yong mga taong hindi marunong ngumiti
dahil sa problema nila sa negosyo, mga taong
gustong magtayo ng negosyo sa aking adbentyur
na ito sa buhay, ako ay bumaba sa pedestal at
nakipag-usap sa mga taong hindi man makakapagbilang
ng mula isa hanggang bilyon, ay malaking
leksiyon ang aking natutuhan. Naipangako ko
na darating ang araw, isusulat ko ang
kanilang karanasan, sukdulang isa lamang ang
bumili ng libro. Mas interesante ito kaysa sa
isinulat kong practise set sa Accounting para
sa isang unibersidad pero pinakansela ng dean
dahil kaya din niyang gawin yon.
OOOOPS
erase, erase.

Balik tayo sa mga housekkeeper.

Tanong niya sa akin." Nakakita ka raw ng multo ?"
Sabi ko oo.
"Nakakita ka rin ba nang mangyayari ?" Sabi ko oo.
"Nakikita mo ba kong magkakaboyfriend pa ako ?"
Oops naparami yata ang lagay ko ng asin sa pansit.

Tiningnan ko siya. Abangan sa choicecat ang nakita ko.
May promo pa ng isang blog ano?

Kat U wah.



Pinaysaamerika

Monday, November 01, 2004

Si Pinay sa muling paglipad

Dear insansapinas,

Pinalaki kami ng aking mader na disiplinado
at dapat marunong humarap sa mga sigwa ng
buhay. Siya ang inang hindi mo maaring
i-black mail na hindi kakain pag masama ang
loob mo o kaya ay may problema ka. Tutulungan ka
pa sa pamamagitan ng pag-ubos ng pagkain para
walang matira saiyo. Luffet di ba ?


Siya ang inang pag tinakot mo na maglalayas ka
ay tutulungan ka pang magbalot at ihahatid kung
malapit lang ang pupuntahan mo o kaya bibigyan ka
ng pamasahe,kulang nga lang. Maglakad ka.

Siya ang magsasabi saiyong nadapa ka, bumangon
ka. Baka may nadapaan daw etsas ng
aso.

Kaya noong panahon na yon, hindi ko inisip na
sumama sa Virginia. OO Birhinya, ang state na
Virginia kung saan siya ay lilipat mula sa
Boston. Kailangan marunong akong tumayo sa aking
sapatos na gawa sa Marikina.


Kumain ako ng almusal na matamis ang
Sunny side up na piniritong itlog. Mga high blood
kasi ang mga tao doon kaya walang asin ang mga
pagkain. Ikaw na lang ang maglalagay ng asin.
Lintek, asukal pala ang nailagay ko.

Tumunog ang telepono. Return call daw sa akin
ni J.

Instant recall.

Nang mamatay ang kaibigan kong propesor sa kanser, may naiwan
siyang klase na graduating students. Pinakiusapan ako ng
kaniyang asawa na kung maari ay hawakan ko hanggang matapos
para walang masyadong problema sa college na tinuturuan niya.

Sa klaseng yon ay marami akong nagging barkada dahil ang tanda
ko lang naman sa kanila ay dalawang buntonghininga at isang paligo.

Isa si J doon at ang kaniyang naging misis na si P. Pagkatapos ng klase,
kasama pa nila akong mag-attend ng concert at gumala sa Batangas.

Playboy si J dahil pogi. Siya yong sinasabi nilang makalaglag bra at
bleep bleepbleep,kaya insecure si P.

Panay ang away nila. Kung ako ay nasa gitna ng kanilang away,
Ako ang tatamaan ng ibinabato ni P kay J. Okay lang kung pera.
Maluwag ng bulsa kong tatanggapin. Mweeheehe.

Kaya noong lumipad si P sa Estet pinakuha niya ng tourist visa
Si J para mabitbit niya.

Slow forward.

Tinawagan ko siya pero wala sa opisina. Pero return call siya
nang makuha ang aking message.

Nag-usap kami. Sinabi ko ang aking problema. Inalok niya na
pumunta ako sa kanila. Patitirahin niya ako sa bahay at titingnan
niya kung anong magagawa niya para maipasok ako sa trabaho.

Sa madaling salita ay sa kanila ako tumuloy. Malaki ang bahay na
binili nila sa tulong ng kapatid ni P. Mayroon silang housekeeper
na mali-mali.


Hinahanap niya ay isang matandang babae na titser. Ang paniniwala
niya ay ang mga titser ay may edad at nakasalamin.

Kaya nang makita niya ako sa hapag-kainan nang gabing yon, akala niya
ay barkada lang ako nina J na nagbabakasyon.

Noong sinabi ni J na ako ang titser na talagang pinalakas niya ang
salita para gulatin siya ay biglang bunghalit ng housekeeper nang:

Ay titser na nga na titser na sumakay sa flying tser.

Masaya ito sa isip ko. Buhay na naman ang dugo ko.
Hehehe.



Pinaysaamerika

Sunday, October 31, 2004

OO Birhinya, marunong umiyak si Pinay

Dear insansapinas,


Warning:Kailangan ninyo ng isang kahong Kleenex

Tawag galing sa bossing ko. Sabi niya, di na siya nakapaghintay,
Kumuha na siya ng kapalit ko.

(Background music please).
Para akong pinagtakluban ng langit at lupa. Sandali, erase.
Masyadong gamit na ito.

Parang bombang bumagsak sa pandinig ko ang sinabi niya.
Hindi, hindi, hindi!!!!. (Slow mo: Iling sa kaliwa, iling sa kanan,
Kaliwa ulit). Buti na lang Finesse ang ginagamit kong conditioner,
Malambot ang aking buhok na dumadampi sa aking mga pisngi.
(thought balloon: erasin ko kaya ito? Sa palagay ninyo?.)

Mabait talaga si D. Sabi niya, maari akong tumira doon sa kanila habang naghihintay
akong makakuha ng trabaho sa New Jersey. Kung ano man ang aking pasya
ay sabihin ko lang.

Sa buong magdamag ay hindi ako nakatulog. Naubos ko ang isang
supot ng sunflower seeds. Kung itatanim yon ay libo-libong bulaklak
na ang tutubo at magbibigay ng masiglang kulay na dilaw.
Mabuhay Tita Cory.

Naisip ko bakit nga ba kailangan kung umalis sa Pinas?
Maganda naman ang “caryer”ko.

May regular akong trabaho at mayroon pa namang
nasisiraan ng bait na kumukonsulta sa akin.

Maraming intriga nga lamang. May mga tao kasing sipsip na hindi
makapaniwala na puwede silang maovertake ng mga mas bata sa
kanila na handang magpatuloy ng pag-aaral at mas agresibo.

Marami kasing MAFIA sa mga opisina na kaniya-kaniyang bata
at pag hindi ka marunong humalik sa puwet ng may puwet ay hindi
ka masasama sa mga promosyon.

Marami kasing mga anak ng diyos na akala nila ay obligasyon mo ang
ituro sa kanila ang iyong natutuhan dahil sila ay kamag-anak, inaanak
O kaya ay INAANAKAN ng iyong boss?

Marami kasing mga lalaki na dahil wala silang nakikitang singsing,
(malay naman nila kasi kung nakasanla)boyfriend o kakulakudidang ay madali ka ng maimbita for dinner at matake home pagkatapos. Buti sana kung guwapo. Ahahay

Kaya nang maunang dumating ang aking working visa kaysa sa family petition,
hindi ko naman sinunggaban kaagad. Tinapos ko muna ang aking pag-aaral.
(Hindi ko na sasabihin sainyo ang aking tinapos. Baka mashock kayo, magpagamot
pa kayo sa akin).

Nakatulog ako na panay ang agam-agam. (Kita mo lalim ng Tagalog ko.)Salamisin ko lang yon.Napaginipan ko ang isang bundok sa harapan. Pag-gising ko ay alam kong
Kailangang humanda ako sa pag-akyat sa mga pagsubok sa buhay. (Sandali pakibatok nga ako. Wala ako sa choicecat, noh).

Pag gising ko ay basa ang ponda ng aking unan.Umulan kaya kagabi?


Pinaysaamerika



.

Monday, October 25, 2004

Si Pinay sa New Jersey

Dear insansapinas,

Pabalik ako ng California. Kailangan daw ako sa opit. Sobra na raw ako. Pero
napakamahal ng ticket pabalik pag walang 21 days ang pagbili. Ang presyo ay katumbas na ng ticket na pauwi sa Pinas, nakaliwaliw na sa Boracay at nakapamudmod na ng spam at tsokolate sa mga sasalubong sa erport.

Habang iniisip ko kung ako ay lilipad o maghihintay ng tatlong Linggo pa ay
nakatanggap ako ng tawag kay D. Kaklase ko siyang kahawig ni John Denver.
Blonde ang buhok niya at kung hindi lang paborito niyang sabihin ang:
“Tang !@#$% naman,gutom na ako, hindi pa ba tayo kakain"hindi mo sasabihing Pinoy siya. Mistisong Kastila siya,pero US citizen na pinanganak at lumaki sa Pinas.

Matalik kaming magkaibigan kaya maraming naghinala na kami ay may
kaugnayan. Pero doon sila nagkakamali. Puputi ang uwak pag nangyari yon. Araw at gabi kaming magkasama tuwing meron kaming tinatapos na thesis o project siyempre kasama ang aming mga kagrupo. Kadalasan ay sa bahay nilang malaki sa Quezon City kami nagkikita-kita.

Magkatabi kaming matulog…….. sa likod ng klase ng boring na propesor.
(Kadumi ng isip ninyo).

Iniimbita niya ako sa NJ. Pinadalhan niya ako ng ticket at pinangakuan
na bibigyan niya ako ng ticket pauwi sa California.
Tumatanaw siya ng utang na loob na kahit siya ay nakakatulog,
mayroon siyang thesis na natatapos. Ahem.

Tuwang-tuwa siya nang makita niya ako, pati na ang kaniyang asawa.
Ahaaa siya pala, siguro sabi niya. Nag-asawa kasi ang kaibigan ko
isang taon pagkatapos niyang lumipad sa Estet.

Tuwang tuwa rin ang kaniyang mader dahil naalala niya na ako lang
ang nagsasabi ng masarap ang niluto niya para sa aming mga
nagpupuyat. (Sa totoo lang wala talagang lasa. Hehehe)

Tuwang-tuwa rin ang kaniyang biyenan kasi may makakasama siya
sa buong maghapon na wala ang mga tao doon sa bahay.

Para ako malibang, tinambakan nila ako ng paperback.

May araw na ubos ang Kleenex sa dresser sa guest room dahil sa
kaiiyak ko sa nobela nina Barbara Taylor, etc.

May araw na ang feeling ko ako ay ispeya, kaya pati ang
bolpen na ginagamit ko ay pinaghihinalaan kong gadget
para mamonitor nila kung ano ang ginagawa nila. Pati ang
walang kakibo-kibong porselanang pusa ay sinilip ko
ang ilallim dahil baka may “bug” na inilagay.

May araw na malakas kong binabasa ang mga salita
at pinapraktis ko ang aking accent. Pleeeeen, meeeen,
Greeendd…..

Sa natapos kong isang balikbayan box na paperback, masasabi
ko na karamihan sa mga author ay nirerecyle lang
ang kanilang nobela.

May mga nobela na sinulat ng isang author sa ibang pangalan.
May mga istorya na hindi talaga ang author ang sumulat
kung hindi ginagamit lang ang pangalan ng sikat ng manunulat
para ito ay mabili. Ang writing style ay iba na.

Minsan pag sawa na akong magbasa, pinagdidiskitahan ko ang
kaisaisang hitong lalangoy langoy sa aquarium.

Tinatakot ko siyang iihaw pag hindi siya gumagalaw.

Anong nangyari sa akin?
Yon ang panahong marami akong oras pero wala akong
magawa.

Bersdey ko. May dalang maliit na keyk ang aking kaibigan.
Kinantahan nila ako ng Happy Birthday.

Hindi tumulo ang aking luha. Hindi pa nakita
ng aking kaibigan na ako ay umiyak.

Baka mamatay ang sindi ng isang kandila.

Sa isandaang kaibigan, may dalawa o limang tunay.
Mahalin natin sila.

Pinaysaamerika

Wednesday, October 20, 2004

Si Pinay sa Boston

Dear insansaamerika,

Ipinasyal ako ng aking madder sa Boston downtown at sa park.
Sa park ay habol habol ko ang isang squirrel. Halakhak na kita ang ngala-ngala
ng aking mader. Halata raw bagong salta ako dahil nireretrato ko ang squirrel.

Isa pa lang naman ang nakukuha ko na nang madevelop ay halos di ko pa makita dahil nakatapat siya sa puno na brown din ang kulay.

Kaya nang may tumakbo pa sa harapan ko at nagpose. Sinabihan ko siya na Manigas ka.
Nanigas nga kasi may ugali silang hindi gumagalaw nang matagal.

Nakita ng aking mader ang kaniyang kaibigang Pilipina na asawa ng isang Puti. Pinapanood ko ang mga itik na lumalangoy nang lumapit siya sa akin. Naalala ko ang
itlog ng itik na kinakain ko sa Pinas. Malalaki ito sa itlog ng manok. Malansa nga lang ang lasa.

Tabingi ang mukha ng kaibigan ng mader ko. May buhok pa sa kaliwang pisngi.
Medyo nagulat ako. Hindi naman sa namimintas, pero hindi ko akalaing ang anyong
yon ay makakuha ng guwapo at batang Puti na may magandang hanapbuhay.
Mangani-nganing tanungin ko siya kung ano ang gayumang ibinigay niya.

Pero lumabas ang anghel kong nakaputi. Pinandilatan ako.

Parang nabasa niya ang aking utak nang sabihin niya sa akin na hindi raw siya ang
niligawan ng kaniyang asawa. Ibang babae kaya lang nahuli niyang may kakulakadidang ang babaeng yaon kaya siya ang binalingan. Yon ang puntong, napakalungkot niya dahil walang magkamaling manligaw sa kaniya.
Pag balik ng Puti sa Estet, asawa na siya at di naman niya binigo dahil pinagsilbihan niya
at minahal ang kaniyang asawa. Buhay nga naman, parang panutsa. Hindi mo alam kong
sino ang magiging kahati mo.

Para silang Beauty and the excuse me Beast. Pero ang kagandahan niya marahil
ay nasa loob dahil naging malapit na magkaibigan sila ni mader.

Pag-uwi ng bahay ay tinuruan ako ng aking mader kung paano maglaba.

Oo Birhinya, hindi ako marunong maglaba. Sa Pinas kasi, susuotin ko na lang
ang damit. Dito ako ang maglalaba. Iba ang Clorox para sa puti at sa may kulay. Iba rin ang speed at temperature ng tubig para sa puti at de kulay.
Kaya pala nang maglaba ako sa San Francisco, yong itim kong blouse
ay naging mapusyaw at ang bra kong puti ay nagging kulay pink.


Ngayon ko napag-iisip-isip kung tama ang aking desisyong pumunta sa Merika.
Para akong nasa kama na bumaba sa sahig. I want my nanny. Waaah.


Pinaysaamerika

Sunday, October 17, 2004

Si Pinay at Roadrunner

Dear insansapinas,

Bago ako nakakuha nang driving test, pinalipad na muna ako sa LA. May audit ang aming opisina at ang Accountant naming ay lumipad biglaan sa Canada. Na-aaproved ang immigrant visa ng kaniyang buong pamilya sa Canada.

Hindi ako tumuloy sa apartment ni N. Puno na raw sila. Inilagay nila ako sa isang apartment na kasama ay dalawang Pilipina rin. Ang isa ay nakalive-in sa isang matanda.ANOH, may kalive-ing matanda ? Marumi ang aking isip. Kailangan kong magshampoo kinabukasan. Hee.

Ang ibig palang sabihin ng live-in ay doon siya nakatira sa matandang inaalagaan niya. pag Sabado at Linggo lang siya umuuwi sa apartment.

Ang isa naman ay nag-eescort ng matanda. Bago ko ginulo ang aking isip kung ano ang
hitsura ng escort girl na ito, kung seksi ba at may silicone na dibdib, tinanong ko muna si N kung anong sabihin ng escort girl.
Yon pala ay sinasamahan ang mga matatanda pagpunta sa doctor’s appointment, sa pagshopping o kaya sa pamamasyal. Ang matatandang ito ay nakakapaglakad pa naman at di kailangan ang private nurse pero kailangan nilang may kasama pag lumalabas ng bahay. Ang mga sumasama sa kanila ay tinatawag na escorts.

Haay, buti na lang at natanong ko bago ko pinaglunoy ang aking utak sa putik ng paghihinala.

Gabi na nang dumating ako sa apartment at wala pa akong gagamitin sa pagtulog. Walang kama, walang kumot at walang unan. Dumating si T at ako ay inilabas para kumain at para tuloy makabili ako ng kahit na plastic na baso. Mabait na bata. Kakukuha lang niya ng credit card at bininyagan naming sa pamamagitan ng pagkain sa isang Filipino restaurant. Napakaguwapo ng mga waiter. Napalaki tuloy ang tip ni T. Ahahahay.

Balik kami sa apartment. May dinalang isang mattress si N, isang lumang comforter
at unan. Pasensiya raw muna. Kung gusto ko raw samahan niya ako bukas bumili ng gamit. Tenk yu, sabi ko, pero hindi pa ako sigurado kung tatagal ako roon. Hindi ako sanay na nakabuyangyang at hindi ako marunong magluto. Helppppp.Isa pa ay kailangang
kung lumipad sa East coast. Personal na dahilan.Total matindi ang audit at past year financials ang inaudit. Kailangang humarap ay yong dating humawak ng libro.

Dumating yong aking roommate. Isa siyang matandang dalaga. Mabait at nag-iisa na
sa mundo. Habang ang isip ko ay namumuni-muni bakit ako nasadlak sa lugar na iyon, ikinuwento niya ang kaniyang buhay.

Napunta raw muna siya sa Saudi as domestic help. Tapos isinama siya ng amo niya sa London. Nang lumipad ang pamilya sa Estet, isinama siya. Isa siyang kaladkarin. Nakakilala siya ng isang Pinoy.Rumingding ang kaniyang puso kaya kahit wala pa siyang papel ay iniwanan niya ang kaniyang amo. Nakisama siya sa Pinoy na jump-ship. Ang jump-ship ay ang mga Seaman na hindi na umaakyat uli sa bapor at nagttnt na sa Estet.
Pareho silang walang papel.Si lalaki pala ay naghahanap lang ng magpapakain sa kaniya habang naghahanap siya ng isang US citizen. Nang maubos ang tipon ng matanda, iniwanan niya at nakisama naman sa isang Pinay na citizen. Hitsura ni Caridad Sanchez na umiyak ang matandang dalaga. Kung hindi lang daw pangit siyang babagsak sa freeway, disin sana ay tumalon na siya. Naisip ko magpapakamatay na lang, iniisip pa ang kaniyang anyo. Tiningnan ko siya, hindi naman siya mukhang kumedyante. Pero naawa ako sa kaniya. Hindi ko alam na may mga Pinay pala sa Estet na kawawa ang sinapit sa kapwa Pinoy.

May bago naman daw siyang crush. Gusto kong kumanta ng DI NA NATUTO. Kaya lang
baka magalit si Gary V.

Kinabukasan ng gabi ay sinundo ako ng aking brader. Sa kanila muna ako tutuloy habang hinihintay ko ang ticket papunta sa East Coast. Sinundo muna namin ang aking
pamangkin na nag-aaaral sa UCLA. Dala-dala namin pauwi ang kaniyang pc, ref, at maraming maruming damit. Sem break at siya ay uuwi muna sa bahay.

Malaki ang bahay nila sa isang bagong subdivision.

Sa likod ay malawak na katalahiban. Minsan ay nakatanaw ako sa labas ng pintong
salamin. May nakatingin din sa akin. Isang ibon o tila ibon. Mukha siyang si Roadrunner.
Si roadrunner nga. Akala ko pa naman ay malaking ibon yon. Hinintay ko si coyote. Wala. Baka naman nandito rin si Elmer at si Watsss up Doc.

Epekto lang siguro ito nang panonood ng video ng aking pamangkin na may collection
ng mga cartoons at Disney movies.

Dumating ang araw nang pag-alis ko papuntang Boston. May mga bago akong gamit na
Inilagay ko sa isang balikbayan box. Sabi sa akin noong na sa counter. Filipina heh ?
Nakatingin ang lintek sa aking box. Tsee.

Pinaysaamerika

Thursday, October 14, 2004

Si Pinay nagdadrive sa Streets of San Francisco

Dear insansapinas,

Intsik ang aking tutor sa driving. Nirekomenda
noong isang kakilala ng kakilala ng kakilala ko
na hindi pa ako masyadong kilala.

Sinundo niya ako sa bahay. Pinaupo niya ako
sa driver's seat. Ekkkkk,dalawa lang ang
tapakan, brake at gas. Walang clutch. Automatic.
Stick shift o manual ang dinadrive ko sa Pinas.
Santa Barbarang hindi naman kamag-anak ni Streisand,
malaking
problema ng aking mga paa. Nagkaclutch ako kahit
walang clutch.

Pinadrive niya ako at pinahinto sa tapat ng Post
Office. Akala ko kailangan kong stamp para mag-drive.
Yon pala,may ihuhulog siyang mail.

Pinadrive niya ako at pinahinto sa tapat ng isang
bangko. Akala ko pipilitin niya akong magwithdraw
at magbayad kaagad. Sa kabilang kalye pala ay MC
Donald. Bumili siya ng almusal niya.

Pagpinadrive ako nito sa laundry shop o kaya sa
store, iiwan ko nito. Kaya lang paano ako uuwi?

Habang kumakain siya ng almusal ay tinuturuan niya
ako ng mga rules of the road. Kagaya nang kung kailan
ang full stop, right of way, blah blah blah.
Left turn, right turn..change lane..blah blah.
Kasabay nito ay sumasagot pa siya sa kaniyang
cell phone mula sa mga student drivers niya.


Nagkataong malapit na ako sa street corner at wala
pa siyang command kung ako ay straight o turn kaya
straight lang ako. Bigla siyang sigaw ng turn right.
Bigla akong turn right. O loko, di naligo siya ng
kape.Galit siya. Nag-iinsik na hindi ko maintin-
dihan. Sumasaboy ang kaniyang laway habang nagsasalita.
Dapat nadala ko yong payong ko para protection.

Ikalawang araw ng turuan,dinala niya ako sa
San Francisco downtown.Wow nagdadrive ako sa
Streets of San Francisco. Gusto kong kumanta,
If they could only see me now.lalalala.
Biglang brake.Hindi ako nagbrake. Yong tutor ko pala
ang nagbrake. Dalawa pala ang set ng gas
at brake. Ang daya. Akala ko pa naman ay
ako na ang piloto, yon pala nakaautomatic pilot
ako.

Naalala ko tuloy noong nag-aaral din ako ng driving
sa Makati. Crossroad, hindi ako palusutin noong mga
jeepney drivers. Ang laki ng nakasulat sa harap
at likod ng sasakyan, STUDENT DRIVER. Ang mga
ngiti ng mga drivers na iniipit ako ay ngiti ng
mga hyena. Ayaw kong ipagdasal na mabangga sana sila.
Madadamay ang mga pasahero.
Ipinagdasal ko na lang na magtae sana sila at walang
makitang kubeta.hekhekhek

Tapos na ang pagtuturo sa akin. Susunod ay ang
actual driving test.Abangan.

Gabi. Ginising ako ni Manang. Nakaupo ako sa kama
ko. Tulog. Nagdadrive.Panay pa ng raw ang brake
ko.

Pinaysaamerika

Tuesday, October 12, 2004

Si Pinay sa Dept. of Motor Vehicles

Dear insansapinas,

Dalawang araw lang ang nakuha ko na ang aking SSS ID.

Tuloy ako sa Department of Motor Vehicles para mag-aply ng State ID.

Oo Birhinya,imbes na lisensiya ng mga hindi nagdadarive ang ini-issue ng
DMV na katulad nang iminumingkahi diyan sa Pinas, State ID ang ibinibigay.

Habang nandoon kami ay pinilit din ako ng aking kasama upang kumuha
ng written test para sa driver’s license.

Ano siya, sobrang bilib sa akin na kahit hindi alam ang mga rules and regulations
ng driving ay papasa ako sa written exam?

Bilib din siguro ako sa sarili ko dahil napilit din niya ako. Tsee.

Ang mga tanong eh, gaano kalayo dapat pinarada ang kotse sa bangketa ? Multiple choice naman. Pinikit ko ang aking mata at inisip ko kung dapat nga ganoon kalayo.

Sa madaling salita,nabawasan ng isang kutsarita ang bilib ko sa sarili ko. Malaking F ang inilagay sa aking papel.Sobra sa limang mali kaya bagsak.

Pinakukuha ulit ako ng kasama ko bago kami bumalik sa opisina.
Binigyan niya ako ng tatlong kopya ang mga exam papers na nacorrect na.
Maari kung reviewhin para raw malaman ang tamang mga sagot.

OKEDOKE. Matindi talaga ang bilib ng “batang “ ito sa akin. Siguro kung ako
Ay miyembro ng Viva Hotbabes, magtatayo ng fans club sa akin at siya ang Presidente.

Tatlong attempt ang ibinibigay sa mga kumukuha ng test.

Kumuha ako ng ikalawang beses. Sa isip ko ay hindi ko kailangan si St. Jude para ako
pumasa.

Pasado nga. Tuwang tuwa ako. Susunod ay ang actual driving test. Pero kailangan kong
kumuha ng driving tutor para turuan ako ng wastong pagdadrive ditto sa Estet. Saka na.

Pabalik sa opit ay dumaan kami sa store kung saan pinadevelop ko ang mga retrato sa LA.

Wala pa raw sabi ng sales clerk. Tapos ay tinalikuran ako. Inamoy ko ang sarili ko.
Amoy bagong salta ba ako at ako ay hindi iniintindi nitong sales clerk o ano ba
ang problema niya sa bahay?

Marami akong oras para pakilaaman ang buhay niya. Sabi ko pangako nila na makukuha ko ang mga retrato. Bakit wala? Pwede bang pakiespleka kung ano ang pangyayari?

Wala pa raw yong mga retrato na galing sa developer. Bakit nga? Kulit ko.
Tatlong araw na iyon samantalang ang binayaran ko ay one-day developing. Marunong ba silang magbilang? Taray.

Tiningnan ako ng aking kasama ng may paghanga. Kung may hawak lang siyang sampagita,siguro naisabit na niya sa akin.

Hiningi ko ang supervisor. Siya raw ang supervisor. Ahaaaa. Hiningi ko ang Manager.

Lumapit siya.Puting babae na tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tiningnan ko siya mula paa,huminto ako sa may baywang, hinanap ko wala, saka itinaas ko ang aking
paningin. Nakatingala ako sa kaniya.

Pinaliwanag ko ang problema. Bakit sabi ko maglalagay sila ng one-day developing
kung tatlong araw pala ay hindi rin makukuha. Alam ba niyang nagbiyahe pa ako
mula Walnut creek para lang kunin ang retratong yon? Tindi talagang magpaguilty.

Sabi ng manager ay wala siyang magagawa. Kasalanan ng developer. Pinatingnan ko
kung kailan pinick-up ng developer. Kahapon lang daw. Ahaaa, bakit kahapon lang.
Sa pangungulit ko ay nalamang kung hindi naisama ang aking mga negatives sa unang
batch na pinadala sa developer. Kasalanan ng store.

Walang apology ang manager.Bumalik na lang daw ako.Sabi ko hindi ako babalik pero susulat ako sa Better Business Bureau para sila ay ireklamo.

Biglang nagbago ang hihip ng hangin. Sabi ng manager ay sorry for the inconvenience.
Kung gusto ko raw ay ibigay ko ang address at i-memail niya ang photos.
Sasamahan pa niya ng libreng rolls ng film.

Hindi naman ako mahirap kausapin.

Sabi ng kasama ko, galing mo talaga.

Inilbre ko siya sa Burger king.

Pinaysaamerika

Monday, October 11, 2004

Balik SF-Sosyal na clerk ng SSS

Dear insansapinas,

Pagkatapos kong maglagalag sa Los Angeles,balik San Francisco ako.

Walang pinagbago, adobo pa rin ang ulam na inihanda
ni Manang na hindi naman Ilokana.

Wala pa rin yon aking Social Security card na inaapply
ko bago ako umalis. Minabuti kong pumunta sa
SSS kasama yong aming Accountant. Bata pa siya. Dati siyang BIR examiner pero
minabuti niyang magmigrate dito sa Estet o kaya sa Canada kaysa raw maglublob sa
putikan.Wala akong panahong mag-Charo Santos kaya di ko siya masyadong nahaharap.

Nagtanong ako doon sa clerk na Latina tungkol sa card na hindi ko pa natatanggap.
Tiningnan niya sa computer sa pamamagitan ng pagtuldok sa keyboard ng kaniyang
daliring may mahahabang pekeng kuko. (Iniisip ko tuloy kung paano siya nagsasagawa
nang mga personal hygiene niya na hindi siya natutusok. Bura bura bura.Masama
ang naiimagine.Utang na loob, huwag na kayong makipag-imagine.)

Balik tayo sa clerk.

Hindi raw niya makita yong aking application. Gumawa raw ako ulit.

Protesta ako.Sabi ko nakita ko yong aking application nang prinocess sa computer
at ipinakita pa sa akin noong isang clerk bago sinubmit sa data processing.

Tamad ang bruha. Protesta ako ulit na i-double check.Ayaw niya. Kailangan daw
bagong form.Sabi noong anghel sa aking kaliwa, sungangain ko na. Sabi noong
anghel ko sa kanan. Hinahon. Kaya malumanay na sinabi ko na gusto kong makita kung paano niya hinanap sa data base.Inirapan ako ng anghel ko sa kaliwa.

Tinawag niya yong security guard, nanggugulo raw ako. Nilapitan ako ng sekyong
Puti. Sabi ko sa sikyo, hindi ako naglakad nang napakalayo para
maghanap ng away.Hindi ako naka business suit para makipagsabunutan sa isang
clerk na hindi marunong ang client service.Pero kung patuloy sasakit ang aking
mga daliri sa aking paa dahil sa aking boots,baka hindi ako makapagpigil at
hubarin ko ang aking boots. Nakakatunganga siya sa akin. Hinihintay niya siguro
kung anong gagawin ko pagkahubad ko sa boots.Binitin ko. Hindi ako baliw para maging violent. Nakalimutan ko lang namang gumamit ng foot spray. yekyek.

Pinatawag ko ang supervisor. Dalawa ang dumating. Sabi noong anghel ko sa kaliwa,
akin yong isa. Sabi noong anghel ko sa kanan,yong malaki ang saiyo.

Inesplain ko ang pangyayari. Sabi ko hindi ako magssusweldo pag wala akong
SSS ID. Magugutom ako. Matitiis ba nila akong magutom.Tiningnan niya ako at nasulyapan niya ang aking daliri. Medyo nasilaw siya. Sabi ko Cubic zirconia.
Sabi ng anghel ko sa kanan. Sinungaling.Suya, hindi na makalusot.

Hinanap ng dalawang supervisor ang aking data. Kita nila. Sa isip ko sa clerk,
beeelat, tamad kasi.

Humingi ang mga supervisors ng paumanhin. I-memail daw nila ASAP ang aking card.

Bago ako umalis,yong anghel ko sa kaliwa ay ibig balikan ang clerk at unatin
ang eyelashes nito.Buti na lang at may anghel ako sa kanan.

Pagbalik ko sa opisina,sabi sa akin ni R,ganiyan daw kaclueless ang mga
tao doon. Para bang pagpasok nila sa trabaho ay nakalimutan nilang
pulutin ang utak nila na naiwanang natutulog pa sa unan.

Pinaysaamerika

Thursday, September 30, 2004

Si Pinay ang Soap Opera

Dear insansapinas,

Inabot sa akin ni T ang telepono. Isa kong kakilala sa Pilipinas na naunang pumunta
rito sa Estet.

Tinawagan ko siyang minsan pag-aakalang ganon lang kalapit ang lugar niya sa LA.
Gusto ko kasing magkita kami at magkumustahan. Pero pinagkaila siya ng kaniyang anak
na wala doon.

OO Birhinya, siya ay may-asawa at may anak. Sa totoo lang, nasaktan ako sa pagkakailang yaon dahil katatawag lang niya.

Balik-gunita.
Kaibigan siya ng aking kaibigan. May ginawa siyang business plan na gusto niyang ipakita sa akin. Isang proyektong pagtayo ng kindergarten school.

Marami pang tatapyasin at idadagdag. Depressed siya ng mga panahong yon. Hindi na
siya sinusulatan ng kaniyang asawang nars na nasa Saudi. Naiwan sa kaniyang pangangalaga ang kanilang mga anak.Balak niyang magresign sa trabaho dahil sa kasong
Dinala ng kaniyang tauhan.

Maawain ang aking puso. Tinulungan ko siya. Pag resign niya ay inerokemenda ko siya
Sa aking kaibigan. Naitayo niya ang kindergarten school.Nakilala ako ng kaniyang mga anak. Bumalik ang kaniyang asawa sa Pilipinas nang ang kanilang aplikasyon sa immigrant visa ay naprubahan.Muling nabuo ang pamilya niya. Natuwa ako.

Hanggang dito sa Estet ay sumusulat pa siya. Ang hirap daw maghanap ng trabaho pag bago pa lang, samantalang ang asawa niyang nars ay malaki na ang suweldo.


Balik LA
Nagkita kami sa isang restawran. Malungkot siya, habang napakadaldal ko. Hinihintay
Kong imbitahin niya ako sa bahay nila para naman makita ko ulit ang mga bata.

Lalong lumungkot ang kaniyang mukha. Nagkaroon daw ng gulo sa bahay nang tumawag ako. Sinumbatan daw siya ng kaniyang asawa na baka raw siya ang dahilan nang pagpunta ko sa Estet. Baka raw pera pa niya ang ginamit ko pagpunta rito.

Mahilig siguro sa pelikula ang kaniyang asawa. Kaya may mga kuwento siyang nahahabi.
Gusto kong maluha pero walang malapit na kamera. Ayaw ko naming bumunghalit ng iyak kahit mabigat ang loob ko dahil baka matalo ko si Sharon sa Crying Ladies.

Ipinagtanggol daw niya ako dahil alam niyang hindi totoo ang ibinibintang ng kaniyang asawa. Kung mayroon babaeng dapat siyang igalang ay ako dahil sa tulong na ginawa ko
Sa kanilang pamilya.

Sabi ko selos lang yon. Ang mga nagseselos na babae ay nawawala sa tamang pag-iisip.
(Ang gusto kong sabihin. Insecure lang siya kaya siya nagseselos).

Nagpasalamat ako sa kaniyang pakikipagkita sa akin. Habang nasa bathroom siya ay
Kinuha ko ang aking directory. Nilagyan ko ng note.DNC. (Do not call).

Bumalik ako sa opit.Ang pakiramdam ko ay galit ako sa mundo. Tapos kang tumulong, masama pa pala ang inisip saiyo.Pag may nagkamaling sumagi ng kahit isang hibla ng buhok ko ay makakatikim sa akin. Sabi noong nakasakay ko sa elevator, gusto raw niya ang suot kong
Damit. (Sa isip ko lang: Anong gusto mo,hubarin ko).

Sa opit ay tinanong ako ni T kung how was my date ? Okay lang, pinakain ako.
(Sa isip ko lang…bwhuhuhu).

Pinaysaamerika

Wednesday, September 29, 2004

Si Pinay, Batang Likot at si Gabby Concepcion

Dear insansapinas,

Busy ako sa opit maghapon.Babalik na kami ng San Fransisco ng Biyernes kaya
inupuan ko yong dapat kung tapusin. Type,print,collate ang ginawa ko.
Maayos kong inilagay sa ibabaw ng aking desk ang mga salansang papel.

Tahimik ako sa aking opit nang may pumasok na tsikiting. Anak ng isang empleyado.
Inihahatid ito ng ama para isabay na sa pag-uwi ng kaniyang asawang empleyado namin pagdating ng alas singko.

Kaya,parang playground niya yong aming opit.

BatangLikot:"What’s this for?" Sabay abot ng pointer ko. Tapon yong soda na nasa paper cup.
Basa ang matagal kong pinaghirapang isulat ng dalawang oras.
Umakyat ang dugo sa aking ulo. Kung papel lang siya ay napagugutay-gutay ko na siya; kung pizza lang siya ay nakain ko na siya pati yong thick crust. Tiningnan ko yong nabasang papel. Ang dami. Isama na yong karton ng pizza.

Dating yong nanay. Inilabas ang pakialamerong bata.

Wala pang limang minuto bumalik na naman. Pandidilatan ko sana pero pumasok ang nanay at hinila ang bata. Nagpabeautiful eyes ako.

Sampung minuto, wala.Haay salamat.Pumasok si T.
T: Sino ba ang nag-imbento ng bata?
Pinay: SShhh . Baka sabihin kaya lang galit ka sa bata dahil wala kang boyfriend.

T:Hoy kung ako ay mag-aasawa at ganiyan ang anak ko, itatali ko nang patiwarik.

Pinay :Bakit ano bang kalikutang ginawa ?

T:May kausap ako sa telepono,bigla siyang nasalabid doon sa kable kasi inaabot niya
yong aking relos na Garfield sa ibabaw ng monitor.

Ang pakiramdam ko ba ay nagkabasag-basag ang kausap ko.Nawala ang linya at basag ang relos ko.Gusto kong banatan.

Pinay :Hoy bawal ang manakit ng bata. Isumbong mo sa nanay.

T:Hmmp huwag na. Maging sanhi pa yan ng away naming.

Pumasok si N.

N:Pweh pweh pweh. Pinay: Bakit?.

N:Sino ba ang idiot na naglagay ng maraming kape sa
Coffee pot.Gusto ko nga black pero hindi naman
yong matapang masyado na bubuntalin ang dibdib
mo.
Nagkatinginan kami ni T. Yong batang malikot lang naman
Ang napunta sa kitchen.

N: Siyanga pala T, may tumawag .Tinatanong kung alam mo raw ang
pinaksalan ni Gabby Concepcion.

Pinay: Di ba si Sharon ?

N:Hindi,may pinakasalan dito sa Estet yan. Kilala
ni bossing.

Pinay: Baka tsismis yan.
N:Ang tsismis yong nababalita sa Pinas. Dito totoo. Ang mga nalalaos na artistang lalaking nag-aasawa kung hindi sa papel ay dahil kulay berde ang mukha ng pinakasalan nila.

Masarap pa sana ang tsismisan pero sumilip ang
batang-likot.Parang gusto kong guluhin ang mukha
niya at sabihing ang cute niya (biglang pasok ulit yong nanay).
li

Diclaimer:Sa pagsulat po ngkuwentong ito ay
walang nasaktan na bata, hayup o tao.

Pinaysaamerika

Tuesday, September 28, 2004

Si Pinay at ang Maalala Mo Kaya

Shopping ang therapy ng bossing ko. Pag bukas pa lang ng Macy’s ay nandoon na kami.
Dala-dala niya ang maraming damit at outercoat na may tag pa. Sandali, nakita ko yong damit na suot niya sa Lake Tahoe. Hmmmm, isosoli niya ? Saka bakit may tag pa yon ?

Gawi pa la nang iba yon. Ang bumili at magsoli ng mga items basta nandoon pa rin
ang resibo o kaya maari pa nilang makita sa computer ang item.

Kung nahihimbing siguro ang bossing ko ay dalawang tunog lamang ang puwedeng
magpagising sa kaniya, ang tunog ng slot machines at ang tunog ng cash register sa check out counter ng department store.

Isa pa gusto niya akong makausap nang walang nakakarinig. Alam niyang hindi ko gusto ang ginawa niya kay S. Kahit magiging empleyado niya lang ako, ilag siya sa akin.
Siguro may personalidad ako na kinatatakutan nag ibang tao. Tahimik ako pero pag may
ayaw ako ay hindi ko pinalalagpas ang pagkakataon para sabihin o kaya iparamdam
ang hindi ko pagsang-ayon. Kung minsan siguro nasa body language ko ang aking pagkondena sa isang maling bagay.Ang aking personalidad nga raw ay Tea.(tingnan sa
blog ni Dr. Emer ang personality test na ito.)

Kagabi ay nagkakandatuwad sila ng salitan ng pagkuwento ng katatawanan.Maliban
sa pagtaas ng kilay, pagngiwi ng aking labi, wala silang narinig na halakhak sa akin.

Niyaya ako ni bossing kumain sa isang Filipino restaurant na tahimik. Naramdaman ko na gusto rin niyang buksan ang kaniyang dibdib. Susmaryakapra,feeling ko si Charo Santos ako. Sa Maalala mo kaya. Lahat ba sila magkukumpisal sa akin.

Masakit daw ang ginawa niya kay S. pero sukdol daw ang tampo niya rito. Isa siyang pinagkatiwalaan niya nang pagpapatakbosa negosyo at balita niya ay nililigawan ito ng kakumpetensiya niya para maging partner sa parehong negosyo.

Ahhh, sabay subo ko ng piraso ng kare-kare.

Anak daw si S ng isang matanda na kumupkop sa kaniya nang mabuntis siya at iwanan
Ng lalaking ng kaniyang dalagang anak niya ngayon.

Ahhh,yon pala eh…subo ako ng pirasong hipon.

Ginantihan naman daw niya iyon sa pagkupkop kay S nang dumating siya rito sa Estet.
Samantalang siya raw nang dumating dito ay walang kamag-anak.Hindi ko na kailangang ikuwento sainyo ang iba’t ibang pamamaraan upang makapunta rito.
Iba’t ibang pamamaraan upang manatili dito sa tulong ng mga ahas.

Oo Birhinya, ang ahas ay hindi lang sa gubat. Marami rin sa maga airconditioned na opisina.May itim, may puti, may kayumanggi ay may dilaw.

Nag-asawa siya ng Puti at nagtrabaho sa isang opisina na ang negosyo ay katulad nang
sa kaniya. Ang non-competition clause ay dapat may taning kagaya nang pagkatapos ng isa o dalawang taon, maari nang magtayo ang empleyadong umalis para magtayo ng kaparehong pinagkakakitaan.

Ikapito na ito na umalis sa kaniya. Nagtayo na ng sariling negosyo ang mga dating
empleyado.Kasama doon ay ang mga kliyente niya.

Ayaw na raw niyang idemanda. Masyadong magastos at sayang ang oras. Ito si S ang ginugulan niya ng oras para turuan dahil inako niyang parang kapatid.

Tanong niya sa akin kung masisisi ba siyang magtampo.

Ahhh ? Sandali,nalunok ko yong buong bokchoy. Parang ahas itong dumulas sa aking lalamunan.Ulkkk.

Medyo nabawasan ang inis ko sa kanya.Napag-isip-isip ko na kailangang marinig muna
talaga ang panig ng dalawang nag-aaway bago maghusga.

Naintinidihan ko siya sabi ko. (At masarap ang kinakain ko ). Ang buhay sabi ko parang kare-kare. Iba-iba ang sahog. May asin,may peanut, may bagoong at mainit na apoy ang iniluluto. Pero para kumain, kailangang palamigin. Kaya dapat palamigin niya ang kaniyang ulo.

Sabi ko, pirmahan niya ang papel. Whatever goes around, comes around. Yong nga lang iba natatagalan sa kanto. Siya nga nanggaya rin ng negosyo.Ganiyan lang ang buhay,minsan sandwich ang kinakain mo, minsan kare-kare. Sus ano ba ang pinagsasabi ko.

Napatunayan po ito sa aking kuwento sa aking kambal na blog.

Tinawagan ko si S. Pumunta siya sa opit. Hindi siya nilabas ni Bossing pero
Pinirmahan ang papel niya. Ang tingin ko sa kaniya berde na.










Monday, September 27, 2004

Si Pinay at ang Soap Opera

Dear insansapinas,

Gusto ko mang matulog nang maaga ay di ko nagawa. Naglinis pa sila ng bahay
pagkaalis ng mga bisita. Di nila ako maasahan. Kulang na lang tukuran ko
ng palito ang mga talukap ng aking mata para hindi sumara.

Kinabukasan,lahatlulugo-lugo sa opit. Tahimik pa ang anim na Maria kasama ang aking bossing.Para bang meron silang kumperensiya. Ang tagasagotlang sa telepono na si R ang naririnig ko.

Naikuwento ko na ito sa aking kakambal na blogsite pero yon ay
ikalawang kabanatang nakaraan. Parang flashback lang ang nangyari.

Nagpaalam yong receptionist na pupunta sa bathroom.Kung puwede raw sagutin ko
ang telepono. Kasi lahat ng goirls ay nasa opit ni Bossing. Sarado rin
ang pinto.Baka puyat lahat.

Hoke.

Ring...ring...ring

Me:XYZ,how may I help you. (Galing ko. pati accent.Palakpak tenga ako).
Phone: Can I talk to (Bossing namin).
Me:For a while. (Husme,noon ko lang narealize na bagong salta nga ako.
For a while...gusto kong pukpukin ang ulo ko...gusto kong halibasin ang mga
papel sa harapan ko).Bigla akong buwelta. May I know who's calling please?
Phone: This is S.
Me: Can you hold on a sec., I'll direct your call to her line.
Phone: Thanks

@#$%^&*()!@#$%^&*()

'No nangyari? Nagkaroon yata ng giyera mundial.May nag-aaway sa kabilang kuwarto.
Si bossing yata at yong tumawag. Tumayo ako at lumapit sa may dingding. Kunwari
ay inappreciate ko yong painting na nabili sa estate sale. Pero huwag ka
ang aking tenga ay lumalaking tila trombone para makasagap ng ingay sa kabila.

“ Kung hindi sa akin ay magiging palaboy ka dito sa Estet. Saan ka pupulutin?” Ang mga sagot naman ay: “Tinumbasan ko naman iyon ng serbisyong parang asong susunod sunod saiyo. Para akong lady-in-waiting na nakatalima sa iyong mga kapritso” Pati naman, puso ko pakikialaman mo?” Sa mga nagtataka, bakit ko naririnig yong nasa kabilang linya. Nakaspeaker phone po sila.

Bigla akong napabalik sa aking upuan nang biglang lumantad yong bossing ko.
Pinagalitan ako dahill bakit daw binigay ko yong tawag. Malay ko ba.
Kasalanan ko ba yong hindi nila ako isama sa kanilang kumperensiya.
Uuwi na raw siya sa apartment. Masakit ang ulo niya. Isasama niya ang mga goirls.
Hmmm

Pagkaalis nila ay tumunog ulit ang telepono. Si S ulit. Sabi ko umuwi na si
Bossing. Narinig ko siyang humikbi. Kung puwede raw magkita kami.Dahil ako ang bagong mukha, ako ang kaniyang hiningan ng tulong. Santa Barbara na malapit sa Santa Clara, ano kaya ang magagawa ko, eh accent lang problema ko pa.
Dalawang linggo Linggo pa lang ako sa Estet at pag ako lumabas sa building ay kailangan ko pa ang mapa para di maligaw. Kung baga Oriental ako … nasa orientation stage.
Dinala niya ako sa Denny’s. Wow. Sa isip ko.Buti na lang hindi breakfast,
hindi na nila ako tatanungin kong how do I like the egg ? Gusto lang nyang may mapaghingan ng sama ng loob.

Nakatingin siya sa aking mukha pero tila ako si Casper na tumatagos ang kaniyang mata sa aking bandang likuran. Korni mang isipan pero ala Humphrey Bogart ko sanang tatanungin siyang “ a penny for your thought”.

Malala ang problema ng bataing ire, ang sa isip ko lang. Ang batang ire ay mas matanda sa akin, may tatlong anak at nakapag-asawa na ng dalawang beses. Dati siyang empleyado sa aking pinagtrabahuhan.(past tense). Hindi ko nga siya inabutan dahil papasok pa lang ako ay nakaalis na siya ng mahigit isang buwan. Nilalakad niya ang mga papel na kinakailangan niya para sa kaniyang “birde” (green card). Medyo nagtatampo si bossing dahil siya ay umalis kaya hindi man sinasabi pa ay katumbas na rin ng mga salitang, “Magdusa ka”. Disappearing act pala ang drama ni Bossing para hindi siya mapilit na pumirma ng mga papel.

Nangingilid ang kaniyang luhang kinuwento sa akin ang kaniyang buhay.
Kumuha ako ng maraming table napkins. Mababaw rin ang aking luha.
Ayokong mabasa ang aking pagkain. Lalabsa. Nakipagsapalaran siya
sa Estet nang sila ay magkahiwalay ng kaniyang asawang nakatali
sa epron ng kaniyang mama. Iniwan niya ang kaniyang dalawang anak.
Turista siya. Lakas ang loob niya para mag-aaply sa opisinang pag-aari
ng isang Pilipinang may kapartner na Puti. Inisponsor siya. Hinawakan
niya ang “marketing”. Namalengke siya ng mga katulad niya na nangangailangan ng trabaho at kailangan din ang permiso para magkatrabaho. Namalengke rin siya ng mga negosyo na nanggailangan ng mga empleyado. Pinagtutugma niya ito at pinaasikaso sa abugado ang mga papeles na dapat asikasuhin. Magaling siya kaya umasenso siya pataas. Naging kamay na kanan siya ni Bossing na mahilig umuwi ng Pilipinas para kumuha ng narses. Yon ang panahon daw na madaling kumuha ng mga narses sa Pilipinas dahil may sarili silang kategoriyang working visang nakalaan sa kanila. Nagkamal sila ng salapi pero parang tubig itong umagos. Pag tanggap ng pera ay nangangati na silang umuwi. Down payment pa lang ay ginagastos na nila. Ang gara ng opisina. Ang copier ay napakalaki at de kulay pa. Puwede akong dumapa para I-Xerox ang aking mukha. Lahat ng empleyado ay may magagandang opisina. Taas ang kilay ko nga nang dumating ako dahil parang nakikinita ko na ang problema, hindi ko pa man nasisilip ang libro at nasusundan ang mga pinagkagastusan. Pero balik tayo ulit sa batang ire. May nakilala siyang isa ring Pilipino at rumingding ulit ang kaniyang puso. Sabi ni bossing, hindi dapat dahil maapektuhan ang kaniyang buhay dahil wala ring kapapelan ang lalaking ire. Sabi naman niya, pakialamera lang talaga. Wala siyang trabaho. Wala siyang naipon sa mahigit na pitong taon niyang pagtatrabaho. Isa lamang ang klaseng trabahong alam niya. Ang dayalog ko naman ay ,” Ang buhay daw parang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalalim. Pag ikaw ay matagal sa ilalim, ibig sabihin noon ay flat tire. Kumuha ka ng tutulong saiyo para gumalaw ang gulong. Tinitigan niya ako. Hindi ko siya tinitigan. Binigyan ko siya ng compact. Kasi nagsmudge ang kaniyang eyeliner sa luha.

Itutuloy

Pinaysaamerika

Sunday, September 26, 2004

Si Pinay sa Bridal Shower

Dear insansapinas,

Umuwi na kami sa apartment, wala pa si bossing.
May mga misteryosong ngiti ang mga empleyados.
Ayaw kong tanungin. Ayaw kong ngumiti ng may
misteryo. Mapagkamalan pa akong may naligaw
na lamok sa ulo.

Inayos nila ang bahay na tila ba may party.
Mayroon palang suprise bridal shower.
Oy katuwa. Nilagyan nila ng mga baloon
at makulay na ribbong papel ang bahay. Nilag-
yan din nila ng kulay cellophane ang bombilya.

Datingan ang mga bisita. Ang huli ay
ang bride-to-be. Suprise,suprise.

May parlor games. Talong na itinali at
ginamit na pampalo sa hard-boiled eggs.
Cucumber-sculpting na ang shape ay kagaya
noong kamatis ni Sassy.Nanalo yong
bossing ko doon. Yong ang masasabing
art imitates life ek ek. Pati raw yong
haba. (Gusto kong magwisik ng holy
water. Mga nasabing kolehiyala pa naman
ang karamihang visitors).

Ang pinakaspecial number ay member daw ng
Chippendale ang darating. Akala ko yong
Chipmunks yon.

Naku guwapo palang nakabrief na sasayaw
at lilibot sa mga kababaihan. Husme, kung
alam lang ng mader ko yong pinanood ko
baka ingunudngod ako sa bibliya at pinagdasal
ng isandaang AMA namin.

Nag-iipit sila ng 10 to 20 dollars sa waist
band niya. Dumaan sa may harap ko. Gusto kong
hugutin yong isang 20 hindi sa pitaka ko kung hindi
mula sa waist band niya. Ano ako nabubuwang,
magtip. Kalahati lang naman ang tingin ko.
May hawak akong napkin at nakatakip sa isa
kong mata.

Lumabas ako habang nagkakasarapan sila
ng sayawan sa loob. Wala ako sa mood
makipagsayaw. Sumasayaw lang ako sa dilim
at may umiikot na ilaw. Ano ko cheap?

May matandang lalaking naghihintay sa labas.
Sigaw ko ng Tata Pete.Siya pala ang ama ng
bride-to-be. Dati ko siyang kasamahan
sa isang opisina. Nag-migrate nga raw sa
Estet. Naalok pa ako noon para bumili sa
kanilang garage sale.May garage naman ako.

Matagal ang kuwentuhan namin. Yong
ang huli kong kita sa kaniya. Umuwi
sila sa Pinas dahil sa napangasawa
ng kaniyang anak. Buhay nga naman.

Pinaysaamerika

Si Pinay sa LA downtown

Dear insansapinas,

Tumuloy kami sa apartment ni N. Dalawang kuwarto
ito at tatlo silang nakatira. Galing sa eklusib
schools yong kasama niya. Pero nawala na ang
pagkasosyal at pagka konyo. Tulo din ang
pawis nila paghabol ng bus sa umaga para
pumasok. Paltos, paltos din ang kanilang
malalambot na kamay sa paghugas ng pinggan
sa mainit na tubig.

Tinaasan ako ng kilay noong isa na tila ba
nagtatanong kung ako ay nabinyagan nang
maghugas ng pinggan.Naghugas naman ako noh.
Gusto nilang pitikin ang aking daliring
nakatikwas.


Tinapa ang ulam at pinakbet. Oy sarap,at
least hindi adobo. Bili lang nila doon
sa isang Filipino restaurant. Wala silang
oras para magluto.

Kuwento, kuwento. Nandoon pa yong manedyer
ng opisina. Siyempre, nandiyan si bossing
na babae. Basta ako tulog. Sa may ilalim
ako ng kurtina natulog. Baka kasi ako
tumayo at maglakad,o di kumaripas sila
ng takbo. Mabuti wala na sa akin yong
masamang bisyo na sumisigaw ng numero.
Baka bantayan nila ako at hintaying
magsabi ng numerong tatama. Eh kung di
tumama? Di bugbog ang abot ko.

Kinabukasan, wala si bossing. May meeting
sa labas kaya sabi niya sa akin gumala muna
ako. Pumayag naman si T na samahan ako sa
labas at kung gusto ko raw ay sa downtown
LA.

Sumakay kami ng bus. Nakabusiness suit ako
habang ang karamihan na Latinong sakay ay mga
karaniwang damit lang ang suot. Sabi noong isang grupo
ng mga batang Latino, saan daw planeta ako
galing dahil sa damit ko. Nakamaong at
kamiseta lang kasi sila.San Francisco downtown
ako galing,noh.

Gusto kong lapitan at bigwasan ng left at right
hook ang mga hinayupak. Akala nila sa akin, di
nakakaintindi ng Katsila?

Sabi ni T, ganoon daw talaga sa bus lalo na kung
hindi oras ng pasukan ng mga nag-oopit. Ibang
klase ang mga nakasakay.

Bumaba kami sa downtown.Sa bangketa ay may sumalubong
sa aking Itim na nag-iingay. Sumunod siya sa amin
na salita ng salita. Tila ba wari ko ay sinusumbatan
niya lahat nang makita niya sa kaniyang kalagayan.

Bigla ang about-face ko sa kaniya. Bigla siyang
karipas ng takbo. Inilabas ko ang aking compact,
at disimulado kong sinulyapan ang aking mukha.
Bakit kaya siya tumakbo. Nakaguhit pa naman ang aking
kilay at ang aking eyeliner ay di pa naman,
natutunaw. Hmppp

Sabi ni T,huwag kong pansinin. Maraming taong
may tililing(excuse ting-aling ah)sa lugar na iyon.

Wala akong makitang mabili. May nagtitinda ng relos
na lalapitan ka at aalukin. Parang Wanna buy watch,
Joe.

Nagyaya na akong umuwi. sabi ko magtataxi na
lang kami at ayaw kong magbus.

Tinanong niya ako kung sigurado ako. OO ah,
baka may marinig ako sa bus at mapaaway pa
ako.

Nakasakay na kami sa taxi. Nasa number 100 pa lang kami,
mahigit ten dollars na ang patak ng taxi.Alam ko
naman walang daya ang taxi. Tanong ko kay T kung ano
yong address namin, sabi niya banda sa may 3000.
Kasya hindi ko ilapat ang puwet ko sa upuan para
di pumatak ang metro, minarapat naming bumaba
at naghintay ng bus.

Kahiya naman ako. Tahimik lang si T. Naunawaan
naman niya ang bagong salta.Naging matalik kaming
magkaibigan.

Pinaysaamerika

Saturday, September 18, 2004

BLT Sandwich-Burger/Longanisa/Tosino ?

Dear insansapinas,

Lumipad kami sa LA, nang Lunes. Napakaliit
na erpleyn ang sinakyan namin. Parang
yong mga domestic flight na sinasakyan ko
papuntang Bicol, Bisayas at Mindanao.

Hindi ko pa dala yong aking bagahe. Overnight
bag lang ang dala ko.

Sa Burbank kami lumanding at sinalubong ng
mga LA office staff. Ang nagdrive ay si N
na kakukuha pa lang ng driver’s license kaya
sa mga side streets lang ang daan namin.
Dapat nga siguro dahil kahit hindi kami
nagfreeeway, panay ang sumalosep ng bossing
ko. Hindi naman siya ang nagdadrive, panay
ang brake niya. Napapasunod din ako. Kaya
lang may kasamang clutch yong akin.

Tuloy ulit kami sa Denny’s para sa almusal.
Husme, iinterrogate-in na naman ako ng waiter,
kung ano ang gusto ko. Pahirap na almusal ito.
Kulang na lang ang lie detector para malaman
nila na nagsasabi ka ng totoo na ayaw mo ng
tomato saiyong BLT sangwich.Eh gusto ko lang B.
Burger. Yong Longanisa at Tosino, sa tanghalian na.

Usap-usap. Introdyus, introdyus. Kain, kain.

Biglang nagkagulo. May isang taong nakalupasay
sa lapag. Walang lumalapit.Bumubula ang bibig.
Natakot ako. May lason kayang nakain ?

Mamaya ay may wang wang na dumating. 911 raw.
Nagguwantes yong Puti bago
hinawakan yong mamang nakahandusay. Epileptic daw.
Dinala nila sa ambulansiya.

Nawalan ako ng ganang kumain. Pinabalot ko
ang tira ko. Sabi noong isang kakilala ko,
okay daw yon, dahil baka raw ang susunod na
kain namin ay hapunan na. Anoh ?

Tumuloy na kami sa opisina. May mga staff pa
doon. Photo-op, photo-op muna bago
dinala ako sa isang opisina na maraming
telepono. Ano ako gagawing nilang operator?

Pinatawagan sa akin ang SF Office. Panay
wrong number. Chineck ko ang number, tama
naman. Kulang na lang sugurin ako noong
sumasagot sa kabilang linya dahil sa paulit-ulit
kong pagdayal. Di huwag kang sumagot, sabi ko
sa Tagalog nang sabihin ulit na you got the
wrong number. Tang.@#$.

Buti na lang dumating si T. Hindi ko pala
dinadayal ang area code kasi. Saka puwede
ko ring gamitin yong speed dialer. Malay ko
ba. Hindi ba nila alam ang salitang orientation?

Masyadong busy ang mga tao. Siyempre dahil
nandoon si Bossing. Hindi kami nagtanghalian.
Di kagaya sa Pinas na inaabangan na lang ay
ang alas dose. Pumasok ako
sa isang kuwarto kung saan may iniinterview
para sa warehouse. Latino siya. Hindi
siya marunong ng English. Tinanong ko yong
nag-iinterview kung paano sila nagkakaunawaan.
Sabi niya muwestra lang. Parang mime artist.
Hiningan siya ng photo id. Inilabas niya
ang isang driver’s license.

Pinakita sa akin nang nag-iinterview.Sabi niya,
yon ang nabibili sa tabi-tabi
sa halagang $ 50, depende kung saan binili.
Pag sa middlemen,umaabot ito
ng $150. Oo,Birhinya, maraming peke dito.
Kung sisipatin mo ay parang genuine.
Pag sinuswerte ka, buy one take 2, may
kasamang SSS Id. Siyempre peke ano.
At pag ikaw ay pinagtiwalaan nila, kahit
green card makakabili ka.


Kaya ang ginawa ng DMV,lately ay lagyan
ng isa pang retrato
ang license. Isangmalakiatisangmaliit.
Akala ko noong una, retrato ng anak yon.
hahaha. Ang green card ay
nilagyan ng magnetic field na pag swipe
sa machine ay makikita ang kuwento ng buhay mo.

Ang peke ay hindi. Pero marami pa ring bumibili
nito dahil hindi naman lahat ng
employers ay may kapabilidad magverify.
Isa pa kung temporary lang naman ang
trabaho at kailangan lang nilang may
taong gagawa. Who cares?

Itutuloy

Pinaysaamerika

Sunday, September 05, 2004

Ha-HARRAH-HARRAH ka kasi

Dear insansapinas,

Unang Sabado ko ay dinala nila ako sa Lake Tahoe. Buong pamilya ang pumunta roon. Hindi dahil sa eentertain ako kung hindi dahil nakagawian na nila yon.

Maaga kami umalis. Long drive kasi. Alas seis pa lang ay lumarga na kami. Chineck ko yong relos
ko sa relos sa sala. Huminto kami sa Denny’s. para mag-almusal. Tanong noong food server, “awd youllikeuragg ?” pagkatapos kong ituro doon sa menu yong gusto
kong breakfast.

Turo-turo rin pala dito. Hindi nga lang mismo yong pagkain, kung hindi yong drawing
sa kanilang menu.Inulit noong babaeng Puti yong tanong niya. Manganganing sagutin ko nang I like it thank you very much. Pero kahit like lang ang naintindihan ko doon sa sinabi niya, sabi ko ay scrambled. Napag-isip-isip ko ang problema ay dahil hindi tayo nakakaintindi
ng English kaya tayo takot makipag-usap sa mga Puti. Ang problema ay hindi sila marunong mag-English. hehehe. Kinakain nila ang ibang letra.

Tayo ring Pinoy ay guilty rin sa ganoong klaseng pagsasalita.Yong inaalis natin ang mga
importanteng titik o salita na nagbibigay ng ibang kahulugan sa ibig nating sabihin.

Kagaya nang pagtatanong sa tindera ng : Ale
may itlog kayo? sa halip na ale may tinda kayong itlog?
Kung suplada yong ale, masasapok kayo.

Kagaya rin nang Ale,magkano ang lima,imbes

na magkano ho ang limang (bagay).
Susparyones, eh di lima.

Balik tayo sa almusal.

Habang hinihintay ko ang order ay napasulyap ako sa relos. Alas otso na. Hindi pa naman
katagalan yong biyahe namin. Hindi pa ako nakatulog. Tiningnan ko ang relos ko, ‘las siyete.

Sa isip-isip ko,bakit nila pinabayaan ang relos nilang mali. Sa opisina, yang wall clock ang hindi mawawala. Lahat nakabantay. Sabi ng bossing ko noon.

Balik-kotse kami. Anim kaming lahat. Hindi kami naka Van. Kotseng Victoria yong aming gamit.
American car. Ayaw ng asawang Puti ni Boss ang Asian car. Maliit daw. Para siyang si Maricel Soriano ayaw daw niya nang masikip. Siya ang nagdadarive. Maiistroke daw siya pag yong bossing kong babae ang magdadrive. Ganon yong kung makaalaska, walang ngiti. Hindi pinapansin ni bossing.

Yong dalawang batang maliliit ay katabi niya sa harap. Ang bossing kong babae, ang anak niyang
dalagita sa boyfriend niya sa Pinas at ako ay nasa likod. Ayaw din niyang kasama niya si bossing sa harap, back seat driver daw.

Hindi rin ako sanay sa likod umupo, kaya natulog na lang ako. Pero nasulyapan ko yong
wrist watch ni bossing at ng kaniyang anak. Kapareho noong nasa Denny’s.

Mali ba ang relos ko ? Nawalan ako ng isang oras ? Di naman kami nageeroplano na magbabago ang oras dahil sa time zoning.

Malapit na kami sa Tahoe ng ipakita sa akin ni bossing ang bundok na may mga puti pa sa itaas.
Snowcapped. Hindi pa tunaw ang yelo.
Maya-maya ay pumatak ang yelo. Nagsigawan ang mga bata. Pers time nilang makakita ng snowfall. Kaunti lang. Lumabo lang ang salamin ng kotse. Noong nasa Pinas ako, akala ko lahat ng Puti, nakakita na ng snow. Hindi pa pala. Buti pa ako, nakakita na sa Pinas. Sa isang mall.

Sa Harrah’s kami nagcheck-in. Nawala na ang yong Puting asawa. Sabi niya nasa card table
na raw yon.

Yong mga bata ay isinama noong tinedyer na anak doon sa lugar ng mga bata. Ako ay isinama ni bossing sa maraming slot machines. Nagpapalit siya ng barya. Mga dollar coins sa kaniya. Sa akin
ay quarters. Barya lang. Twenty dollars ang ibinigay niya sa akin. ? Kumuha siya ng plastic na lalagyan ng coins. May tatak Harrah’s. Makauwi nga ng isa.
Magandang souvenir. TABO na may tatak
Harrah’s. HAHAHAHA.

Tinago ko yong sampung dolyares na coins sa aking pouch pocket. Bigat. Pers time kong maglaro
ng slot machine. Nakaka-obsessed pala talaga, dahil gusto mong makajackpot. Sa akin naman, kahit kunting barya lang na bumagsak ay tuwa na ako. Ganiyan kababaw ang aking kaligayahan.

Pagkatapos kong maubos ang sampung dolyares at iba ko pang pinanalunan, lumabas ako sa casino
at pumunta sa mga souvenir shops. Kamamahal naman. Keychains lang ang mga nabili ko saka
playing cards para makapagsolitaryo ako.

Parehong malaki ang natalo kay bossing at sa hubby niya, pero tuloy pa rin ang sugal nila sa pamamagitan ng pagtaya sa combination ng numbers na binobola habang nasa kainan kami.

Tumuloy na ako sa room naming malaki. May extra bed na kinuha para akin at sa tinedyer na
anak.Yong malaking bed ay para sa kanilang pamilya pero yong dalawang batang lalaki lang ang natulog magdamag.

Tsssk tssk, naalala ko tuloy yong kaibigan kong umuwi sa Pinas. Pinauwi ng nanay niya.
Kasi raw nalulong siya sa casino at kung minsan ay wala na siyang perang pamasahe pauwi.

Kinabukasan ay umattend kami ng church service sa hotel. Hindi siya Catholic pero, pinagtiyagaan ko na rin. Palagay ko alam ko kung anong pinagdadasal ng mga nandoon.

Nanood kami ng show. Galing. Yon lang siguro ang nagustuhan ko.
Check out na kami before lunch.

Nakita ko may tuwalyang may tatak na nasa overnight bag ko.Nilagay ni bossing. Souvenir
ko raw. Naku, dami nang gumamit noon noh.

Habang hinihintay namin yong kotse, humirit pa yong aking bossing sa isang slot
machine na quarter.

Huli pa rin ng one hour yon aking relo. DST raw kasi.

Pinaysaamerika

Saturday, August 21, 2004

Uwian na

Dear insansapinas,

Uwian na. Lakad na naman kami papunta sa parking garage. Dumaan kami sa Tiffany.
Pumasok din kami sa Neiman Marcus. Mamahal naman. Nagsimulang maging calculator
Ang aking utak. Ganoon ang bagong salta. Convert kaagad sa pesoses. Saka bigla kang
Mapapasigaw (sa sarili lang) Susmaryakapra. Parang bumili na ako ng isang second hand na kotse at isinabit ko sa aking leeg. Pero feeling social ka.

Saklap ng buhay. Umuwi na pala yong asawa ni Bossing. Iniwanan kami. Tagal daw kasi
namin. Sumkay na lang daw kami sa Bart at susunduin kami sa istasyong malapit sa bahay.

Balik kami sa Market at bumaba kami sa Bart Station na nasa underground.
Kumuha ng dalaang ticket si Bossing at ibinigay sa akin ang isa.
Tamang-tama dumating ang tren. Pumasok kami. Puno.Nakatayo kaming
pareho. Di ka puwedeng magparinig ng “chivalry is dead “ dito dahil hindi ka sigurado
kong yong nakaupong lalaki ay KNIGHT or QUEEN. Ahahayy.

Yong mga upuan namang malapit sa pintuan ay sa mga senior citizens o kaya ay
sa mga disabled. Disability kaya ang maging pandak ?

Hindi ko maabot ang estribong hawakan ng mga pasaherong nakatayo. Puwede akong tumalon at maabot yon pero magmumukha naman akong tsonggo sa baging kung
hahawak ako at hindi nakalapat ang aking paa sa lapag ng tren. May mag-abot pa sa akin
ng saging. Hurmph.

Binalanse ko na lang ang sarili sa pagkakatayo habang nakahawak sa upuan. Pag
huminto ang tren at hindi ako nakapagbalanse, malamang na sumalpok ako sa kilikili
ng malaking Puting lalaki sa aking kanan.

Mga ilang istasyon lang ay maluwag na ang tren. Nakipag-unahan sa akin yong Itim
na babae para makaupo sa may bintana. Beh, nauna ako. Lumaki ka ba namang sumasaky
ng bus at nakikipag-unahan sa may bintana wala siyang panalo.

Tumabi siya sa Latina na abalang nagpapaganda. Sa bawa’t pagtaas niya ng kilay upang ipahid ang eye-make-up, napapasunod din nang pagtaas ang kilay ko. Iniwasan ko tuloy
tingnan siya habang nag-aapply ng lipstick. Baka bumuka din ang labi ko.

Ang itim na babae naman ay may buhok na maliit ang tirintas. Iniisip ko kung ilang araw rin yong tinirintas dahil sa pino. Para bang maraming maliit na mga tao ang kumunyapit
sa kaniyang buhok para ito ay itirintas.

Dalawang intsik na babae ang nag-uusap eheste nagsisigawan pala sa lakas ng kanilang
boses. Naghahanap ako ng volume control doon sa loob ng tren.

Mangilan-ngilan ang mga babeng Pilipina. Alam mo silang Pinay kahit hindi mo
nakikita ang mukha at mga bag lang nila ang iyong titingnan. Sila ang merong dalang
hand bag at may shopping bag na may tatak ng Macy’s, Neiman at iba pang sikat na store. Habang ang baunan nila ay nakasilid ng isang maliit na bag ng Calvin Klein o, Victoria’s Secret ang mga Puti ay di nahiyang isilid ang baunan nila sa plastic bag
na may nakasulat ng Thank You for Shopping.

Mayamaya ay may nang-alingasaw Ang baho. Parang isang dekadang basurang hindi
kinolekta.

Isang mamang Itim ang lumipat mula sa isang bagon ng tren. Namudmod ito ng
paang tarheta na nagsasaad na siya ay Deaf at kailangang niya ng tulong. Ang hanep, namamalimos pala. Yong amoy niya ay isang stratehiya upang mapilitan kang magbigay
para lang siya ay umalis kaagad.

OO Birhinya, kahit saan may manggagantso.

Pinaysaamerika

Tuesday, August 17, 2004

Turon, Balut, Squash seeds sa SF

Dear insansapinas,

Nang dumating si Bossing, tahimik na naman ang opit. Kala mo hindi sila makabasag
pinggan. Talaga naman kasi walang namang kubyertos na babasagin. Ang ginagamit dito sa opit ay mga styro plate, styro cup at plastic spoons and sporks.

Inutusan niya akong kunin ang aming plane tickets sa Consulate office building kung nasaan naroon ang maraming travel agencies na ari ng mga Pinoy. Pwede raw niyang
ipadeliver pero mabuti yong matuto akong lumabas. Walking distance lang naman daw.
Kinabahan ako kasi ang alam kong walking distance dito ay yong walang dumaraang
public bus at bloke bloke ang layo.

Sabi niya malapit lang. Makikita ko yong building na may flag ng Pilipinas.
Fourth Floor. Okedoke. Yan ang unang expression na natutunan ko sa Estet.

Pumasok ako sa building at tamang tamang bumukas ang elevator. Tatlong Pilipina
ang kasakay ko. Hindi sila puwedeng ipagkailang Pilipina. Sa ilong, sa taas, sa buhok, sila ay Pinay. Pati salita. Tagalog eh. Samantalang tatlo sa apat ay hindi ako mapagkakamalang Pilipina. Apat kami sa elevator. Silang tatlo, akala nila ako ay Latina.

Babae 1: Sabi ko sainyo, itim ang asawa ni Tess kaya hindi niya dinadala sa opisina natin.

Babae 2: Balita ko papel lang ang habol niya kaya pati Nognog, pinatulan.

Babae 3: Ssssss.Baka mainitidihan tayo, saka inginuso ako sa mga kasamahan. (Pilipinang Pilipina talaga. Ganoon nag mga Noy-pi di ba, pag tinanong mo kung saan, ingunguso saiyong doon).

Babae 2: Mukhang di Pilipina. Tingnan mo walang walang expression ang mukha, ibig
sabihin, wala siyang naiintindihan.

(Kung alam lang niya na minaster ko na ang ganoong expression dahil sa madalas
nakakatawa yong dati kong boss, ayaw kong mahalata niyang natatawa ako.Yon ang sinasabi kong frozen look).


Huminto ang elevator sa fourth floor. Lumabas ang tatlo. Lumabas din ako. Pumasok sila sa isang opisina. Pumasok din ako sa opisina. Tumuloy sa may water cooler yong tatlo at sabay sabay na uminom ng tubig.

Nakita ko ang pangalang Tess sa mesa ng nag-iisang babaeng dinatnan namin sa
opisina. Lumapit ako sa kaniya.

Tess: Ow, kukunin mo ang mga tickets.
Parang narinig kong lumakas ang glug glug glug noong mga umiinom ng tubig.

Ako: Oo, nandiyan na ba.

Tess: Sandali lang ha. Ipapaprint ko kay Amy yong ticket. Kararating lang niya eh.

Ahaaa Babae number 2.
Parang may bagong look akong magagaya. Yong Natakot-na –baka-isumbong-look.
Tumingin ako sa itaas ng kisame noong siya ay lumapit at pagkatapos ay sa may pinto.
May babaeng nakasilip. Para siyang si Madam Auring. Retokado ang mukha. Sabi niya sandali lang. Sa isip ko, ako ba ang kinakausap nito?

Nawala siya sa may pinto at pagkatapos ay pumasok na may dalang malaking bag.

Babaeng retokado ang mukha: Tess, anong gusto mo ?
Tess: Anong meron ka ngayon?
Babaeng retokado ang mukha: Meron akong turon, balut, lumpia, siopao, saka squash seeds.

Ano pala siya ambulant vendor. Class naman itong vendor na ito, nakaCK na pabango,
DNKY na bandana at Hilfiger na outfit na red and black.

Uhhm,”ikaw” baling sa akin ng babaeng-retokado-ang- mukha.
“ Lalaki, meron kayo? sagot ko.

Babaeng-retokado-ang-mukha: “ Ikaw naman kung mayroon ako di ko ipagbibili, akin na lang “.

Tess: Paano naman si ang Caloy, yong guardia sa ibaba ?

Babaeng-retokado-ang mukha: Hoy Tess,kahit nag-iisang lalaki na lang siya mundo, hindi ko siya papatulan. (Sa isip ko TARAY).
Hindi mo ba alam na nagsasama pa rin sila noong pinakasalan niyang matanda dahil wala raw makapartner yong babae sa mga ballroom dancing sa senior citizen center.
Sabi niya sayang din daw ang free rent.

Tapos na ang ticket. Umalis na ako at nagpaalam.

Sa baba ay binati ako ng guwardiya.

Security: “Hi, I am Charlie.”
Ako:” Hi.” (Caloy. Sa isip ko lang ito anoh).

Naalala ko ang kuwento ng babaeng-retokado-ang-mukha. Napangiti ako.

Security: “You got nice smile.”

Sa isip ko lang kung alam mo lang bakit ako nakangiti. Gawin na natin yong 4 sa lima ay di ako mapagmakamalang Pilipina.

Pakiramdam ko nakatapos ako ng isang chapter sa Life 101 pagkatapos ng dalaw sa building na iyon.

Pinaysaamerika