Dear insansapinas,
Inabot sa akin ni T ang telepono. Isa kong kakilala sa Pilipinas na naunang pumunta
rito sa Estet.
Tinawagan ko siyang minsan pag-aakalang ganon lang kalapit ang lugar niya sa LA.
Gusto ko kasing magkita kami at magkumustahan. Pero pinagkaila siya ng kaniyang anak
na wala doon.
OO Birhinya, siya ay may-asawa at may anak. Sa totoo lang, nasaktan ako sa pagkakailang yaon dahil katatawag lang niya.
Balik-gunita.
Kaibigan siya ng aking kaibigan. May ginawa siyang business plan na gusto niyang ipakita sa akin. Isang proyektong pagtayo ng kindergarten school.
Marami pang tatapyasin at idadagdag. Depressed siya ng mga panahong yon. Hindi na
siya sinusulatan ng kaniyang asawang nars na nasa Saudi. Naiwan sa kaniyang pangangalaga ang kanilang mga anak.Balak niyang magresign sa trabaho dahil sa kasong
Dinala ng kaniyang tauhan.
Maawain ang aking puso. Tinulungan ko siya. Pag resign niya ay inerokemenda ko siya
Sa aking kaibigan. Naitayo niya ang kindergarten school.Nakilala ako ng kaniyang mga anak. Bumalik ang kaniyang asawa sa Pilipinas nang ang kanilang aplikasyon sa immigrant visa ay naprubahan.Muling nabuo ang pamilya niya. Natuwa ako.
Hanggang dito sa Estet ay sumusulat pa siya. Ang hirap daw maghanap ng trabaho pag bago pa lang, samantalang ang asawa niyang nars ay malaki na ang suweldo.
Balik LA
Nagkita kami sa isang restawran. Malungkot siya, habang napakadaldal ko. Hinihintay
Kong imbitahin niya ako sa bahay nila para naman makita ko ulit ang mga bata.
Lalong lumungkot ang kaniyang mukha. Nagkaroon daw ng gulo sa bahay nang tumawag ako. Sinumbatan daw siya ng kaniyang asawa na baka raw siya ang dahilan nang pagpunta ko sa Estet. Baka raw pera pa niya ang ginamit ko pagpunta rito.
Mahilig siguro sa pelikula ang kaniyang asawa. Kaya may mga kuwento siyang nahahabi.
Gusto kong maluha pero walang malapit na kamera. Ayaw ko naming bumunghalit ng iyak kahit mabigat ang loob ko dahil baka matalo ko si Sharon sa Crying Ladies.
Ipinagtanggol daw niya ako dahil alam niyang hindi totoo ang ibinibintang ng kaniyang asawa. Kung mayroon babaeng dapat siyang igalang ay ako dahil sa tulong na ginawa ko
Sa kanilang pamilya.
Sabi ko selos lang yon. Ang mga nagseselos na babae ay nawawala sa tamang pag-iisip.
(Ang gusto kong sabihin. Insecure lang siya kaya siya nagseselos).
Nagpasalamat ako sa kaniyang pakikipagkita sa akin. Habang nasa bathroom siya ay
Kinuha ko ang aking directory. Nilagyan ko ng note.DNC. (Do not call).
Bumalik ako sa opit.Ang pakiramdam ko ay galit ako sa mundo. Tapos kang tumulong, masama pa pala ang inisip saiyo.Pag may nagkamaling sumagi ng kahit isang hibla ng buhok ko ay makakatikim sa akin. Sabi noong nakasakay ko sa elevator, gusto raw niya ang suot kong
Damit. (Sa isip ko lang: Anong gusto mo,hubarin ko).
Sa opit ay tinanong ako ni T kung how was my date ? Okay lang, pinakain ako.
(Sa isip ko lang…bwhuhuhu).
Pinaysaamerika
Talagang ganyan cathy hindi mo talaga arok ang kalooban at pagkatao ng mga tinutulungan. At sa kasamaang palad minsan nababale wala ang nai-abot na tulong. Pero huwag ka sanang magsasawa sa pagtulong sa mga nanganga ilangan. Pautang ha? NyeHehehe! Joke lang CaT. Oi, congrats for your Choice Cuts being the blog of the week! Peborit ko iyon dagadagan mo naman ng ibang pang kababalaghang kwento.
ReplyDeleteI left a comment here last night, naglahong parang bula ...
ReplyDeletekulang lang yun ng "upper cut"
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeletenaku celia,kaya minsan lang nagcoccomment dahil nga sa tinamaan ng lintek na comment box ko.
ReplyDeletePrem-
kaliwete ako,siguro left hook. hehehe