Thursday, November 18, 2004

Si Pinay sa Bagong Opisina

Dear insansapinas,

Nagsimula ako sa kumpanya nina P nang sumunod
na Linggo.Sa HRD ako inilagay . Ako ang
nagbibigay ng exam at nag-iinterview sa
Mga aplikante. Hindi na ako tagabilang
ng monggo. Tagatanggap ako ng
Magdadala ng monggo. Yan ang sinasabing
“caryer change”. May kasabihan
nga pag maiksi ang kumot, kumuha ng kapalit.
Ahek.

Enjoy naman ako sa trabaho ko kahit pansamantala
lang habang ako ay naghahanap
Ng tarbahong natatama sa aking kuwalipikasyon.

Walang bakante sa finance. Ang payroll naman
ay hawak ng masungit na kapatid ni P.

Ang mga managers ay mga Puti. Ang may-ari
ay Puti at Pilipino.
Ako ay kayumanggi.

Isa siyang aplikante. Babaeng batang batang
Pinay. Hindi siya mataba, pero malaki
Ang tiyan niya. Nag-aaply siya sa marketing
namin.

Kinis ng kutis niya at ang singsing niya
ay talo ng kaparinggot na carat ang
suot ko. Tsee.

Disinuweybe siya. Anim na buwan palang siya
sa Estet. Kunting tulog, buntong-hininga at
almusal ang lamang niya sa akin. Sa eklusib
iskul siya sa Pinas. Halatado mo ang
kaniyang accent.

Sabi niya, buntis siya. Sabi ko kita ko
nga eh. Hindi naman mukhang nakalunok siya ng
pakwan. Ang ama raw ay boyfriend niya sa
Pinas na matapos nilang mag-live-in ay
sumama sa kaniyang mader nang malamang
buntis siya. Taksil. Traidor. Duwag.
Mama's boy Pinadala siya ng kaniyang
Magulang ditto sa Estet. Total naman
ay berde siya ay pabalik-balik na rito
bago pa siya ay huminto ng pag-aaral
para maki-live in sa boyfriend.

Suwerte ko talaga sa mga Maalala-mo-kaya-
tipong-mga tao. Siguro kung titipunin ko lang
ang mga luhang nakita ko sa mga Pinoy na
nakilala ko, ay makakapagtayo na akong
negosyong bottled water.

Sa rekomendasyon ko ay inilagay sa marketing
pansamantala kahit siya ay nagdadalantao.
Bawal ang diskriminasyon dito.Buntis ka man,
hindi na magbubuntis,nagbubuntis-buntisan at
matabang parang buntis ay tinatanggap kung
may magandang kuwalipikasyon.

Tuwang-tuwa siya. Hinintay niya ako pag-uwi
at niyayang kumain sa labas. Mabait daw ako.
Ahem. Binuksan niya ang pinto ng isang Mercedes
Benz. Hanep.Mayaman ka pala, bakit naghanap
ka ng trabaho. “Huwag kang maingay, sa mommy ko
Yan.” Malapit ko nang isoli”. Sagot niya.

“Bakit,”tanong ko ulit habang pumapasok ako
sa loob ng kotse.“Saka mo na malalaman.” Sabi
niya habang pinaandar niya ang kotse.Suspens.
hmmm

“Okay,”ani ko. Sakaling magbago ang isip mo
puwede mong isoli sa akin.Tatanggapin ko ng
buong puso na may kapalit na NO RETURN NO
EXCHANGE.

Naniniwala ako ako sa kasabihang ang tumatanggi
sa grasya, ay walang grasya.
Ahahay…

Pinaysaamerika

2 comments:

  1. akala ko ang kasabihang,'Pag maigsi ang kumot, lalabas ang paa'! tama ba yon. sigurado ka bang ang bato sa kamay ay hindi chandelier o kaya batubalani o kaya zharowski crystal? ano ba ang suspense ng storya ng pagsauli ng chedeng. baka ibabalik sa kasa na pinagtatrabahuhan ng ermat niya ang ibig sabihin niya. may chedeng din ako, pero lease for 12 mos. ibabalik ko na sa end of this year.ano ba ang kuwalipikasyon mo? baka makatulong ako, no strings attach---may showa na ako at dalawang dagul na boys, 24 and 20 yrs old. alam mo ang bahay ko sa blog, umesay ka sa akin, baka makatulong ako!

    ReplyDelete
  2. Anonymous11:36 AM

    This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete